Chapter 23: Kim's wedding Plan
"J'ai peur, autant que mon coeur bat avec toi."
__
JIMIN POV.
Hindi na sya kumibo matapos nyon, nangunot ang noo dahil hindi sya gumalaw nag baba ako ng tingin sa kanya gaano na lang ang pag ngiti ko nang makita syang natutulog na nang mahimbing.
Bumuntong-hininga na lang ako at marahan syang inihiga sa kama nang mahiga sya sa kama ay umunat ako dahil pakiramdam ko ay namanhid ang binti ko, pinakatitigan ko ang mukha ni Rosè.
Maganda ang kurba ng kilay.
May katamtaman na haba ang pilik mata.
Makinis ang mukha.
Matangos ang ilong.
Maganda at mapupulang labi.
Marahan kong inilagay ang hibla ng buhok niya sa likod ng tainga niya at mas pinakatitigan sya, muling nanumbalik sa akin ang lahat, kung paano sya tumawa, ngumiti, bumusangot, mangulit,mainis, magalit alam ko sa sarili ko na una palang ay hindi ko na sya gusto when we first meet.
"Kahit anong pangaakit ang gawin mo, hindi kita magugustohan Rosè sinasayang mo lang ang oras mo!'
"Hindi na sasayang ang oras ko kapag ikaw ang patutuunan nyon, kahit anong gawin mo akin at akin ka lang,"
Siguro ay hindi ko pa makumpirma itong nararamdaman ko, walang oras na nasakal ako sa mga ginagawa niya animoy ako ay alipin niya kailangan alam niya ang lahat lahat sa akin, ginawa ko ang lahat para hindi niya malaman ang lihim na relasyon namin ni Seulgi dahil mas mahal ko si Seulgi keysa sa kanya.
Ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat ay dapat lahat alam, lahat tayo ay may kanyang kanyang buhay hindi lahat ng tao ay kailangan alam nila ang nagyayare sa iyo, iyon ang pinakaayaw ko nangingialam.
Pero mas nag sisi ako nang malaman ko ang kababuyan ni Seulgi at nang lalaki niya nasaktan ako dahil doon pero pinilit kong mag move on, simula nang mag bago ang ugali ni Rosè parang sa kanya ko na natuon ang atensyon ko, walang oras na hindi ko sya iniisip nag taka ako nong una nang mag presenta sya na sya na ang kukuha ng kanin sa akin pag kabalik niya dito sa korea galing paris.
Ni minsa hindi ko na kita ang halaga ni Rosè nang kami ni seulgi, Rosè spend her money just to confirm that me and seulgi have a relationship hindi naman nasayang ang pera niya dahil nakompirma niya na may relasyon kami, simula nyon ay parang dumistansya sya na ipinagtaka ko seryoso sya kung magsalita sa akin laging nakakunot ang noo ni hindi ko na rin sya kinakausap dahil hindi naman na bago iyon sa akin.
She's so brave and stricted!
Napabuntong-hininga na lang ako at marahan syang binuhat mabuti nalang ay iniwan kong nakabukas ang pintoan kung hindi ay mahihirapan ako, nag taka ako nang makapasok ako dito sa kwarto halos lahat ng gamit ay mag kakaparehas, maraming manika at parehas din ang mga damit.
"Mukhang nakatulog ang anak ko ah!" Boses ni Mr. Son ang bumungad pag kababang pag kababa ko buhat buhat si Rosè.
"Mukha nga po eh, siguro po sa pagod din," pag papalusot ko, alam kong hindi sya napagod siguro ay napagod sya kakaiyak at pagod na rin siguro ang puso niya.
"Sige na mauwi na kayo para makapag pahinga ka narin," nakangiting sambit ni Mrs. Son, nag paalam na ako at pumunta sa kotse binuksan ng guard ang pasengger sit kaya nag pasalamat ako, maharan kong inihiga ang katawan niya doon mabuti nalang ay naka coat sya.
Nang makapunta sa bahay ay madali nalang sa akin na buhatin sya, marahan ko syang binuta ay pumasok sa bahay, hindi ko na binuksan ang ilaw dahil tanghali palang ngayon, hindi ko alam dito kong bakit na tulog, pagod nga ne! Dahan dahan lang ang hakbang ko nang makapunta sa guess room na tinutulugan niya, hirap na hirap na binuksan ko ang pintuan.
"Oh," bumuntong-hininga ako nang mabuksan ko iyon nangangalay na ang mga kamay ko kaya nanginginig na ito, kahit pa ganon ay maingat ko syang inihiga sa higaan, napamewang ako at tinignan sya.
Humugot ako ng hininga at pumunta sa paanan niya at inalis ang sapatos niyang kulay puti napagtanto ko na iyon ang sapatos na ibinigay ko kaya napangiti ako, nang maialis ko na iyon ay kinumutan ko sya.
Wala na akong balak pa na mag tagal doon, sigurado akong makakatikim ako ng sampal o hampas kay rosè oras na magtabi kami nang makuntento ay akma na akong aalis nang tawagin niya ang pangalan ko.
"J-jimin?" Napahinto ako doon, nanatili akong nakatingin sa pader dahan dahan aking napalingon sa kanya marahan na nakamulat ang mata niya na dahilan ng pag taas ng kilay ko.
"T-tabi tayo," sambit niya na ikinabigla ko, nakanguso siya habang tinatapik tapik ang kama. "Diba sabi mo hindi mo ko iiwan?"
"M-matulog kana," ramdam ko ang pagiinit ng pisngi ko kaya nag iwas ako ng tingin.
"Tabi na tay--" hindi ko na sya pinatapos pa at hinubad ko nalang ang sapatos ko at marahan na humiga sa tabi niya, nagitla pa ako nang yakapin niya ako ng mahigpit isinisiil ang mukha sa dibdib ko pilit kong tinatago ang ngiti ko dahil doon.
"Ang bango mo," sambit niya, wala na akong magawa kong hindi ang yakapin sya at matulog nang nakangiti.
****
CHAEYOUNG POV.
*BANG!*
"Anong ginagawa mo dito?" Iyon ang una kong nasambit nang makabangon ako, nanlalaking ang mata ko habang nakatingin sa namimilipit sa sakit na si jimin nakayakap ako sa kanya nang imulat ko ang mata ko naduling ako sa iilang pulgada sa pagitan namin, dahil sa kabiglaan ay natulak ko sya mabuti nalang ay tulog sya kong hindi ay mahahampas ko ang mukha niya.
"Aray bakit kailangan mo kong itulak?" Reklamo niya, natakpan ko ang sarili ko at tinuro sya.
"B-bakit ka naandito?" Nauutal kong sambit, nag iwas sya ng tingin bago himas himas ang pwet niya.
"Hindi mo ba naaalala?" Naiinis na sambit niya dahilan para mangunot ang noo ko.
"Hindi kita tatanongin ko naaalala ko! Ano ba kaseng ginagawa mo dito? Alam mo kahit kailan ka talaga ang manyak mo." Inis kong sambit natigilan sya sa sinabi ko at nanlalaki ang matang napatingin sa akin.
"A-ako m-manyak?" Sambit niya nag papakasiguro.
"Wag ka nang mag maang-maangan pa jimin,"
"Hoy babae, para sabihin ko sayong hindi ako manyak." Sigaw niya sa akin.
"Kung hindi ka manyak bakit ka naandito?"
"Dahil sayo," sigaw niya, nakamaang na tinitigan ko sya.
"Dahil sa akin, bakit ako?"
"Ah, for your information rosè ikaw itong nag sabi sa akin na mag tabi tayo hindi ko alam kong nalasing kaba o nakadrugs iniwan kita sa inyo nang hindi nalalasing o kong ano man, nang makabalik ako sa loob ay wala kana, naabutan ko nalang ang magulang mong kumakain sa hapag sinabi nila nasa kwarto ka daw kaya kita pinuntahan," naiinis na sambit niya.
Tahimik lang akong nakatitig sa kanya tumingin ako sa katawan ko at nakahinga ako ng maluwag nang ganon parin ang suot ko tanging naka paa lang ako siguro ay tinanggal niya.
"Sandali nga lang! Ano bang koneksyon non, hindi naman nyan ang tanong ko eh," naiirita kong sambit.
"Sinasabi ko lang para maalala mo, natulog ka binuhat kita at dinala dito, aalis na nga dapat ako kase wala naman akong balak na magtagal dito pero ikaw itong nag pumilit sa akin na mag stay at mag tabi pa sa kama, 'tabi tayo' " pang gagaya niya sa tuno ko, pumungay pa ang mata niya habang nakatingin sa akin.
"At talagang ginawa mo pa ah,"
"Para maalala mo, hindi ka naman lasing hindi ba?" Sambit niya.
"Tsk, sige na lumayas kana at maliligo na ako,"
"Pag katapos kong sundin yong sinabi mo tapos palalayasin mo ko," asik niya.
"Sige para manahimik kana, ano bang dapat kong gawin?" Nakapamewang kong sambit, tumaas pa ang mata niya animoy nag iisip hindi ko na sya pinansin at pumunta sa aparador ko.
"Kiss," nag hahalongkat palang ako iyon na ang binanggit niya natigilan ako doon, unti unti akong napalingon sa kanya.
Pilyo syang ngumisi sa akin dahilan para mapanganga ako.
"Kiss? As in halik?" Pag kukumpirma ko, mas tumindi ang ngisi niya at pinag cross ang dalawang braso naka polo shirt na lang sya dahil inihubad niya ang suit niya, marahan syang lumapit sa akin hindi ako umatras dahil ang layo niya pa.
Nang makalapit sya ay hindi ako umatras nilabanan ko ang titig niya dahilan ng pag lawak ng ngisi niya.
"Yes kiss, Halik," ngumiwi ako dahil sa kapilyuhan niya, nag baba ako ng tingin.
'Nakakaasar!'
Naiinis na nag angat ako ng tingin sumalubong ang labi niya sa labi ko, napahawak ako sa balikat niya at tinapik tapik iyon.
Napaatras ako nang maglakad sya hindi niya binitawan ang labi ko hangga't hindi ako nakakasandal sa aparador ko! tamang tama naiwan kong bukas ang aparador ko ay binuhat niya ako at doon ako pinaupo.
Nag tagal ang halik namin at iyon ang pinakamatagal na halikan namin na dalawa, hindi bumababa ang labi niya sa pisngi o sa panga manlang halatang sa labi lang sya nag focus at hindi niya iyon binitawan.
Nang kapusin ng hininga ay ako na ang kusang bumitaw, ramdam ko ang pangiinit ng pisngi ko habol niya ang hininga niya nang mag angat ako ng tingin, naiilang ako dahil doon, nakaawang panaman ang dalawa kong binti at yong kamay niya ay nasabinti ko rin.
"Hindi akong mag sasawang halikan ka," sambit niya, nagitla ako nang hawakan niya ang mukha ko at dampian ako ng panghuling halik ang akala ko ay dampi lang iton pero gumalaw ang labi niya at sinakop nito ang pangibabang labi ko dahilan para mapapikit nanaman ako ng mariin.
Hindi tumagal ang halik dahil sya na ang kusang bumitaw hinimas himas niya ang mukha ko.
"Get dress may pupuntahan tayo," sambit niya ibinaba niya ako sa aparador, nag tataka naman akong napatingin sa kanya.
"S-saan tayo pupunta," taka kong sambit hindi ko maiwasan hindi mautal dahil ramdam ko parin ang pag iinit ng pisngi ko.
"Taehyung call me kailangan daw nila ang opinyon natin na dalawa para sa kasal nila," nakangiti niyang sambit, tumango tango na lang ako.
"P-pwede ka nang umalis, just wait me in the living room," naiilang kong sambit iniiwas ko ang tingin sa kanya dahil masyado akong naiilang.
"Okay," hindi ko akalain na nanakawan niya nanaman ako ng halik, dampi iyon kaya mas lalong uminit ang pisngi ko, doon na din uminit ang ulo ko!
Kinuha ko ang unan at ibinato iyon sa nakatalikod niyang likod.
"NAKAKARAMI KA NA HA, PWEDE BA NA TIGIL TIGILAN MO ANG PAG HAHALIK SA AKIN!!" Sigaw ko, natigilan sya dahil doon nang lumingon sya ay may nakaukit na ngisi sa labi niya.
"I can't your lips is my drugs now," sambit niya dahilan para batuhan ko ulit sya ng unan humalakhak sya nang tumakbo sya sa pintuan.
"Hep hep hep, by the way mula sa araw na to araw araw na kitang hahalikan," pilyo niyang sambit lalong uminit ang ulo ko at buong pwersa kong inihagis ang unan dahilan para isara niya ang pintuan.
"ANG MANYAK MO," Sigaw ko narinig ko ang halakhak niya sa labas kaya nasabunutan ko ang sarili kong buhok.
"ATLEAST SAYO LANG," sigaw niya dahilan para matakpan ko ang tainga ko.
'This man is freaking crazy,'
****
"Hindi ko alam kong bakit kailangan niyo ng opinyo namin," nababangot na sambit ni jimin, nasa resturant na kami hinihintay na lang namin na iservice yong pag kain, hindi ako nakakain kaya kumukulo na ang sikmura ko mabuti na lang ay hindi maingay ang pag kulo paniguradong pabibilisan ni jimin na iservice yong pag kain.
"What?" Naiinis na sambit ni jennie unnie, mag kacross ang dalawang kamay, pansin kong lumaki ng kaunti ang teyan niya una palang na makita ko ang teyan niya ay pinangunahan ako ng excitement ko, excited na akong makita ang baby niya.
"Bro, wag mo naman pikonin ang misis ko," saway ni Taehyung kay jimin, napahalakhak ako dahil doon.
"Bakit? Ganon pa rin ba kainit ang ulo niya?" Sambit ni jimin, palihim na tumango si taehyung nakataas na ang kilay ni jennie unnie nang tignan niya sa Taehyung, napatikhim si jimin at nag iwas ng tingin.
Ilang minuto pa ay na service na ang pag kain nakaramdaman ko na umalma ang tiyan ko sa kagutuman, inilagay ni jimin sa harapan ko ang pag kain hindi ko na hinintay sila at inupakan ang pag kain.
"Kaya kayo ang tinawag ko kase naranasan ninyo na maikasal," simula ni taehyung, i didn't pay attetion dahil naandito lang ako sa pag kain.
'Totoo!'
"Bakit kami?" Ani ni jimin.
"Kaya nga kayo kase naranasan ninyo na maikasal," pag uulit ni jennie unnie sa sinabi ni taehyung.
"Wala akong alam sa mga ganyan my mom and rosè mom is the one who decided the wedding sila na umako sa disenyo." Sambit ni jimin unnie.
"Kahit na," hindi naman ako umimik, sinimulan nanamin mag usap usap sa kasalan na magaganap sa kim's maganda ang napag usapan namin bawat opinyon na sinasabi namin ni jimin ay sinasang-ayonan nila.
Sa April ang date ng kasal nila, malapit lapit na dahi dalawang buwan nalang ay maikakasal na sila ang sabi kase ni taehyung ay a soon as possible ay gusto niya nang pakasalan si jennie unnie dahil dadag-dagan pa raw nila ang baby.
'Abnormal!'
"Thank you for your time my brother," sambit ni Taehyung.
"Brother?" Sambit ni jennie unnie nakakunot na ang noo niya.
"Brother," pag uulit ni taehyung.
"Bakit brother? Mag kapatid ba kayo?" Inosenteng sambit ni jennie unnie dahilan para sabay sabay kaming tatlo na tumawa.
"Punyeta, hindi nakakatawa!" Asik ni jennie unnie dahilan para matahimik kami.
"Honey hindi kami mag kapatid, kumbaga ay pag kapatid na ang turingan namin na dalawa," pag papaliwanang ni taehyung tumango na lang si jennie unnie at niyakap ang soon-to-be husband niya.
"Ang bango mo," sambit ni jennie unnie dahilan para mapatawa ako.
"We're going na, nag mumukha kaming third whell dito eh," naiirta na sambit ni jimin, tumango nalang si Taehyung, nag paalam na ako kay jennie unnie nakipag beso ako bago umalis.
****
"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya naandito na kami sa kotse niya napatingin ako sa'kanya seryoso syang nag mamaniho dahilan para mapatawa ako.
"Saan mo ba gusto mo pumunta?" Tanong ko pabalik, tumaas ang kilay niya ay sinulyapan ako.
"Ikaw ang tinatanong ko wag ko sa'kin ibalik ang tanong ko!" Sambit niya dahilan para mapatawa ako.
"Ihatid mo nalang ako sa PC's Hotel namin sigurado akong si Chaeng nanaman ang umaasikaso sa mga trabaho ko, naka leave si jisoo unnie kaya hindi sya ang nag tratrabaho sa trabaho ko," nakangiti kong sambit nakits kong bumusangot sya at tumamlay.
AT THE PC'S HOTEL
Nang maipark na niya yong kotse niya ay bumaba na ako, hinintay ko syang bumaba at nang nakababa na sya ay humarap sya sa akin.
"Hatid na kita sa opisina mo," malamnya niyang sambit nakangunot ang noo ko tinignan ko sya pero nag iwas lang sya ng tingin sa'kin.
"May problema ba?" Sambit ko, umiling lang sya habang nasa baba ang tingin, nakanguso sya and i find it cute.
"Wala to, hatid na kita sa opisina--"
"Hindi na kaya ko naman eh," pag tatagi ko sa offer niya, lalong syang ngumuso ay may binubulong-bulong doon.
"Your being childish now Mr. Park," natatawa kong sambit, hindi sya umimik at ipinamulsa na lang ang dalawang kamay at nag angat ng tingin sa akin.
"Go ahead, i just watch you," seryoso niyang sambit nangunot ang noo ko.
"Sigurado bang okay kalang?" Nag aalala kong sambit, tumango lang sya at deretso niya akong tinitigan.
Bumusangot ako dahil talagang seryoso siya at hindi ko alam kong bakit.
'Galit ba sya? Hindi ko naman sya inaano bakit sya magagalit? Tss, isip bata!'
Tumalikod na ako pero natigilan rin nang mag salita sya.
"May nakalimutan ka," sambit niya lalong nangunot ang noo ko at napalingon sa kanya, matalim na ang tingin niya sa akin nang malingonan ko.
"H-ha?" Sambit ko, nakamaang na tinitigan niya ako animoy hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Ha," naiinis niyang ginaya ang tuno ng pananalita ko inis niyang naihilamos ang kamay sa mukha at mariin na ipinikit ang mata bumuntong-hininga pa sya bago ako tinitigan.
"Go ahead!" Inis niyang sabi, napakamot ako sa ulo ko at inilala ang nakalimutan ko, hanggang sa may pumasok sa utak ko.
"Hep hep hep, by the way mula sa araw na to, araw araw na kitang hahalikan,"
Napangiti ako nang palihim.
'Iyon lang pala eh,'
Humarap ako sa kanya pumunta ako sa gawi niya dahilan para kunot noong tumingin sya sa akin.
"Wag mo nang isip ang sinabi ko, mukha naman makakalimut--" hindi ko na sya pinatapos pa sa sasabihin niya nang mabilis akong tumingkayad at hinalikan sya sa pisngi.
"Dapat ay sinabi mo sa akin, hindi iyong kailangan ko pang isipin mabuti na lang ay sariwa pa sa isip ko ang sinabi mo," nakangiti kong sambit, nakatitig lang sya sa akin halos lumuwa ang mata niya sa kalakihan nito at halos malaglag ang panga niya dahil sa nakaawang ito.
Nang makabawi ay nag iwas sya ng tingin nakita ko pa ang pag litaw na pink sa pisngi niya at alam kong nag iinit na iyon, bumuntong-hininga sya at pilit na itinatago ang ngiti.
"S-sige na p-pumunta kana---ahhh umayos ka nga jimin!" Naiinis na tumingin sya sa akin dahilan para gulat akong mapatingin sa kanya.
"Kasalanan mo ito eh," nahihiya niyang sambit, napamaang ako sa sinabi niya.
'Kasalanan ko pa ang pag halik! Abay trantado to ha!!'
"Abnormal kaba?" Sambit ko nangunot nannag matindi ang noo ko pigil na pigil ang inis ko dahil kapag hindi ko pa ito pinigilan ay mahampas ko pa ang mukha niya. Masasayang lang gwapo niyang mukha kong gagawin ko iyon.
"Pumasok kana Rosè, masyado akong nag papagil sa sarili ko at baka mahalikan pa kita jan," tuluyan nang nalaglaga ang panga ko sa sinabi niya.
'Ano bang tr--'
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko sa isip ko mang dampian niya ang ng halik sa labi.
"Bye," mabilis syang pumunta sa gawi ng sasakyan at pinaharorot iyon papalayo, tinanaw ko ang sasakyan niyang papalayo sa gawi ko, agad sumilay ang ngiti sa labi ko nang mapagtanto ko na pinipigilan niya ang sarili niyang wag akong halikan, sigurado akong mat-trending ang halikan namin dahil naandito kami sa public.
'Siguro naman ay makakampanti na ako, oras na gumising ka Rosè ay ito ang bubungad sa iyo, siguro nga ay sayo itinadhana si Jimin. Ako lang yata ang hadlang sa inyo,'
"I'm scared, as much as my heart beats with you."
__
~°~°~°~°~°~
New update here. I'm so sorry dahil hindi ako nakakapag update, iisa isahin ko tapusin ang story ko para madalian nalang uunahin ko po muna ito bago iyong iba, wait lang po kayo sa mga lalabas na chapter siguro ay magiging busy din ako dahil sa study malapit na po ang online classes ko at inaasahan ko po namaiintindihan ninyo po ako! Salamat po nang marami! Stay healty at keep safe :))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro