CHAPTER 19
Maui's POV
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin ngayon. Maaga kasi akong nagising. Usually naman, lagi akong late gumising. I don't know either why I ended up in the kitchen. To cook? O yeah right! Ah, basta! Magluluto ako ngayon. 5:30 AM pa lang naman. 8 pa pasok ko.
Kinalkal ko na lahat ng gamit ni Ryner. Yung tira naming kanin kagabi, sinangag ko siya. Gumawa rin ako ng dalawang sunny side up. I also opened one meatloaf in can and fried it.
I prepared it on the table after cooking. Looking to what I made overwhelmed me. Pinaghirapan ko kaya 'to! Tsaka step by step, matutunan ko ring magluto ng talagang mga ulam na. Yung maipagmamalaki ko. Charot!
Next, I made myself a milk until I heard footsteps coming on my direction.
"What made you cook?" He asked, leaning on the refrigerator while crossing his arms. I also leaned on the sink and looked directly to him.
"I just want to and I badly wanted to cook—"
"For me?" He cut off my words and silly smile plastered on his gorgeous face. Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya.
"For you and for me." Kaming dalawa lang naman ang tao rito unless mayroon akong hindi nakikita but Ryner just laughed at me.
"Seriously, why did you cook?" Oh good lord, here we go again sa seriously niya. Lintek! Naalala ko na naman yung ginawa niya sa akin kagabi. Argh! Erase that thought Maui!
"Oo nga. Besides, I'm in a good mood today." I smiled genuinely. Humakbang siya palapit sa akin and cornered me on the sink using his both hands on my side.
His eyes met mine at hindi ko alam kung bakit hindi man lang lumilihis ang paningin ko sa kanya. Bakit ba kasi rito pa ako pumwesto? Napabend na lang ako sa kinapupuwestuhan ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin.
Bakit ba ganito lagi ang ginagawa niya sa akin?
"What makes you in a good mood this morning?" Halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin dahilan upang 'di ko masagot ang napakasimpleng tanong niya.
Napalunok ako ng ilang beses. Jusko!
"Well, do you know what makes me in a good mood today?" Ginilid niya ang mukha niya sa bandang tenga ko at bumulong siya rito. "Seeing you cook and preparing some foods for me." Aniya at gusto na namang lumundag ng puso ko palabas matapos niyang kagatin ang punong tenga ko.
Harujusko, ang puso ko!
Tahimik akong lumabas sa kotse ni Ryner pagkapark niya. Simula kanina, tila naging pipi ako dahil sa pinaggagawa niya sa akin.
"Let me carry your things." Kukunin niya na sana ang mga gamit ko pero agad ko itong inilayo sa kanya.
"Ako na. Kaya ko naman e." Sagot ko at mabilis ko siyang tinalikuran.
Hindi ko maintindihan kung ano bang trip sa buhay ni Ryner at kung anu-ano na lang ang mga ginagawa niya sa akin lately. At hindi ko rin maintindihan kung bakit sa tuwing may ginagawa siyang kakaiba sa akin, nagwawala ang puso ko.
Yung bigla-bigla na lang akong hahapitin sa baywang. Kung minsan pa, kulang na lang isiksik niya sa akin ang katawan niya. Hindi ko rin alam kung bakit sa tuwing kinakausap niya ako, titig na titig siya akin.
The way he talks. The way he touches me. The way he looks at me. The way he gets near me. Everything. Nagbibigay iyon ng kilabot sa akin. Ni hindi ko rin alam kung bakit ako naaapektuhan sa kanya.
Ang inisin ako, asarin, pagtripan, lagi niya iyang ginagawa sa akin. I almost curse him to death, hate him to death dahil lagi niya iyong ginagawa sa akin, idagdag mo pang napakaarogante niya.
But now, I can't explain why. I mean... Just... Tss. Lagi ko iyong hinahanap. Nakakainis!
Noon lamang ako natauhan nang may mabangga ako. Argh! Ryner! Huwag mo nga kasing guluhin pati sistema ko!
"Miss, I'm sorry." Sabi nung nakabangga ko. Tinulungan niya akong damputin yung mga nahulog kong gamit. Pagtingala ko, halos manlaki ang dalawa kong mata sa taong nasa harap ko ngayon.
"AJ?/Maui?" Sabay pa naming tanong at sabay rin kaming tumawa dahil nagkasabay pa kami.
"You're studying here?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango ito at naramdaman ko na lang na kinuha niya sa akin yung mga gamit ko at siya ang nagbitbit nito.
"Magkakilala sila?"
"Are they friends?"
Narinig ko na lang ang bulung-bulungan sa paligid namin. Ni hindi ko nga namalayan na nasa harap na pala kami ng room.
"Dito ka rin?" Tanong ko nung pumasok din siya sa loob ng room namin. Simpleng tango lang ang nakuha ko.
What a small world for the both of us.
"Teka, bakit hindi man lang kita nakita kahapon?" Hindi naman ako umabsent kagabi ah? Bakit hindi ko siya nakita?
"I was here yesterday. I didn't saw you too that's why I am really shock earlier." Tugon nito. So, bakit hindi ko nga alam? Ah, baka yung pinatawag ako sa office para sa school paper.
Naging tuluy-tuloy ang kwentuhan namin ni AJ. Minsan, my natitingin sa gawi amin. Hindi ko alam kung bakit.
"Don't tell me kaya mo ako nakita sa daan kagabi is because dito ka galing sa school?" Nagtataka kong tanong.
"Yeah and I needed to rush my school papers yesterday." Muli akong napatango. Imagine? Magkaklase kami. How nice!
"OMG! SO YOU ALREADY KNEW EACH OTHER?" Napatakip na lang ako sa tenga nang biglang may sumigaw sa harap ko.
"Takte! Hindi bingi yung kinakausap mo!" Untag ko kay Maxi.
"Whatever! Pero seryoso nga?" Paniniguro pa niya at naupo na sa upuan niya, gayundin si Xianny. Si AJ naman ay naupo sa upuan ni Ryner, wala pa naman siya e.
"Hindi. Kinakausap lang namin ang isat-isa dahil trip namin." That gay Maxi just rolled his eyes heavenwards.
"You didn't change Maximo. You're still the Maximo I have ever known." Sabi sa kanya ni AJ. Si Maxi naman, feeling mahaba ang buhok at inilagay pa yung buhok sa tenga niya. Pssh!
Wait, magkakilala rin sila?
"Oo! Anong akala mo, ikaw lang ang kilala?" Sabi bigla ni Maxi na para bang nababasa ang naiisip ko. Tss. Napahagalpak tuloy ng tawa si AJ.
Maya-maya pa, biglang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si Ryner kasama si Kyle Tyler. Dire-diretso lang sila sa pagpasok at huminto sa harap namin. Nagsitigil din ang iba pa naming kaklase sa mga ginagawa nila at napatingin na lang silang lahat sa direksyon namin.
"Move." Maawtoridad na sabi ni Ryner.
Napasinghap pa ang iba naming kaklase at napa uh-oh naman sina Maxi at Xianny.
Hindi gumalaw si AJ. Nagkatinginan lamang silang dalawa ni Ryner at para bang nagtatalo sila gamit ang kanilang mga nakakapasong tingin. Teka nga, magkakilala rin ba sila?
"I hate repeating myself Gazzer." Naroon ang diin sa kanyang tono.
"And I hate it when someone tells me what to do Adam." Salit-salitan ko silang pinakatitigan habang nakakunot ang aking noo. So, magkakilala talaga sila?
"Why do you love getting what's mine?" Kita ko ang pag-igting sa panga ni Ryner.
"Did I?" AJ asked back. Bago pa man mapunta sa kung saan ang usapang ito, agad ko na silang pinigilan.
"Ryner ano ba? Upuan lang yan. Ang daming vacant sa likod oh!" Iritable kong sabi sa kanya. Pati ba naman sa upuan? Naku naman!
Mabuti na lamang at umupo nga siya roon sa likod pero ang sama lang ng tingin ni Ryner kay AJ.
"Don't mind him." Sabi ko na lamang sa kanya na ikinatango niya. Tinignan ko si Ryner at pinanlisikan siya ng mga mata. Naku! Kahit kailan talaga!
***
Ryner's POV
I almost balled my fist but I tried to control myself.
Hearing them laughing so loud because of their chitchats want me to stop them. Nakakapanggigil!
How can she laugh like that because of that guy? If I am not mistaken, it was their first time to meet and saw each other. How could they be so close?
It's as if mas kilala niya pa 'tong Axel na 'to katsa sa akin. Why the hell I care anyway? Damn it. Just shit!
After our class, I went out and slammed the door of our room and went directly to the cafeteria while Kyle was at my back.
Pagkarating namin doon, my blood runs upward my face. What a scene! Kasama lang naman ni Mauricy ang lalaking yun! Ganun ba talaga sila ka-close?
"You're showing me the perfect definition of jealousy Adam." I looked at Kyle and he's smirking at me.
"Quit your shit Smith. You're not helping." I furiously uttered.
"You're too obvious, bro!" Humalakhak siya na mas nakapagpainit ng ulo ko. Damn!
***
Maui's POV
Matapos ng klase namin, tumambay muna kami nila Xianny at Maxi sa isang bench na nasa lilim ng malaking puno kasama si AJ. Nalaman ko lang din na siya pala yung Axel na tinutukoy nila na nakita ni Maxi sa subdivision.
Loko kasi 'tong si AJ. AJ lang kasi pinakilala niyang name sa akin, which stands for Axel John. Tapos dati pala silang magkakaklase kaya kilala nila ang isat-isa. So, meaning magkakilala rin silang dalawa ni Ryner. The fact is, they used to be friends before.
Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ganun ang trato sa kanya ni Ryner. Diba dapat nga'y maging masaya pa siya dahil bumalik yung kaibigan niya? Parang may hidwaan kasi sila. Something that I can't explain.
I want to ask AJ why. I mean what happened before but then, ayoko namang makialam.
"Hahaha! Ang tanga mo talaga kahit kailan." Natatawa at naaasar na sambit sa akin ni Maxi.
"Isang banggit mo pa sa salitang yun, kakalbuhin na talaga kita!" Pagbabanta ko sa kanya na mas lalo lang niyang ikinatawa pati na rin sina Xianny at AJ.
Kinuwento ko kasi sa kanila yung nangyari sa office kanina.
-Flashback-
Nasa kalagitnaan kami ng klase nang muli kaming ipinatawag sa office kaya dumiretso na ako roon. May binigay lang silang konting info regarding our topic.
Nang makita ako ni Ms. Anitha, Student Publication Coordinator ay tinawag niya ako sa harap.
"Bakit po Miss?"
"Your topic is about the Foundation right?" Tumango ako sa kanya.
"Alright. Kindly go to my office and get the Foundation info on my table." Sabi niya na hindi ko masyadong naintindihan dahil biglang nag-ingay ang iba kong kasama at nagtawanan pa sila.
"Sige po Miss." Nasabi ko na lang iyon at agad na in-excuse ang sarili ko.
Hindi ko talaga masyadong naintindihan kung anong sinabi ni Miss Anitha kanina. Ang narinig ko lang talaga ay foundation. Aish!
Pagkarating ko sa office ng mga coordinator, I asked Miss Anitha's table. Tinuro naman nila kaagad iyon sa akin at dumiretso na ako roon. Wala namang nakalagay roon maliban sa bag niya, isang folder at isang vase lang.
Foundation lang kasi talaga ang narinig ko. Imposible kayang yung foundation na tinutukoy niya is yung pangmake-up? Bahala na nga!
Binuksan ko yung bag niya at kinuha yung medyo maliit na bag na may lamang make-up kit at yun yung kinuha ko. Mabilis akong bumalik sa office ng consultants at inabot yun kay Miss Anitha.
"What's this?" Nalilitong tanong niya.
Naku! Patay!
"P-po? Sabi niyo po kunin ko yung foundation niyo?" Napapikit na lamang si Miss Anitha sa sinabi ko.
"Yes, pero hindi yan ang tinutukoy ko. I'm pertaining to foundation, hindi yung make-up kit kundi yung Foundation info na nakalagay sa folder." Pinagtawanan ako ng mga kasamahan ko pati na rin si Ms. Anitha. Gusto ko na lamang na kainin na ako ng lupa sa sobrang hiya.
-End of Flashback-
"That was hella epic of you sis." Pang-aasar na rin ni Xianny sa akin at hindi sila mapigil-pigil sa pagtawa.
Ang babait talaga ng mga kaibigan ko. Ginawang katatawanan ang one of the most embarrassing moment ng buhay ko! Pinagtawanan na nga ako kanina, pati ba naman sila?
Lesson Learned: Makinig ng mabuti sa sasabihin at iuutos ng mga guro.
Nasa ganun kaming scenario nang biglang sumulpot si Ryner sa kung saan na parang kabute. Ang malala pa, umupo siya sa tabi ko at pasimpleng pumulupot ang kamay niya sa baywang ko.
Jusko! Heto na naman po tayo.
"Mauricy, let's go home." Mahinang bulong niya sa akin.
Nilingon ko sina Maxi at Xianny at sa titig ko pa lang sa kanila, tinanguan na nila ako dahil nakuha na nila kung anong ibig kong sabihin. Tumayo na rin ako at kinuha ang bag ko.
"We need to go guys. AJ, thanks for the fun!" Paalam ko sa kanila bago namin sila tinalikuran.
"Huy! Yung kamay mo!" Sabi ko kay Ryner nung paikot na kami papuntang parking. Paano kasi, ayaw man lang alisin yung nakapulupot niyang kamay sa akin.
"Hindi naman nagrereklamo ang baywang mo. Just let it be." Ngingisi niyang sabi. Napanguso na lang ako sa kanyang sinabi.
Nung nasa tapat na kami ng kotse niya, huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Dahil nga nasa baywang ko pa rin ang kamay niya, para tuloy siyang nakayakap sa akin.
"Alam mo, pansin ko lang, masyado kang nagiging clingy sa akin ngayon." Sambit ko sa kanya.
"So? May magagalit ba?" Nakangisi niyang tanong.
"Meron!" Mabilis kong sagot.
"Talaga? Meron ba? Sino?" Tanong niyang muli.
Teka nga, oo nga no? Meron ba? Nag-isip ako kung sino kaso wala akong maisip. Tinignan ko siya at naghihintay siya sa isasagot ko.
"M-meron! A-ako!" Nauutal kong sagot.
This time, mahina siyang tumawa at mas hinapit pa niya ako palapit sa kanya gamit na ang dalawa niyang kamay, kung kaya, napahawak na lamang ako sa dibdib niya.
"I already did it to you for how many times, nagalit ka ba?" Naghahamong sabi niya kaya napakurap na lang ako. "I never heard you complain and as long as you won't complain, I will do this as long as I want." Muli niyang sambit na mas nagpagulo sa mundo ko at nagpayanig sa sistema ko.
Geez! Hindi ko na maipaliwanag kung ano itong nagiging epekto ni Ryner sa akin. Normal pa ba 'to?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro