CHAPTER 13
Maui's POV
Yung nagising ako na sobrang bigat ng talukap ng mata ko. Pakiramdam ko'y sobrang bigat din ng katawan ko. Argh! Hindi pwede.
Pinilit kong tumayo kahit na ramdam kong nilalamig pa rin ako pero ang katawan ko masyadong mainit pati iyong gilid ng mata ko, para bang kulang na lang ay umusok sa init. Tss. Lagnat.
Nagdire-diretso ako sa banyo. Buti na lang may heater. Pinilit ko ang sarili kong kumilos kahit na feeling ko babagsak ang katawan ko. Epekto na siguro 'to ng pagsuong ko sa malakas na ulan kagabi. Kainis naman kasi. Sinisipon pa tuloy ako.
Pagkatapos kong maligo, medyo lumuwag yung pakiramdam ko pero mainit-init pa rin yung noo at leeg ko. Dinoblehan ko na lang ng itim na jacket yung uniform ko. Paglabas ko ng gate, tumatawag si Xianny.
"Bakit?"
[Maui, where are—Teka, are you sick? Ang lamya ng boses mo.]
"Medyo. Ang sakit ng ulo ko." Sagot ko habang sumisinghot.
[Naulanan ka ba kagabi? Haaays. Sana pala hinintay ka na lang namin.] Ramdam ko yung pag-aalala sa tono niya.
Kung alam niyo lang. Hindi ako naulanan. Sumuong talaga ako sa ulan.
[Eh nasaan ka na?]
"Papunta na sa school."
[Huwag ka na lang muna kayang pumasok. I-eexcuse kita kay Ma'am.]
"Hindi na. Sige, hintayin niyo na lang ako d'yan." Pagka-end ko ng call ay siya namang paghinto ng taxi sa harap ko. "Adam University po." Mahina kong sambit. Pagkaupo ko, kaagad akong sumandal at pinagkrus ang braso ko dahil nilalamig pa rin ako.
"Ineng, ineng." Hmmmmm. "Nandito na tayo sa Adam University." Pinilit kong imulat ang mga mata ko. Mukhang malakas tama nitong lagnat sa akin. Hindi ko namalayang nakatulog pa ako sa loob ng taxi.
Pagkabigay ko ng bayad, pumasok na ako diretso sa university. Naabutan ko na rin si Sir Jami sa room. Luh? Second period na pala?
"You're late Ms. Dela Peña."
"Sorry po Sir." Nakayuko kong sabi.
"Are you okay? You don't look good." Puna niya sa akin.
"Okay lang po ako." Tumango si Sir sa akin habang sinisipat ang hitsura ko.
Dumiretso na lang din ako sa likod. Pagkaupo ko sa upuan, pinilit kong makinig sa diskusyon ni Sir Jami pero nawawalan ako sa atensyon dahil sa sakit ng ulo ko.
Ang sakit talaga ng ulo ko. Yumuko ako at isinandal ang ulo ko sa ibabaw ng arm chair ko at ginawa kong unan iyong kanang kamay ko. Kung alam ko lang, sana pala hindi na muna ako tumuloy rito sa school. Sana nagstay na lang ako sa condo.
"Woi, okay ka lang ba talaga? You look so pale." Hinimas ni Xianny ang likod ko.
"Hmmmm." Ipinikit ko ang mga mata ko. Ang sakit talaga ng ulo ko.
Natapos ang subject namin kay Sir Jami nang hindi ko namamalayan. Buti na lamang hindi niya ako pinagsabihan.
"Baks, uwi ka na kaya muna? Isang subject na lang naman bago uwian, kami na bahalang mag-excuse sayo." Nag-aalala saad ni Maxi sa akin.
"Okay lang ako. Ano ba kayo! Isang subject na lang, mag-aattend pa rin ako. Ayokong ma-absent." Sagot ko. Paglabas namin ng room, napakapit ako sa uniform ni Maxi dahil muntik na akong matumba. "Aish! Ang kulit mo talaga!" Inis na sabi niya at agad akong inalalayan.
Pilit akong ngumiti sa kanila at inayos ko ang sarili ko. Paghakbang ko, pakiramdam ko gusto na talagang bumigay ng katawan ko hanggang sa unti-unti ng dumilim ang paningin ko.
***
Ryner's POV
Pagkarinig ko pa lang sa pangalan niya, mabilis akong lumabas ng room at dumiretso sa kinaroroonan nila. Lumuhod ako sa tabi nila Maximo at Xiantal at agad na binuhat si Mauricy na ngayo'y wala ng malay.
"What happened to her?"
"She collapsed." Xiantal answered. Mabilis ko na siyang diniretso sa AU's Clinic.
She's so pale. I don't know why. When she arrived late at the school, I already noticed it. Even her eyes are so lifeless. Nagtataka pa nga ako kung bakit wala yung microphone side niya.
Kagabi, dumalaw sina Mommy at Daddy sa condo. Hinahanap nila si Mauricy sa akin, buti nga nagawan ko pang lusutan yung mga tanong ni Mommy kagabi. I've been calling and texting her for how many times but she's not responding.
Hindi ko pa nga alam na umuwi siya kagabi. When she called me yesterday, I don't know what she's up to and where she is. I immediately ended her call dahil naiinis ako. She should have texted me. Isn't that hard for her to do? Hindi yung para akong tanga na iniisip kung saan siya nagsusuot.
Tapos makikita kong ganito na yung hitsura niya. Tss. This girl is really something.
"She has a cold and high fever. It's better if she stay here for the mean time. Kapag gumising siya tsaka ko na lang pauuwiin. Her body is too weak to attend her last subject. Baka kapag ginising natin siya mas lalong lumala yung kundisyon niya." Nurse stated.
I looked at her. Cold and fever? Kagabi parang okay pa naman siya ah?
"Ang tigas kasi ng ulo ng babaeng 'to. Nagpaiwan pa kasi. Dapat kasi sumabay na lang siya sa atin kagabi e." Xiantal said.
"Paano kasi may bibilhin pa raw. Hindi pa nagpahintay. Pssh!" Maximo frustratedly whispered.
"Where have you been yesterday?" I interfered. Sabay pa silang napalingon sa akin.
"After our class, dumiretso kami sa mall para bumili ng gamit sa Contemporary. Tapos nung pauwi na kami, biglang umulan ng malakas. Sinundo na kami ni Tito Amiel kaso si Maui nagpaiwan, may bibilhin pa raw. Ayun, sumuong yata sa ulan." Sagot ni Maximo.
"Tapos bago pa yun, bahing na siya nang bahing kahapon ng umaga kaya ayan yung epekto. Sipon at lagnat." Xiantal.
Tss! Bakit naman kasi nagpaiwan pa e. Hindi ko talaga maintindihan 'tong babae na 'to.
"I'll stay here." Sabi ko dahilan upang mapatingin sila sa gawi ko. Tinaasan ako ni Xiantal ng kilay.
"And why's that?"
"I want to. End of discussion." Sumandal ako roon sa dingding habang sila'y nakatingin pa rin sa akin ng ilang minuto.
"Fine. Kami na lang mag-eexcuse sa inyo kay Ma'am Fia." Tinanguan ko lang sila bago sila tuluyang lumabas.
I took a deep breathe before walking towards her. Tinignan ko siyang mabuti hanggang sa gumalaw siya ng konti at bumaluktot, pilit tinatakpan ng kumot ang kanyang katawan. She must be so cold.
I closed the window beside her bed and fixed her blanket. She needs to take a rest.
Isang oras ang lumipas bago uwian. Mauricy is still sleeping so I carried her without waking her up. Nakauwi kami ng tahimik sa condo. Agad ko rin siyang pinasok sa kanyang kwarto. I even removed her shoes.
Mom sent one maid over here after informing that Mauricy was sick. Sa kanya na rin ako nagpatulong para mabihisan si Mauricy.
I left her in her room sleeping peacefully. I went directly to the kitchen to cook some soup. She needs it. Matapos kong ilagay sa bowl iyong soup at gatas na hinanda ko, dumiretso ako sa kwarto niya. 7 na ng gabi pero tulog pa rin siya.
Umupo ako sa gilid ng kama niya at inayos ang kanyang kumot. Maya-maya pa ay unti-unti siyang dumilat.
"Anong oras na?" She asked.
"7:00 PM." Kaagad siyang umupo but her body looks so weak kaya nahiga siya ulit.
"Ginising mo sana ako." Pati sa boses niya'y halatang may sakit siya.
"I made some soup. Eat it, after that you need to take your meds." Kinuha ko iyong soup na dinala ko kanina at nilagay sa ibabaw ng table niya.
"Ayoko. Hindi ako nagugutom."
"Come on Mauricy. Just a little." Tinulungan ko siyang sumandal sa headboard ng kama niya. Sinubuan ko na agad siya. Good thing she's eating now.
She ate three spoon of soup only. I can't force her though dahil wala talaga siyang gana. Matapos ko siyang painumin ng gamot, nahiga ulit siya.
"I'll be out now. If you need anything, just let me know." Ngumiti siya ng tipid sa akin bago ako tuluyang lumabas sa kanyang kwarto.
I woke up early in the morning. Matapos akong magmumog sa CR, bumaba ako sa kitchen. I cooked some foods. 7:00 AM, I went inside Mauricy's room. Naupo lang ulit ako sa gilid ng kama niya. She looks better now compared yesterday.
She spread her arms and slowly opened her eyes until her eyes widened after seeing me inside her room.
"ANONG GINAGAWA MO RITO?!" I almost closed my ears when she yelled at me. Yeah Ryner! No doubt, she's well now. She's back to herself again. "WILL YOU PLEASE—"
"Shut up." I cut her off.
"Lintek! Anong oras na? Ginising mo sana ako!" Bakit ba ang sakit sa tenga ng boses niya? Tch. Nagpumilit siyang umupo pero pinigilan ko siya.
"Don't move. Stay still. You're still sick. Hindi ka muna papasok ngayon."
"WHAT?! NO WAY!"
"WILL YOU PLEASE SHUT UP? YOU'RE FUCKING TOO LOUD!"
"E SA GUSTO KONG SUMIGAW?! PAPASOK AKO. TABI!"
"Quit shouting. You'll stay here. End of discussion." Kinuha ko ulit yung pagkain sa ibabaw ng table niya at pilit siyang pakainin pero tumatanggi siya. "Eat this or I will eat you?" Sinamaan niya ako ng tingin bago tanggapin yung isinubo ko sa kanya. Dami pang arte e. Kakainin din pala.
"How do you feel?" I asked her out.
"I'm okay. Kita mo naman siguro diba?" She arched her brows.
"No doubt. Nagagawa mo na nga akong sigawan ulit e. Tss!" Pabulong na sabi ko.
"ANONG SABI MO?" Pinaningkitan niya 'ko ng mata.
"Sabi ko magpahinga ka muna. Bingi." Another rolled eyes from her. Napapailing na lang ako. Sinubuan ko ulit siya. Pero pansin ko yung pagkailang niya sa akin. What's her problem this time?
"Isa! Sundutin ko yang mata mo!" She warned. Ang gulo talaga ng babaeng 'to! Hindi naman siya inaano e.
"Sinasabi ko sa'yo Ryner, kapag napagalitan lang ako kina Ma'am bukas, isusumbong kita."
"Stop worrying about it. They knew your condition." I told her.
"Huh? Paanong nang—" I didn't let her finished her words. I immediately stormed out her room. Tss! Ang daldal. Ang ingay!
***
Maui's POV
Wow lang. Just wow! Ang kapal niyang talikuran ako! Bwiset talaga kahit kailan! Kinakausap tapos bigla akong tatalikuran? Arrrrrgh! Padabog akong humiga ulit sa kama. Kainis!
Buong maghapon wala akong ginawa kundi ang humiga. Tinatamad akong lumabas. Wala rin naman akong gagawin kapag lumabas ako. Isa pa, pinagbawalan ako ni Ryner na lumabas. Ayaw niya ring magtrababo ako sa loob ng bahay. Baka raw kasi mabinat ako.
Kunsabagay, feeling ko kasi hindi pa ako masyadong magaling. Pero bukas siguro, okay na talaga ako.
After lunch, si Ryner na lahat ang nag-asikaso. Siya na nagluto. Siya yung naghain. Ultimo sa paghuhugas ng pinggan, siya na rin ang gumawa. Sinabi ko ngang ako na lang kaso ayaw niya. Magpagaling muna raw ako. Okay naman na ako ah? Napangiwi akong pumasok sa kwarto. Ang boring. Ano naman kayang pwedeng gawin?
Xianny's caling...
"Hmm? Hello?"
[How are you? Okay ka na ba?]
"Okay naman na. Anong ginawa niyo r'yan sa school?"
[Wala naman masyado. Nagturo lang si Ma'am Delia at Ma'am Jena. Si Sir Jami naman, wala siya. Papahiramin na lang kita ng notes bukas.]
"Sige. Salamat kung ganun. Kainis kasi si Ryner. Gusto kong pumasok kaso hindi ako pinayagan. Pssh!"
[Nag-aalala lang yung tao sayo.]
"Nag-aalala? Ha! Baka nga tuwang-tuwa pa yun na nagkasakit ako e."
[He's not. You don't know how worried he was when you collapsed.]
"Huh?" I collapsed? Sa school? Bakit wala akong matandaan?
[Siya pa nga yung nagdala sayo sa clinic e. He even stayed there to look after you. Kaya huwag mong sabihin yan. You must be thankful instead.]
I can't remember even a single thing. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko pagkatapos ng phone conversation namin ni Xianny.
So, he was really worried? Natuktok ko ang ulo ko! Mas inalala ko pa yung absent ko sa school kaysa sa kanyang nag-alaga sa akin! Tapos nagawa ko pa siyang sigaw-sigawan kanina?
Tss. Ang mean ko! Nakakainis! How can I not notice it? Darn it! Paano ba ako babawi sa kanya? Parang nahihiya kasi ako. Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat.
Hapon na nung lumabas ako sa kwarto. Naubos ang oras ko sa kaiisip kung anong gagawin ko kay Ryner. Pagkababa ko sa sala, wala akong maramdaman na presence niya roon. Saan kaya 'yon nagpunta?
Dumiretso ako sa kusina. Aish! Bahala na. Binuksan ko yung ref. May manok pa roon at frozen meat. Adobong manok na lang kaya? Kinuha ko iyon at hiniwa. Naghiwa na rin ako ng mga ingredients. First time ko lang magluto dahil hanggang prito lang ang alam ko pero nananawagan ako sa lahat ng mga santo na sana huwag akong pumalpak this time. Cross fingers.
Buti talaga napanood ko si Mama one time na nagluto ng adobo at saulo ko kung ano yung mga inuna niya noon. Sana lang mai-apply ko 'yon ngayon.
Tuwang-tuwa ako matapos kong tikman ang adobo. Thank God. Thanks for hearing me out. You're the best.
Naglagay na ako ng adobo sa bowl. Naghain na rin ako ng kanin pati pinggan at kutsara. Pero bakit wala pa rin 'yon? Mag-aalas-syete na yata e? I was about to call him when I heard the door opens. Mabilis akong dumiretso roon and I saw him holding plastic bags.
"Saan ka galing?" Kinuha ko yung ibang bitbit niyang bag kaso ayaw ibigay.
"Ako na. Maupo ka na lang doon."
"Tulungan na kita. Okay naman na ako e."
"It's okay. Can handle this. I'm sorry I came home late. You hungry? Magpapa-order na lang ako." Agad ko siyang pinigilan nung akmang magpipindot na siya sa phone niya.
"Huwag na. Nagluto na ako. Tara sa kusina." Nakangiti kong saad pero bahagya siyang natigilan. "Don't worry. Masarap na yung pagkakaluto ko this time." Bahagya rin siyang natawa sa sinabi ko.
Kinuha ko na rin yung ibang bitbit niya at dumiretso sa kusina. Sumunod naman siya sa akin.
"Smells good, huh?" He teased.
"Naman! Luto ko yata yan." Proud kong sabi. Sabay naming ibinaba yung mga binili niyang food supplies sa table.
"Let's eat then. Gutom na ako." Umupo na kami sa dining table at sabay na kumain.
"You really cooked this?" Wala na talaga siyang tiwala sa cooking skills ko ha? Siya iluto ko r'yan e!
"Oo nga!"
"Really huh?"
"Oo nga sabi e. Kumain ka na lang nga! Dami mong sinasabi." Sambit ko pero sabay kaming natawa sa huli. Lihim na lang akong ngumiti habang nakatuon ang atensyon ko sa pagkain. This is new.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro