Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 84.3

Chapter 84.3

 

Alisa’s POV

 

“Ma, pwede naman pong wag na.” Pagpipilit ko kay Mama. Paano ba naman gusto nyang mag-debut ako! Eh 2 weeks nalang kaya bago ang birthday ko! Di na kaya.

“Napaghandaan na namin ng Dad mo at ng Tita Angel mo yan. Tinatanong ko lang kung sang-ayon ka ba. Dahil gown mo na lang naman ang problema dahil hindi ka pa nasusukatan.” Sabi nito sa akin.

“Ma, nag-abala pa tuloy kayo. Dapat ininform nyo po muna ako.” Sabi ko dito. Balak ko kasi na yayain si Austin na magpunta kaming Baguio sa birthday naming dalawa! Yung kami lang dalawa? :’33

“Alam naman namin na papayag ka.”

“Sige. But -- Isang kondisyon.”

*Hinga ng malalim*

“Ivan would be invited.” This is the only time I can talk to him.

//

“Buti dumating ka.” Naka-ngiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti lang sya sa akin at umiwas ng tingin. Pilit nya kasing tinatago ang maliit na pasa sa may labi nya. Napabuntong-hininga ako at napa-iling nalang.

**

“Ivan…” Tawag ko sa pangngalan nya habang nagsasayaw kami. Kakatapos lang naming magsayaw ni Austin. Saglit nga lang kami nakapag-sayaw dahil para sa kanya mas importante pa din na mas makapag-usap kami ni Ivan ng mas matagal.

This time, humarap na sya sa akin. Kanina pa kasi sya nakalihis ng tingin, “Bakit hindi ka na halos napasok ng mga klase mo?” Tanong ko sa kanya. Magkatitigan lang ang dalawa naming mata.

Ilang sandali lang ay lumihis na naman sya ng tingin, “Nag-iisip lang ako.” Sagot naman nya sa akin.

“Galit ka ba sa kin?” Dahilan para humarap na sya sa akin.

“H-Hindi. Bakit naman ako magagalit?” And this time, binigyan nya ako ng isang ngiti.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at sinandal ang ulo ko sa may balikat nya. Baka last na’to. Nilagay nya ang kamay nya sa may likod ko at ang isang kamay ay nasa may bewang ko. Nakapulupot naman ang dalawa kong kamay sa may leeg nya.  

Isipin na nila kung ano ang gusto nilang isipin. Pero eto lang ang alam kong pwedeng gawin para mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman ni Ivan. Hindi ko na maaari tong gawin pag kinasal na talaga ako.

Patuloy pa din kami sa pag-sayaw. Halos lahat ng bisita ay nakatingin lang sa aming dalawa ni Ivan. Napatingin ako sa gawing kanan kung nasan ang barkada. At nakita ko si Austin na -- naglalakad palayo.

Austin’s POV

 

Pumunta ako sa garden para magpa-hangin. Nakakailang sa loob. Sweet moment ang nandon. Napabuntong-hininga nalang ako. Ako na yung mahal nya di ba? Pero bakit -- Hindi ko maiwasan ang hindi magselos at isipin na baka mahal pa rin nya si Ivan?!

“Aysh!” Ginulo ko ang buhok ko. Nakakainis! Bakit ba kasi ako nagkakaganto?! Eh ako pa nga mismo ang nagkumbinsi kay Tita na iinvite si Ivan para makapag-usap sila ni Alisa. Kahit naman madami kaming napagdaanan ni Ivan, kababata at kaibigan ko pa din naman sya. Mahalaga at talagang nag-aalala pa din ako sa kanya.

Hindi ko nga halos naisayaw si Alisa dahil nga gusto kong mas matagal sila ni Ivan na makapag-sayaw. Ayun nga, para makapag-usap sila. Pero -- Hindi ko naman naisip na may pwedeng magkayakapan.

Napapikit nalang ako. Ang ganda nga naman ng regalo ko sa sarili ko.

 

Naisipan ko kasi na sa bahay na lang kami magcecelebrate ng birthday ko after ng debut ni Alisa. Gusto ko kasi sa kanya lang ang gabing to. Pagkatapos nya, kaming dalawa naman. Sasamahan nya akong i-celebrate ang birthday ko. At ang gusto ko -- Vacation in Macau. I already book a flight tomorrow.

Ayun tlaga kasi ang plano ko. Alam kong hindi naman tatanggi si Alisa. Pagiisipan din namin kung kailan ang kasal. Gusto ko nga sa isang linggo na eh. Hayy! Excited na talaga akong ikasal kami sa simbahan.

“Andito ka lang pala.” Yakap nya sa akin mula patalikod sabay halik sa pisngi ko, “May mga fans ka sa may parking lot. Iniintay ka nila kanina pa. Siguro mga tatlong oras na silang nag-aantay dun.” Sabi nya sa akin habang nakayakap pa din sya sa akin patalikod.

“Si Ivan?” Tanong ko sa kanya.

Sinandal nya ang ulo nya sa balikat ko, “Ba’t mo natanong?”

Hinarap ko ang mukha ko sa mukha nya, “Tapos na ba kayo?”

Tumango-tango lang sya, “Good. Halika dito.” Sabay akay ko sa kanya papunta sa harapan ko at pina-upo sya sa hita ko, “Sit.” Sabi ko sa kanya dahil mukhang iba ang nasa isip nya.

“B-Baka m-may makakita.”

“Just sit down. Wala akong gagawin sayo. After marriage na -- the real marriage.”  

Sinunod nya ang sinabi ko at umupo sa akin, “Sorry.” Niyakap ko sya mula patalikod.

“Bakit ka nagsosorry?” Tanong ko sa kanya.

“Madami akong kasalanan sayo. Kung alam mo lang. I did things that a wife shouldn’t do.” Sabi nito.

Mukhang alam ko na ang ibig sabihin nya, “Sharing kiss with Ivan before? Holding hands with him? Hugging?” Alam ko ang lahat ng yan. Kay Hannah ko lang nalaman ang mga yan. Gusto ko ngang magalit kay Alisa noon. Pero anong magagawa ko? Ni-magtampo nga kay Alisa hindi ko kaya.

Hinawakan nya ang kamay ko na nakapulupot sa may bewang nya, “I been unfair to you. Ikaw -- Dahil sa trabaho mo lang. Pero ako -- Dahil ramdam ko na gusto ko yung tao. Sorry. Sorry. Sorry.”

Hinarap ko sya sa akin, “Ako na naman yung mahal mo di ba?”

“Oo naman.” Ngumiti sya sa akin at pinisil ang ilong ko, “Bakit? Nagdududa ka?”

“Hindi ah! Saka… Ramdam ko na naman na ako na ang mahal mo.” Sabay yakap ko sa kanya.

Masaya ako dahil lahat ng bawat sakit na naramdaman ko -- ay may kapalit.

 

Mahal na din ako ng taong mahal ko.

 

Ako ang pinili nya.

 

Ikakasal kami at hindi dahil sa pinagplanuhan.

 

Kundi, mahal na namin ang isa’t isa.

                                                                         

“Natahimik ka?” Tanong nya sa akin habang magkayakap pa rin kami sa isa’t isa.

Lumayo ako sa pagkakayakap ko sa kanya, “Let’s go to Macau to celebrate my birthday there. Just the two of us.” Medyo nanlaki naman ang dalawa nyang mata. Mukhang alam ko na ang iniisip nya.

“I’m planning to have our honeymoon to Spain. Don’t worry. Haha!” Pinisil ko ang magka-dalawa nyang pisngi.

“Promise mo yan ha?”

“Yes. And I’m planning to leave tomorrow.”

Ngumiti lang sya. Sabi sa inyo eh, papayag yan. Haha!

“I love you Austin.” Nagulat nalang ako ng bigla nya akong halikan. Napa-ngiti nalang ako. Best gift to! Haha!

I love you Alisa…

**

 

[A/N: Epilogue is the next! ]

 

 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: