CHAPTER 15
Maui's POV
Pagkagising ko ng maaga, ginawa ko na yung ritwal ko sa CR. Sa kusina ako dumiretso pagkatapos kong magbihis. Nadatnan ko si Ryner na kasalukuyang nagluluto roon. Ano kayang niluluto niya? Kainggit lang e. Ako 'tong babae kaso palpak pagdating sa kusina.
"Anong niluluto mo?" Pagkuha ko ng atensyon niya.
"Foods, obviously." Generalized! Maging specific naman sana ang sagot diba?
Hindi ko na lang pinatulan ang sinabi niya dahil for sure mag-eend na naman kami sa World War III. Pumwesto na lang ako sa tabi niya. Sinangag na kanin yung niluluto niya tapos nakaset-aside na yung itlog na may halong meatloaf.
Ako na yung sumandok sa kanin. Nakakahiya naman kasi diba? Kapag umuwi sila Mama magpapaturo nga ako kung paano magluto.
Matapos naming kumain, kinuha ko na yung mga aklat kong naiwan sa loob ng kwarto.
"Akin na 'yan." Biglang sabi ni Ryner. Tatlo kasi yung bitbit kong book pero manipis lang naman siya, yung isa naman makapal tapos hawak ko rin yung painting ko sa Contemporary.
"Ako na! Strong kaya ako, kaya ko 'to." Pagmamalaki ko. Hindi naman siya mabigat. Tsaka may bitbit din naman siyang book.
"You sure?" Paniniguro pa niya. Huwag mo kong ismolin Ryner!
"Oo nga! Kulit e!"
"Kaya mo?"
"Oo nga! Yes! Opo! Kaya ko!" Pssh!
"Talaga?"
"Oo nga sab—" Hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin dahil ipinatong ni Ryner yung book niya sa kamay ko.
"Kaya mo naman pala e. Padala na lang din yung akin." Smirk was written on his face now.
What the heck?
"Sinabi kong kaya ko pero grabe ka naman kung pati yung aklat mo ang bubuhatin—"
"I'll just wait you in the room." Argh! Peste! Letche! Langya! Buset!
Pinabuhat na nga yung aklat niya sa akin, iniwan pa ako! Buti sana kung isinabay ako sa kotse niya diba? Like wtf lang? Mahiya naman sana siya diba? Bumalik na naman yung pagiging arogante niya. Nakakainis na ah!
Sana pala lagi na lang akong may sakit para lagi rin siyang mabait sa akin. Pero syempre joke lang. Hindi ko naman itataya ang kalusugan ko para sa kaabnormalan ng aroganteng Ryner na yun. Arrrrrrrrrrgh!
Kung wala lang siguro akong konsensya sa Ryner na 'to, baka iniwan ko na 'tong libro rito mismo sa kinatatayuan ko. Nandun kasi mga assignment niya sa Physics. Naiinis ako pero may konsensya naman ako sa alien na 'yun.
Sumakay ako sa cab. Pagkarating ko sa school, buti na lang nakasabay ko si Maxi kaya tinulungan niya akong buhatin yun.
"Te, may balak ka bang sumunod sa yapak ni Einstein? Aralin mo na lang kaya lahat ng libro rito?" Jombagin ko 'to e. Sa dami ng pwedeng banggitin, si Albert Einstein pa talaga. Kahit siguro isang taon, hindi ko mapapantayan talino nun e.
"Ang dami mong pinapansin, buhatin mo na lang kaya 'to?"
"Ay wow naman! Nahiya naman daw ako sa nag-utos. Pasalamat ka nga't tinutulungan ka e." Sarcastic men!
"Ganun ba? Thank you ha?" Sarkastikong sagot ko kasabay ng pag-irap sa kanya. Kapag ganitong badtrip pa naman ako, lahat ng tao sa paligid ko nadadamay.
Perwisyo talaga ang aroganteng yun.
Nakarating kami sa room. Pagkatapat ko sa upuan ni Ryner, kunyaring nahulog ko yung mga aklat sa tapat niya. Pero sadya talaga yun!
"What the hell is wrong with you?" I even mouthed that words. Naku, gasgas na yan! Yan kaya yung lagi niyang sinasabi sa akin. Tinignan ko siya, kulang na lang patayin niya ako sa titig niya. Agad ko namang binago ang expression ng mukha ko.
"Halla sorry. Ngayon ko lang kasi napagtantong mabigat pala yung mga aklat. Yung may-ari kasi n'yan walang kwenta. Wala pang puso." Pagpapatama ko sa kanya.
Ngumisi siya sa akin at hinila ako sa kamay hanggang sa magkalapit na mga mukha namin.
"Actually he has a heart, want to have it?" Bulong niya sa akin. I just felt my blood runs upward my face and my heart started pounding abnormally. What did he just told me?
I don't know what he's up to again and I don't know what I'm up to, too.
"Bitiwan mo nga ako!" I pushed him away at kaagad akong lumayo sa kanya. Diretso akong lumabas sa room since wala pa yung teacher namin.
My God! Ano ba 'tong nangyayari sa akin? I need some fresh air. Pakiramdam ko kasi ang init init ng mukha ko. I even used my hands para lang paypayan ang sarili ko.
"Ang init 'no?"
"Ay palaka!" Harujusko! Kainis naman e. Gulatin daw ba ako? "Dun ka nga!"
"Ikaw lang yata yung kilala kong nagulat na nagbablushed." Tumawa ito dahilan para agad kong tinakpan ang mukha ko. Bakit ayaw pa rin mawala?
"Ang init kasi." Naku Maui, palusot.com.ph mo!
"I know. Nandito kasi ako." Kapal talaga!
"Ang hangin na pala. Sobrang mahangin na." Ipangalandakan niya na naman kasing hot kuno siya. Ang kapal lang e. Tinawanan lang ako ni Ryner. Loko kasi talaga.
"Maui, punta kami sa bahay niy—"
"HUWAG!" Aish! Lahat tuloy ng mga estudyante'y napatingin sa gawi namin.
"Kung ayaw mo kaming papuntahin, edi huwag!" Hala, nagtampo na sila. Walk-out-an daw ba ako?
Kainis naman kasi. Napuno na yata sila sa akin. Kapag kasi nagpapaalam sila sa akin na pupunta raw sila sa bahay, tinatanggihan ko lagi sila. Aish! Sasabihin ko na ba? Bahala na kaysa sa magtampo sila sa akin.
"What?!" Sabay pa talaga nilang sabi matapos ko silang habulin.
"Ahm, ano, kasi..."
"Oo na. Hindi na kami pupunta sa iny—"
"Ano kasi, hindi ako sa bahay nakatira." Kinunutan nila ako ng noo. Tinignan ko muna ang paligid. Nandito kami sa may lab at buti na lang wala naman masyadong estudyante.
Lumapit ako sa kanila pareho at bumulong.
"Dun ako sa condo ni Ryner nakatira."
"ANO?!" Sabay at gulat nilang tanong. Hindi makapaniwala. Expected ko na 'to.
"How come? I mean why? What happened?" Xianny.
"Oo nga. Bakit doon ka nakatira?" Tanong din ni Maxi.
Ang dami nilang tanong. Sunud-sunod. Ni hindi ko nga alam kung anong una kong sasagutin sa mga tanong nila e. Mag-isa lang po ako. Mahina ang kalaban. Naupo kami sa may cement bench sa lilim ng isang puno at kinuwento sa kanila ang lahat.
"Ah..." Sabay silang napatango.
"Kaya pala. Nagtataka nga ako kung bakit lagi ka niyang sinasabay noon e. Tapos lagi pa kayong sabay pumapasok at umuuwi. Yun naman pala." Tatango-tangong saad ni Maxi.
Pati yung pumunta kami sa mall noon, sinabi ko na ring yun yung dahilan.
"Pasensya na ha? Gusto ko naman talagang sabihin sa inyo, ang kaso ayaw ko lang kasing malaman ng iba. Ayaw rin kasing ipaalam ni Ryner. Lagot ako kapag may nakaalam. Please, promise niyo sa akin, wala ng makakaalam nito?" Tumango ulit sila sa akin. Napabuntong-hininga ako. I felt relieved.
"Huwag kang mag-alala, tayo-tayo lang makakaalam 'non." Nakahinga ako ng maluwang dahil doon.
"Pero kyaaaaaah! Anong feeling na kasama mo sa isang bubong si Ryner? Edi para tuloy kayong mag-asawa n'yan? Yiiiiiiieh" Napamaang na lang ako. Naku po. Umiral na naman ang kalandian ni Maxi. Binatukan ko nga.
"Mag-asawa ka r'yan!"
"Hello? Ryner Adam kaya yun! Si Ryner!" Pagdidiin niya.
"Hi? Si Ryner lang 'yon! Pake ko ro'n?" Pamimilosopo ko.
"Ay oh! Basta. Kapag ako yun, naku, lalandiin ko si Papa Ryner." Korni! Odi siya na lang sana ako.
"Ang landi!" Komento ni Xianny kay Maxi. Sabay rin kaming tumawa.
"Hindi kalandian yun. Suggestion lang. Ang hard niyo sa akin." Ang bakla nagpout pa! Akala mo naman ang gandang tignan sa kanya.
"Eng eng kang bakla ka! Kung anu-anong sinasabi mo. Sasamain ka na talaga sa akin!" Akmang lalapitan ko na sana ito pero kaagad na umiwas si Maximo.
"Suggestion nga lang e. Suggestion! Suggestion! Suggestion—asdfghjkl." Kaagad kong tinakpan ang bunganga ni Maxi. Paulit-ulit e.
"Oo na! Tumigil ka na. Ang sakit mo sa tenga!"
"Wow! Nagsalita ang hindi!" Sinamaan ko ng tingin. Ibalik daw ba sa akin?
Nung uwian na, nagpumilit sina Xianny at Maxi na ihatid daw ako sa condo ni Ryner. Tatanggihan ko sana sila kaso agad silang pumara ng taxi. Ang mga walangya, sapilitan pa akong pinasok sa loob. Ang baaaaaaad!
Wala na rin akong nagawa kundi sabihin sa driver yung direksyon. Nung nakasakay na kami sa loob, bigla namang tumatawag si Ryner.
"Ayieeeeeeeeee." Yung dalawa, sabay pa akong kiniliti sa tagiliran.
"Ano ba?" Inis kong tanong pero hindi ko rin mapigilan ang pagtawa. Hello? Ikaw kaya kilitiin?
"Sagutin mo na." Sabay nguso pa ni Xianny sa cellphone ko. Paano ko naman kaya sasagutin kung kinikiliti ako? Diba?Akmang sasagutin ko na dapat yun kaso missed call na ang lumabas.
Maya-maya lang din, nagriring na naman ulit yun. Sinenyasan kong huwag maingay yung dalawa bago ko ini-swipe yung answer button.
[Why aren't you answering my damn call? Where the hell are you?!] Natakpan ko na lang tenga ko. Bakit ba kasi 'pag tumatawag 'to, laging sigaw ang pambungad sa akin?
"Nakasakay na ako sa taxi."
[I told you to wait for me, right? Ang tigas ng bungo mo!] Grabe naman 'to.
"Oo na. Hindi kasi kita mahanap kanina sa school." Nice, ang galing ko na talagang magpalusot. Liar Maui!
[Tss.] Tapos binabaan na ako. Nice lang. Sobrang nice. Napakanice!
"Ayieeeeeee. Nikikilig ako. Ang possessive ng kuya mo." Pang-aasar pa ni Maxi. "I told you to wait for me, right?" Panggagaya pa niya sa boses ni Ryner. "Ikaw na te!" Pangingiliti niya na naman. Pssh! Kung bakit ba naman kasi nakaloudspeaker pa e. Narinig tuloy nila.
Nakarating kami sa condo ni Ryner. Yung dalawa mas atat pang lumabas kaysa sa akin.
"OMG! Ang laki!"
"Kaya nga e. Buti hindi kayo naliligaw rito? Ang saya sigurong magtagu-taguan dito 'no?" Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Xianny. Baliw e.
"Hindi naman." Sagot ko na lang. Kunsabagay, masyado naman kasing malaki itong condo para kay Ryner, I mean para sa aming dalawa na pala.
In fact, yung talagang bahay nila Ryner kung saan doon nakatira sila Tita Grecie e hindi ko pa nakikita. Kung malaki na 'tong condo ni Ryner, how much more pa kaya doon sa talagang bahay nila diba? E bakit ko ba iniisip yun?
"Hoy! Lumayas na kayo!" Baka kasi maabutan sila ni Ryner e.
Napag-usapan na rin kasi naming dapat huwag sabihin sa iba na sa iisang condo lang kami nakatira. Nagdadalawang isip pa nga ako kung sasabihin ko kina Maxi at Xianny noon pero may tiwala naman ako sa kanila. Besides, ayaw ring ipaalam ni Ryner sa iba kung saan siya nakatira. Ewan ko ba 'ron, daming arte e. Akala mo artista.
"Hindi mo man lang ba kami papapasukin?" Natampal ko na lang ang noo ko.
"Hindi." Straight forward kong sagot.
"Grabe naman. Bisita mo kaya kami." Pangongonsensya ni Maxi.
"Oo nga! Be hospitable naman. Pilipino ka pa naman." Jusko! Pati ba naman yun Xianny?
"Hoy! Hoy! Hoy! Sa pagkakatanda ko, hindi ko kayo bisita. Pinilit niyo nga lang akong ihatid dito e!"
"Kahit na. Nandito na kami e."
"Hindi nga pwede. Huwag muna ngayon." Badtrip pa naman si Ryner. Kung ano kasi kailangan at gusto 'non, gusto niya agad niyang nakukuha at nasusunod. Tss.
Gaya na lang kanina nung tumawag, ayaw niyang pinaghihintay siya!
"Mauricy! Ang bait mo talagang best friend!" Bahala kayo! Basta huwag muna ngayon.
Agad akong pumara ng taxi. Dahil nga mabait akong best friend, sapilitan ko rin silang pinasok sa loob ng taxi. Pasensya na. What friends are for diba? Kung anong nararanasan ng isa, dapat ganun din sila. Hahahaha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro