
CHAPTER 11
Maui's POV
Ako, hinihintay sa stage? Bakit naman ako pinapapunta roon? Tumingin ako sa buong gym pati sa stage, lahat sila nakatingin na sa akin. Ano bang meron?
"Bakit daw p—" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil bigla na lang nawala sa harap ko yung lalaki. Kunot-noo pa rin akong nakatingin sa stage. Bakit ako hinihintay roon?
"Ms. Mauricy Dela Peña, please come up on stage." Tawag ng MC sa akin kaya halos lahat—no lahat pala ay nakatingin na sa akin.
Binigyan ko ng anong-nangyayari-look sina Maxi at Xianny pero nagthumbs up lang sila sa akin. Ano bang nangyayari? Maglalakad na sana ako palabas ng gym nang maramdaman kong may nakatayo na sa likod ko.
"Hindi mo naman siguro ako ipapahiya diba?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ni Ryner sa likod ko. Abat! Is he making fun of me again? Dito pa talaga ha? Dito pa talaga?!
"Ano na naman bang balak mo?" Inis kong tanong sa kanya pero hinawakan niya lang ang kamay ko at hinila ako papuntang stage. Buti na lang nasasabayan ko yung lakad niya. "Ryner, ano bang ginagawa mo?" Mahina pero may diin ang pagkakasabi ko. Ayoko naman kasing marinig kami ng mga estudyante na nagsasagutan kaming dalawa.
"You'll see." Then he smirked. Arghh! You'll see mo ang mukha mo!
Nung paakyat na kami sa stage, namataan kong nakatayo si Krizelle sa gilid na kulang na lang ay murder-in niya ako sa tingin niya. Asar lang! Ano na naman ba kasing pumasok sa isip ni Ryner at bigla na lang akong hinila papunta rito sa stage?
"Let's welcome our year's Campus King and Queen, Mr. Ash Ryner Adam and Ms. Mauricy Dela Peña!" Ano raaaaaaaaaw?
Paanong? Ba't? Halla. Anong ako? Bakit ako? Paanong nangyaring ako? E diba si Krizelle yung in-announced na Queen kanina? Napuno na ng palakpakan yung gym at hindi ko pa rin alam kung paanong nangyari iyon. Maygad! Ano bang nangyayari?
"We would like to extend our sincerest apology to Ms. Krizelle Herman for making a mistake blah blah blah—" Hindi ko na narinig yung mga sinabi ng MC dahil sa bulung-bulungan na naririnig ko.
"Aww! Colombia zone si Ate."
"Buti nga yun sa kanya, ang sama naman kasi ng ugali."
"Kawawa naman siya."
Kahit naiinis ako sa ipinapakita ni Krizelle sa akin, hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa kanya. Syempre, siya yung in-announced kanina tapos biglang ako ang paaakyatin sa stage. Malaking kahihiyan iyon sa part niya.
Tinignan ko siyang muli. Kinakausap na siya ngayon ng MC pero nakamurder-look version 2.0 na yung hitsura niya habang nakatingin sa akin. Halla.
Gusto ko siyang kausapin kaso nagwalk-out na siya at halata ko iyong inis sa mukha niya. Maya lang din ay nasa harap na ulit namin yung MC.
"This couple looks good together." Couple agad? Ma-issue 'tong MC ha? "Bagay na bagay sila diba?"
"Yeeeeeeeeeeeees!"
"Opo. Ayieeeeeeeeh."
"Ayieeeeeeeeh."
Letche! Tao kami. Ay ako lang pala. Alien 'tong katabi ko! Kainis!
"Before that, let me have a little conversation with the King and Queen." Kaumay pakinggan! King ng king! Pakain ko siya kay King Kong e.
Tapos may nilagay silang tatlong upuan sa harapan. Luh? Ano to? Daig pa namin yung nasa Boy Abunda Tonight ah? Yung ini-interview kami.
Naupo yung MC doon sa naihiwalay na upuan. Naupo na rin ako roon sa isa pang bakante. Paano kasi, ako na lang yung nakatayo. Yung asungot hindi man lang ako inayang umupo! Oo nga pala, sobrang gentlemen niya nga pala kasi. Arghh!
"How are you feeling?" Tanong ng MC habang nakangiti sa amin.
"I'm good." Sagot ni Ryner habang nangingiti sa mga nanonood. Ikaw lang ang good!
"How about our Queen?" Queen? Psh!
"Bad." Dire-diretso kong sagot habang naiinis pa rin kay Ryner. Lahat naman sila'y napatingin sa akin. Bakit na naman ba? Ano bang sinab—Oh! Crap!
"I m-mean bad.. b-bad..." Ano ba 'to?! Kasalanan mo 'to Ryner! "I mean ba... b-bad..." Damn Maui! Lusutin mo yan! "B-bad...badi... bading 'tong katabi ko!"
"WHAT?!" Salubong ang kilay na tanong sa akin ni Ryner.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
Shiz! Shit! Napuno ulit ng tawanan ang gym dahil sa sinabi ko.
"Hahaha. That was a cool side of our Queen right?"
"Yeeeeeeeeeeeees!" Sige, gatungan niyo pa! Pisti!
"What can you say King?" Gusto kong masuka sa sinabi ng MC.
"Well, definitely I'm not bading. Maybe, the Queen wants me to kiss her." Sagot niya at nagulat na lang ako nang akbayan niya ako at inilapit ang mukha niya sa akin na lalong nagpaingay sa crowd. "Do you?" Then he winked.
"Shit!" Reklamo niya ng kutusan ko siya. Paano kasi, sobrang lapit ng mukha niya. Hindi ko naman maintindihan 'tong puso ko. Ano 'to? My karerang sinalihan? Parang kabayong nakawala sa kwadra e.
"Sabihin mo lang kung gusto mo talagang maka-score ng halik hindi yung kinukutusan mo pa ako." He rants but he smirked at me after.
"Kyaaaaaaaaaaah!"
"Ayieeeeeeeeeh!"
"Iskoran ko kaya yang mukha mo? Ang pangit mo! Alien ka!" Sigaw ko sa kanya sabay belat.
"Ehem! Ehem! May sariling mundo na po ang couple dito. Nakalimutan yatang nandito ako."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA."
Oh geez! Napaayos na lang ako ng upo. Nakalimutan kong may kasama pala kaming MC dito at maraming nanonood sa amin. Pahamak ka talagang Ryner ka kahit kailan!
"Mamaya niyo na ituloy yang lambingan niyo." Nangingiting nilingon kami ng emcee. Lambingan? Over my dead and hot sexy gorgeous body! No way!
"Both of you are here on stage because most of the students here at Adam University chose you to be the King and Queen." Ah, papaanong kami ang pinili? "To answer your curiosities, please stay at this side para naman mapanood ng lahat ang inihanda nilang video presentation para sa inyo." What? Video presentation?
May mga SSG Officers na tinulungan kaming ipagilid yung mga upuan namin. Maya-maya lang din ay pinatay lahat ng ilaw. Ang tanging nagsisilbing ilaw na lamang dito sa loob ng malaki at malawak na gym ay iyong ilaw na galing sa isang malaking projector na nasa stage.
Nagulat na lang ako at halos manlaki ang dalawa kong mata sa nakikita ko ngayon sa projector. Papaanong? Aish!
"Waaaaaah! Ang sweet nila!"
Geez! Geez! Kung sino man yung nanguha ng picture sa amin, ipapatapon ko talaga sa Mars!
Yung video presentation na sinasabi ng MC ay hindi talaga pure video, kundi slide show ng mga stolen shots namin ni Ryner. Ang mas kinaiinisan ko lang ay kung paanong naging? Grrrr! Bakit... Bakit parang ang sweet nung pagkaka-stolen nila sa amin?
Paano kasi, yung sa unang picture, iyong nasa garden kami, yung pinapunta niya ako roon. Iyong time na tinawag ko siyang bakla dahil hindi niya ako nililingon tapos bigla niya akong kinorner sa may butterfly tree. Tapos yung pagkakakuha pa sa kanya, nakangiti siya ng malapad. Argh!
Yung sa pangalawang picture naman, iyong tinakbuhan ko siya sa garden tapos maya-maya lang din ay nasa harap ko na siya, yun yung nakita siya nila Maxi at Xianny, tapos bumulong siya sa akin, at ang anggulong nakuha ay para niya akong hinalikan sa pisngi. Pisti!
Yung sunod naman yung bigla niya akong hinila palabas ng room. At nakatalikod kami na parang magkaholding hands! My God!
Meron din yung time na sumakay ako sa kotse niya. Yung sinabi niyang ini-expect ko raw bang pagbubuksan ako. Ang kinalabasan lang naman nung picture ay para siyang sobrang gentlemen na pinagbuksan ako ng kotse at nakangiti pa siya, pero nung panahon na yun, yun yung time na nagsmirk siya sa'kin!
Eto pa, yung gumagawa kami ng disenyo ng Horror Booth. Nakuhanan din kami nung nahulog ako sa hagdan at nasalo niya ako at sabay pa kaming napatitig sa isat-isa.
Geez! Bakit ganito lahat ng kinalabasan? Bakeeeeeet?
At yung panghuli, yung nabangga niya ako habang kumakain ako ng fishball at nabuhos sa akin yung sauce, tapos pinunasan niya yung mukha ko.
Pero video na talaga ang pagkakakuha nila sa amin no'n pero ini-slow motion lang hanggang sa part na hinila ako ni Ryner papuntang locker room, na-cut sa part na iyon hanggang sa lumabas na kami pareho na hawak niya ang kamay ko at suot-suot ko naman iyong damit niya na kasalukuyang suot-suot ko ngayon!
Geez! Paanong naging ganun lahat ng iyon? Paano nila nagawang sweet kami sa presentation na yun gayong kulang na lang ay magbangayan kami sa mga panahong kinunan 'yun?
"Gosh! Ang sweet sweet nila diba?" Tanong na naman ng MC sa mga estudyante.
Napalingon ako kay Ryner. Halata din sa mukha niya iyong gulat pero nung nilingon niya ako, naabutan niya akong nakatitig sa kanya kaya agad akong umiwas.
Bigla na lang siyang lumapit sa akin at hinapit ako sa baywang.
"Kyaaaaaaaaaah!"
"Oh my Gooooood! Ang sweeeet!"
"Ayiiiiiiiiiieh."
"Waaaaaaaaaaaah!"
"Bitawan mo ako pwede? Sasamain ka sa akin!" Bulong ko pero may pagbabanta ang boses ko. Naroon pa rin ang sobrang ingay ng crowd dahil sa ginagawa ni Ryner.
At letche! Hindi ko maintindihan kung bakit pati yung puso ko nakikiingay rin! Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at nahihirapan akong huminga dahil sa Ryner na 'to.
Ilapit daw ba ang mukha sa akin?
"Uh, oh. I'm just riding on their trip." He winked again.
Geez! Hindi ba 'to marunong makiramdam? Alam na ngang naiilang ako sa mga ginagawa niya e!
"May I request the King and Queen to come here again." Agad akong napaayos ng tayo. Pero itong si Ryner, nasa baywang ko pa rin ang kamay niya at inalalayan akong maupo.
Aba't himala yata 'to? Nagpapakagentlemen yata siya ah? Ay oo pala, nakikisakay lang pala siya sa trip ng mga 'to.
"How was the presentation?" The MC asked us.
"Kung sino man yung nanguha ng mga picture sa amin ng alien na 'to, sinasabi ko sayo, ipapatapon kita sa Mars!" Agad kong sagot at hindi ko na maintindihan kung ano yung mga sinasagot ko dahil yung mga kamay ni Ryner ay nasa baywang ko pa rin.
Letche siya! Letche!
"HAHAHAHAHAHA." Tawanan ulit nila.
"Ang cool cool talaga ng attitude ng Queen natin 'no?"
"Yeeeeeees Ma'aaaaaaam!"
"For the information of everybody, they really suit to be the King and Queen dahil base na rin sa mga information na nakukuha namin, pasado silang maging role model ng AU." Sabi ng MC. "And in addition to that, were looking for the King and Queen who have all the capabilities na kayang maging student model sa loob ng University na 'to. And all thanks to those students for choosing them."
Aww. Nakakataba ng puso naman iyon.
"Let's talk to our King Mr. Ash Ryner Adam. Being the chosen King for this year's Founding Anniversary of Adam University, what can you say to these students who are here tonight?" Luh? Bakit biglang naging Q&A portion 'to?
"First of all, I would like to extend my gratitude and thank those students for choosing me to be the King. Yeah, being the King, it's my pleasure to be one of the role models of the Adamsters and I will not promise anything, I will try my best instead to become an examplar to all students here at Adam University." Napuno ng palakpakan ang gym. Ang ganda kasi ng message niya e. Simple yet it has a deep meaning.
"That was one of the inspiring messages I have ever heard. Simple yet the message is deep and it is substantial." Another clap from the crowd. Pareho kami ng naiisip ng MC. "How about our Queen, what can you say?" Naku, I'm not prepared. Charot!
"Ehem." Mic test muna aba! "Just like what our King, Mr. Ash Ryner Adam said, we will do our best to become one of the exemplars for all the students here. We will stand not being their classmates or schoolmates, but we will stand as their Ate and Kuya inside the Adam University who will help, guide and encourage them most especially on their studies. Thank you." Ngumiti ako sa mga estudyante. Nagpalakpakan naman silang lahat gayundin ang mga guro.
Eksakto namang nilingon ko si Tita Grecie, I mean si Principal at nginitian niya ako.
To be honest, at first naiinis ako dahil may King and Queen eklavu pa itong University na 'to, but then hindi naman pala siya ganun ka-exaggerated o sabihin na nating ka-OA gaya ng iniisip ko.
Akala ko kasi itong Campus King and Queen na highlight ng Foundation Anniversary ay yung mga King and Queen na pangdisplay, iyon pala, sila—or kami yung magsisilbing role model ng mga estudyante rito.
Para na rin kaming mga Officers na ang layunin ay ang mapabuti ang kapakanan at ang pag-aaral ng mga estudyante. And I like it. I like the main purpose of this event. Yun nga lang, ayaw ko pa ring pakinggan na tawagin kaming King and Queen.
Nakisali kami sa photo documentation kasama ang mga school head at ang principal.
Matapos no'n ay may mga nag-intermission pang mga estudyante. May sumayaw, mapahiphop man yun o ano. May robotics pa nga e. May nakanta rin. Ang sarap lang talagang pakinggan nung mga kinakanta nilang OPM songs at mga old songs na pero nadadala ka pa rin sa ritmo ng musika.
Ang talented talaga ng mga Adamsters! Ako lang yata ang walang talent. Maganda lang pero walang talent. Oh, huwag kang kontrabida!
"You! This is all your fault!" Duro sa akin ni Krizelle. Nandito kami sa hallway, buti na lang ay kasalukuyan pang may klase ang ibang year level at walang masyadong estudyante rito. Free time kasi namin. "You put my name into shame!" Duro niya ulit. Wow! Taray ha? Magkarhyme bes!
"Krizelle, it wasn't my fault. Hindi ko naman akalain na—"
"Liar! Nang dahil sa'yo, napahiya ako masyado!" Okay, aware ako roon. Alam kong napahiya siya pero hindi ko iyon kasalanan. Wala akong alam. Geez! Ang sarap nitong kutusan e.
"Ang kitid ng kukote mo. Hindi niya iyon kasalanan!" Naku, bakit pati 'tong si Maxi nakisagot na rin?
"You shut up! I'm not talking to you—"
"You shut up! Gusto mong makalbo? Just tell me. I have here with me a lighter. I have also my scissors o kung gusto mo, itong kamay ko mismo ang gagamitin kong pangalbo sayo?" Aish! Ang taray talaga ng baklang 'to! Daig pa yung bulkan sa taas ng kilay.
"It's not her fault. You knew from the very start na estudyante mismo yung pumipili sa mga magiging Queen. And you think sa ugali mong yan, magiging Queen ka? Definitely not Krizelle! Ang Queen na hinahanap nila ay hindi mukhang pangdisplay kundi mukhang pwedeng maging role model sa mga kapwa niya estudyante." Sabi na rin ni Xianny. Alam niya iyon kasi nga siya iyong Queen last year, ibig sabihin siya yung role model ng lahat.
"At kung gusto mong maidisplay yang mukha mo, pagawa ka ng rebulto." Baliw talaga 'tong si Maxi. Kung anu-ano na lang yung mga sinasabi e.
"Arggggh! I'm not yet done with you!" Then they walked out. Problema 'non?
"Sakit sa bangs! Tara na nga!" At hinila na kami ni Maxi.
Bakit ba kasi issue sa kanya yon? God! Kung gusto niya ring maging Queen, pwedeng-pwede naman ah! Queen ng Kamalditahan nga lang!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro