Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 21

Maui's POV

Parang nung isang araw lang, halos tanggihan ko si Tita Grecie na rito ako tumira kasama si Ryner. Parang nung isang araw lang, naiinis ako sa pag-uugali ni Ryner. Parang nung kailan lang, kulang na lang magbangayan kami ni Ryner araw-araw. Parang nung isang araw lang, daig pa namin ang tigre at leon. Parang nung isang araw lang, kinaiinisan ko siya.

At oo, parang nung isang araw lang din nang simulang maramdaman ko 'to.

Kahit anong pilit kong itanggi sa sarili ko, kahit anong pilit kong takpan ang totoo, hindi no'n maitatago sa puso ko na nagugustuhan ko na si Ryner.

Si Ryner.

Sinubukan kong umiwas. Sinubukan kong kalimutan yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero paano mangyayari yun kung araw-araw lagi kaming magkasama?

Siya yung una kong nakikita sa paggising ko, maging sa pagtulog ko ay siya rin ang nakikita ko. Gustuhin ko mang kalimutan siya sa isip ko pero ang kagustuhang iyon ay taliwas sa puso ko.

This past few days, I kept avoiding him in a way na hindi niya mahahalata. Ayoko na kasing lumalim pa 'to. Ang hirap umahon sa isang bagay na alam mong lunod na lunod ka na. At mahirap ipagpatuloy ang isang bagay na ikaw lang nakakadama.

Totoo nga sigurong babae ang madaling mahulog kaysa sa mga lalaki.

Sabay kaming lumabas ni Ryner sa condo. He even smiled at me as he locked the door. Tapos yung puso ko naman, gusto na namang lumundag. I just gave him a lopsided smile in return.

But what he did next to me makes my heart pounds again at napahinto ako sa paglalakad. He just holds my hand and I feel like my heart is on fire.

"Is something wrong?" Tanong niya ng walang kamalay-malay.

Yes Ryner. Malaki yung problemang yun. Malaki yung problemang dinudulot mo sa akin. I want to tell it to him but I can't dahil napapaso yung kamay ko sa mga hawak niya at nagigiba yung pader na pilit kong tinatayo sa pagitan namin.

So, how can I stop this feeling if every move of him, e iba yung dating sa akin?

Ryner, you started holding my hand, can you please not let me go? Pwede bang huwag mo na akong bitawan?

As he parked his car, he went out and opened the door for me which is bihira niya lang gawin.

"Tara." He called me and he even walked with me going to our room while smiling.

Naroon na naman yung mga nakatingin sa amin pero hindi ko na lang binigyan ng pansin dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa taong kasama ko ngayon.

Nakarating kami sa room. Hindi rin nakaligtas sa akin ang tingin ni Xianny, napaiwas na lang ako ng tingin.

Paano ako iiwas kay Ryner nito kung siya lagi yung lumalapit sa akin?

The discussion from our morning subjects went well. Nung break time pa nga'y inaya ako ni Ryner pero tinanggihan ko siya. I gave him so much excuses para lang hindi siya sumabay sa akin dahil the more he's getting near to me, the more the chance I might fall for him even more.

Oh Maui! Nahulog ka na. Matagal na.

"Ryner, if you want I can join you." Malanding aya sa kanya ni Krizelle which makes my blood boil.

Mas lalo lang kumulo ang dugo ko nang sumabay na si Krizelle sa kanya. Inangkla pa ng bruha ang kamay niya sa braso ni Ryner. Parang ahas kung makapulupot ng kamay! Peste!

What now Maui? Kaninang inaya ka, tumanggi ka. Tapos ngayong may kasama siyang iba, mag-iinarte ka?

Geez! Geez!

Sumabay na lang ako kina Maxi at Xianny. Umupo kami sa medyo gilid na table. Okay na sana e. Maayos na ako rito sa kinapupuwestuhan ko. Kaso dinig na dinig ko yung tawa ni Krizelle kasama si Ryner na nasa kabilang table. May pahampas-hampas pa. Tapos si Ryner naman kung makatawa.

Wow ha? Ganun na kaagad sila ka-close? Argh!

"May nagseselos dito." Pang-aasar sa akin ni Xianny na nakatingin na rin pala sa direksyon nila.

"I am not." May diing sabi ko.

"Okay. Sabi mo e." She said at sabay silang tumawa ni Maxi.

Bakit naman ako magseselos? Wala akong karapatan!

Hindi ko matagalan na habang naririnig ko silang nagtatawanan, heto ako't nakaupo at nasasaktan. Of all people, why it has to be you? Why it has to be you Ryner?

"Mauna na ako sa room." Paalam ko kina Xianny at Maxi.

There's no reason for me to stay here. The more I can hear and see them laughing, the more I am hurting.

Habang naglalakad ako pabalik sa room, muntik na akong mahulog sa hagdan dahil ginulat ako ni AJ.

"HAHAHAHAHA." Malakas niyang tawa. Sinamaan ko nga ng tingin.

"Leche ka! Paano kapag nahulog ako roon?" Inis kong tanong sa kanya.

"Edi, sasaluhin kita." Sabi pa niya at hindi ko alam kung trip niya lang na isagot yun o kung may ibig sabihin yun. Napairap na lang ako ulit.

"Hindi kasi maipinta yang pagmumukha mo."

"Mahirap kasi talagang i-paint yung magandang art." Kunwa'y biro ko.

"Yeah yeah." He said. "Let's get some food." Hinila niya na ako pababa pero pinigilan ko siya.

"Oy, saglit. Sasamahan kita pero huwag sa cafeteria." Agad na nangunot ang noo niya.

"Why?"

"Basta, huwag 'don!" Pagpipilit ko.

"Fine. Doon tayo sa Junior." Sabi niya at hinila ako papuntang Junior 's canteen.

Okay na rin 'to. Para makaiwas ako sa kanya.

After naming kumain, nauna na ako kay AJ. Tumawag kasi yung Mama niya kaya nagpaiwan muna siya roon.

Habang naglalakad ako pabalik sa room, may mga pares ng mga sapatos na tumigil sa harapan ko. Dahil nga nakayuko ako, I lifted my head to see them.

"What is it again, Krizelle?" Walang kagana-gana kong tanong.

"Nung una si Ryner, ngayon naman si AJ. Malandi ka talaga!" Dahil sa sinabi niya, nagdilim kaagad ang paningin ko dahilan upang lumanding ang kanang kamay ko sa pisngi.

Napasinghap siya sa ginawa ko maging ang dalawa niyang kasama at bahagya pang nakatagilid ang ulo niya.

"How dare you?!" She was about to slap me back but I held her hand.

"Matagal na akong nagtitimpi sa'yo Krizelle. I really don't know what has gotten into you to the point that I will going to hate you this much. Sabihin mo na sa akin kung anong gusto mong sabihin pero yung sabihan akong malandi, yun ang huwag na huwag mong gagawin. Tell me that word once, swear Krizelle, I'm going to slap you twice." Nanggigigil kong saad.

Nilampasan ko sila. Nagdire-diretso ako sa paglalakad pero bigla niya na lamang akong sinabunutan patalikod.

"Agh, shit." Hindi ko maiwasang magmura dahil sa pagkakabigla. "Get off me!"

Pero mas hinigpitan niya lang ang pagsabunot sa buhok ko at nakisama na rin sina Anne at Elisse. Geez! I'm only one for Pete's sake. Tatlo sila!

"Ang kapal naman ng mukha mong sampalin ang maganda kong mukha! How fucking dare you!" Inis niyang sumbat sa akin habang patuloy akong sinasabunot.

Wala na rin akong nagawa kundi ang patulan silang tatlo. May mga kalmot na rin akong nararamdaman sa katawan ko. Geez! Ang hapdi na. May lahi yata silang aswang.

Umabante ako ng konti at sabay-sabay na hinawakan ang buhok nilang tatlo. Pinagbuhul-buhol ko ang mga iyon at hinila sila ng biglaan.

"Ahhhh!" Reklamo nila.

"Ouch! My hair."

"Let go of me. My hair, bitch." Tangna! Mas nasasaktan ako sa mga sabunot niyo! Tatlo kayo ko. Bwisit!

Pansin kong may mga nakapaligid na ring estudyante sa amin at pinapanood kami.

"Guys! Awatin niyo sila!" Sigaw ng mga estudyante.

"Ayokong madamay." Sagot ng iba.

Geez! Wala man lang bang pipigil sa amin? Ang sakit na ng anit ko!

Bahagya pa akong nakatungo sa lupa dahil wala silang tigil sa kasasabunot sa akin. Hindi ko na rin alam kung kaninong buhok ang hinihila ko. Wala na akong pakialam.

"Maui!"

"Krizelle!"

"Oh my God. Stop them! Stop them!"

May naririnig na akong sumisigaw para awatin kami, maging ang boses nina Xianny at Maxi ay naririnig ko na rin. Maya-maya pa ay may humila na sa akin, ganun din kina Krizelle.

"You bitch! How dare you!" Sigaw sa akin ni Krizelle nang mapaghiwalay na nila kami.

I just noticed how messed we are at noon ko lang din napansin na ang dami na palang nanonood sa amin.

"Mas bitch ka!" Sigaw ko rin sa kanya at sunud-sunod ang naging paghinga ko. Aambahan niya na naman sana ako pero mahigpit siyang hinawakan ng mga pumigil sa kanila.

"I will kill you!" Sigaw niya na namang muli sa akin habang pilit na kinakalas yung mga nakahawak sa braso niya.

Pilit ko ring kinakalas ang mga kamay ni AJ sa braso ko pero mahigpit niya akong hinawakan at pilit pinipigilan.

"Wala akong pakialam. Demonyita ka!" I shouted at her.

Xianny and Maxi keep on saying me to stop it now. Hindi ko na rin pinatulan pa ang mga sinasabi ni Krizelle sa akin pero muling dumilim ang paningin ko sa kanya dahil sa tinawag niya sakin.

"Slut! Don't turn your back on me!" Nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya at dire-diretso ko siyang sinugod.

"Ahhhhh. Let me go!" Maarteng sigaw niya.

"Maui!" Nakita kong hinila na rin ako ni AJ upang ilayo kay Krizelle pero hindi ako nagpatinag.

Patuloy ko pa rin siyang sinasabunutan na kulang na lang ay alug-alugin ko ang ulo niya. Dahil sa napuno na ako ng inis at ng galit, maging ang pisngi niya ay napagdiskitahan ko na rin at sinampal ulit siya ng malakas.

"Mauricy! Stop it!" Nabitawan ko na lamang si Krizelle nang marinig ko ang boses ni Ryner at napatingin ako sa direksyon niya.

Sa oras na iyon, nawala ang atensyon ko kay Krizelle at nakuha niya ang pagkakataong iyon upang maitulak niya ako ng malakas. Napaupo na lamang ako at sabay na tumama ang dalawa kong siko sa semento. Napangiwi ako dahil naramdaman ko ang pagkakagasgas 'non at ang hapdi na dulot 'non.

Bigla ko na lang din narinig ang mga hikbi ni Krizelle. Agad naman siyang nilapitan ni Ryner.

"Are you okay?" He asked her habang patuloy na humihikbi si Krizelle.

"I'm j-just walking w-with Anne and Elisse but then, b-bigla niya na lang akong s-sinampal for no reason." Parang aping-api na sumbong niya kay Ryner habang nag-iinarte sa paghikbi.

Bumaling si Ryner sa akin at masama ang tinging ipinukol nito sa akin.

"Sinungaling! We both knew who started it! Huwag mo akong baligtarin!" Sigaw ko sa kanya na halos lumabas na ang litid ko.

Tumayo ako at kumawala ako sa mga bisig ni AJ pero kaagad niya akong hinawakan ulit.

"Bawiin mo yung huling sinabi mo! Hindi yun totoo!"

"You really started it Maui. Wala naman kaming ginawang masama sa'yo." Elisse agreed, na parang sila yung kinawawa.

Tinulak ko si AJ at sinugod silang tatlo. I furiously grabbed their hair dahil naiinis na ako sa kanila.

"Sinungaling kayo! Hindi—"

"Mauricy!" Pigil sa akin ni Ryner.

"No! Sila naman talaga yung nagsimula. Wala akong ginagawa sa kanila." Patuloy ko silang pinagsasabunot. Pilit din kaming pinipigilan nina AJ at Ryner pero wala akong pakialam.

"Mauricy! Stop it!"

"Ahhh! My hair. Let go of me!" Sigaw ni Krizelle habang umiiyak.

"I SAID STOP!" Napasalampak na lamang ako sa semento nang itulak ako ni Ryner at muling tumama ang magkabila kong siko. "I can't believe you really can do this to them." He shook his head while looking at me feeling disappointed. Tsaka nito inakay si Krizelle palayo sa akin.

Krizelle smirked at me devilishly and continued acting the victim card.

Nanikip ang dibdib ko dahil sa tinuran ni Ryner.

Ako yung sinaktan bakit parang ako pa yung may kasalanan?

"Maui, okay ka lang?" Agad akong nilapitan nina Xianny at Maxi.

Tumango ako sa kanila pero hindi ko alam kung bakit may luhang tumakas sa mga mata ko.

"O-okay lang ako." Halos pumiyok pa ako sa sagot ko.

Ang sakit lang dahil hindi ako pinaniwalaan ni Ryner. Or maybe, nasasaktan ako because I'm expecting him to believe me but he didn't. Ganun ba ang tingin niya sa akin?

Pakiramdam ko mas masakit pa yung ginawa niya sa akin kaysa sa pagsabunot, pagkalmot at pagtulak sa akin nila Krizelle.

Ang bigat sa dibdib.

Inalalayan nila akong tumayo at tinulungan na rin nila akong pagpagin ang damit ko.

"Shit Maui. You got bruises on your elbows." Sabi ni AJ. Kaagad na chineck ni Xianny ang siko ko at may dugo na nga iyon, maging ang damit ko ay nalagyan na rin ng dugo.

"Do you really feel okay?" Tanging tango na lamang ang mga sagot ko sa kanila dahil pakiramdam ko nawalan ako ng lakas.

Inakay na rin ako ni AJ at dinala nila ako sa clinic. Agad na nilinisan ng nurse ang siko ko at nilagyan iyon ng betadine. Umalis saglit sina AJ at Maxi upang magpaalam sa mga teachers namin na hindi muna kami makaka-attend sa last subject namin.

"Maui." Tawag sa akin ni Xianny. "Okay ka lang ba talaga?" She asked worriedly. I nod my head to say that I am okay but my tears started falling.

"Maui—"

"Y-yeah, I am f-fine." Iwas tinging sagot ko sa kanya. I just felt her hands holding mine.

"You'll not cry just because of those bruises you got but I know there is another reason why you're crying." Hindi ako sumagot kay Xianny at hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"I was just hurt with the thought na wala naman akong ginawang masama sa kanila pero lagi na lang nila akong pinag-iinitan tapos ako pa yung nagmukhang masama at hindi pinaniwalaan." Hindi niya man lang ako pinaniwalaan.

"Is it about Ryner?" Muli niyang tanong. "He's the one you're pertaining to, right?" Hindi ako umimik. "Nasasaktan ka ba dahil sa mga ginawa nila Krizelle sa'yo? O mas nasasaktan ka dahil sa inasta Ryner?" I bit my lower lip.

Muli kong naalala yung pangyayari kanina at habang naglalaro iyon sa isip ko, ramdam ko ang unti-unting pagguhit ng kung ano sa dibdib ko.

Umiiyak ako hindi dahil sa sugat ko, umiiyak ako dahil nasasaktan ako. I was the victim here pero ako yung nagmukhang mali. Muli na namang pumatak ang luha ko.

"Ang s-sakit lang d-dahil mas pinaniwalaan niya s-sila Krizelle. Hindi ko lang kasi m-matanggap na sila yung k-kinampihan niya. What a-about my side? What about m-my reason?" Putul-putol kong sagot.

"Hindi ka masasaktan ng ganyan ng walang dahilan." Pilit hinuhuli ni Xianny ang mga tingin ko. "Maui, answer me. Gusto mo ba si Ryner?"

Naging tuluy-tuloy ang agos ng luha ko habang patuloy lang na umiiling.

"H-hindi ko naman s-sinasadyang magkagusto sa k-kanya. H-hindi ko s-sinasadya." Mas lalong naging matunog ang pag-iyak ko. Lumapit si Xianny sa kinauupuan ko at niyakap ako ng mahigpit.

"S-sinubukan ko n-namang pigilan yung n-nararamdaman ko. Sinubukan k-kong umiwas pero mahirap, h-hindi ko k-kaya." Naluluhang sambit ko sa kanya.

"Hindi mo kasalanang magkagusto sa kanya. Hindi mo kailangang umiwas sa kanya—"

"Pero kailangan. Alam ko naman kasing hindi niya ako magugustuhan." At yun yung masakit doon, na kahit hindi ko pigilan, alam kong ako lang din ang masasaktan.

Kunsabagay, ano lang ba ako para kay Ryner? Ako lang naman yung babaeng kasama niya sa iisang bubong. Babaeng madalas niyang pagtripan. Babaeng trip na trip niyang asarin.

Ako naman 'tong si nahulog kahit alam ko namang hindi niya ako masasalo. At ako 'tong babaeng nagustuhan ang lalaking imposible akong magustuhan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro