Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27

Maui's POV

Sabay kaming lumabas ni Ryner sa condo at napagdesisyonan naming lakarin ang daan papunta sa school. Maaga pa naman tsaka isa pa gusto lang talaga naming maglakad.

Nasa likod ko lang si Ryner at ako naman sa harap. Habang naglalakad kami, ewan ko kung anong trip nitong si Ryner at lagi akong pinipitik sa tenga ko, kung hindi sa tenga yung likod ko naman.

"Isa!" Banta ko sa kanya.

Tumigil nga siya pero maya-maya lang din ay pipitikin na naman ako sa tenga tapos kunyaring mag-aakto na hindi siya ang may gawa no'n.

Kunyaring hindi ko pinansin ang ginawa niya at nung sinadya kong humarap sa kanya, natsempuhan ko yung kamay niyang nakataas na akma na naman sana akong pipitikin. Hinuli ko yung kamay niya at hinawakan yun ng mahigpit.

"Ah, baby it hurts." Reklamo niya tapos pinanlakihan ko siya ng mata.

"It hurts talaga kapag hindi mo tinigil yang kapipitik sa akin."

"Sorry na. Let go of my finger." Pssh. Binitawan ko yung kamay niya tapos bigla niya akong binuhat na parang sako ng bigas.

"Ryner, argh! Put me down! Ano na naman bang trip mo, ha?" Paninigaw ko sa kanya. Letche! Buti na lang at nakapants ako dahil kapag nakaskirt ako, malamang sa malamang makikitaan ako. Lahat na nga ng nagdadaang jeep, taxi at bus napapatingin sa amin, e

"Ayaw kitang mapagod madam baby kaya binuhat kita." Natatawa niyang sambit samantalang asar na asar ako sa pagtawa niya at sa tinawag niya sa akin.

"Ha. Ha. Ha." Sarkastikong tawa ko. "Ang gentleman mo naman Mister. May pabuhat-buhat ka pang nalalaman. Natouched naman ako." Sabay irap ko sa kanya.

"Thank you." Sabi pa niya. Tengene lang! Sa sobrang inis ko, hinampas-hampas ko ang likod niya.

"Ibaba mo nga ako! Letche! Letche!"

"No to bad words baby." Sa sobrang inis ko, kinagat ko ang shoulder niya dahilan para ibaba niya ako.

"Oh, fuck!"

"Masakit diba? Buti nga sa'yo!" Sarkastiko kong sabi. Naalarma naman ako nung makita kong namumula yung shoulder niyang kinagatan ko. "I'm sorry." Agad ko ring sabi. "Masakit ba?" Kung kanina'y sarkastiko ang pagkakasabi ko, ngayon ay may bahid na ng pag-aalala. Tumango siya. Naguilty tuloy ako. Kung anu-ano kasing trip niya e.

"Luh? Sorry. Sorry."

"Kiss mo na lang ako, mawawala sakit nito promise." Kinutusan ko nga.

"Manyak!" Pinagtawanan pa ako. Napailing na lang ako. Minsan ang gulo rin ng lalaking 'to. Kung anu-anong trip sa buhay ang nalalaman.

"Tomorrow, just prepare yourselves dahil magkakaroon tayo ng quiz then after that, we'll be having our class recitation too." Matapos sabihin yun ni Mrs. Jena ay marami na namang nagreklamo. Ano pa bang aasahan ko sa mga kaklase ko?

"Ma'am kahit quiz po muna kasi."

"Ma'am huwag mo naman pong pagsabayin."

"Oo nga Ma'am."

"What do you want then? Buti nga at iniinform ko na kayo e, kaysa sa magpasurprise quiz ako. Which do you prefer?" Natahimik naman ang ilan sa mga kaklase ko.

Pagkatapos noon ay dinismiss na kami kaya unti-unti na ring nagsilabasan ang mga kaklase ko pero dinig na dinig ko pa rin yung ibang nagrereklamo.

Sinamahan ko saglit sina Maxi at Xianny sa CR upang magbihis ng PE uniform. Dati ko na kasing suot yung uniporme ko. Matapos no'n ay dumiretso na kami sa gym. Nahirapan pa kaming maghanap ng bleachers dahil lahat ng Seniors e PE class namin tuwing Huwebes.

Kada teacher namin, may sinabi lang sila bago kami nagsimula. May mga naglalaro ng volleyball, basketball. Meron ding gumawa ng physical fitness test.

"Kapagod." Sabi ni Xianny habang hinihingal pa. Volleyball kasi nilaro namin. Tapos ang tirik pa ng araw. Mahigit isang oras din kasi yun.

Uminom kami ng mineral water at nagpahinga saglit. Kasalukuyan ding may naglalaro ng basketball sa gym kaya pumasok kami sa loob at nando'n sila Ryner at AJ. Magkaibang grupo nga lang. Magkalaban actually.

"Go Ryner!"

"Kay Papa Axel ako!"

"Kay Kapitan Ry ako."

Napakunot na lang ako ng noo. PE class lang naman 'to pero bakit parang daig pa niya yung Intrams at Sports Fest?

"Ano na naman bang trip ng mga 'to?" Wala sa sariling tanong ko at napaupo na lang sa medyo gitna ng bleachers. Siksikan na kasi.

"Oy! Pustahan tayo. Sa grupo ako ni Ryner." Biglang saad ni Maxi.

"Madaya. Sige na nga, kila Axel ako. Magaling din naman sila." Sagot naman ni Xianny.

"Magkano? Tigbibente?"

"Sampu lang. Pangrecess ko pa 'tong baon ko."

"Buraot nito! Sige, sampung piso. Deal."  Napapailing na lang ako sa mga pinaggagawa nila. Pinagpustahan talaga yung dalawa ah? Grabe. Nagtitilian yung mga manonood. Maging si Maxi at Xianny ay nagtitilian din. May pustahan nga sila e. Pssh!

"Oy Maui. Makikipagpustahan ka rin ba?" Kinutusan ko nga sila.

"Baliw ba kayo? Pagpustahan talaga sila? Jusko!"

"Bahala ka. Basta kay Axel kami. Go Axel!" Xianny started cheering now.

"Kay Kapitan ako. Go Captain Ry! Aye aye!" Sigaw rin ni Maximo. Aish! Bahala sila r'yan. Naku naman! 'Wag na lang akong magchicheer!

Sa huli, sila Ryner ang nanalo.

"Oh, yung sampu ko sa'yo Xianny ah!" Paalala ni Maxi dahil nanalo siya sa pustahan kuno.

"Oy, papalapit si Ryner dito." Nanlaki ang mata ko. Jusko! Bakit pa lumapit dito? Aish! Isa pa, kahit alam na nilang nagconfess ako kay Ryner noon, hindi pa nila alam na kami na ngayon.

Dahil kinakabahan ako, ako na yung sumalubong kay Ryner at pumwesto kami do'n sa dulo dahil marami pang estudyante sa gitna ng gym.

"You didn't cheer me."

"Ano ka ba? PE class lang naman 'to." Kinuha ko yung towel na hawak niya at pinunasan yung noo niya. Ako na rin yung nagbukas sa mineral water na hawak niya at pinainom yun sa kanya.

"Tired? Hungry? Tara samahan kita sa cafeteria." Aya ko sa kanya.

"Mauna na kayo. Kakausapin pa kami ni coach."

"Mag-oorder na lang ako ng pagkain mo, okay?" Tumango naman siya sa akin at hinalikan ako sa noo bago niya ako tinalikuran.

"Anong sabi?" Bungad sa akin ng dalawa.

"Wala." Tugon ko at tinignan nila ako ng may pagdududa. Umiwas na lang ako ng tingin. Promise, sasabihin ko na talaga sa kanila mamaya kapag kasama ko na si Ryner.

Dumiretso kami sa cafeteria. Habang naglalakad kami, hindi ko alam kung bakit ang daming nakatingin sa amin, tinging hindi ko maipaliwanag. Yung iba pa, iniirapan ako tapos bigla silang magbubulungan. Anong meron?

"Sikat na ba tayo? Bakit lahat sila nakatingin sa'tin?" Tanong ni Maxi, nagtataka pero natatawa. Kanina pa kasi sila nakatingin sa amin. Anong problema?

Hindi ko na lang pinansin iyon at nagdire-diretso kami sa cafeteria nang bigla kaming harangin ni Krizelle with her julalay.

"Oh everyone, here she is." Nakacrossed arms niyang sabi at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Napatingin ako sa paligid. Lahat sila ay nakatingin na sa amin dahilan para mas lalo akong maguluhan.

"Curious?" Dagdag tanong pa niya.

"Ano na naman ba?" Asik ko.

"Kailan pa?" Tanong niya na mas lalong nakapagpakunot sa noo ko. "Ang galing mong magsikreto 'no? Napaniwala mo kaming lahat." Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya pero hindi ko maitatangging nasasaktan ako sa tuwing titignan ko ang mga estudyanteng naririto, tinatapunan nila ako ng tinging nakakadiri at tinging mapanghusga.

"Ang linis linis mong tignan sa panlabas. Paano naman yung panloob?" Tinaas pa niya ang isa niyang kilay.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Nalilito kong tanong.

"I just found out your secret." She said while smirking. Secret? I have no secret. Geez! Bago pa ako makapagsalita, inuunahan na niya ako. "You don't know? Here!" At may tinapon siyang mga larawan sa harapan ko. Pinulot ko 'yun at nanlaki ang mga mata ko. P-paano? B-bakit nila alam?

"Ipaliwanag mo sa amin ngayon yan! Ipaliwanag mo kung bakit magkasama kayo ni Ryner sa condo niya!" Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng mga estudyanteng nanonood sa amin at nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman?

"OMG! I can't believe this."

"This can't be real. Kababae niyang tao, tapos siya yung pupunta sa condo ng lalaki?"

"Naturingan pa man ding Campus Queen. Ganyan ba dapat ang role model?"

"Oh wait, virgin ka pa?" Nanlaki ang mga mata ko sa tinanong ni Krizelle. Nanikip ang dibdib ko kasabay ng mga malalakas na tawanan na nagmumula sa mga estudyanteng nasa paligid namin.

Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko pero no'ng oras na iyon, pakiramdam ko'y tinapakan nila ang dignidad ko sa tanong na yun. At unti-unti ko ring naramdaman ang paghapdi sa gilid ng dalawa kong mata.

"Nakakadiri siya."

"Gosh! Ganyan ba dapat ang maging role model?"

"Sayang siya."

"H-hindi totoo 'yan!" Malakas kong sigaw at hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Nasasaktan ako sa mga inaasta nila. Nasasaktan ako sa mga pinaggagawa nila. Nasasaktan ako sa mga pinagsasabi nila at mas lalo akong nasasaktan sa panghuhusga nila.

"Marumi ka na ngang babae, sinungaling ka pa! I already have my proofs. Malandi ka lang talaga!" Napapikit na lang ako nang maramdaman kong dumapo ang palad niya sa kaliwang pisngi ko.

Kasabay rin no'n ay pinagbabato nila ako ng mga binilog-bilog na papel. Mayroon pang nagtapon ng juice sa akin at wala akong magawa para ipagtanggol ang sarili ko. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak.

"Stop it!" Rinig kong sigaw ni Xianny.

"Shut up Xiantal. Huwag kang makialam kung ayaw mong madamay!" Sigaw nito sa kaibigan ko at muli akong binalingan ni Krizelle. "Tell me, totoo ba lahat ng 'to?" Nakangisi nitong saad na para bang sa oras na iyon ay alam niyang panalo siya.

Hindi ako sumagot bagkus napapikit na lamang ulit ako nang mapansin kong sasampalin na naman ako ni Krizelle. Hinintay kong dumapo ang palad nito sa pisngi ko pero wala. May narinig akong tunog ng malakas na sampal pero hindi ko iyon naramdaman sa pisngi ko.

Kasabay ng malakas na sampal na 'yon ay ang malakas na pagsinghap ng tao sa paligid. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at hindi ko makita si Krizelle bagkus isang malapad na likod ang nakikita ko at kahit hindi ko lingunin ito, alam ko na kung sino siya.

"R-ryner." Sambit ni Krizelle.

Walang naglikha ng ingay. Ilang segundo ring natahimik ang mga taong nasa paligid ko habang ako naman ay humihikbi lang sa kinapupuwestuhan ko.

"Yes. We're living in one roof. We're both living in my condo." Si Ryner ang sumagot sa tanong ni Krizelle. Mas lalong napasinghap ang mga estudyante at nagkaroon ng bulung-bulungan sa paligid.

Napayuko na lamang ako sa kinatatayuan ko kasabay ng sunud-sunod na patak ng luha na naggagaling sa mga mata ko.

"Do you want me to repeat it Krizelle? Yes. We're living in one roof. Happy now?" Matigas na sabi ni Ryner. "My parents and her parents knew about this thing. In fact, sila ang nagdecide na sa condo ko tumira si Mauricy." Mahaba niyang paliwanag, halatang kinakalma ang kanyang sarili.

"Does it matter to you if Mauricy's living in my condo? Does it affect your lives?" Malakas at may bahid ng galit sa tono nito habang sinasabi niya iyon sa lahat ng naririto. "Ano pa bang gusto niyong malaman? Kung bakit lagi kaming magkasama? Kung bakit lagi siyang nakadikit sa akin?" Nakayuko, kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang mga luha ko.

"Mauricy Dela Peña is my girlfriend and starting today, I don't want you to touch every inch or every part of her body. Dahil kapag ginawa niyo 'yun, ako ang makakalaban niyo." Ryner emphasized dahilan upang mapatahimik silang lahat.

"One more thing, you should be careful with your words Krizelle. If someone asks you if you are still a vigin in front of crowds, sa tingin mo magandang pakinggan yun? Babae ka Krizelle. Don't be insensitive. If you want to be respected, then learn to respect others." Kasabay no'n ay hinawakan ni Ryner ang kamay ko at inilayo sa lugar na iyon habang patuloy pa rin akong umiiyak.

Nang makarating kami sa parking lot ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Are you okay? Did she hurt you? Did they hurt you?" Sunud-sunod niyang tanong at niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

Naroon pa rin yung kirot sa puso ko at nasasaktan pa rin ako sa tuwing naiisip ko yung nangyari kanina. Naiintindihan ko kung galit sa akin si Krizelle pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niya akong ipahiya sa harap ng maraming estudyante gayong wala namang katuturan yung mga sinasabi niya.

"I'm sorry I wasn't there to protect you. I promise, I won't let them hurt you again." Muli akong niyakap ng mahigpit ni Ryner.

Nasasaktan ako dahil ganun-ganun lang ang panghuhusga nila sa pagkatao ko. At mas lalo akong nasasaktan dahil ang tingin nilang lahat sa akin ay isang maruming tao.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro