Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

Maui's POV

Napakibit balikat na lang ako habang tinitignan silang papalabas ng cafeteria. Maya-maya pa ay dumating na rin sina Xianny at Maxi bitbit iyong food tray. Napatingin din sila sa may pintuan tsaka ako muling tinignan.

"Umalis lang kami nakipag-away ka na." Bungad ni Maxi pagkalapag niya ng food sa table, nang-aakusa.

"I did not."

"Ano bang nangyari?" Xianny curiously asked. I just told them what happened.

"Ay gagang 'yun? Sana naabutan namin para 3 in 1 ang labanan." Natatawang napailing na lang ako nang sabihin iyon ni Maximo, sumang-ayon naman si Xianny. Mga baliw talaga sila.

Nang maupo silang dalawa, sinimulan na naming kainin iyong in-order nilang food. When the bell rung, tumambay muna kami sa cafeteria dahil may meeting pa nga ang mga teachers para sa Foundation Day next week.

"Ano bang ginagawa rito kapag Foundation Day?" Tanong ko sa kanila habang tinitignan iyong mga estudyanteng labas-masok dito sa cafeteria. Wala naman kasi akong ideya kung anong mga ginagawa nila rito tuwing Foundation Day dahil transferee nga lang ako. Alam ko naman kung anong mga usual na ginagawa kapag Foundation Day ng school, I'm just wondering how that event works here.

"One week yung celebration kasi nga anniversary ng Adam University yun. Nagkakaroon ng school fair, booth making contest, dance contest, singing contest and others. Pero sa last day ng celebration, nagkakaroon ng Search for the Campus King and Queen." Mahabang sagot ni Xianny sa akin. It's the usual thing pero napangalumbaba ako sa upuan dahil sa huli nitong sinabi.

"King and Queen? Ang korni ng school niyo ah!" Pinanlakihan nila ako ng mata dahil sa naging tugon ko.

"Sinasabi mo lang yan kasi hindi mo pa nasasaksihan 'yon! Kung alam mo lang yung feeling ng maging Queen. Kyaaaaaaaaaah!" Parang kinikilig na sambit ni Xianny tapos kumikislap pa ang mga mata nito na para bang may naaalala siya. Did she became a so-called Queen once?

"Eh bakit ka nanghahampas?" Singhal ko. Given na yung kikiligin siya pero kailangan pa ba talaga niya akong hampas-hampasin?

"Gosh Maui! Ang bilis mo talagang mainis!" Saad naman ni Maximo sa akin. Napaikot lang ako ng mata. "You know kasi, the reason why our Xianny here is kinikilig because last year she was chosen to be the Campus Queen." Kasabay ng pag-angkla ni Xianny kay Maximo ay nakangusong tumango-tango ito habang nakatingin silang pareho sa akin. 

"And guess who's her partner?" Pambibitin nito.

"Who the hell was the School King then?" Irita kong tanong pero napupuno pa rin ako ng kuryosidad.

"Ang one and only ko!" Sabay nilang tili. The side of my lips rose. One and only? Are they serious? "SI KYLE TYLER SMITH!" They both said in unison, their eyes were sparkling.

"Sino naman yung Kyle Tyler Smith na yun?"

"Ang lalaking tinitilian ng lahat." -Maxi

"Biniyayaan ng napakagwapong mukha." -Xianny

"Walang katulad dahil nag-iisa lang siya." -Maxi

"Tingin niya pa lang matutunaw ka na." -Xianny

"Ang lalaking sobrang cool tignan." -Maxi

"Sikat." -Xianny

"School Heartthrob." -Maxi

"At higit sa lahat..." Sabay nilang saad. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil salit-salitan sila sa pagsasalita. "ANG LALAKING NAGPATIBOK NG PUSO KO! Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Tili na naman nila habang magkayakap pa. Napasubsob na lang ako sa mesa. Bakit ba sobrang ingay nila?

"K." Tipid kong sagot. Pareho silang kumalas sa yakap at sinamaan ako ng tingin.

"Nakakainis ka naman Maui e." Napasimangot si Xianny, nagtatampo.

"Ang haba haba haba haba haba haba ng sinabi namin, tapos isang 'K' lang isasagot mo? Sakit mo sa bangs ah." Nag-act pa si Maxi na parang ini-flip yung bangs niya kuno.

"I'm just asking who that guy is. Kung anu-anong mga sinasagot niyo." I rolled my eyes on them then rested my head on the table. I do admit may pagka-OA ako minsan sa pagdedescribe pero sila sobra pa sa OA.

"Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo!" Napaangat ako ng ulo nang tumayo silang dalawa at tinalikuran nga ako.

"Hoy, teka lang nam—"

"Bahala ka sa buhay mo! Tse!" My mouth was left hanging. Aba'y iiwan talaga nila ako?

"Iiwanan niyo ako? Fine! Ganyan naman kayo e!" I screamed. Lumingon sila sa akin pero binelatan lang ako. Naiinis na napabuntong hininga na lamang ako. Anong gagawin ko rito? Sinong kakausapin ko? Multo? Anino ko? Tss. Tumayo na lang ako. Saan naman kaya ako pupunta nito? They just left me. Okaaaay? Do they think I'll follow them? Manigas sila!

Bumili muna ako ng softdrinks bago ako umalis sa cafeteria na yun. Hindi ko nga alam kung saan na ako napadpad e. Nalaman ko na lang na nasa isa akong garden dito sa may dulo ng university. Nang maupo ako roon sa malaking bato, isang makulay na butterfly ang umikot-ikot sa akin. I stood up and I didn't know why am I following that butterfly hanggang sa namalayan ko na lang na parang may pinapasukan kami.

When I stopped, my mouth almost fell. I didn't expect this. It's a secret garden. Typical garden lang siya kung titignan mo sa labas pero kapag pumasok ka, different types of flowers would welcome you. It is so colorful. It was totally refreshing in the eyes. This place reminds me of my mini garden in London. Nilibot ko yung garden and there, I saw a hammock. Who would put this thing here?

Umupo ako roon sa duyan. Hindi ko alam kung bakit nandito pa rin yung butterfly, umikot-ikot na naman siya sa akin. Ayaw niya yata akong iwan. I smiled with that thought. Buti pa 'tong butterfly hindi ako iniiwan. Charot!

Itinaas ko yung isa kong kamay at kusang lumapit yung butterfly sa daliri ko. Hahawakan ko na dapat yun kaso bigla iyong lumipad palayo sa akin dahil biglang may nagsalita. Halos mahulog pa ako sa sobrang gulat.

"What are you doing here at my place?"
Lumingon ako sa kung saan nanggaling ang boses na yun at nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng cap na nakatingin sa akin ng masama at tila naghihintay sa sagot ko. Inayos ko lang ang pagkakaupo ko and then I arched my brows on him.

"Excuse me mister whoever-you-are, this is not your place okay? It's a school property so please don't call it as your place." Pagdidiin ko sa salitang iyon. Place place siya d'yan!

"Just answer my fucking question Miss. What are you doing here at my place?" Aba, inulit talaga. Umalis ako sa pagkakaupo sa duyan at lumapit doon sa lalaki. I can't see his face yet, natatakpan kasi ng suot niyang cap yung mukha niya tapos medyo mahaba pa yung buhok niya sa harap.

"School property nga kasi 'to Mister and I can stay here as long as I want." Magsasalita pa sana ako ulit nang alisin niya iyong cap niya. He frustratedly brushed his hair using his fingers. He then looked at me coldly, making me stoned at my spot not because I am afraid of him but because it's him! Shit, it's him!

"You!" I pointed him out when I remembered who he is. "You're the guy—"

"Yes miss who-don't-know-how-to-say-thank-you, it's me. The guy in the car. Happy to see me?" He smiled playfully but his eyes were blazing in annoyance.

Darn. Did I just met this arrogant guy, again?

"Ha! Feeler!" I rolled my eyes heavenwards. Ang hangin niya talaga! Balak ko sanang umupo na lang ulit sa duyan nang magsalita ito.

"Don't you ever try to sit at my hammock." He said full of authority. I sensed that the playful smile plastered on his face turned into his signature face look—the cold one. I looked at him questionably.

"You serious? What are you? A kid?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ano siya? Isang bata na kapag naunahan sa pwesto niya e aawayin ka? Ha! This guy. Really. "I can sit here whenever I want." I added.

"If I say don't, then don't." Napapitlag ako sa dating ng boses niya. I somehow felt the chills run down my spine.

Magkalapat ang mga labing umalis ako roon especially when I felt his presence at my back. He sounds so serious. What's with this hammock, anyway? Ganun ba niya kamahal 'tong duyan na 'to? Tsk. Sikreto akong napaikot ng mata. Sa halip ay naupo na lang ako sa may malaking bato malapit sa mga halaman. I can't bear his coldness. Argh! I'll just imagine that I'm alone here.

Ibinaling ko na lang yung atensyon ko sa mga halaman doon. I smiled when I saw the flowers. Nakakapangwala ng inis dulot ng nilalang na kasama ko ngayon. Caused by the silence, I picked one of the pink gumamelas and put it on my ears. Inilabas ko yung phone sa bulsa ko. Tinignan ko yung reflection ko sa screen. Ang cute!

I was about to take a selfie when he spoke again.

"Did you just pick one of it?" Sa sobrang gulat ko, muntik ko pang mabitawan yung phone ko. Lumingon ako sa lalaking iyon at sinamaan na talaga siya ng tingin.

"What now? Bawal din ba?" I asked annoyingly. Lahat na lang ba bawal?

"You'll gonna pay for that!" I can see how mad he is now.

"Whatever. Gay!" Before he could say something, I ran as fast as I could.

"You punk, I told you you'll pay for that!" Huli nitong saad bago ako nakalabas ng tuluyan sa garden na iyon.

Humahangos ako nang makarating sa quadrangle, hinihingal. I put my both hands on my knees. Ganun ba kalayo yung garden na yun? More like parang nakipagkarera ako a? Wala na yata akong ibang ginawa kundi ang puro tumakbo sa araw na ito.

Haaa! Hinihingal pa rin ako.

"Maui? My goodness! We've been looking for you!" I heard Xianny's voice then lumapit sila sa akin.

"Really, huh? After you left me?" Sarcastic kong tanong sa kanila. My eyes automatically rolled up.

"Sorry, okay? Kasi naman ikaw e. Kabadtrip kaya." Xianny said, crossing her arms.

"Kaya nga, it's so nakakabeastmode you know?" Singit ni Maxi. "Didn't you know that 'K' is the worst, most annoying, most irritating, aggravating response ever?" Inirapan nila ako pareho.

"Whatever!" I rolled my eyes again, still panting.

"Teka nga, what happened to you? You're sweating. Ewwww!" Maarteng sabi ni Maxi. Sapakin ko kaya siya r'yan?

"It's nothing." Sagot ko na lang. I was about to take a step when I saw that arrogant guy on my peripheral vision and he's heading to me. His both hands were inside of his pocket. Oh wait, did he just walk that fast? E samantalang ako hinihingal pa? So unfair naman.

"Hi." He waved his hand on me while saying that. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Lumapit ito sa akin at may ibinulong. "We're not yet done." Again, he waved his hand on me as a sign of goodbye... or to annoy me rather. What the hell? Nakatingin lang ako ng masama sa likod niya hanggang sa mawala siya ng tuluyan sa paningin ko.

"OMG!" Napalingon ako kina Xianny at Maxi nang pareho silang tumili. "Did he just waved at you?" Maxi asked unbelievably.

"Yeah and he even say hi to me. Why?"

"Oh my God!" Napatakip silang pareho sa bunganga nila. Errr? "Tell me, I'm not dreaming right? It's him right? It's him!" Hindi makapaniwalang tanong ni Maxi habang hinila-hila ang braso ni Xianny. Xianny just nodded. Then they looked like they lost some words to say.

"Teka nga, anong nangyayari?" Naguguluhan kong tanong sa kanila.

"Do you know who that guy is?" Tanong ni Xianny sa akin, tila pinipigilan nitong ang sariling kiligin.

I shook my head. "No and I'm not interested." Kung siya lang din naman ang pag-uusapan, huwag na lang.

"OMG Maui. It's Ryner! Ash Ryner Adam!" Niyugyog nila ako sa braso nang makalapit sila sa pwesto ko.

"Ano ba?!" Inis kong reklamo sa kanila. Pakialam ko naman kung sino ang lalaking iyon?

"OMG! OMG! It was really him!" Maxi said amused. I narrowed my eyes while looking at them acting like crazy.

I don't even know who that guy is. Kanina ay kulang na lang na pagpantasyahan nila ang pangalang Kyle Tyler Smith. Now that that arrogant guy appeared, para silang mga baliw. Tsk.

***

A/N: The definition of 'K' used on this chapter was based on a Facebook Page (can't remember kung anong FB page yun, basta nabasa ko lang one time) Anyways, credits to the owner. :)

-imeesyouuu❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro