CHAPTER 34
Maui's POV
Hindi ko na hinintay pang sumagot si Ryner. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Mabilis at naging sunud-sunod din ang pag-agos ng mga luha ko.
I heard him calling my name for how many times but I didn't bother to stop from running away from him.
"Mauricy, stop." Pero hindi ko siya pinakinggan. Gusto ko munang makalayo sa kanya. Ayoko muna siyang makita. "Mauricy." I run faster and faster while sobbing in pain.
"Please Ryner, just please... leave me alone just this once." I answered without even looking at him but he runs faster than me and it was easy for him para maabutan ako.
"Mauricy please. Don't be like this." Pinaharap niya ako sa kanya. I saw pain on his eyes. "Sobrang nahihirapan na ako sa sitwasyon ko. H'wag ka ng dumagdag, please." Mas lalong nanikip ang dibdib ko. The way he talks, bakit parang kasalanan ko pa ang lahat?
"Kung sobra kang nahihirapan, ako Ryner sobra na akong nasasaktan." I blurted out. I felt my shoulders moving up and down because of crying.
"Akala mo ba madali para sa akin 'to? I know you're mad because of my actions this past few weeks, but Mauricy I am doing all of those because I have to and I need to. This isn't a simple situation! Life is involve here!" Life? What does he mean? "Mauricy, intindihin mo naman ako!" He even shouted at me that I never imagined. My heart skip a beat. This was the first time he raised a tone on me.
Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung anong pinupunto niya pero bakit kailangang umabot pa ang lahat sa ganito? Can't he be honest to me? Can't he be open to me?
"Ryner, sinusubukan ko naman ah! Pinipilit naman kitang intindihin pero sana naman ipaintindi mo rin sa akin kung ano ba talagang nangyayari! Ryner, ako 'to. Alam mong kaya kitang intindihin sa lahat ng bagay! You should have at least told me what's really happening hindi yung para akong nagmumukhang tanga!" I shouted at him before turning my back on him. I wiped my tears that keep rolling down my cheeks.
Yun yung mas masakit doon, e. He knows me very well pero hindi niya man lang kayang maging open sa akin. Hindi niya ba ako kayang pagkatiwalaan?
I run as fast as I could to get away from him but I was stoned at my spot when he uttered some words that almost shock me to death.
"She has a cancer."
Nanlaki ang dalawa kong mata. Hindi ko magawang igalaw ang kahit anong parte ng katawan ko. Nabato na ako ng tuluyan sa kinatatayuan ko.
"Jecca has a lung cancer and I'm doing all of those because her Mom told me to. Her Mom told me to always look after her. Natatakot din akong baka anytime she'll faint and I'm afraid that something bad might happen to her. Jecca's cancer is in Stage II." I lost control of myself. Nanlambot ang buo kong katawan, buti na lang ay nagawa akong alalayan ni Ryner.
Hindi ko 'to inaasahan. This is too much than what I thought.
Kusang nagsipagbagsakan ang mga luha ko. Nakakapanghina. Mahigpit naman akong niyakap ni Ryner habang patuloy akong umiiyak.
"I am sorry kung hindi ko kaagad nasabi sa'yo. I am just worried that you might break down dahil alam kong mabilis kang maapektuhan kapag seryosong sitwasyon na ang pinag-uusapan. I'm sorry." Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin.
Nawala ang mga tinik na pilit tumutusok sa aking dibdib subalit napalitan iyon ng labis-labis na pag-aalala para kay Jecca.
Kung nalaman ko iyon ng maaga, sana hindi ako nag-isip ng kung anong masama sa kanya. Baka nagawa ko pang tulungan si Ryner sa pag-aalaga sa kanya.
Inuwi ako ni Ryner sa condo. Ang hirap pa ring i-sink in sa utak ko kung tama at totoo ba talaga iyong mga narinig ko.
Kinuwento na rin sa akin ni Ryner ang lahat— na lumayas si Jecca sa bahay nila sa America dahil natatakot itong magpa-opera roon. Her parents pity her a lot, na kahit gustuhin nilang pabalikin si Jecca sa America ay hindi nila iyon ginagawa dahil natatakot silang mas lalong maapektuhan ang kalusugan nito.
Ryner also told me that the day when someone called him, when he said that there's an emergency, it was Jecca's parents asking and pleading him to take good care of their daughter, at kung pupwede ay kausapin nito si Jecca na ituloy ang operasyon because that's the only way to get Jecca becomes well.
I pitied her with that condition and one thing I am sure is that I hated myself.
"Take good care of her." Sabi ko kay Ryner nang minsang magpaalam siya sa akin. Nginitian ko siya at tinanguan bago siya umalis. Mag-isa na lang din akong pumunta sa school.
Nung break time, nagpaalam ulit si Ryner sa akin if he can accompany Jecca. Who am I to not let him? Nag-aalala rin kasi ako sa kalagayan ni Jecca.
Hapon na. Bandang alas tres nung nagsimula ang PE class namin. Volleyball naman ang topic namin. Dumiretso kami nila Xianny at Maxi sa locker room to change and wear our PE uniforms. Palabas na sana kami sa locker room when someone called out my name.
"Maui, wait!" Napalingon na lamang ako sa loob ng locker room nang may tumawag sa akin.
Tumatakbo si Jecca papalapit sa amin. Humahangos itong napayuko habang ang mga kamay niya ay nasa dalawa niyang tuhod. Naalarma ako sa hitsura niya. Halatang nahihirapan siyang huminga. She should have not run. She has a cancer.
"Are you okay?" Agad ko siyang nilapitan. Tumango lang ito habang binabawi pa ang paghinga niya.
I saw Maxi and Xianny rolled their eyes on her. Sinamahan ko na lang si Jecca papuntang volleyball court. Inalalayan ko rin siyang maupo roon.
"Okay lang ba talaga? Tell me if you feel something weird okay? Sana kasi hindi ka na lang tumakbo, hihintayin ka naman namin e." Nag-aalala kong tanong sa kanya.
I don't know kung alam na ba niyang may alam ako sa sakit niya pero hindi na importante yun. Her condition is all that matters from now. Hindi siya pwedeng mapagod.
"Yeah, I'm fine." Tipid niyang sagot bago ngumiti sa akin.
I looked at Maxi and Xianny. Nakakunot ang noo nila sa akin at pawang naguguluhan dahil siguro sa mga ginagawa ko.
If they only knew what Jecca's condition is.
Our teacher told us to play alphabetically. Dahil Dela Peña ako, second batch ako sa mga maglalaro. Nung natapos na kami, I stayed under the tree habang pinapanood yung mga sumunod na maglalaro.
Hiwalay ang court ng boys sa girls. So definitely, Ryner wasn't able to look after Jecca.
Last batch sila Jecca since Tuazon siya. Nagsimula sila para sa PS (Play for Serve) at yung kalaban nila ang nakapuntos so sila ang may bola. The game went on. Hindi pa nangangalahati ang first set, nakita kong parang nahihirapang huminga si Jecca. I stood up because I am worried na baka mapano siya.
Hinayaan ko muna siya pero hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya nung matamaan siya ng bola dahilan upang matumba ito.
"Jecca!" Maging ang iba kong kaklase ay nilapitan din siya.
"Are you okay? Do you feel okay?" Natataranta kong tanong. Tumango ito pero kita ko sa kanyang nahihirapan siya. Inalalayan ko siyang tumayo.
Kahit wala pang sinasabi ang teacher namin, ako na ang nagsabing i-substitute muna siya at dinala ko siya sa isang cemented bench.
"Kaya mo pa bang maglaro?" I asked while offering her a water. She drinks it first bago ako nilingon. She shows a weak smile on me.
"Kakayanin ko. I want to do what normal people do." She said at ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses.
Naaawa talaga ako sa kalagayan niya. She wanted to do all those things but eventually she can't because of her cancer. Ini-enjoy niya dapat ang youth days niya pero nalilimitihan lahat ng galaw niya dahil sa sakit niya.
I hope she'll be fine soon and I am hoping na sana pumayag na siya sa operasyon because it's for her own good.
"What's with you Maui? Mukhang nagiging close ka na kay Jecca ah! Not that, you seem to be worried about her every time na nakikita mo siya. Wow ha? What's with the sudden changes?" Pagtataray ni Maxi sa akin. "Tapos parang okay na okay pa sa iyong lagi siyang sinasamahan ni Ryner. Wow 'te? Manhid-manhidan ang peg?" He added with an irritation on his voice.
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Katatapos lang ng PE class namin kaya naisipan muna naming sumaglit dito.
"Wala naman sigurong masama roon." I answered.
"Walang masama?" Inis niyang tanong. "Wala nga. Wala naman! Pero kapag umiyak ka na naman dahil sa kanya, yun ang masama ro'n!" May bahid pa ng sarkasmo ang pagkakasabi ni Xianny.
"I am doing this because I have my reason." I bluntly said and let out a deep sigh.
"Oh wow! Reason my ass!" Xianny flips her hair and rolled her eyes.
Can't blame them. It's just that, concern lang din siguro sila sa 'kin. They once saw me crying because of Jecca at ayaw lang siguro nilang mangyari ulit yun.
"Jecca has a cancer." I said weakly. Nanlaki ang mata ng mga ito. Napayuko ako. Kahit hindi ko pa masyadong kilala si Jecca, naaawa pa rin ako sa kanya.
"S-seriously? As in seriously?" Sunud-sunod na tanong nina Maxi at Xianny, pareho rin silang hindi naniniwala na may cancer si Jecca. I nodded my head.
I told them everything like what Ryner has told me. Sa tuwing naiisip ko yun, I feel so weak. Nakakapanghina lang. Cancer yun e. Ang bata pa niya para magkaroon ng ganung karamdaman.
How can she endure that kind of illness? How can she act normal in front of us when in fact she's fighting for her own life?
If I were at her condition, I don't really know what to feel. She's just so brave to not let other people know na may pinagdadaanan siya.
Nakatingin lang kami sa direksyon nina Jecca at Ryner na medyo may kalayuan sa amin. Ryner is really worried about her. Kaya siguro ingat na ingat siya lagi every time na kasama niya si Jecca.
"Hindi kaya nagpapanggap lang 'yang Jecca na yan na may sakit siya dahil mahal pa rin niya si Ryner?" Tanong ni Maxi. "Look at her. Ganyan ba yung may sakit? Ang healthy nga niyang tignan e. Tapos parang okay na okay naman siya." Napanguso si Maxi.
"Malay mo naman, she's acting normal dahil ayaw niyang pag-alalahanin yung mga taong nasa paligid niya. Besides, sino namang magulang ang itotolerate ang anak sa gano'ng bagay to think na tatakas pa sa America para lang pumunta rito?" Xianny also asked and shrugged her shoulders afterwards.
"Malay mo rin diba? Mahal na mahal nila ang anak nila kaya gagawin nila ang lahat ng gusto nito kahit alam nilang mali." Pagdedepensa ni Maxi. "Who knows? Ganyan kaya yung tactic ng mga babae sa novels na nababasa ko. Nagpapanggap silang may sakit para bumalik yung taong mahal nila sa kanila." Maxi shrugged his shoulder too.
Dumukdok na lang ako sa table na nasa harap ko pagkatapos ay tumingin ulit ako sa direksyon nila.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi pagmasdan ng husto si Jecca. She looks okay. She looks healthy. She looks happy. She's so alive. Looks like nothing's wrong with her too.
Now, I am having second thoughts dahil sa mga pinagsasabi nila. Is that even possible?
Geez! Why am I thinking all of those?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro