CHAPTER 20
Maui's POV
Mabilis kong isinuksok sa bag ko yung jacket ni AJ na ipinahiram niya sa akin noong naabutan ako ng ulan nitong Monday. Balak ko na kasing ibalik, nalabhan ko naman na.
Hindi na ako sumabay kay Ryner ngayon. Ayoko. Naiilang ako sa kanya.
When he's near, my heart keeps on beating fast. When he's looking at me directly to my eyes, I want to avoid his gaze but damn, I just can't, and I feel like his drowning me slowly. When his skin touches mine, it gives me an unexplainable feeling. I really don't know.
And just the thought of him near me, just by his presence, my heart is always at its abnormal state. I don't want to name this kind of feeling and I don't know if I can handle this thing. I know, this feeling is new to me and I don't know what should I do.
Sa tuwing kasama ko kasi siya, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nakakainis lang. Kapag nasa harap ko siya, ang sarap lang niyang sipain o itulak para mawala agad siya sa paningin ko. Kapag hindi ko naman siya nakikita, hindi naman ako mapakali, pakiramdam ko may kulang.
Ang gulo lang! Wala talagang ibang dulot ang alien na yun kundi ang guluhin ang sistema ko.
Nakarating ako ng matiwasay sa AU. Buti nga kanina agad akong nakahanap ng cab kaya less hassle. Pagkapasok ko sa room ay siya namang pagtunog ng cellphone ko.
"B-bakit?" Geez! Isa din 'tong dahilan e. Kapag nakakausap ko siya, lagi na lang akong nauutal. Samantalang noon, kulang na lang na lumabas ang litid ko sa pagsigaw sa kanya.
What's happening to me now?
[You're not here. Where the hell are you?!] Pasigaw niyang tanong. Ganyan na madalas ang tono niya sa akin. Oo, pasigaw pa rin lagi pero hindi ko mawari na sa tuwing sinisigawan niya ako ng ganyan, hindi ko mapigilan ang pagngiti.
"R-room."
[What?! You should go with me instead. Delikadong sumakay sa taxi especially that you're alone.] I just felt my lips forming a smile. Why am I thinking that he's worried about me? My gosh! Errr! Erase that thought Maui!
"Okay lang naman ako." I tried to sound normal.
[Kahit na! Just... Tss! Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan!]
"Oo na, won't do it again."
[Tss. Keep this on your mind. My second rule, you can't go anywhere without me. And once you disobey me, I will really punish you.]
"What?" Punishment na naman? Tss. Napahigpit ang kapit ko sa cellphone kong kasalukuyang nakadikit pa rin sa tenga ko.
Naiinis ako! Ayan na naman siya sa rule niya na kapag sinuway ko, may kaakibat na punishment kuno. Akala ko talaga nakalimutan na niya e! Arrrgh!
[I'll just see you later.]
Ang inis na nararamdaman ko kanina ay natabunan ng tuwa sa huli niyang sinabi. My God! Nababaliw na yata ako.
Araw-araw na nga niya akong nakikita't nakakasama tapos gusto niya agad akong makita? Namimiss niya na ba agad ako? Geez! Assuming is meeh.
Ah basta! Gusto ko rin naman na siyang makita e.
W-what Maui? What? Aish! Ano ba 'tong pinagsasabi ko?
"Booooooh!"
"ANO BA?" Malakas kong sigaw matapos akong gulatin ni... Sino ba 'to? Paglingon ko, si Xianny. Inirapan ko siya pero ngisian niya lang ako. Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko.
"Uh, oh. Bakit nangingiti ka r'yan?" Pag-iiba niya ng usapan at hindi pinansin ang pagrereklamo ko. Mabilis kong pinalis ang mga ngiti sa labi ko.
"Ako? Nakangiti? Sinong tao ang ngingiti matapos siyang gulatin? Ano ako, baliw?" Pagdidipensa ko sa aking sarili.
"At sinong tao naman ang ngingiti habang may kausap sa cellphone? Ha? Ha? Yun ang tinatawag na baliw." Nginitian niya ako ng mapang-asar.
"Heh! Doon ka nga! Chupi!"
"Chupi your face! Tell me, sino yung kausap mo?" Pag-uusisa pa niya at halos manlaki ang dalawa kong mata.
Oh my! Don't tell me kanina pa siyang nand'yan sa likod ko? Did she heard us? Oh my gracious goodness!
"Kanina ka pa ba r'yan?" Tarantang tanong ko.
"Huwag mo ngang ibahin ang usapan. Sino 'yon?" So narinig nga niya? Oh my!
"Wala nga!" Just deny it Maui!
"Isa!" Aish! Ayan na naman siya sa pagbibilang niya!
"Wala nga lang yun!" Pagpipilit ko sabay iwas ng tingin sa kanya.
"Dalawa!" Sabay taas pa niya sa daliri niya. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ang kulit lang e. "Tat—"
"Fine! Si R-ryner." Utal kong sagot.
"Yieeeee!" Asar pa niya sabay kiliti sa tagiliran ko. "Kayo ah? Amoy namumuong love story na ba? Don't tell me—"
"Stop it. That's impossible. Me and Ryner? Gosh, that's really impossible." Agad kong putol sa sasabihin niya.
Ayoko. Hindi sa ayoko kay Ryner. Ayoko lang kasing umasa. Mainam ng sa akin mismo manggaling ang mga salitang yun—mga salitang alam kong imposibleng mangyari.
Alam ko namang walang patutunguhan 'tong nararamdaman ko. At oo, mabigat sa dibdib ang katotohanang iyon.
Umupo si Xianny sa isang upuan at ipinatong ang kamay nito sa arm chair habang ang palad niya ay nasa baba niya.
"My dear bessy, take note of this..." Umayos siya ng upo at tinitigan ako ng mabuti. "Walang imposible sa pusong nagrerebelde. Itaga mo man sa bato, kapag ang puso mo ay nagsimulang magkagusto, wala ka ng magagawa roon. Gustuhin mo mang pigilan, ikaw lang din ang mahihirapan."
Napaiwas ako ng tingin sa huli niyang sinabi. Sapul sa puso ko.
Alam ko naman yun e. Alam na alam. May oras pa naman sigurong pigilan ko 'tong nararamdaman ko diba? May oras pa naman siguro—oras para maiwasan kong masaktan.
Kasalukuyan kaming nandidito sa quadrangle. Nagkataon kasing wala yung teacher namin. Mula rito, tanaw na tanaw ko sa kinapupuwestuhan ko si Ryner.
Ryner na naman!
Oo na! Takte! Bakit ba puro Ryner na lang ang bukambibig ko? No! Bakit ba puro si Ryner na lang ang iniisip ko? Napailing ako. Mali 'to.
Napabuga ako ng malalim na hininga.
"Grabe ha? Parang ang laki naman ng problema mo sa paraan ng pagbuntong hininga mo." Puna sa akin ni Maxi.
Kung alam mo lang, malaki talaga. Hindi ko na nga alam kung paano masosolusyonan 'to e.
Bakit kasi sa kanya pa? Bakit kasi sa taong alam kong wala akong pag-asa? Sa taong alam kong imposible namang mangyari?
"Saglit lang ha?" Paalam ko sa kanila nang makita ko si AJ at tumakbo ako sa kinapupuwestuhan nito.
"Woi. Isosoli ko na pala yung jacket mo." Sabay hagis ko nung jacket sa kanya, mabuti na lang at nasalo niya iyon kaagad.
"Salamat pala, ha?" Sarkastiko niyang saad, sinapok ko nga. "Sadista!" Reklamo pa niya.
"Heh! Magtigil ka nga!" Aambahan ko na naman sana siya ng isang sapok pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Samahan mo ko sa cafeteria, nagugutom ako." Gusto kong matawa dahil ngumuso pa siya. Para lang siyang bata e, kaya ayun, sinamahan ko nga siya papuntang cafeteria.
"Lilibre mo 'ko?" Sabay puppy eyes ko habang naglalakad kami.
"Magpapasama lang ako pero hindi ako manlilibre." Tawang-tawa niyang sabi. Agad ko nga siyang tinalikuran.
"Sige! Edi pumunta ka mag-isa mo." Kunyaring sabi ko sa nagtatampong tono at nagdirediretso sa paglalakad.
"Uy Maui! 'To naman. 'Di na mabiro." Sabay hila niya ulit sa kamay ko at sabay akbay na rin. Natawa na lamang ako.
Nagtungo kami sa cafeteria na nakaakbay pa rin siya sa akin at marami na namang nakatingin sa amin. Ano na naman ba? Porket magkasama kami, bibigyan na naman ng malisya! Haaays! People nowadays. Napakama-issue.
AJ ordered one box of pizza, yung regular size lang, dadalawa lang kaya kami.
"AJ! Argh! Baaaad!" Reklamo ko nung pahiran niya yung pisngi ko ng hot chili sauce.
"Hahahaha! Kanina ka pa kasi tahimik e."
"Eh, seryoso akong kumakain dito e." Paliwanag ko. Syempre, tsumempo na rin ako para makabawi sa kanya. Aba! Edi pinahiran ko rin ang mukha niya. Papatalo ba naman ako?
"Hahahaha! Ang pangit mo!" Pang-aasar ko sa kanya.
Nauwi lang naman kami sa pag-lalaro nung pizza. Mas marami pa nga yata yung natapon na pizza e. Loko kasi si AJ! Sinasayang yung pagkain e.
"Wait mo ako rito, maghuhugas lang ako ng mukha." Sabi ko sa kanya at dumiretso sa girl's CR, siya naman sa boys.
Nanatili ako sa harap ng malaking salamin. Grabe, punung-puno ng sauce yung mukha ko! Agad akong naghilamos ng mukha. Pagkatapos kong ayusin ang mukha ko, paalis na sana ako nang biglang may pumasok sa loob.
"What a nice scene. I didn't know you're good at flirting. Oh, you're the best to be exact." Napako ang tingin ko sa kanya sa salamin na kasalukuyang nag-aapply ng red lipstick sa labi niya.
"Excuse me?" Sabay na umarko ang kilay ko.
"Stop pretending Maui. I know what type of woman you are." She said and faced me. "Trying to be a good one but the truth is you are not." Then she smirked.
"Is Ryner not enough? Do you still need another one? I guess, Axel is your next target, aren't I? What a flirt." I tried to hold back my anger because of what she said and I ended up balling my fist dahil kung hindi, masasampal ko siya ng wala sa oras.
Instead, nginitian ko siya ng mapang-asar.
"Stop giving me those descriptions Krizelle. To be honest, those descriptions address you the most and not me." Now, I was the one smirking at her. Nilagpasan ko siyang kunot na kunot na ang kanyang mukha.
Palabas na sana ako ng CR pero nilingon ko ulit siya.
"And Krizelle..." Tawag ko sa kanya na siya namang ikinalingon nito sa akin."Stop the insecurity, that won't make you pretty." Mas dumoble lang ang pagkakunot ng noo niya.
I may be good but I can also be the worst.
Lumabas ako sa CR nang medyo naiinis. Konting-konti na lang talaga. Sinasagad ako ng Krizelle na yun e! Hindi ko lang talaga alam kung bakit ganun trato niya sa akin. Tss. Anong karapatan niyang sabihan ako ng ganun? She doesn't even know me at all to throw those words on me. Geez! She's really getting on my nerves!
I texted AJ na huwag na akong hintayin. Nakakainis lang. Nawala tuloy ako sa mood.
Instead of going straight to the quadrangle, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Tapos napadpad ako sa garden kung saan una kaming magbangayan ni Ryner dahil sa duyan.
Napapatawa pa nga ako habang nanunumbalik sa isip ko yung mga nangyari rito. Pati yung pumitas ako ng bulaklak, lahat na lang bawal. Pero hindi ko naman siya masisisi. Nasabi kasi minsan sa akin ni Xianny na sa Lola niya pala itong garden e. Kumbaga, ito yung kahuli-hulihang ala-ala nila para sa namayapa niyang Lola.
"What are you doing here at my place?" Anang boses and I know kung sinong nagmamay-ari ng boses na yun. Si Ryner syempre. Baka place niya to?
"Bakit bawal ba?" Masungit kong tanong, pilit tinatago ang pagngiti ko.
"And what if I say yes?" Panghahamon niya pa.
"And what if I want to stay here?" Tanong kong muli.
Parang nung unang pagkikita lang namin. Sabay pa kaming natawa. Batid kong pareho kami ng iniisip ngayon.
Humakbang siya palapit sa akin. Napakurap-kurap na lang ako. Tumingala pa ako para lang tignan siya. Ang tangkad kasi ng alien na 'to.
"What if I ask you to stay with me, are you going to do it?" Nakagat ko na lang ang labi ko. Please Ryner, stop giving me false hope. Mas lalo lang akong aasa.
"Kapag pumayag ba ako, hindi mo ako bibitawan?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya. Geez! Bakit ko ba nasabi yun?
"If you hold unto me, I will do the same." Naging sunud-sunod ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
Maya-maya lang din ay pinitik niya ang noo ko at tumawa siya. Natawa na lang din ako pero deep inside, tinatago ko yung totoong nararamdaman ko, yung sakit na nararamdaman ko.
Alam ko naman kasing biro lang lahat ng sinabi niya. Alam ko naman kasing hindi totoo lahat ng yun. Alam ko naman kasing imposibleng sabihin niya sa akin lahat ng yun. Pero hindi ko maiwasang masaktan, kasi umasa ako e. Umasa ako na sana lahat ng yun, totoo na lang.
Kasalanan ko rin naman e. Sinakyan ko yung trip niya tapos ngayon, ako yung masasaktan dahil alam kong biro lang lahat ng iyon.
Haaaays. Ang hirap naman ng ganito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro