Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25: jealous

"bizarre."
__

CHAEYOUNG POV.
"Oh! Chaeyoung. Bakit ka naandito?" Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

Napangiti ako sa kanya, she wait for my answer when she walk toward the kitchen.

"Mabuti naman at bumababa kana sa kwarto mo Lisa," nakangiting usal ni jisoo unnie.

"Actually wala naman akong balak na lumabas sa kwarto ko eh kaso wala ka dito sa bahay kaya ako na ang nag bukas ng pinto para dito." Ininguso niya ako, napairap ako sa kanya kaya nabungisngis sya.

"By the way, nakapag book na ako ng passport naasikaso ko na rin ang pag papabook natin ng hotels sa jeju kaya wala na kayong alalahanin." Nakangiti niyang sambit, napatango na lang ako sa kanya at ngumiti rin.

"Mukhang naistorbo ko kayo sa pag uusap ninyo ha?"

"Hindi unnie, tapos na rin kaming mag usap," nakangiti kong sambit.

"Eh kong ganon ay dito kana kumain, magluluto lang ako ng paborito mo," nakangiti niyang sambit.

"Unnie eh paano iyong paborito ko," nabigla ako sa batang boses ni lisa napatingin ako sa kanya ganon nalang ang tawa ko nang nakanguso na sya habang matalim ang tingin kay jisoo unnie.

"Aba syempre lulutin ko rin ang paborito mo hindi iyon mawawala," nakangisi kong tinignan si Jisoo unnie.

Sinimulan niya nang mag luto, iyong paborito kong kimchi stew, habang si lisa naman ay ang gamjatang iyon ang lagi niyang inoorder kapag nasa korean restaurant kaming dalawa bukod din sa french fries.

Matapos mag luto ay ako ang nag ayos ng lamesa kinompleto ko ang mga plato, tatlong plato, tatlong kutsara at tinidor ganon na rin sa baso nang mailatag na ang pag kain ay sya namang alama ng sikmura ko inamoy ko iyon at natakam ako agad akong kumuha ng kimchi stew at tinikman ko iyon.

"Ang sarap unnie,"Masigla kong sambit animoy parang batang takam na takam sa pag kain.

"Ganon talaga asawa to ng chief noh," pag mamayabang niya tumango tango nalang ako at simimulang lantakan ang pag kain.

Matapos ang ilang minuto ay napag desisyonan ko nang umalis dahil pagod na rin ako bukas na bukas ay mag eempake na rin ako ng mga dapat day limang araw ang pag s-stay namin sa jeju na which is ay maganda dahil sa wakas ay makakapag pahinga na rin ako sa loob ng limang araw.

"Mag iingat ka ah," nakangiting sambit ni Lisa, tumango lang ako at yumakap sa kanya sabay naman ay yumakap ako kay jisoo unnie at nag paalam ulit sa kanila.

***

"Sa ka galing?" Iyon ang bumungad sa akin pag kapasok na pagkapasok ko sa bahay napangiwi na lang ako at napairap seryoso ang boses niya nang sinabi niya iyon pero hindi ko na yon pinansin.

"Bukod sa opisina saan pa ako pwedeng pumunta?" medyo naiinip kong sambit, napataas ang kilay ko nang hindi sya umimik sa sinabi ko napabuntong-hininga ako at napaupo sa sofa.

"Kailangan ba alam mo lahat kong saan ako pupunta?" Mahinahon kong sambit inihilig ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa at tinitigan sya, seryoso syang nakatingin sa akin kaya nag mas lalo pang tumaas ang kilay ko at iniangat ang ulo ko sa pag kakasandal nito sa sandalan ng sofa.

"Kailangan ba alam mo lahat?" Pag uulit ko nakapamulsa ang dalawa niyang kamay habang deretsong nakatitig sa akin.

"Ano bang pakiramdam na kapag papasok ka sa bahay na ito ay iyan ang bubungad sayo?" Sarkastiko niyang sambit, nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon.

'Wala akong natatandaan na may sinabi akong ganon sayo jimin! Ikaw pa lang ang nag sabi niyan sa akin!'

Bulyaw ko sa utak ko napabuntong-hininga na lang ako at nag iwas ng tingin inilihig ko ulit ang ulo ko sa sandalan ng sofa at ipinikit ang mata.

"Pagod ako ngayon jimin, please lang wag m--"

"Bakit kasama mo si jungkook sa coffee shop?" Agad na umangat ang ulo ko at nagugulat ko syang tinitigan.

'P-paano niya nalaman na kasama ko si jungkook sa coffee shop?'

"Hindi na mahalaga kong paano ko nalaman kong bakit kayo mag kasama," mas lalo pang nanlaki ang mata ko anng sambitin niya iyon!

'Nababasa niya ba ang isip ko?'

"Tinatanong kita rosè bakit kasama mo si jungkook sa coffee shop?" Seryoso noyang sambit, napangiwi ako at inirapan sya.

"Nag usap lang kami," walang gana kong sambit.

"Mag kaiba ang ang uusap sa nag hahawakan ng kamay rosè," sarkastiko niyang sambit may bahid iyong galit na hindi ko alam kong anong tawag.

"Wala iyong malisya Jimin, parang kuya o nakababatang kapatid ko na si Jungkook normal sa aming mag hawakan ng kamay." Mag sisinungaling ko, napaismid sya at dahan dahan na lumapit sa gawi ko.

"Normal ang mag hawakan ng kamay? Ikaw na mismo ang nag sabi sa akin na kapag may nahuli kang may humawak sa kamay ko ay padidimanda mo eh kong ikaw ang idemanda ko sa pag hawak ng kamay ng iba?" Seryoso ngunit naiinis niyang sambit, malapit na ang mukha niya sa mukha ko pero hindi parin ako nag patinag.

"Walang malisya iyon, kapatid ko sya kapatid niya ako," mag mamalakas loob ko.

"Iba ang mag kapatid sa karelasyon rosè kahit ano pang sabihin mo sa akin hindi na mag babagong hindi kayo mag kapatid dahil may relasyon kayo," asik niya, natulak ko sya nang hindi ko na mapigilan ang inis ko.

"Ano bang pinuproblema mo jimin sinabi nang wala kaming relasyon kong mag karoon man kami ng relasyon iyon ay ang pagkakaibigan wag mong bigyan ng malisya ang pag hahawakan ng kamay namin ni jungkook dahil dinadamayan ko lang sya." Dere-deretso kong sambit hindi ko nakita ang gulat o bigla sa mukha bagkos ngumisi sya sa akin animoy na ngangasar.

"Atsyaka bakit ko naman iboboyfriend iyon eh may asawa na ako kasal na ako at m-mahal ko ang asawa ko at hindi ko sya magagawang s-saktan," pigil hiningang sinambit ko iyon natigilan sya sa pag ngisi nang sambitin ko iyon rumehestro ang gulat sa mukha niya habang titig na titig sa akin.

"A-ano?" Usal niya. Napapikit na lang ako sa inis nakamot ko ang ulo ko at nahilamos ang mukha ko sa kahihiyan na idinulot ko.

"K-kalimutan mo na iyong sinabi mo, walang dahilan para ulitin ko pa ang sinabi ko." Nahihiya kong sambit naiilang ako sa pamamaraan ng pag titig niya sa akin iwas ako ng iwad ng tingin dahil alam kong mamula mula na ang pisngi ko sa kahhiyan na sinabi ko.

Hindi ko man aminin, pilit ko manitanggi sa sarili ko ay unti-unting lumilinaw sa akin ang nararamdaman ko. Sa pamamaraan ng pagtitig niya sa akin ay kakaiba, sa pamamaraan ng pangiti niya sa akin ay iba ang idinudulot sa akin nito, sa pamamaraan ng pag halik niya sa akin ay iba rin ang nararamdaman ko, pilit ko man na ideny yong nararamdaman ko sa kanya ay unti-unti kong nalalaman ang sagot.

Hindi ko man tanggap pero ito na talaga yong nararamdaman ko hindi ko na iyon mababago, kong sakali mang mabago ko iyon ay dadaan mo na ako sa maraming panahon bago ko sya makalimutan ng lubos, hindi madali sa aking ang nararamdaman ko okay lang na mahulog ako pero kalaunay ay mawawala pero bago sa akin itong nararamdaman ko ay hindi ito pamilyar sa akin.

Pero unti-unti, paunti ng paunti ay naliliwanagan ako sa nararamdaman ko pilit ko man itong itaggi hindi ko na ito mapipigilan kahit pa kamuhian ako ng kapatid ko hindi ko mantanggap ito pero  nagugustuhan ko na si jimin at hindi ko na iyon mababago.

Hindi ko alam ang salitang pagmamahal ko kami ang pagbabasihan, wala akong nakikitang pagmamahal sa pagitan namin na dalawa pero nang ituon sa akin ni jimin ang atensyon niya ay may kakaiba na idinudulot iyon sa akin.

Hindi ko masasabing mahal ko na sya tanggap ko na gusto ko na sya pero ang mahal wala pa sa bokabolaryo ko ang pagamamal siguro ay masasabi ko lang napagmamahal ang nararamdaman ko kong lumalalim ma na animoy ay hindi mo na maabot pa.

"Say it again," pangungulit niya.

"Wag kang makulet jimin, sinabi nang hindi ko na uulitin ang sinabi ko, kapag sinabi ko na hindi ko na iyon uulitin pa," asik ko.

"Ang hot-tempered mo ngayon ah," nakanguso niyang sambit, napangiti ako nang maimagine ko ang pag nguso niya noong nalasing sya agad kong piningot ang nguso niya dahilan para malayo niya ang mukha niya at sabay takip sa bibig napaaray sya sa ginawa kong iyon napahalakhak ako habang nag papalakpak pa.

"Masaya ka na niyan?" Naiinis niyang sambit.

"Masaya pa sa masaya," pinigilan kong wag tumawa.

"Tsk,"

"Teka nga, iyong kanina ba! Nag seselos ka no?" Panunukso ko napaismid sya at tinitigan ako.

"Eh ano namang problema kong mag selos ako diba ikaw na rin ang nag sabi na normal lang na mag selos ako kase asawa kita diba?" Nakangisi niyang sambit dahilan para matigilan ako napangiwi ako at hinampas sya sa braso.

"Ewan ko sayo, abnormal mag empake kana dahil sa friday aalis na tayo,"

"Ahh oo nga noh, jin hyung invited me to jeju alam ko na rin na alam mo na ang isinagot ko,"

"Oo kaya mag empake kana."

"Yes boss," nag bigay galang pasya sa akin napairap nalang ako at nagmamadaling umakyat sa taas.

Paano ko ba ito patitigilin? Paano ko ba maiwawala ang nararamdaman ko? Ayoko kong dumating ang araw na mapamahal na ako kung kailan na mapamahal ako sa kanya sya naman itong gising ng kapatid ko kailangan nang magising ni rosè dahil hindi ko kakayanin kapag nag tagal pa ako dito.

'Baka mapamahal pa ako sa kanya?'

"Weird."
__

~°~°~°~°~°~
Hiii new update here, sorry sa late update gusy busy ako sa module at nag hahabol ako ng oras ngayon lang yata ako nag kaoras mag update ng chapter dahil talagang lunod ang oras ko sa kasasagot at hindi madali sa akin ang aking ginagawa pahirapan ito kaya sana maunawaan ninyo goodbless and thankyouuu sa support pasensya na rin kong hindi mahaba haba ang update ko ngayon talagang busy lang ako sa module ko kaya hindi ako makapag update

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro