I'm Married ♡: Chapter 83
Chapter 83
Alisa’s POV
“Saglit lang tayo dun ha. Kailangan ko na din kasing maka-uwi.” Sabi ko kay Ivan. Nagpapasama kasi sya sa park. Ewan ko ba dito sa lalaking to, isang oras nalang magdidilim na.
Napagisip-isip ko na na sabihin kay Austin na sya ang mahal ko. Yung conversation namin ni Ivan kagabi ang mas nakapagpaisip sa akin na si Austin na talaga ang mahal ko. Kainis nga at bakit ngayon ko lang talaga na-realize.
Wala na talaga akong nararamdaman kay Ivan. All the feelings? Wala na ang lahat ng yun. Sa pagbalik ng alaala ko, sobra talaga kong naguguluhan. He’s my first love. How can I forget the guy who’s been my inspiration for more than years? Sya ang lalaking naging isang malaking parte ng buhay ko.
“Pakiramdam ko kasi... Eto na ang last na araw na makakasama kita.” Kita ko ang lungkot sa mukha nya kahit nakatingin sya sa kalsadang dinadaan namin. Nagdadrive kasi sya ngayon.
“Last? Pano naman mangyayari yun? Di ba ang promise k----“
“That we can still be friends. Alisa, you know it’s hard for me to let you go.” Napa-iwas nalang ako ng tingin.
Napapikit nalang ako, “Bilisan nalang natin. Gusto ko ng maka-uwi.”
Gusto ko na syang makita.
Gusto ko na syang maka-usap.
Gusto ko na syang mayakap.
Gusto kong humingi ng tawad.
Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko sya ka-mahal.
//
“Teleserye ka ba? Ang sarap mo kasing subaybayan.”
“Table of contents ka ba? Ikaw kasi ang laman ng bawat pahina ng buhay ko.”
“Lalalalalala. Wala akong naririnig!!” Sabay takip ko sa taenga ko. Bwisit naman si Ivan eh! Sinasabi nya ang lahat ng pick-up lines na binigay ko sa kanya noon!! Shete! Nakakahiya!!! T_T
“Bagyo ka ba? Kasi the moment you leave my area of responsibility, you leave my heart in the state of calamity.”
“Chinese ka ba? Kasi I’ll siomai love to you, and I hopia love me too.”
“ May mahal ako….nagsisimula sa I nagtatapos sa W.
At ang English niya ay YOU<3.”
“Lalalalalalalala.” Nakatakip pa din ang dalawang kamay ko sa dalawang taenga ko. Nakakahiya talaga!!! T_T Sinaulo nya talaga yun siguro para asarin ako! Tss. =_=
“Aanhin mo pa ang bahay nyo……kung nakatira kana sa puso ko.”
“Ang pag-ibig ko sa’yo ay parang kinopyang assignment, na kapag tinanong ng iba, ang hirap i-explain.”
“Hindi mo pa nga ako binabato, tinamaan na ako sayo.”
“LALALALALALALA!!” Tawa lang naman sya ng tawa. =_=
“Huwag ka ngang umasta na parang ang YAMAN-YAMAN mo, eh isa ka lang namang HAMAK na TAMBAY dito sa PUSO KO.”
“May gamot ka ba sa pampalaglag? Kasi ang lakas ng kapit mo sa puso ko.”
“Ako nga pala si COCO, ang COCOmpleto ng buhay mo.”
“Kanal ka ba? Pwede bang akin KANALang?”
“Alam mo para kang bubuyog, kasi naBEEhug mo ang puso ko.”
This time, hinampas ko na sya ng sunod-sunod, “Asar to!! Wag mo ng ipaalala!! Malanding utak ako meron noon!!!” Sabi ko sa kanya.
Wala naman syang ibang ginawa kundi ang tumawa ng tumawa. Kaya pati kahit ako, natawa na din, “Hahahaha! Baliw ka na!” Sabay pitik ko sa noo nya.
Pero imbis na umaray sya, mas tumawa pa sya. Napatitig nalang ako sa kanya. Ngayon ko lang sya nakitang tumawa ng ganito. Kahit noong High School kami hindi ko pa sya nakikitang tumawa ng ganito.
“Hahaha! Kinikilig tuloy ako!” Sabi naman nya ng medyo mahimasmasan na sya kakatawa.
Baliw na siguro tong katabi ko, “Ano bang nakain mo at ganyan ka kasaya?” Tanong ko sa kanya.
Nilagay nya ang braso ko sa may braso nya, “Sinusulit ko lang ang mga oras na kasama pa kita.” Sabay kindat nya sa akin.
Napa-ngiti nalang ako. Siguro nga, kailangan na nating sulitin. Hindi ko na alam kung kailan pa tayo magkakasama pang ulit.
“Austin!!!!” Hinanap ko ang boses na tumawag ng ‘Austin’. Nakita ko ang isang babae na nakatalikod na sa amin at tila susundan ang lalaking may kausap sa cellphone nya.
Mas tinitigan ko ang lalaki at babaeng nakatalikod. Hindi ako pwedeng magkamali na si Hannah ang babaeng nakatalikod gawa ng bag nya. Alam ko kasi na eto ang favorite na bag ni Hannah dahil eto ang palagi nyang gamit sa school. A-At ang lalaking nakatalikod--- Si Austin ba sya?
Huli na ng ma-realize ko na si Austin nga ang lalaking yon. Kung hindi ko pa titigan na mabuti hindi ko pa sya makikilala. Akmang susundan ko na sya pero hiniwakan ni Ivan ang kamay ko ---
“G-Gabi na. U-Uuwi na ko.” Pagdadahilan ko. Medyo madilim na din kasi.
Pero hindi nya ako sinagot. Nakatitig lang sya sa mata ko. Wag nyang sasabihin na iiyak na naman sya? Oh god. I can’t see him crying again.
Ilang minute siguro kami nakatigil sa ganong pwesto. Magkakatitigan lang.
“Ivan..” Ilang beses ko ng tinatawag sya sa pangngalan nya pero hindi sya nagsasalita. Nakatitig lang sya sa akin kaya naman naiilang na talaga ako.
Pinipilit ko ng tanggalin ang pagkakakapit nya sa kamay ko. Pero kahit anong gawin ko, ayaw nyang alisin ang pagkakakapit nya sa kamay ko.
Mas lalong nahigpit ang pagkakakapit nya sa kamay ko, “I-Ivan. Masakit…” Sabi ko dahilan para magising ang utak nyang natutulog kanina pa.
Napatungo sya, “S-Sorry.” Napakalungkot ng tono ng boses nya.
Tiningnan ko lang sya. Ang mukha nya ay katulad na naman ng kagabi.
“A-Aalis na ko.” Sabi ko at akmang tatalikod na pero nagsalita sya.
“Sya na nga ba ang mahal mo?” Muli akong humarap sa kanya. Pakiramdam ko hindi ko kayang tumingin ng diretso sa mata nya. Eto ang ayoko sa lahat, ang nakakapagpaiyak ako ng isang tao. Lalo na ang isang tao napaka-importante sa akin.
Napatungo nalang ako, “Oo.” Sagot ko. Matagal ko ng pinaghandaan ang tanong na yan. Matagal ko na ding pinaghandaan ang magiging sagot ko.
Inangat ko ang ulo ko. He’s looking straightly at me. And his eyes are on tears.
“I-Ivan…” Akmang lalapit ako sa kanya pero humakbang sya palayo sa akin.
Umiwas sya ng tingin sa akin, “Napaka-laki kong tanga. Dapat noon pa lang pinahalagahan na kita.” Sabi nya.
May tumulo na ding luha sa mga mata ko. Hindi ko na kaya.
Dapat noon pa lang minahal mo na ako para hindi nangyari ang lahat ng to.
Bumalik ang tingin nya sa akin, “I actually promised myself that I won’t let you go when this time comes. Balak ko nga, wag ka ng ibalik sa kanya eh.” Tumawa sya, “But… As I see how much you really love him. I guess, I can let you go. I’ll just bear the pain. You know everything for you I can bear all.”
Halos nanlaki ang dalawa kong mata sa narinig ko.
“I-Ivan…” Hinawakan ko ang braso nya.
“Mahal na mahal kita Alisa.” Pinunasan ng kanang kamay nya ang mga luha nya, “Wala sa isip ko ang pakawalan ka. Ang sabi ko sa sarili ko ipaglalaban kita kahit anong mangyari. Na kahit si Austin na ang mahal mo, aangkinin pa din kita. Pero… B-Bakit eto ako ngayon… Pinapakawalan ka na.”
“Pwede ba kitang mayakap? Kahit saglit lang…” Pero bago pa ako makasagot, kaagad na nya ako niyakap.
Niyakap ko rin sya pabalik. Eto lang ang magagawa ko para gumaan ang loob nya. Halos sampung minuto kaming magkayakap sa isa’t isa.
“Hanggang dito nga lang siguro tayo.” Naka-ngiti nyang sabi nya sa akin ng humiwalay na sya sa pagkakayakap. Kitang-kita ko sa dalawang mata nya ang pagkalungkot. Kilala ko si Ivan. Alam ko ang bawat luha nya.
“Mabuti pang puntahan mo na si Austin. Baka magbago pa isip ko at kuhanin na talaga kita.”
Ivan..
Binigyan ko sya ng isang ngiti kahit na may patuloy pa din na may natulong luha sa mata ko. Agad syang lumapit sa akin at pinunasan ang luha ko, “Ivan… P-Please be h-happy.” Sabi ko sa kanya.
Hindi sya sumasagot at hinalikan lang ako sa noo, “Go.”
And the last thing I knew is I’m on the taxi on the way to our house, I and Austin’s house.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro