Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

Mauricy's POV

Inis na itinalukbong ko ang kumot sa aking mukha nang marinig ko ang pagtunog ng alarm clock sa bed side table ko. Since it won't stop, I annoyingly took it and threw somewhere. I even heard it crashed. Nasira ko pa yata.

I'm already dozing back to sleep when I heard someone shouted outside my room.

"Ateeeeeeeeee Mauricy!" The door opens. I frustratedly took the blanket off my body. Bakit ba iniistorbo ng mga ito ang tulog ko?

"Argh! Can you please not shout? Tsaka sino bang nagpapasok sa'yo rito?" I asked annoyingly. She was standing on the door frame with her hands on her waist. She glared at me so I glared back at her. Siya ba ate sa aming dalawa, ha?

"Mag-aalas-syete na ate! Tulog mantika ka talaga kahit kailan! Tapos kapag hindi kita ginising, pagagalitan mo naman ako! Bahala ka nga sa buhay mo!" Lumabas ito ng kwarto at pabalibag niyang isinara yung pintuan. Sinundan ko ito ng masamang tingin hanggang sa tuluyan siyang nakalabas. May balak pa yatang sirain yung pintuan e. Amp.

Since I don't have a choice anymore and my senses were already up, I stood up and went inside the comfort room. Nang matapos ako sa pagbibihis, I took my bag and went downstairs.

"Mama, si Maurizelle po nasaan?" Tanong ko kay Mama sabay upo sa harap ng hapag. Kaming tatlo na lang kasi nila Papa yung nasa mesa. I doubt where that little girl is.

"Pumasok na. Hindi ka naman katulad 'non."

"Mama naman!" I end up pouting my lips.

"I'm just stating a fact here Mauricy. Nakaligo na yung kapatid mo, nakabihis na't lahat-lahat, ikaw nasa higaan mo pa rin." She stated. My Mom is way too straightforward, isn't she? Napanguso na lang ako habang naglalagay siya ng kanin sa pinggan naming dalawa ni Papa.

"Hindi po ba pwedeng napasarap lang sa tulog? Mama talaga e." Saad ko, nagpapalusot. Tumawa lang si Papa sa tabi ko. It's not my fault if the bed doesn't want to let me go!

"Magpalusot ka pa! Bilisan mo na't wala kang maaabutan na tricycle sa labas." Napamaang ako.

"Huh? Eh 'di ba po Papa ihahatid mo ako?" Baling ko kay Papa.

"I have an appointment to do Mauricy. Aalis din ako mamaya, tatapusin ko lang 'tong kinakain ko."

"PO? E SINO PONG MAGHAHATID SA AKIN?" Napataas ako ng tono.

"Kaya nga bilisan mo na r'yan at nang hindi ka mahuli sa klase mo." Sagot ni Mama. Napatingin ako sa wall clock at nabitawan ko yung kutsarang hawak ko. 7:09 AM na! What the eff? Tumayo na ako kaagad at kinuha yung bag ko. Hindi ako pwedeng malate sa first class ko. Jusko, Monday na Monday. This can't be!

"Mauricy, tapusin mo 'tong kinakain mo!" Tawag sa akin ni Mama nung nagmadali ako sa paglalakad palabas ng bahay.

"I'll just eat in the school." Sigaw ko pabalik dahil nakalabas na ako ng bahay. Nakakainis naman kasi. Bakit kasi ngayon lang sinabi e. Pagkalabas ko ng gate, kinapa ko yung bulsa ng skirt ko at napapikit na lang talaga ako sa inis. Wala pa pala akong baon! I have no choice but to go back home! Gosh, this is so annoying!

"Akala ko ba umalis ka na?" Si Papa ang nakasalubong ko, kasalukuyan na itong naghahanda para umalis. Nilampasan ko siya at dumiretso kay Mama sabay lahad ng palad ko sa harapan niya.

"Baon ko po, nakalimutan ko." Sagot ko. Napailing si Mama sa akin tsaka ito dumukot sa kanyang bulsa at inabot niya iyon sa akin. Hinablot ko iyon agad at tumalima palabas ng bahay. "GOTTA GO!" I even heard her telling me not to run pero ganitong nagmamadali ako, binilisan ko ulit ang pagtakbo hanggang sa makarating ako sa may sakayan ng jeep at tricycle.

Malapit lang naman yung school namin sa bahay kaya nagta-tricy na lang ako kapag hindi kami naihahatid ni Papa sa school but I can't wait anymore! Malelate na talaga ako ngayon! Hindi naman kasi nila ako kaagad na ininform. 7:30 AM kaya ang first class ko!

Naupo ako sa may waiting shed at binaba pansamantala yung bag ko. Nung makita ko yung isang tricy na may bakante pa sa side niya, tumayo ako upang parahin iyon.

"Kuya, sa may Adam University po." Wika ko.

"Sige ineng, doon din naman ang punta ko." I breathed in relief. Thank goodness! I went back in the waiting shed to get my bag pero pagkaharap ko, nakita kong occupied na iyon. What the? "Pasensya na ineng, kasamahan pala siya nung naunang sumakay." Paumanhin ni Kuya habang tinutukoy niya iyong bagong sakay.

"Hindi po ba pwedeng sumiksik ako sa side? Kasya naman po ako e." I pleaded and I'm hoping na sana pupuwede. Malelate na talaga ako.

"Bawal ineng, baka kasi mahuli tayo ng pulis kasi overloading na." Saad ni Kuyang Driver sa akin, nagsisimula na niya iyong paandarin.

"Paano naman ako Kuya? Ako naman yung mahuhuli sa klase ko!" Hindi ko na naman maiwasang magtaas ng tono. Pumayag-payag pa siya kanina tapos may nauna na? Naiintindihan ko siya pero nakakainis kayang umasa!

Kulang na lang ay umusok ang ilong ko sa inis noong pinaandar niya 'yong tricycle niya palayo sa akin. Iniwan na nga ako, ni hindi man lang ako pinansin!

"PAASA KA KUYA!" I screamed out of frustration. Pinagtitinginan tuloy ako ng ibang mga estudyante na nakaupo rin dito sa may waiting shed. Sinamaan ko sila ng tingin. Pakialam nila e sa naiinis ako? "Bwisit! Bwisit! Bwisit! Hindi na ako sasakay ulit dyan sa tricycle mo!" I stomped my feet on the ground. Padabog din akong umalis sa waiting shed na iyon bitbit ang bag ko. Tumakbo na lang ako baka sakaling maabutan ko yung first period namin kahit sobrang labo na. Nakakabwisit!

Kapag nakasakay ka ng tricycle, 15 minutes lang ang byahe papunta sa school pero kapag nilakad mo, it doubles the time you are spending. Kung sa taxi naman, mahal doon, no thanks!

Tinignan ko yung wrist watch ko. I only have 15 minutes now. Nakakainis! I doubled my speed in running. Nang mapagod, bahagya akong huminto nang bigla namang may bumusina sa likod ko.

"Ay kabayo!" Halos mapatalon ako sa gulat at pagkabigla. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko yung itim na kotseng tumigil sa harap ko. Pumagilid ako ng kaunti at sinamaan ng tingin iyong kotse. Unti-unting bumukas yung tinted window sa tabi ng driver's seat at nakita ko yung medyo may edad na lalaki. Bahagya nitong inilabas ang kanyang ulo sa may bintana upang tignan ako.

"Nagmamadali ka ba hija? Ang bilis mo kasing maglakad e." Tanong nito sa akin.

"Opo Kuya, halata naman pong nagmamadali ako." I tried not to sound sarcastic but it was too obvious dahil bahagya itong tumawa sa naging sagot ko.

"Saan ba ang punta mo hija?"

"Adam University po."

"Halika. Sumabay ka na sa amin hija."

"Po?" Tanong ko, gulat. "Ah, huwag na po." Pagtanggi ko, syempre kunyari lang. Hindi sumagot si Manong Driver at may kinausap sa loob. Jusko naman! Mas lalo akong malelate nito e. Isakay na lang kaya ako e no? I wouldn't mind though. Mukha namang harmful si Manong Driver.

Magsasalita na sana ako upang magpaalam na nang biglang bumukas yung nasa likurang window hanggang sa lumantad sa harap ko ang isang blankong ekspresyon ng napakapoging nilalang... Ooops, OA na masyado sa description Maui! I scolded myself mentally but I can't help but to fantasize his beautiful face.

"Get in the car." His arrogant voice helped me get back to my senses. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano iyong sinabi niya. Ano raw? "Are you deaf or what?" Parang nagpintig naman ang tenga ko dahil sa sunod na sinabi niyang iyon. Attitude ha?

"Of course not!"

"Why are you still standing there? Get in. I don't want to be late just because of you." My teeth just gritted in annoyance. Sino ba kasing may sabing pasakayin niya ako diba? Kung ayaw niyang malate, di mas lalo naman ako. I glared at him. I really can feel the arrogant vibe of this guy! Pogi pa naman sana! Isa kang malaking ekis sa akin!

Dahil hindi naman makapal ang mukha ko, binuksan ko yung pintuan. Inirapan ko siya bago pumasok sa kotse at tumabi sa kanya. Aarte pa ba ako? Less hassle na, tipid pamasahe pa plus iwas late pa sa attendance. Ngumisi ako pero naiinis pa rin. Si Manong Driver naman kasi, kung pinasakay ako kanina pa, nako!

"Are you studying at Adam University too?" Tanong nito nang hindi man lang tumitingin sa akin. He was just leaning on his side. I arched my brows when I looked on his direction. Close ba kami para makipag-usap siya sa akin?

"Isn't it obvious?" Sarcastic kong tanong dahilan upang tignan niya ako. I frustratedly waved my ID lace on him. Tsaka hindi ba niya napapansin yung uniform ko? Tanga ba siya o ano? I heard the driver laughed! I just rolled my eyes. Amp!

Pagkarating sa university, nagmadali na akong bumaba. Nag-thank you ako kay Manong Driver dahil mabait naman akong bata but I didn't mind that arrogant guy. Duh? Sure, he was the one who told me to get in the car pero hindi naman siya yung nag-aya sa akin para sumakay. Or was that just the same? Whatever. Bahala siya d'yan! Ang importante sa akin ngayon ay ang maabutan ang first class ko.

I started running again. Hindi pa man ako nakakapasok sa room, bigla na lang may yumakap sa akin mula sa likod. Kulang na lang ay makipagpiggy back ride ito sa akin.

"MAUIIIIIIIIIIIIII!" Napatakip ako ng tenga sa sobrang lakas ng sigaw niya. I knew who it was though.

"Xi-xi-annn-taaal, I c-can't br-breathe." I complained. She's hugging me so tight with her mouth near my ears and she screamed at the top of her lungs. Sakit niya sa eardrums!

"Oh my! Sorry Maui!" Mula sa likuran ko, iniharap nito ang mukha niya sa akin. Nangingiting nagpeace-sign pa siya. Napaikot na lang ako ng mata.

"Ay tampo agad? Sorry na nga e!" She pouted. Siya pa 'tong parang galit sa lagay na yan? Seryoso ba siya? Napailing na lang ako. I just gestured her for us to go inside.

Pasalamat talaga ako kay Manong Driver kanina, kung hindi niya ako inayang sumakay, for sure late na talaga ako. I might treat him next time! Sa kuripot mong yan? It's as if my insides are contradicting me. Amp.

"Mauiiiiiiiiiiiiiiii! Xiannnnnnnnnnny!" Napatakip na lang ako ng tenga because of that shout as we got inside. Lumapit si Maxi sa amin at niyakap din kami ni Xianny ng pagkahigpit-higpit.

"MAXIMO, P-PAPATAYIN MO B-BA KAMI SA Y-YAKAP MO?" I hissed. It almost choked us. When he let go of us, binatukan niya ako bigla. I glared at him. "What was that for?" Inis kong tanong sa kanya.

"I told you, I am not MA. XI. MO. I am MA. XI. I'll repeat it, MA. XI." Pag-eexplain niya sabay diin sa Maxi kuno.

"Iharap mo sa akin ang birth certificate mo, baka itigil ko na ang pagtawag sa'yo ng MA. XI. MO." I also emphasized his real name.

"You are so mean! I hate you na Mauricy Dela Peña." Sabi niya nang may halong pagtatampo sa kanyang tono. Napanguso na lang ako sabay buga ng hangin. Ang arte talaga!

"Oo na! Sige na, I'll call you Maxi na. Ma.xi." Saad kong may pagkasarkastiko.

"Yey! I love y---"

"Maxi-tigil ka! Ang arte mo!" Pagpuputol ko sa kanya.

"Nakakainis ka talaga kahit kailan!" Pag-iirap niya sakin.

"Bakla!"

"Sungit!"

"Arte!"

"Heh! Brutal ka!"

"Tumigil na nga kayong dalawa!" Singit ni Xiantal sa aming dalawa habang pilit kaming inaawat. Nagsamaan pa kami ng tingin bago kami naupo sa may likod. Then we did some chitchats while waiting for our teacher to arrive.

Xiantal Tan and Maximo Sanchez were my best friends since elementary. We used to call each other as Xianny for Xiantal, Maxi for Maximo and Maui for Mauricy. Sinong nag-isip sa nickname na yun? Syempre si Maximo. Daming arte nun e but I find it cute though.

When we reached secondary level, tsaka ako nalayo sa kanila because we migrated in London. Doon kasi nagtatrabaho si Papa. My father is an engineer abroad that's why. Nung natapos na yung kontrata niya roon tsaka kami bumalik ulit dito sa Pilipinas. Last week pa nagsimula yung pasukan. Second week ko na rin dito sa bago kong school kahit papaano.

"Bakit wala pa yung teacher natin?" Tanong ko sa kanilang dalawa. The teacher should be here now, bakit wala pa rin? It's already time. Lampas na nga sa totoo lang.

"Dunno." Xianny shrugged. Napatingin na lang kami sa may pintuan nang bumukas iyon. I thought it was our teacher but it was Empress who entered, our class president. Pumunta siya sa harapan at tinignan kaming lahat.

"Everyone, according to Mrs. Jena, hindi niya raw muna tayo imi-meet ngayon dahil magkakaroon ng meeting lahat ng teachers including school facilitators for our School Foundation Day next week." Mahabang anunsyo nito sa amin.

"Yeeeeeees!"

"Whooooooooo!" Sigawan ng mga kaklase ko. They are celebrating because of the announcement they heard samantalang ako kulang na lang para umusok yung ilong ko sa sobrang inis.

"Hoy! What's wrong with you?" Tanong ni Maxi sa akin. Siniko pa niya ako.

"I ran as fast as I could so I won't be late tapos hindi pala tayo imi-meet?" Reklamo ko. Naiinis lang ako! Halos makipagmarathon ako sa mga sasakyan sa daan tapos hindi kami imi-meet? So frustrating!

"Tara na lang sa cafeteria." Singit ni Xianny.

"Amp. Syete naman!" Pagrereklamo ko.

"Mag-aalas-otso na Maui." Ani Xianny. Sinamaan ko nga ng tingin. Pilosopo rin 'to e.

"Napakareklamadora mo talagang babae ka! Tara na nga!" Hinila na nila ako palabas kaya eto nagpahila na lang din ako. Pagkarating namin sa cafeteria, naghanap kami ng bakanteng table dahil ang dami ng nakatambay na mga estudyante. Mostly mga couples. Jowa agad? Kay aga-aga e.

Nang makahanap kami ng table, Maxi and Xianny left their things to me dahil sila na lang daw yung mag-oorder ng pagkain namin. Nilibot ko ang paningin ko. Maliban sa mga magkakaibigan ay purong mga couples ang nakikita ko. May mga nagtatawanan. May mga naglalambingan. May nagkikilitian. May mga naghaharutan. Mas ahead pa yata ako sa kanila. Tss.

"Bakit ba naghaharutan ang mga 'to sa harapan ko mismo? Sobrang PDA lang nila, ah." Bulong ko habang kinakalikot iyong phone ko.

"Pakialam mo ba?" Someone annoyingly asked. Nagulat ako. Tinignan ko iyong pinanggalingan ng boses and I saw this girl glaring at me.

"What?" I clueslessly asked.

"So what kung mag PDA kami?" Nakataas ang kilay na sigaw nito sa akin. That's when I realized what she's pointing out. I just whispered that, I didn't know she would hear me. At hindi ko na kasalanan iyon. I faced her and I also arched my brows. How dare her glare and shout at me?

"Edi mag-PDA kayo. Sulitin mo na dahil sa susunod na makikita kita, hiwalay na kayong dalawa." I replied, uninterested. Inis na tumayo yung babae at lumapit sa pwesto ko. I just gave her a look. Why is she picking at me now? Tumayo din yung lalaki at lumapit dito upang awatin siguro yung girlfriend niya.

"Babe, let's go. Don't mind her." Sabi niya rito. Hinawakan niya na rin iyong girlfriend niya to stop her pero nakipagmatigasan ito para lang harapin ako. I just crossed my arms while watching her.

"Alam mo Miss, kung hiniwalayan ka ng boyfriend mo, huwag mo kaming idamay r'yan sa ka-bitter-an mo!" Sigaw niya ulit sa akin and we're now getting the attention of others.

"Bago mo sabihin yan, hanapan mo muna siguro ako ng boyfriend." I joked using a monotone. Students watching around us laughed.

Pinanlakihan niya ako ng mata. Akala naman niya ang gandang tignan sa kanya. Why is she fighting me over that pety thing anyway? Bumulong lang naman ako, I didn't know it was really that big deal to her. Humingi lang ng paumanhin yung lalaki sa akin tsaka niya inilayo iyong girlfriend niya. Sinundan ko na lang sila ng masamang tingin. Tss.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro