Chapter 19: Her Smile
"Gardez ce sourire sur vos lèvres, vous êtes encore plus belle avec."
__
CHAEYOUNG POV.
Umirap ako ay humarap kay jimin, matunog itong nakangisi sa salamin kaya pinalo ko nalang ang balikat niya at mabilis na isinuot ang nick tie niya.
"Ano, pahiya ka no," rinig kong bulong ng babae sa kasama nito.
"Tss, kay sarap pirisin ng mukha nyang babaeng yan, akala mo talaga asawa niya yang poging iyan."
"Harot mo kase, bawas bawasan mo kase kaharotan at kalandian mo sa katawan!" Sarkastikong sambit nito, naiinis na tinapos ko nalang ang pag tatali sa nick tie niya, humarap sya salamin ngumiti ako nang makitang bagay na bagay nga sa'kanya.
"Sabi ko naman sa iyo eh, bagay sayo iyan," pag mamagaling ko sa'kanya ngumiwi lang sya at binalingan ang babaeng kaninang nakasagotan ko ng kaunti.
"I will get this," sambit niya, dahilan para mamula ang pisngi ng babae at mabilis ding tumango tango. Napairap nanaman ako at pumunta sa counter, kinuha ko doon ang wallet ko at bumaling sa babae na ngayon ay tumango sa'kin at matamis na ngumiti.
Matamis din akong ngumiti. "How much?" Tanong ko, nag pipindot sya doon at bumaling sa'kin.
"6,000 po lahat," nakangiti nitong sambit, nag halungkat ako sa wallet ko at ibinigay ang card ko, matapos bayaran ay hinintay ko nalang si jimin na lumabas sa Dressing room.
Bumalik ako sa sofa at ipinagcross ang dalawang binti pati narin ang dalawang braso, sinuyod ko ng tingin ang store maganda dito lahat naman yata ng store sa mall na ito ay ganon ka mahal ang ibinibinta, sinuyod ko ng tingin ang babaeng nakasugutan ko ng kaunti pati narin ang babaeng diring diri sa'kanya.
Magaganda naman ito, ngunit hindi man lang sila napansin ni jimin, halos ipalandakan ng babaeng buntot ng buntot sa'kanya ang suso nito, napairap nalang ako.
"Tss, as if naman na papansin niyang mga suso nyo, iba na talaga ang mga babae ngayon," napabuntong-hininga ako at nairap, kampante akong tumayo nang lumabas sa dressing room si jimin, sasalubong na sana ang babaeng ito nang mabilis kong nakuha ang kamay ni jimin, inakla ko ang kamay ko sa braso niya at nakangiting tignignan ang babaeng ito.
"Pwedeng pwede ko tong ipasara kong lalandi ka pa, hindi naman yata bagay na harap harapan ang panglalandi mo sa asawa ko." Sambit ko, ginagawa ko lang to para tumigil itong babaeng ito, kapag kase nag patuloy pa ito ay baka masapak sya ng mga nalalandi niyang may asawa niya.
"Mahiya ka, wag mong ugaliing ang panlalandi mo, naandito ako kung gusto mong mag ka sweldo at makakuha ng pera wag sa ganitong paraan, hindi bagay sa iyo, maganda ka pa man din. Makakahanap ka ng makakasama sa panghabang buhay, hindi maganda ang maging kabit, right?" Baling ko sa babaeng nakabulungan niya.
"O-opo,"
"Then, be a good girl." Sambit ko, hindi porke ay hindi ako ang asawa ni jimin ay pwede na syang maagaw! hindi! sa kapatid ko lang tong lalaking ito,
Mabilis kong kinuha ang paper bag sa kamay niya at umalis, nang makaalis ay mabilis kong tinaggal ang kamay ko na nakaakla sa braso niya at ipinamulsa iyon, seryoso kong ibinigay ang paper bag sa kanya, nangunot ang noo ko nang seryoso lang syang nakatingin sa'kin.
"Bakit?" Taka kong sambit.
"Bakit mo iyon sinabi,"
"Iyon ba," napabuntong-hininga ako at napakamot sa ulo. "Pasensya na, hindi ko kase na gugustuhan ang ginagawa niya." Lalong nangunot ang noo ko nang rumestro ang gulat sa mukha niya.
"A-are you sorry to me?" Gulat niyang sambit. Tumango nalang ako at nag simulang mag lakad.
"Mmmm," tumango ako. "Alam kong hindi maganda ang sinabi ko sa babaeng iyon, hindi maganda na ipinalalandakan niya ang dibdib niya, hindi maganda para sa'kin ang ganong babae. Kunsabay sino bang hindi mag papaganda kong isang Park Jimin ang bubungad sa store namin noh, pero hindi naman tama ang ganon, naandito ako, harap harapan ang ginagawa niyang pang-aakit sayo."
"You really change alot, huh?" Bulong niya, ngumiti lang ako sa'kanya, hindi na kami nakapag kwentuhan nang makapunta kotse niya, nagulat ako nang pagbuksan niya ako ng pintuan tinignan ko siya, nag iwas sya ng tingin nang tignan ko siya palihim akong napangiti sa ginawa niyang iyon, sumampa na ako sa kotse nang makapasok sa kotse ay sinara niya na iyon.
Inikot ikot niya sa darili niya yong susi at mabilis na pumasok sa kotse.
'Weird,'
****
"ROSÈ, are you not done yet?" Umalingangaw ang tatlong katok sa kwarto ko, nag mamadali na kinuha ko ang lip stick ko pula, nag pahid ako sa hintuturo ko ng lip stick at inilagay sa labi ko, ayaw ko nang masyadong makapal ang lip stick okay na yong meron kang lip stick na hindi gaanong kakapal, nag lip bamb ako para hindi mamalat ang labi ko.
Namamalat ang labi ko kapag nag lilip stick, hindi ako mahilig sa lip stick.
"Malapit na, mag hintay ka nga jan,"
"Ang bagal bagal mo,"
"Sandali kase."
"Bakit ka kase natulog?"
Hindi ko rin kong bakit ako nakatulog! Bakit nga ba ako natulog? Syempre pagod! Napabuntong-hininga nalang ako, matapos mag lip stick ay nag blush on ako ng kaunti, kinuha ko na rin ang heels kong katamtaman lang rin ang taas.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang sarili ko sa salamin, kinulot ko ang mahaba kong bangs para bumagay lalo sa'kin, ngumiti ako at nag hikaw, matapos kong mag pabango ay kumatok nanaman si jimin kaya mabilis kong kinuha ang sling bag ko at binuksan ang pinto.
"Tapos na tara na baka hinahanap na tayo nila Jennie unnie," kinuha ko ang kamay niya at nag mamadaling bumababa ng hagdanan.
"D-dahan dahan at mamaya mahulog ka," pag papaalala niya sa'kin hindi ko na iyon pinansin pa at bumababa nalang nang hindi na tatapilok. Mabilis na binuksan ng body guard na tumulong sa'kin na akayin si jimin, tinapik ko ang balikat niya at nag bow.
"Kuya salamat nga pala sa tulong mo sa'kin ah," nakangiti kong sambit. "Nga pala good evening kuya,"
"W-wala ho iyon, Good evening rin ho," naiilang na sambit niya, mag gagabi na nakikita ko na ang pag lubog ng araw kaya alam kong hinahanap na kami nila Jennie unnie.
"Bakit?" Takang sambit ni jimin, umiling nalang ako sa'kanya at hinila na sya papalabas ng bahay.
"Pwede bang wag kang magmadali, hindi pa naman nag s-start ang party," naiinis na sambit niya, napairap nalang ako.
"Pumasok ka nalang, wag mo na akong pag buksan! kaya ko na." Pag pipigil ko sa'kanya, akma niya kaseng bubuksan ang pinto kaya pinigilan ko na rin sya, mabilis kong binuksan ang pintuan ng kotse at pumasok doon, pinanlakihan ko sya ng mata na pumasok na, ngumiwi sya at nag iwas ng tingin sa'kin.
Bumuntong-hininga na ako hinubad ko ang sling bag ko at ipinatong sa binti ko. Maigsi ang dress na napili atleast ko hindi masyadong nakikita ang balat ko.
Nang makasakay ay senenyasan niya si kuya guard na buksan na ang gate, agad naman itong tumango at mabilis na binuksan ang gate, bumusina si jimin bago ipinaharorot patakbo.
****
"Yah," mabilis akong napalingon nang umalingangaw ang boses ni Taehyung, mabilis akong tumango sa'kanya, yumakap ako kay Taehyung na ikinagulat niya.
"Good evening," nakangiti kong sambit, nagulat ako nang hilahin ni jimin ang kamay ko pabalik sa tabi niya.
"No need to hug him," seryoso niyang sambit, dahilan para mapairap ako.
"Binabati ko lang sya,"
"Bati lang, hindi sinabing yumakap ka,"
"Eh ganon naman talaga kalag bumabati eh, ng huhug muna."
"Walang ganon,"
"Meron,"
"Wala,"
"Your being weird, normal lang naman iyon."
"Werdo na kong werdo, hindi normal sa'kin."
"Pwes sa'kin normal,"
"Are we argue about this?" Naiinis na sambit niya, pinagcross ko ang dalawa kong kamay at naiinis na tinignan sya.
"Ikaw itong inaaway ako, normal ang ganon jimin, ano ba may saltik ka ba sa utak o may regla ka?"
"Saltik?"
"Oo saltik, tuleleng sa utak, binibigyan mo malisya ang pag yakap ko kay Taehyung---teka nga nag seselos kaba?"
"Ohhhhh," sipol ni Taehyung dahilan para mag iwas ng tingin si Jimin at samaan nito.
"Okay lang yan, normal lang naman ang mag selos," pangangasar ko sa'kanya, sinamaan niya ako ng tingin kaya humalakhak nalang ako ng tawa.
"Taehyung, where's your wife?" Taka kong sambit, matunog syang ngumiti at nag kamot ng batok, taka ko syang tinignan sinuyod ko sya ng tingin formal na formal ang suot niyang suit at talagang pinag handaan niya itong party, actually hindi ko alam kng party to, wala naman akong nakikitang mga nag iinoman hindi rin bar ang pinasukan namin siguro ay dinner to.
"Kala ko ba party?" Baling ko kay jimin, himinga sya ng malalim bago na hihiyang nag kamot ng batok.
"Akala ko rin eh," sambit niya, ngumiwi ako at binalingan ng tingin si Taehyung, bumungisngis siya kaya sinamaan sya ulit ng tingin ni Jimim dahilan ng pagtikom ng bibig niya.
"Wala akong sinabing party, hindi mo kase ako pinatatapos sa mga sasabihin ko." Tatawang sambit ni Taehyung, naiinis na binalingan niya ito ng tingin.
"I'm busy at that time, kong tumawag ka kase wrong timing," nag iwas sya ng tingin, nangunot ang noo ko nang biglang umingay ang mga tao dahilan para mapatingin kami sa harapan.
"Opps, tapos na ang misis ko," sambit ni taehyung, tumango lang ako at tinapik sya sa balikat, nakipag hands bomb pa sya kay jimin dahilan para mapatawa ako ng bahagya.
****
"Congrats Unnie." Masaya kong sinalubong nang ina-announce nila na 4 months nang buntis si jennie unnie, nakabukas na ang dalawa kong braso nang salubongin ko sya mabilis syang tumakbo sa gawi ko at niyakap ako, hindi naman magkandaugagng sumunod si Taehyung sa'kanya.
"Sinabi ko naman sa iyo na wag kang tatakbo, naka heels ka pa man din, hindi maganda sa baby ang tumatakbo,"
"Tss, ikaw ba ang buntis?" Pag susungit ni jennie unnie nang kumalas sya sa yakap ko, bahagya pa akong natawa nang mag kamot ng ulo si Taehyung ng ulo.
"What i'm trying to say is don't run, paano nalang kong nadapa ka, masasaktan si baby kapag nadapa ka."
"Okay okay." Pag suko ni jennie unnie. "Ano pa bang magagawa ko eh may katwiran ka naman, kaya mahal na mahal kita eh." Pinisil ni jennie unnie ang pisngi ni taehyung dahilan para mag pacute pa ito sa'kanya.
"Tama na ang pag papacute mo, hindi bagay sa iyo," pag susungit nanaman ni jennie unnie.
"Eh?" Iyon nalang ang nausal ko. Ang bilis mag palit ng mood ni jennie unnie hindi ko alam kong dahil ba to sa buntis sya.
"Ganyan talaga sya nag iiba parati ang mood," sambit ni Jimin nang mag alalayan na ni Taehyung si Jennie unnie sa table nila, tinignan ko si Jimin.
"Bakit mo nalaman?" Taka kong tanong."Nabuntis kana ba?" Nang sabihin ko iyon ay nanlaki ang mata ni jimin at sinamaan ako ng tingin.
"Hindi na bubuntis ang lalaki, tanging ang babae lang ang nabubuntis," asik niya, nangunot ang noo ko at inirapan sya.
"Eh bakit parang alam mo," tanong ko.
"Kinuwento sa'kin ni Taehyung habang busy kayo ni jennie kanina, alam mo naman na madaldal ang isang iyon." Sambit niya. "Mabilis mag bago ang mood ni Jennie, mag kailang beses daw itong sumuka sa una hindi nila pinansin, nang maka dalawa ang suka ito ay pumunta na sila sa Hospital, doon nila na kompirma na buntis si Jennie 4 months pregnant, madalas syang kumain ultimong ginigising pa daw niya si Taehyung para lang nag paluto ng pag kain, minsan niya na raw ayawan si taehyung dahil sa amoy nito." Natatawang sambit niya, nag lakad lakad lang muna kami, bago pumunta sa table nila Jennie unnie, naandoon sila Jin Oppa at Jisoo unnie.
Niyaya ko si Lisa pero hindi sya sumama kaya medyo upset ako, ayos lang yon alam ko naman ang pinag dadaanan nila.
"Baka mabaho sya," tatawa kong sambit, bahagya rin syang tumawa kaya ngumiti ako sa'kanya, hindi ko na pala alam na kanina pa ako nakatitig sa'kanya.
"Keep that smile on your lips, you look even more beautiful with it." Nakangiting sambit nya, ang pag hanga ay naroon sa mukha niya kaya naiilang na tumango nalang ako.
"I-ikaw rin, ngumiti ka rin palagi para lalo kang gumwapo." Nakangiti kong sambit.
"Mmmmm, tara na baka hinahanap na tayo sa table nila." Inilahad niya ang palad sa'kin, tinitigan ko muna iyon at bago ko dahan dahan abotin, nang mahawakan ang kamay niya ay marahan niya iyong pinisil dahilan ng pamumula ng mukha ko.
'Rosè,'
"Keep that smile on your lips, you look even more beautiful with it."
__
~°~°~°~°~°~°~
New update here ^O^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro