Chapter 3O: Jeju
"énervant."
__
CHAEYOUNG POV.
"Rosé?"
"Ahhhh!!"
Bwesit! Bakit ba kase kailangan mang gulat ng mokong na to?
"Bakit ka ba nang gugulat?" Asik ko, lalong nag init ang ulo ko nang tumatawa lang sya habang nakahawak sa kanyang tiyan, nakakainis! Paano hindi ako magagalit ay muntik pa akong bumagsak dahil sa gulat at sya itong tawa lang ng tawa at halatang hindi na sindak sa galit kong tono!
"Sige! Tumawa ka! Mamatay ka na!" Sigaw ko at pinag patuloy ang pag iimpake ko sa mga damit ko, hindi ko na sya pinansin at inayos na lang ang mga gamit ko, ngayon na ang pag punta namin sa jeju sigurado akong naadoon na sa airport sila unnie at kami na lang ang nahuhuli.
Paano hindi mahuhuli, ala-una na ako na gising hindi pa ako ginising ni tong bubwit na to na nauna sa akin magising! Alas-tres na lampas na ako!
"Pa bagal bagal kase!" Bulong niya, i tightly shut my eyes, pinigilan ko lang ang sarili kong bungangaan sya dahil late na kami, sinamaan ko na lang sya ng tingin nang matapos na ako sa pag iimpake ng damit ay tuwid akong nag lakad pa punta sa gawi niya, nakasandal sya sa pader habang nakacross ang dalawang braso palihim akong napairap.
She's wearing her favorite jacket habang ako ay naka coat lang na brown at naka crop top na kulay puti naka pantalon ako na kulay itim ganon rin sya, nang mapunta sa gawi niya i seriously look at him right in the eyes.
Nasindak sya sa seryoso kong pag tingin sa kanya, ngumisi ako at nag salita.
"You laugh at me huh? Dahil pinag tawanan mo ko ikaw ang mag dala niyan!" Inihagis ko ang maleta ko sa kanya dahilan para gulat syang napatingin sa akin, mabuti at hindi sya na natamaan sa mukha kong sakaling matamaan man sya sa mukha ikatutuwa ko pa iyon!
"Tsk!"
Umirap na lamang ako at parang istriktong bumaba sa hagdanan, nang makababa ay agad na umalingangaw ang boses ni jimin sa hagdan.
"Sandali! Tulungan mo ko dito sa gamit mo! Bakit kase ang damit mong dinala tatlong Araw lang naman tayo doon!" Sambit niya tinaasan ko sya ng kilay at pinag cross ang dalawa kong braso.
"Kaya nga tatlong araw eh, paano ako mag papalit ng damit kong wala akong sapat na damit! Atsyaka pinag tawanan mo ko kanina kaya dapat lang yan sayo! Che." Lag lag ang panga niya nang titigan ako, muli ko syang tinaasan ng kilay bago ngiwian at irapan.
"Kuya guard paki buksan na po ng door." Pag iinarte ko.
"Ang arte!" Bulong niya ngumisi na lang ako at nilingon sya ulit.
"Ganon talaga kapag magaganda! I admit maarte ako." Sambit ko, ngumisi ako sa kanya at lumabas na sa bahay, agad kong binuksan ang kotse niya at umupo doon, napatawa ako nang hirap na hirap syang ilabas ang maleta ko, maliit lang ang maleta niya kumpara sa akin.
Ngumiwi na lang ako nang makitang tinulungan sya ni kuya guard na buhatin ang maleta ko.
'Bayaran ko kaya itong si kuya guard na kapag meron kaming trip na pupuntahan ay wag niya nang tulungan itong gong-gong na ito?'
Presente akong umupo sa harapan nakangisi ako nang marinig ang ungol niya pumikit nilang ako hanggang sa marinig ko ang kag sara ng pinto sa back seat. Nangunot ang noo ko nang maramdamang bumukas ang pinto sa kinauupuan ko.
Ibinuklat ko ang mata ko at nakita kong naka bukas na ang pinto at nasa gilid sya, para bang hinihintay niya na umalis ako dito.
"Anong ginagawa mo?" Pigil na inis na sambit ko, yumuko sya habang nakangisi.
"Ano pa ba edi pinapababa jan, baba na," sambit niya lalong nangunot ang noo ko at sinamaan sya ng tingin.
"Baliw ka ba?! Paano ako makakapunta sa airport wala ang kotse ko naiwan ko doon sa b--"
"Ayon oh," Turo niya sa katabing kotse, nag igti ang panga ko at matalim syang tinignan.
"Inaasar mo ba ko?" Pigil na pigil na inis na sambit ko, lalong sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi niya siguro na kita niya na gaano na ako kainis sa ngayon.
"Hindi, pinaaalis kita kase meron ka namang sariling kotse. Na kikisakay ka pa sa akin, baka naman gusto mo lang akong kasaman niyan? Tama ba?" Nakataas ang kilay niya habang naka ngisi.
I bite my lips. Huminga ako ng malalim i was trying to calm myself down kapag hindi ako nakapag pigil ay baka masapak ko na ito.
"Niknik mo! TABI!" Sigaw ko, agad naman syang tumabi nang hawiin ko sya. Padabog akong bumaba at hinawakan ang pinto, malakas ko iyong sinara mabuti na rin ay tinanggal niya ang kamay niya doon kong hindi maiipit lang ang kamay niya.
"Sisirain mo ba ang kotse ko," inis niyang sambit. Ngumisi ako.
"Kung pwede lang! Baka hindi lang isang sira ang inabot niyang sasakyan mo! Baka nga sabog pa eh." I clip my hair on her face at nag lakad sa kotse ko.
Padabog ko iyong binuksan lumingon mo na ako kay jimin na ngayon ay ngunot na ang noo habang naka tingin sa akin, nginiwian ko sya at inirapan ng hard na hard.
Nang makasakay sa sasakyan ay agad kong isinuksuk ang susi sa sasakyan. Nakita kong iiling iling syang pumasok sa sasakyan kaya inutusan ko na si kuya guard na buksan na ang gate, nang mabuksan iyon ay agad kong pinaandar ang kotse narinig ko ang sigaw niya dahil hindi ko pa nasasarado ang bintana.
"HOY! ALAM MO BA KONG SAANG AIRTPORT IYON?!" Siga niya.
Hindi ko na lang sya pinansin at sinarado na ang bintana.
"Ako pa ba." Sabi ko, umirap na lang ako at pinag patuloy ang pamamaneho.
At the airport
"Oh, nasaan si jimin?" Tanong ni jisoo unnie, pinag pagan ko lang ang suot kong coat at pinag cross ang dalawang braso.
"Iniwan ko, obvious ba?" Pag susungit ko gulat syang napatingin sa akin.
"Day, may regla ka ba?" Sambit niya, ngumiti ako sa kanya at isinukbit ang kamay ko sa braso niya.
"Unnie, mas malala pa ako kapag may regla," sarkastiko kong sambit natatawa syang hinampas ang braso ko.
"Jimin!" Owtimatikong umikot ang mata ko nang marinig ang pangalan niya.
"Bakit ang dami mong dala! Tatlong araw lang tayo roon!" Nag simula nanamang mag sermon ang aming A.K.A "Itay" sa kanya.
"Bakit ba ang ingay mo hyung? Hindi naman sa akin yan eh, doon oh!" Naiinis na sambit ni jimin.
Agad kong kinuha iyong maleta ko at sarkastikong nginitian sya.
"Thanks." Sambit ko, agad akong tinignan ni jin oppa at tinuro ako.
"Ikaw! Tatlong araw lang tayo doon bakit ang dami mong dalang gamit," napamaang ako sa sinabi niya, narinig ko ang mahinang tawa ni jimin kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Oppa, paano ako mag papalit nang damit kong unti lang ang dadalin ko? Alam niyo naman na panay ang ligo ko kapag pinag papawisan hindi pa?" Sambit ko, agad na tumango tango si jin ngayon.
"Oo nga no," nakapoker face na ang mukha ni jimin nang balingan sya ng tingin ni jin.
"Tara na, kayo na lang ang hinihintay namin,"
"Paano kaseng hindi malalate, tulog mantika tong babaeng to!" Napamaang ako sa sinabi ni jimin, naiinis na tinuro ko sya, sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero wala akong mamuntawing sagot na maibabato sa kanya kaya napapikit na lang ako at padabog na binaba ang kamay ko, agad kong kinuha ang maleta ko at naiinis na pumunta sa gawi nila jisoo unnie at lisa.
****
"Woi, ang panget mo! Ayusin mo nga mukha mo!" Sambit ni Lisa, masama na ang tingin ko sa kanya nang balinga ko, nag presente si jisoo unnie na kami kami ang mag tatabi, muntik pa namin makalimutan si Jennie unnie at Taehyung oppa na kakarating lang rin. Bumuntong-hininga na lang ako at sumandal sa kinauupuan ko at pinag-cross ang dalawang braso.
"Anyway, ikaw ha lisa mauunahan mo payatang mag kaanak si Rosé. Grabe nag usap lang kayo tapos may love making na," sambit ni jennie unnie agad syang pinalo ni jisoo unnie, napatingin na lang kami kay lisa na ngayon ay nakababa ang tingin habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.
"Wag mo nang asarin!"
"Ma pangasar to oh!"
"Atsyaka na sa tamang edad na rin si lisa at jungkook mag karoon ng anak." Sambit ko, kahit papaano ay napawi na ang pag kainis ko dahil sa katotohanan na nag kabati na ang dalawang bubwit.
"Oo nga no." Tumango na lang si jennie unnie at hinimas himas ang kanyang lumalaking tiyan tinitigan ko ang malaki niyang tiyan.
"Unnie, anong month na nang tiyan mo?" Tanong ko, tinignan ako ni jennie unnie at nginitian ako hinimas himas niya ang tiyan niya.
"6 month." Sambit niya, tumango-tango na lang ako at sabay ngiti.
"Hmmm, malapit na ang kapanakan mo, grabe hindi ako makapaniwala na hanggang sa elementary to high school to college kasama parin kita, sayang nga lang at nong elementary lang kita na kasama Rosé." Ngumiti na lang ako, nasa likuran namin ang mga boys nag haharotan, hindi ko nga alam kong matatanda na to kong makaasta ay parang batang bata.
"Hon, tubig oh," inabotan ni taehyung oppa si Jennie unnie ng tubig tumango na lang si jennie unni at kinuha iyon.
Huminga ako ng malalim at inihilig na lang ang ulo sa kinauupuan ko, gusto kong matulog ng matagal. Hanggang ngayon ay nag eemote parin ako hindi ko alam kong bakit!
"Tulog muna ako, gising mo nalang ako kapag naka land na tayo." Sambit ko kay jisoo unnie agad naman syang tumango, may kasama kaming yaya actually first ever yaya nila jisoo unnie, dalawa ang kinuha niyang yaya dahil ayaw daw niyang maiwan ang anak niya sa bahay nila, iyong naman mga relatives nila ay busy sa negosyo nila kaya walang mag babantay sa mga baby kaya isinama niya na lang.
Agad kong sinandal iyong ulo ko sa balikat ni lisa hinimas ni lisa ang ulo ko at isinandal rin ang ulo niya sa ibabaw ng ulo ko.
Dahil nga kinulang ako ng tulog ay agad akong nakatulog.
****
"Rosé, naandito na tayo." Naramdaman ko ang pag tapik sa pisngi ko kaya ko ito hinawi, gusto ko pang matulog! Pwede bang patulogin na muna nila ako?
"Hoy, naandito na tayo!" Agad akong napabalikwas sa kinauupuan ko nang biglang may sumigaw sa tainga ko, mariin akong napapikit at naiinis na binalingan ang nasa harapan ko.
"Sino ang sumigaw?" Inis kong sambit.
"Ako!" Bumuntong-hininga na lang ako nang si jisoo unnie ang nag salita, ngumiwi nalang ako at nagulat ako nang kami na lang ang hinihitay na bumababa.
"Naandito na pala tayo?!" Gulat kong sambit, pinag cross nila ang kanilang braso at nginuwian ako.
"Oo naandito na tayo." Sarkastikong sambit ni jimin, inirapan ko sya at tumingala para kunin ang maleta ko.
"Naandito na ikaw na lang ang hinihintay namin---" hindi na natapos ni jimin ang sasabihin niya nang magsalita na ang babae sa ilabas.
"Sir, ma'am baba na po kayo may naghihintay pa pong pasahero sa airtport po," sambit ni ng babae napabuntong-hininga na lang ako at pumunta sa gawi ni jimin, marahan kong kinuha ang maleta ko sa kanya at naunang bumaba sa eroplano.
Naramdaman kong sumunod sila sa akin, nagulat pa ako nang kunin ni jimin iyong maleta ko dahil nahihirapan akong buhati iyon dahil kada baba ko ay binubuhat ko ito, tinignan niya ako at kinindatan ibinigay niya sa akin ang maliit niyang maleta at sya na ang nag baba ng maleta ko, nahihiya akong bumaba at binuhat nalang ang maliit niyang maleta magaan ang maleta niya siguro ay kaunti lang ang damit niyang dala.
Nang makababa ay malakas na ang ihip ng hangin dahilan para liparin ang buhok namin, nahihirapan ako dahil malakas ang hangin at natatakpan ang buhok ko ang mukha ko.
"YOWWW! JIMIN, JIN HYUNG, JUNGKOOK!" Nagulat ako nang umalingangaw ang boses na iyon napatingin ako sa harapan namin may dalawa na tumakbo papunta sa harapan namin.
"YOW! HOSEOK, NAMJOON, YOONGI!" Sigaw ni jin, nagulat kami nang inihagis ni jin oppa ang maleta nila ni jisoo unnie at tumakbo papunta keyla hoseok oppa at namjoon oppa at yoongi oppa.
Nangunot ang noo ko dahil may kasama silang babae, maganda ang pangangatawan ng babae matalas ang mata katulad ni jennie unnie ay parang pusa ang mata niya pero nangingibabaw ang pag ka pusa ng mata niya, manipis ang labi at matangos ang ilong, may roon syang suot ng headset at boring na boring na nakatingin keyla jin oppa habang nakacross ang dalawang braso.
"Oh. Bakit naandito pinsan ko?" Nangunot ang noo ko nang sabihin iyon ni jimin.
'So pinsan niya to?'
"I said i don't want to go, mapilit lang 'tong si hoseok," seryoso niyang sambit, tinanggal niya ang head set niya at pinag cross ulit ang dalawang braso.
"Manners, kahit kailan ka talaga wala kang man lang modo," inis na sambit ni jimin, inirapan lang sya ng babae.
"Whatever." Nagulat ako nang balingan niya ako ng tingin.
"Yeji." Sambi niya, nakamaang akong tinuro ang sarili binangga ako ni jimin gamit ang braso at nginuso si yeji.
"Nag papakilala." Sambi niya, tumango tango ako at nahihiyang nginitian siya inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
"Ch---Rosé, yeah Rosé." Sambi ko, seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa akin, ilang minuto lang ay ibinaba niya ang tingin sa kamay kong hinihitay na lahadan niya ng kamay kaso napamaang kami nang hindi niya iyon pansin bagkus ay muli niyang sinuot ang head seat niya at nag cellphone.
"Aish, kahit kailan talaga yang pinsan mo napaka walang modo!" Sambi ni hoseok oppa, ngumiwi na lang si jimin at binalingan niya ng tingin si hoseok oppa.
"Sino ba kaseng may sabing isama nyo sya dito?" Tanong ni jimin, nag kamot naman ng batok si hoseok oppa at hindi nag salita.
"Naandito rin si Yoongi hyung, parehas lang yang mag kapatid na iyan eh malamig makitungo!" Singhal ni jimin, napaatras kami nang samaan ng tingin ni yoongi oppa si jimin oppa kaya tumahimik na lang kami.
Pansin ko rin na pusa rin ang mata ni yoongi oppa at manipis rin ang labi, kaso maliit sya katulad ni jimin hindi rin na biyayaan tumangkad samantalang si yeji ay may katangkaran.
"Sige na mag pahinga na muna tayo, tatawagin ko nalang kayo kapag nakaready na iyong kakainin natin." Sambit ni jisoo unnie, agad kaming tumango sumabay nalang sila yeji saamin habang tutuk ang mata sa cellphone.
Hindi paman kami nakakapunta sa gawi ng hotel nang marinig namin na may bumagsak sa likuran. Nagulat kami nang makitang nakahilata si yeji habang meron naman nasa top niyang lalaki.
"Hoy!" Tawag ni yoongi oppa, agad naman na tinulak ni yeji iyong lalaki, dahilan para mapaupo ang lalaki, kita ko ang inis sa mukha ni yeji nang balingan niya ng tingin iyong lalaki.
"Look where you are going mister, sa kalakihan mo madadanganan mo pa ako!" Mataray si yeji sa totoo lang, masungit rin kong titignan.
"S-sorry miss," sambit ng lalaki, nag lakad ako sa gawi nila at hinarap ang lalaki, nagulat ako nang makilala ito.
"Yeonjun?!" Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya.
Pinsan ko si Yeonjun, at matanda ako sa kanya maganda ang pangangatawan niya at masasabi kong malaki ang ipinag bago niya nong una ko syang makita ay medyo payatot pa sya at medyo maliit pero ngayon, may kalakihan na ang braso niya at matangkad na meron ring kulay ang buhok niya
"Noona? Anong ginagawa mo dito?" Sambit niya nanlalaki rin ang mata niya habang nakatingin sa akin.
Napangiti ako sa kanya at mabilis syang niyakap. Niyakap niya rin ako pabalik.
"Grabe ang laki mun--" nagulat ako nang biglang may humila sa likod ko, napatingin ako sa kanan ko at nakita kong nakatingin na si jimin kay yeonjun ng seryoso.
"Pinsan ko lang 'to." Sambit ko, tumango lang sya at binalingan ako.
"Wala akong pake." Seryoso niyang sambit naiinis na tinulak ko sya at inirapan.
"Yeonjun, mamaya na lang tayo mag usap..." bumulong ako sa kanya para hindi marinig ni jimin ang pag baback stab ko sa kanya.
"May epal kase." Sambit ko tumawa sya habang tumatango tango. Binalinga ko ng tingin si yeji nang marinig kong tumikhim sya.
"Tsk, too much drama." Sambit niya, binalingan ko ng tingin si yeonjun, senenyasan ko syang mag sorry ulit kaya tumango na lang sya.
"Sorry, hindi kase kita nakita eh." Sambit nito, inirapan lang sya ni yeji at nag suot ulit ng head set.
"Whatever." Nauna na itong nag lakad at pumasok sa building ng hotel. Bumuntong-hininga na lang ako at binalingan ng tingin si yeonjun na halatang napahiya.
"Hayaan muna iyon, mag usap nalang tayo mamaya." Sambit ko, tumango na lang sya akma ko syang yayakapin ulit nang hilahin na ako ni jimin papaunta sa building kaya wala na akong nagawa kong hindi sumunod nilingon ko pa si yeonjun na ngayon ay nakatingin lang rin saamin kinawayan ko sya kaya natatawa na lang syang kinawayan ako.
"Annoying."
__
~°~°~°~°~°~
HI! NEW UPDATE HER ^__^
PASENSYA NA NGAYON LANG NAKAPAG UD SI ATE NIYO, MASYADO KASENG BUSY SA STUDIES KAYA WALA AKONG ORAS DI BALE KAPAG NAG KAROON AKO NG TIME AY MAG UUD AKO! SO HOPE YOU LIKE THIS, PASENSYA NA RIN DAHIL MARAMING ERROS I-EDIT KO NALANG SYA KAPAG NATAPOS KUNA ITONG TAPOSIN! I HOPE YOU LIKE THIS STORY PLEASE VOTE FOR THIS STORY IT'S WILL MEANS ALOT TO ME, SO IYON LANG STAY SAFE AND KEEP HEALTY!!
I LOVE YOU LUVX'S ^__^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro