Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17

Maui's POV

Isa. Dalawa. Tatlo. Ang daming tao. Kunsabagay, nandito ako sa isang park tapos sabado pa. What to expect diba? Malamang maraming tao. Medyo malayo ito sa condo. Tsaka naboboring na ako ro'n. Puro mukha ni Ryner nakikita ko!

Tsaka sa loob ng ilang months na pagtira ko ro'n, ngayon lang ako nakalabas. Kung nandito lang siguro si Maurizelle, kung saan-saan na naman kami nagpunta. Kumbaga, gala-gala kung saan. Nakakasawa na rin kasing nasa loob lang ako ng bahay every weekends. Nakakalabas lang ako kapag may mga group project.

I'm not saying na palagala akong tao pero syempre kailangan ko rin ng time for myself, you know, mag-unwind. Lately kasi, super stressful sa school, so I needed time to unwind.

Ang kaso, I'm alone. Odi sige, ako na mag-isa. Pssh! Nakaupo lang ako sa isang swing. Nililibot ko yung tingin ko sa mga taong naririto. May mga magpapamilya as usual, pero mostly mga couples.

Ang ganda siguro magliwaliw lalo na kapag may kasama ka. Idagdag mo pang maganda yung panahon tapos alas kwatro ng hapon. Ang kaso nga, mag-isa ko lang!Edi ako na lonely. Ako na walang kasama. Ako na yung naboboring. Ako na nababagot. Ako na walang lovelife. Nyeee? Anong connect?

Ah, basta! Matawagan na nga lang yung mga mahal kong bruh!

[Problema mo?] Bungad sa akin ni Maximo pagkasagot niya sa tawag ko.

"Maximo, available ka ba?"

[Bakit? May balak ka bang mag-apply?] Napakunot ako ng noo. Apply? Anong pinagsasabi ng baklang 'to?

"Huh?" Naguguluhang tanong ko.

[Basted ka na bessy. I'm sorry.] Mas lalong nacrampled ang noo ko sa pagkalito dahil sa mga pinagsasabi niya.

"What?! What do you mean?"

[I'm sorry to say this Maui but I can't! Alam ko at alam mong single ako at mas lalong alam mong maganda ako, but gosh! I don't entertain girl suitors. Hindi tayo talo! I'm really sorry.] May bahid pa ng lungkot ang boses niya.

I don't get him, but afterwards...

"Langya ka Maximo Sanchez! Kunin ka sana ng mga alien d'yan sa mga pinagsasabi mo!" Sigaw ko ng sobrang lakas. I don't mind those people who are looking at me now.

It's just that, I wanna burst out in laughters nang mapagtanto ko kung anong ibig sabihin ni Maxi. Ginawan ng malisya yung tanong ko kung available ba siya? Eeeeew naman! Hindi ko maimagine.

[Aray naman ha?! Ang sakit sa eardrums 'te! Nakalunok ng microphone?!]

"Heh! Kung nandito ka lang sa harap ko, kanina pa kita nasabunutan. Kadiri ka! I just called you to ask if you're available para sana samahan mo 'ko rito sa park!"

[Malay ko ba! Bakit kasi hindi mo ako diniretso? May pa are you available ka pa r'yan. Malay ko ba kung may lihim na pagnanasa ka pala sa akin diba?]

Hindi ko na talaga napigilan ang tumawa.

"Dream on Maximo! Hahaha. Tawagin mo si Xianny, nandito ako sa Park, malapit sa mall. Bye!" Mabilis kong in-end yung call dahil for sure dadakdak at dadakdak lang yun.

Seryoso. Hindi ako makamove on sa basted thingy niya. May pa I'm really sorry pa! Huwaw ah? Natawa ako. Sampu. Hahahahahahahahahaha. Charot!

Umalis ako ro'n sa swing at lumapit doon sa nagtitinda ng mga street foods. Bumili lang ako ng sampung pisong fishball tapos sampu rin sa dirty ice cream. Ikain ko na lang muna siguro 'to habang hinihintay ko yung pagdating nina Maxi at Xianny.

Pabalik na sana ako sa swing nang biglang may tumama sa mukha ko, particularly sa gilid ng kilay ko.

"Ouch!" I even dropped my food dahil sobrang hapdi nung pagkakatama sa gilid ng kilay ko pati na rin sa pisngi ko. Ramdam kong medyo bumukol yun e. Hustisya naman sa kilay is life ko! Tss.

Tapos nakita ko yung frisbee na nahulog sa may paanan ko. Ang sakit lang ah!

"Hahahahahahahaha." Tawanan ng mga bata dahil siguro natamaan ako. Sinamaan ko sila ng tingin. Langya! Mga salbaheng bata! Pagtatapon ko kayo sa Mars e! Pasalamat kayo mga bata kayo! Pumapatol pa naman ako sa bata kung minsan.

Sinamaan ko ulit sila ng tingin kaso mas lalo lang nila akong pinagtawanan.

"Axler!" Narinig kong may sumigaw kaya natigilan yung mga bata sa tawanan nila.

"Miss, you okay?" Tanong ng kung sino. Nilingon ko ito.

"Paglandingin ko kaya sa mukha mo yung frisbee tapos itatanong ko sayo kung okay ka lang?" Sarcastic kong sabi. Hello? Masakit kaya!

"I'm sorry. Let me check you." Lumapit siya sa akin at biglang hinipan yung gilid ng kilay ko. Mahapdi talaga pero kapag hinihipan siya, nawawala yung konting kirot.

Pinaupo niya ako ro'n sa isang bench tapos iniwan ako saglit at pumunta sa isang kotse. Pagbalik niya, may hawak na siyang band aid tapos nilagay niya yun sa kilay ko. After nun, tinignan niya yung mga bata sa gilid ko.

"Axler, apologize." Pakiwari ko, kapatid niya 'to.

"No." Ay! Salbahe kasi talaga.

"Apologize or I will tell this one to Da—"

"Fine! I'm sorry!" Nagsorry nga, halatang labag naman sa kalooban niya. Napangiwi na lang ako. Mga bata talaga sa panahon ngayon.

"Even you Jerv, Shon, and Shan." Agad namang nagsorry yung mga bata sa akin. Tinanggap ko na lang din. Alangan namang patulan ko diba? Tapos nagtatakbo na sila palayo. Nakita ko pang dinampot nila yung frisbee at nilaro iyon ulit.

"I'm really sorry for what had happened." Sabi nitong lalaki sa akin.

"It's okay. Hindi naman siguro nila sinasadya." Kaso pinagtawan nila ako. Letche!

"Mind if you want me to change your wasted foods. Nakita ko kasing nabitawan mo kanina e." Nagsimula siyang maglakad papunta sa mga nakahilerang street foods kaya sumunod na lang ako sa kanya. Pinalitan niya nga talaga yung natapon na pagkain ko tapos bumalik ulit kami sa bench.

"Kung gusto mo pa, just let me know." He said.

"Okay na ako rito." Sabi ko naman. He's a stranger, but here I am, nakikipag-usap sa kanya. Hindi naman kasi ako na-aawkward-an e.

"Does it still hurts?" Bigla niyang tanong, pertaining to my wound.

"Hindi naman na. Medyo lang." I honestly said.

"Pasensya ka na. Ganyan kasi talaga ugali ni Axler. Pero mabait naman yan, kaso madalas topakin ng pagkasalbahe niya." Pagkukwento niya.

"Ganun talaga siguro kapag mga bata." Pagsang-ayon ko.

Nilipat ko yung tingin ko 'ron sa batang Axler. Tapos nangiti na lang ako nung tinulungan niyang makatayo yung isang batang nadapa. Mabait nga talaga. Nagkataon lang siguro na tinopak ng pagkasalbahe nung matamaan ako ng frisbee.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nagkekwentuhan nitong kasama kong hindi ko naman kakilala.

Teka, mag-aalas syete na, bakit wala pa rin sina Maxi at Xianny dito? E unti-unti ng nagsisiuwian yung mga tao.

"Hindi ka pa ba uuwi? I can give you a ride if you want." He offered.

"I'm waiting for my friends but I guess they can't make it. Uuwi na lang siguro ako." I answered.

"Great! Sumabay ka na sa amin." He called his brother. Nagtatakbo ito palapit sa direksyon namin habang hawak-hawak niya yung frisbee. Yung mga kalaro naman niya kanina ay kinuha na ng mga yaya nila.

Paglapit nito sa amin, naramdaman kong may humihila sa laylayan ng damit ko. Pinagtitripan na naman ba ako ng batang 'to? Sa kakahila niya sa damit ko, napaupo na lang ako hanggang sa magkapantay na kami.

"Ate, does it hurt? I'm really sorry. I did not mean to do it." Bigla nitong sabi sa akin tapos bahagya niyang hinalikan yung kilay kong nalapatan mismo ng band aid na siyang ikinagulat ko. "I hope this won't leave a scar." Dagdag pa niya. Napangiti na lang ako. I can see and feel his sweet side. Mas lalo ko tuloy namimiss yung kapatid ko.

"Ate's fine. Pero huwag mo ng uulitin yun okay?"

"Promise." Sabay taas pa ng kanang kamay niya. Napangiti na lang ako.

Since magaan naman ang loob ko sa kanila, sumabay na ako. Tsaka malapit lang daw yung subdivision nila sa condo ni Ryner. Ang kulit nga ni Axler e. Sabi pa niya, ako na lang daw ate niya para daw laging may mag-alaga sa kanya.

Kung anu-ano pa yung kinukwento sa akin, oo na lang ako ng oo. Hindi ko naman kasi alam at hindi ko rin kilala kung sino yung mga kinukwento niya sa akin. Nakikita ko ring natatawa na lang yung kuya niya sa amin.

Nag-thank you ako sa kanila nung nasa harap na kami ng condo. Ayaw pa nga akong pababain ni Axler e.

"Baby, ate needs to go. Maybe some other time, kita ulit tayo sa park." I told him dahil ayaw talaga akong palabasin ng kotse.

"Promise me, okay?"

"Promise." Then I saw him smiled. Aktong lalabas na ako, pero yung kuya niya naman ang pumigil sa akin.

"Before you leave, I'm AJ by the way. You are?" Sabay kaming natawa. Imagine? Mahigit tatlong oras kaming magkasama pero ni pangalan ng isat-isa hindi namin alam. Si Axler lang ang alam ko yung pangalan.

"Maui." Tipid na sagot ko at tinanggap ang kamay niya.

"Thanks for having fun with us today. Take care." Nginitian ko sila bago ako lumabas ng kotse at dumiretso na ako sa condo. Naghahum pa ako habang naglalakad papasok sa loob. Natutuwa lang kasi ako ro'n sa bata. He seemed to long for a sister.

"Naisipan mo pang umuwi nang ganitong oras." Untag niya kaya natigilan ako. Sino pa ba? E di si Ryner.

"Buti nga umuwi pa e." Basag ko sa kanya.

"At this hour?!" Galit niyang tanong.

"Problema mo na naman ba? Safe naman akong nakauwi ah?"

"Yeah yeah. But you should have at least told me where you are." He said sarcastically.

"I'm not a kid and I know how to handle myself." Sabi ko at tuluyang umakyat sa hagdan. Kainis e. Ang ganda-ganda ng mood ko tapos sisirain niya lang.

"Kung saan ka pupunta, sabihin mo naman sa akin hindi yung—"

"WHAT?" Putol ko without even looking at him at patuloy na umakyat sa hagdan.

"Damn it Mauricy! You're worrying me!" Kusa akong napahinto sa paglalakad dahil sa huli niyang sinabi. I felt my heart started pounding for no reason, or maybe I just don't know why.

Geez! I hate this feeling!

Aish! Feeling ko ako lang yung tao rito sa condo. Paano kasi, ni hindi man lang ako kinakausap ni Ryner. Simula pa kagabi. Haaays! Mali yata ako ng inasal or mali siguro yung inakto ko.

Kapag pupunta ako sa sala, pupunta siya sa ibang parte nitong bahay. Basta, parang iniiwasan ba? Kainis naman. Hindi ako sanay!

Alas tres na ng tanghali. Nandun siya sa swimming pool, naglalangoy mag-isa. Ang hirap naman tiisin ng alien na 'to. Paano ba kami magkakaayos nito? Ah, alam ko na!

Pumunta ako sa kitchen. Gumawa ako ng isang tuna sandwich tapos naghanda ako ng juice. After kong gawin yun, I put it on the tray at dinala sa table sa lilim nung isang puno malapit sa pool.

Nung makita ako ni Ryner, lumangoy siya palayo sa akin. Geez! Iniiwasan nga ako. Palangoy-langoy lang siya. Pabalik-balik, pero hindi siya nagagawi sa direksyon ko. Tss!

"Ryner, huy! Pansinin mo naman ako." Wa epek. Lumakad ako sa kabilang direksyon. "Kung gutom ka, may ginawa akong sandwich dito." Wala pa rin.

"Huy! Ryner!" Still, wala pa rin. Patuloy lang siyang lumalangoy nang hindi ako nililingon. Napabuga ako ng malalim na hininga.

"Okay fine. I'm sorry. Hindi na mauulit. Sasabihin ko na sayo kung saan ako pupunta or kung gusto mo magpapaalam pa ako sa'yo. Pansinin mo na ako please." Pagmamakaawa ko. Nagpatuloy siya sa paglalangoy pero this time, dumiretso na siya sa direksyon ko at tumigil sa harap ko.

"It's okay with me if you're going somewhere without telling me. Ang akin lang, umuwi ka ng maaga dahil nag-aalala ako ng sobra sa'yo." Mahaba niyang sabi habang nakatingin ng diretso sa akin. Muli kong naramdaman ang kakaiba sa dibdib ko.

"Hindi ka na galit sa akin?" Parang batang asal ko.

"Hindi ako galit. Nag-aalala lang." Pagtatama niya, nakatingin pa rin sa aking mga mata.

Nag-aalala lang.

Nag-aalala lang.

Aish! Ano ba yan? Ano ba 'tong nangyayari sa akin?

"Hindi na mauulit." Nginitian ko siya ng malapad. "You hungry? Gusto mo ng sandwich?" Offer ko.

"Help me, then." Itinaas niya yung kanang kamay niya. Inabot ko yun para sana tulungan ko siyang makaahon kaso...

"Ahhhhhhhhh!" I screamed. Hihilain ko kasi dapat siya upang umahon kaso ako yung hinila niya, kaya ayun, pati tuloy ako ang nabasa.

"Hahahahahaha." Malakas niyang tawa.

"Ang sama mo!" Sinabuyan ko nga ng tubig. Tawa pa rin siya ng tawa. Pilit ko ngang hinahabol kaso mabilis siyang lumangoy.

"Kapag nahabol lang kita, lagot ka sa akin!" Pagbabanta ko. Nasa gilid ako, nasa kabilang dulo naman siya ng pool. Tinuloy ko ang paglalangoy upang habulin siya kaso ang bilis niyang lumangoy.

Suko na ako. Ako lang mapapagod e. Tiyak hindi ko naman siya mahahabol kaya naisipan ko na lang na umahon. Kukunin ko na dapat yung towel 'don sa table nang maramdaman kong biglang umangat ang katawan ko sa ere.

Walanghiya! Bigla akong binuhat ni Ryner at tumalon sa pool. Napakapit na lang ako sa leeg niya nang maramdaman kong lumubog kami pareho sa tubig, maya-maya lang din ay lumitaw na kami habang buhat-buhat niya pa rin ako. Tawa pa siya ng tawa. Nahampas ko na lang siya sa dibdib niya at hindi ko maiwasang hindi siya titigan ng mabuti at pasikreto.

Ang gulo ng buhok niyang basang-basa pa pero bakit ganun? Mas lalo lang yatang nakadagdag yun sa kagwapuhan niya. Tapos yung butil ng tubig, sa nose bridge pa niya dumadaan pababa sa labi niya.

Ay! Ano ba 'tong sinasabi ko?

Habang pinag-aaralan ko ang mukha niya, kusa rin siyang napatingin sa akin at nginitian ako. Gusto yatang lumundag ng puso ko palabas. Kanina pa 'to ah?

Abnormal na yata ang puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro