CHAPTER 37
Maui's POV
I've been staying at the hospital for almost a week now. The day I woke up inside the hospital, kinagabihan no'n, I suffered from trangkaso. My head aches hindi lang dahil sa trangkaso kundi pati na rin sa epekto nung pagkakauntog ng ulo ko sa semento.
It hurts like hell plus I can't move my arms freely dahil naka-cast yung left arm ko. I felt so weak. Daig ko pa yung taong bedridden.
"Maui, kumain ka muna. Kagabi ka pang hindi kumakain e." Xianny said while holding a bowl of food.
"Ayoko. Wala pa akong gana." Sabi ko na halos wala ng marinig sa boses ko.
I heard her sigh.
"Pagbalat kita ng apple?" I shook my head as an answer.
"Biscuits?" I shook my head again.
"Anong gusto mong kainin? Just let us know. Nangangayayat ka na kasi. Ilang araw ka ng hindi kumakain." Maxi said worriedly.
I didn't utter any word. Wala kasi akong ganang kumain. Even if I want to, wala talaga akong gana. I even forced myself to eat pero sa tuwing kumakain ako, naisusuka ko lang ang mga iyon. Tapos palaging mainit ang mata ko. Minsan pa, pati hininga ko. Ang hirap lang. Nataon pa kasing nagkatrangkaso ako.
"Si Ryner?" I asked them. Bigla silang umiwas ng tingin sa akin. Sikreto akong napabuntong hininga as I felt the pain inside my chest. It was always the scenario. Tatanungin ko kung pumunta na ba rito si Ryner pero lagi na lang nilang iniiwas ang tingin nila sa akin.
I know, he never visited me here since that day pero lagi ko pa rin siyang tinatanong kina Maxi at Xianny dahil nagbabakasakali ako—nagbabakasakali na sana kahit ngayon man lang, ako naman ang puntahan niya.
Sa tuwing naiisip ko yung araw na iniwan niya ako para puntahan si Jecca, I always end up crying. Hindi ko kasi mapigilan e.
Naiintindihan ko naman siya. Lahat naman ng ginagawa niya ay kaya kong intindihin pero kahit man lang sana dalawin niya ako, kahit silipin niya ako o kahit magpakita man lang siya sa akin, okay na ako ro'n.
Hindi ko naman hinahangad na bantayan niya ako, na siya yung mag-alaga sa akin, na siya yung umalalay sa akin, pero sana kahit ipakita niya man lang sa akin na nag-aalala siya.
Kahit sa text lang o tawag, o kahit man lang sana ipakumusta niya ako sa ibang tao, at least doon, alam kong may pakialam siya sa akin.
Ang sakit lang kasi sa dibdib. Girlfriend niya ako 'di ba? Mahirap ba para sa kanyang bigyan ako kahit limang minuto man lang? Mahirap bang kahit ngayon lang, ako naman muna ang isipin niya? Mahirap bang ako naman muna ang intindihin niya?
Inunahan ko na ang mga luhang pilit kumawala sa mga mata ko. Napahilamos ako sa mukha upang pigilin ang pag-agos ng luha ko. I closed my eyes to stop myself.
The pain is too much. I'm close enough to tear up, pero titiisin ko hanggang kaya ko pa. Hanggang kaya ko pa.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni AJ nung pagkaupo niya sa gilid ng hospital bed na kainahihigaan ko.
Naiiyak na naman ako. Kung sino pa yung taong kailangan na kailangan ko ang siyang wala rito samantalang yung taong hindi ko inaasahan, sila pa yung nandito.
"Gusto ko ng umuwi." I told them.
"Maui, hindi pa kasi pwede." Nag-aalalang sabi sa akin ni AJ.
I pressed my lips into thin line. "Please? Ayoko na rito." Mangiyak-ngiyak kong sabi. I heard them heaving a deep sigh.
"Okay. I'll try to convince your nurse."
Kinabukasan, pinayagan ako ng nurse ko na pwede na akong lumabas. She just gave me some meds na kakailanganin ko and some stuffs to be reminded, like those do's and dont's.
Sila Maxi at Xianny na yung nag-ayos at nagbitbit ng mga gamit ko.
Inalalayan ako ni AJ palabas ng hospital hanggang sa makarating kami sa parking lot because I am still weak but I feel okay now, a bit. Hindi na sumama sila Maxi at Xianny dahil kailangan pa nilang umattend sa mga subject namin.
They even insisted na ihatid ako pero hindi ko sila pinayagan. Ilang araw na rin kasi silang absent dahil sa'kin. Ayoko namang madagdagan pa yung absent nila. Sabi ko nga kay AJ h'wag niya na akong samahan pero nagpumilit siya. He knew that I am still weak, that I need someone who will accompany me.
Ang laki na ng utang ko sa kanila. Nadadamay pa tuloy sila dahil sa mga nangyayari sa akin. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko kung wala sila.
"Umiiyak ka na naman." Puna sa akin ni AJ at siya na yung nagpunas sa luha ko gamit ang thumb niya.
"Thank you AJ. Sobrang laki na ng utang ko sa inyo. I'm sorry kung pati kayo—" Agad na pinutol ni AJ ang sasabihin ko.
"Don't say sorry. I love what I am doing and I will keep doing that just to make sure you're okay. I can't stand seeing you hurt Maui." He firmly said while looking directly on my eyes.
I smiled at him.
"Fix yourself. Nandito na tayo." I looked outside. Nandito na pala kami sa harap ng condo ni Ryner. "Magpagaling ka, okay? Just call me if you need anything. You know, I am minutes away. Just call my name and I'll be there." He even winked at me kaya kahit papaano'y napangiti ako.
Tinulungan niya akong makalabas sa kotse. Kinuha niya na rin yung bag ko. Pinipilit pa nga niyang ihatid ako sa loob pero sabi ko ako na lang. Masyado ko na silang napeperwisyo.
"Thank you AJ."
"Don't mention it. Sige na, pumasok ka na, baka malamigan ka pa rito." He removed his jacket and he covered it on my shoulders. I nodded my head. He kissed me on my forehead before he went inside his car. I waved my hand to him bago niya tuluyang pinaandar ang kotse palayo sa akin.
Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang dumiretso sa condo. I admit, namiss ko 'tong condo. I went inside kaso lang masyadong tahimik sa loob. I was about to close the door but to my surprise, Ryner was there, leaning on the wall while looking on the other direction.
"Ryner..." I almost whispered while calling out his name. It's been a week pero ngayon ko lang ulit siya nakita.
Parang may nagbago sa kanya. Pumayat siya ng konti. His eyes were dull. His hair was all messed. Nag-aalala ako sa kanya. Ano bang pinaggagagawa niya sa sarili niya?
"How are you?" I wanted to cry. That was one of the questions I've been longing to hear from him. I thought he doesn't care but hearing that question coming from him, I know he does.
I composed myself first before looking at him.
"I'm okay." I smiled.
"Of course you were. Ang saya mo ngang tignan e. I know you were okay dahil kasama mo naman si Axel." Parang natigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
"That's not true." Halos hindi ko masabi ang mga salitang iyon.
"Don't cover him up Mauricy." His words are like daggers to me. I am expecting him to get worried about me pero ano 'tong nangyayari sa kanya? Ano 'tong mga sinasabi niya?
My heart skip a beat.
"R-ryner, naririnig mo ba ang sarili mo? N-naiintindihan mo ba kung ano yang mga p-pinagsasabi mo?" My voice cracked. I looked at him questionably. I don't care kung umiiyak na naman ako.
"What? Totoo naman diba? Para ngang walang nangyari sa'yo e. Of course, because Axel was there for you! And I don't even know kung anong mga ginawa niyo sa loob ng isang linggo dahilan ng hindi mo pag-uwi rito. Have you slept at his house? Beside him? Ano pa bang mga ginawa niyo ng hindi ko nalalaman—" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sampalin siya.
I gritted my teeth.
"How could you say such words like that Ryner? Parang hindi na kita kilala!" I said angrily while crying.
Why is he like this? Kung tutuusin nga, dapat magpasalamat pa siya dahil nand'yan lagi si AJ sa tabi ko nung mga panahong wala siya tapos gano'n yung iisipin niya sa amin? Paano niya nagagawang pagdudahan ang trato sa akin ni AJ?
"You wanna hear me out? Fine! Buong linggo kong kasama si AJ! You wanna know why? Dahil siya yung nagbantay sa akin sa loob ng halos isang linggong nakaratay ako sa hospital. He was there for me. Siya yung nag-alaga sa akin simula nung mahospital ako dahil tumama ang ulo ko sa semento. I even got fractured. Nagkatrangkaso rin ako. Tapos nakita mo lang kaming magkasama, kami pa yung masama sa paningin mo!" I sobbed while saying all of those.
"Ryner, hindi na talaga kita kilala. Buti pa nga yung tao nagawang magmalasakit sa akin tapos gano'n pa yung iisipin mo sa'ming dalawa? Buti pa si AJ, nag-aalala sa akin. E ikaw? Ni minsan ba kinumusta mo ako? Ni hindi mo nga yata alam na umuwi na ako noon after ng contest e. Kahit paramdam man lang Ryner, hindi mo ginawa. Gano'n ba kahirap para sa'yo ang kumustahin ako?" Hindi ko maiwasang ilabas ang mga hinanakit ko sa kanya.
"Because I'm busy." I secretly gritted my teeth. Damn that excuses!
"Busy worrying Jecca." Straight forward kong sabi.
"You knew why." Mahina niyang sabi. Pagak akong tumawa.
"Oo pala. Dahil may cancer siya. It was Jecca. Jecca here, Jecca there. It was always her." Napalunok ako ng maramdaman ko ang kirot sa dibdib ko. "Lagi na lang ba siya?" My eyes were filled with tears again.
I saw him brushed his hair because of frustration. "Fuck Mauricy! Don't be so selfish!" Mas lalong naging tuluy-tuloy ang agos ng luha ko. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.
Ni sa hinagap ko na aabot kami sa ganito.
"Jecca needs me Mauricy."
"Kailangan din naman kita Ryner ah!" I blurted.
"I know that pero intindihin mo naman ang sitwasyon." May diin na sabi niya.
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata.
"Ako na lang ba lagi yung iintindi? Ako na lang ba lagi? Kailan niyo naman ako iintindihin?" Pinilit kong punasan muli ang mga luha ko. "Ryner, naiintindihan kita. Naiintindihan ko naman lahat, pero Ryner sobra na! Ilang beses mo pa ba akong sasaktan ha?" Nakita kong inihilamos niya ang kamay niya sa kanyang mukha.
"Pinipilit kong intindihin ang lahat pero h'wag naman sana ganito. Sana kahit minsan, ipakita mo namang may halaga pa rin ako sa'yo. Ang sakit-sakit na kasi." I looked at his eyes. "Ryner, alam mo bang sobrang sakit na mas inuna mo pa si Jecca na nafaint kaysa sa akin na nahulog sa hagdan at tumama ang ulo sa semento? Pero inintindi ko dahil alam kong may sakit siya at nag-aalala ako na baka kung mapano siya at ayokong may mangyaring masama sa kanya."
"Mauricy..."
"Kahit nahihirapan na ako, iniintindi pa rin kita alang-alang kay Jecca." May kung anong gumuhit sa dibdib ko.
"Ryner, ni minsan ba tinanong mo ako kung kumusta na ako? Kung okay lang ba ako? 'Di ba hindi? Pero inintindi ulit kita dahil alam kong kailangan ka ni Jecca..." Halos pumiyok na ang boses ko.
"Pero Ryner, ang sakit e! Siya na lang palagi! Kahit saglit lang, tignan mo naman ako! Hinayaan kita nung si Jecca ang inuna mo, pero Ryner, ano lang ba ang limang minuto para bisitahin ako sa hospital? Kahit isang minuto lang, o kahit sinilip mo man lang sana ako. Gusto ko lang namang ipakita mo sa akin na kahit katiting man lang, may halaga pa rin ako sa'yo." Napahagulgol na ako ng iyak sa harapan niya.
"Mauricy, I'm s-sorry..." Lumapit siya sa akin pero umatras ako sa kanya.
"Ako yung girlfriend mo pero bakit kailangang ako yung mamalimos ng oras mo?" Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko kasabay ng patuloy na paninikip ng dibdib ko. This is too much!
Malabo na ang paningin ko dahil alam kong punong-puno na ng luha ang mukha ko pero pinilit kong tignan siya ng diretso.
"Sabi ko sa'yo susubukan kitang intindihin sa lahat ng bagay pero pasensya na Ryner, hindi kita kayang intindihin sa ngayon." Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. Then I burst into tears. Never did I imagine na aabot kami sa ganito.
What happened to us now Ryner?
Lakad-takbo ang ginawa ko at kasabay no'n ay ang walang tigil na pagluha ko.
Akala ko kaya kong intindihin lahat pero hindi pala. Akala ko kaya kong tiisin lahat pero hindi ko pala kaya. Akala ko okay lang yung mga ginawa ko pero masakit din pala. Akala ko hindi ako masasaktan sa mga ginawa kong pag-intindi sa kanila pero sobra-sobra pala.
Patuloy lang ako sa paghagulgol dahil sobrang sakit. Sobra-sobra. Hindi ko na kaya pang tiisin ang lahat.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang patuloy na umiiyak. Next thing I knew, I was wrapped around on someone's arms, so tight.
I cried even more.
Why do I have to suffer like this? Hindi pa ba sapat ang pagtitiis ko? Hindi pa ba sapat ang lahat ng pag-iintindi ko? Bakit kailangan ko pang masaktan ng ganito?
"Just cry it all out. Just let out all the pain. I'm here Maui. You don't have to feel the pain alone." He keeps on caressing my hair. "Fuck!" Mahina niyang saad. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi na muna kita hinayaang umuwi." Mahina niyang banggit habang patuloy akong inaalo.
"AJ, ang s-sakit..." Putul-putol kong sabi dahil nahihirapan na akong huminga. When will I stop crying?
"Ssssh. Stop crying. I know it hurts but you have to—Oh fuck! Shit! Maui!" My name was the last word I've heard bago ako nawalan ng malay.
***
A/N: Oh, relax lang! :V
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro