CHAPTER 32
Maui's POV
Masakit malamang may naunang minahal si Ryner bago ako pero hindi ko alam na mas masakit palang makita na ang babaeng minsan siyang sinaktan ay kasama niya ulit ngayon... na parang walang nangyari.
My eyes were locked on them. Gusto kong iiwas yung tingin ko sa kanila pero hindi ko magawa. May kung anong sumisibol na pakiramdam sa dibdib ko na hindi ko magawang pangalanan.
Hindi ko dapat iyon maramdaman pero hindi ko mapigilan. Subalit kaagad din iyong nawala nang kusang mapatingin sa gawi ko si Ryner and then he smiled at me. Because of that, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Matapos din no'n ay kita kong may sinabi siya kay Jecca at nginitian ito. Tinignan niya akong muli and he waved at me bago siya tuluyang umalis.
Pakiwari ko'y itinuro niya lang kay Jecca ang direksyon ng cafeteria.
There's no reason for you to get jealous Maui. Anang isang isip ko.
Pero bakit nandito si Jecca? What is she doing here?
Bago pa ako mabaliw sa mga katanungang namumuo sa isip ko, ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. I need to divert my attention sa ibang bagay.
After taking our break, bumalik na kami sa room. There, I saw Jecca sitting on the side. Aloof. Why is she here? Or maybe, she transferred here? But why?
Pumwesto ang teacher namin sa harap. She called Jecca in front and she let her introduce herself. I don't know why should I feel this pero iba yung pakiramdam ko sa kanya.
Bakit dito pa sa section namin?
Again, I tried diverting my attention sa ibang bagay. Ayoko pang mabaliw sa dami ng mga katanungang nasa isip ko. Haaaays.
Nung uwian na, nagkasabay kami ni Ryner. As usual.
"Diba siya yung babaeng nasa party mo noon?" Okay, Suck myself. I'm so good at pretending. Napapikit ako ng mariin. Gusto kong bawiin ang tanong na yun pero huli na, nasabi ko na.
"You mean Jecca Marie? Yeah. She just transferred here actually." Ryner answered. Napatango na lang ako.
Hindi pa alam ni Ryner na alam ko na ang tungkol kay Jecca, that Jecca was the girl he first ever loved but she just broke him. That's the only thing I knew. I don't know the rest.
"Oh." Tanging sambit ko.
Inakbayan ako ni Ryner, yung tipong nasa leeg ko ang braso niya tapos niyakap niya ako ng mahigpit.
"A-ahhck! C-can't breath Ry. Papatayin mo ba ako?" I heard him laugh.
"Papatayin kita ng pagmamahal ko? Pwede rin." Tumatawang saad niya. He kissed me on my head tapos ginulo-gulo niya yung buhok ko.
"Uwi na tayo mahal ko." Sambit niya sa naglalambing na tono.
"Ang korni mo talaga Ryner. Do'n ka nga!" Natatawa na rin ako sabay tulak sa kanya palayo.
"Edi sweetheart na lang." He wiggles his brows up and down.
"Eeew! Nakakasukang pakinggan."
"Hm, asawa ko."
"Yuck! 'Di pa tayo kasal 'no!" Pero pwede rin. Charot!
"My love?"
"Ayaw." I pouted.
"Honey ko?"
"Hindi ako bubuyog!"
"Darling?"
"Naaaaah!"
"Mylabs?"
"Heh! Tinagalog mo lang ang my love e." He tickled me at my waist.
"Gusto mo naman e. Yieee. Mylabs ko." Tinuloy-tuloy niya ang pagkiliti sa akin.
"Lumayo ka nga! Sipain kita papuntang Mars e." Bigla naman siyang sumimangot.
"Wala ka talagang sweet bone my labs!" Nagtatampo niyang saad.
"Tigil-tigilan mo 'ko alien ka!" Pagdidiin ko pero pinipigilan kong matawa.
Minsan din para siyang bata kung maglambing e. Tsaka ayaw ko talagang may endearment. Hindi ko talaga feel. Mas prefer ko pa ang first and second name basis. A, basta.
I heard him sigh. "Kunyari wala akong narinig. Tara mylabs ko, uwi na tayo." Muli niya akong inakbayan. Hindi na lamang ako nagreklamo at nagtungo na kami sa kotse niya habang sabay na nagtatawanan.
Magkatabi kaming naupo ni Ryner sa sala. Nanonood kasi ako ng KDrama sa laptop ko. Katatapos lang din naming kumain ng dinner kanina. Kinokontra nga ako ni Ryner e. Bakit daw KDrama? Ang dami naman daw pwedeng panoorin. Hindi naman ako adik sa KDrama pero adik ako sa asawa kong si Nam Joo Hyuk. Omagash! Pogi pogi niya. Ang cute nilang dalawa ni Lee Sung Kyung do'n sa Weightlifting Fairy Kim Bok Joo.
Tapos kinikilig pa ako ro'n sa part na nahulog si Kim Bok Joo sa pool tapos tinulungan siya ni hubbyko tapos nagkatitigan sila. Omagash talaga! Ang sweet nila dun. Shiiiiz! Hindi ko na nga namalayan na nahahampas ko na si Ryner sa sobrang kilig.
"Ano bang nakakakilig d'yan sa pinapanood mo? Tch."
"Asawa ko nga kasi siya." Sagot ko habang tutok na tutok sa laptop.
"Tch."
"Tapos ang pogi niya." Dagdag ko.
"I have the looks Mauricy." Ang conceited naman ng alien na 'to.
"Matangkad siya."
"So am I." Ayaw talagang magpatalo ni Ryner.
"Ayoko sa abs pero nasisilaw ako sa abs ni Joo Hyuk baby." Kinikilig kong sabi. Waaah! Sparkling abs. Hohoho.
"Wtf! I have abs Mauricy."
"Ssssh. 'Di ko marinig sinasabi nila." Pigil ko sa kanya. Nakatitig lang ako sa laptop ko tapos nakita ko sa gilid ng mata ko si Ryner na nakasimangot.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Grabe 'to. Huwag ka ngang magselos kay Joo Hyuk ko. Mas lamang ka pa rin naman kaysa kanya." Sabi ko tapos unti-unting napalitan ng ngiti ang nasa labi niya.
"I know." Agad niyang sagot. Yabang talaga ng alien na 'to. Kinulong na rin niya ako sa bisig niya.
"I love you mylabs ko." Pinalo ko nga siya sa dibdib niya.
"Ang korni mo talaga Ryner! 'Di tatalab sa 'kin yang mylabs mo." Sambit ko.
Ngumuso siya. Haynakoooo.
Nakatayo lang ako sa balcony na nasa kwarto ko. Katatawag lang din nila Mama. Namimiss ko na sila actually. Six months ko na ring hindi sila nakakasama. Nakwento rin ni Mama na napabilang si Maurizelle sa Top students. Tapos si Papa naman malapit na raw matapos yung building na pinapagawa sa kanila.
Ang hirap talagang mawalay sa pamilya. Haaays.
Gusto ko na rin sanang matulog pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Hindi ko rin alam kung anong oras na. Madaling araw na siguro kasi ramdam ko na yung lamig ng hangin na umaakap sa akin.
Marami ring bituin sa kalangitan. Ang ganda lang pagmasdan. Napayapos na lang ako sa braso dahil sa lamig. Naramdaman ko ring may yumakap sa likod ko.
"Why are you still up?"
"Wala lang. 'Di pa ako inaantok e." Sagot ko.
Hindi na rin nagsalita si Ryner. Nakatingin lang ako sa kalangitan. Ganun din siguro siya dahil naramdaman kong umangat ang ulo niyang nakapatong sa balikat ko.
"May iniisip ka ba?" He asked out of a sudden.
"Wala naman." Tipid kong sagot.
A moment of silence embraced us.
"Mauricy, I know you have lot of questions on your mind." Panimula niya. Napahinga ako ng malalim.
"Oo, maraming katanungan ang namumuo sa isip ko but what's the point of knowing all of those?" I asked him back.
Hinawakan niya ako sa braso ko at pinaharap niya ako sa kanya.
"I want to be honest with you Mauricy. I know you already knew Jecca at kahit hindi mo sabihin sa akin ang totoo, there's a question that keeps popping on your mind." Inayos niya yung buhok kong nalilipad ng hangin bago niya ako tinignan ng diretso sa mata. "Jecca Marie was a girl in my past." Diretso niyang sagot sa akin.
Tumango ako. "Alam ko." Sagot ko na siyang ikinagulat niya. I want to be honest with him, too. I wanna be fair with him.
"I already asked Maxi and Xianny about her and they told me a bit of information. I am sorry." Nakatungo kong sagot. Inangat niya ang ulo ko at nginitian ako.
"I understand. You are my girlfriend. You are my present and you have the right to know everything." He said genuinely. Nginitian ko rin siya pabalik. I will also try to understand you Ryner in any possible way that I can.
"Let's go inside. Matulog na tayo." Inalalayan niya akong mahiga sa bed ko. He even covered me with blanket.
"Goodnight baby. I love you." He kissed me on my forehead.
"I love you too." Inayos pa ulit niya ang kumot ko like what he always does bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko.
The next morning, Ryner wake me up to take our breakfast. I told him na I will take a bath muna. Then I wore my complete uniform and fixed myself. I got my bag and books before I went downstairs.
Sabay kaming kumain na dalawa. He cooked our breakfast, a simple breakfast enough for us to fill our stomach. Habang kumakain kaming dalawa, his phone suddenly rings. He answered it and I saw his eyes narrowed. Kaagad siyang tumayo.
"What happened? Where are you going?" Nag-aalala kong tanong.
"An emergency came up. I have to go. Eat well, okay? I love you." He kissed me on my forehead bago siya nagmadaling lumabas ng condo.
"Take care." Pahabol kong sabi.
I don't know kung anong emergency iyon. I just saw him rushing. Naiintindihan ko naman siya. I texted him na magtataxi na lang ako pero paglabas ko ng condo, nakita ako ni AJ. Ayoko sanang sumabay sa kanya dahil paniguradong magseselos si Ryner but I have no choice to.
Tinext ko naman na siya and hoping that he will understand it. Malelate na rin kasi ako.
Pagkarating namin sa AU, dumiretso na kaming dalawa ni AJ sa room. Maraming nakatingin sa amin pero hinayaan ko na lang din. Alam naman na ng karamihan na boyfriend ko si Ryner at kaibigan ko si AJ. There's no use of wasting my time on them.
Nang makarating kami sa room, hinanap ko si Ryner baka sakaling pumasok na kaso wala pa. Nag-aalala na rin ako. Ang sabi niya kasi may emergency raw. Gusto kong maging positibo.
That's it Maui! Just think positive. Nothing bad will happen, okay?
Natapos na ang unang subject namin pero wala pa rin si Ryner. Thirty minutes na lang din matatapos na ang second subject namin but he's still not here.
Kung anu-anong dahilan na ang pumapasok sa isip ko dala ng pag-aalala. Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko alam kung ano na bang nangyayari sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya.
Dahil sobrang nag-aalala na talaga ako, nilabas ko ang phone ko. I tried calling him for how many times but he's not picking up his phone. Para na akong mababaliw sa kaiisip. My hands were already trembling.
Gosh!
"Hey! You're trembling. Are you okay?" Nilingon ko sila Maxi at Xianny.
"Nag-aalala na kasi ako kay Ryner. Wala pa kasi siya. Kanina umalis siya dahil may tumawag. He said it was an emergency. I don't know. Nag-aalala na talaga ako." Ramdam ko na rin ang pagkibot ng pang-ibabang labi ko.
I tried contacting him again pero wala pa rin. Muntik ko pang mahulog ang phone ko. Tinry ko ulit siyang tawagan nang bigla akong kulbitin ni Maxi sa kamay ko.
I looked at him at may ininguso siya. Tinignan ko yun. I blinked my eyes once, twice...thrice but what I am seeing right now is as clear as water.
He is with Jecca.
I don't know pero biglang nanikip ang dibdib ko.
Akala ko ba may emergency?
Ano 'tong nakikita ko ngayon?
Nag-alala ako ng sobra sa kanya tapos ito lang ang mabubungaran ko. Halos mawala ako sa sarili sa kaiisip sa kanya tapos ito lang pala?
Gosh Ryner, I thought we should be honest with each other?
Why do you have to lie with me?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro