Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 79

Chapter 79

 

Alisa’s POV

 

“Good morning!” Bati ko sa kanya pagkababa ko ng hagdan sabay yakap sa kanya patalikod.

Humarap naman sya sa akin at pinisil ang ilong ko, “Good morning din mahal ko! ^^” Bati din naman nya sa akin at niyakap ako pabalik. Kyaa! Ako na ang kinikilig!!! <333 Mahal kasi ang tawag nya sa akin. :’))

Inangat ko ang ulo ko para makita ang ekspresyon ng mukha nya. Pero nagulat nalang ako ng bigla nya akong…

*TSUP*

“Nagbablush ang mahal ko.” Sabay pisil naman nya sa magkadalawang-pisngi ko, “Luto lang ako mahal ko ha?” Tapos hinalikan na naman nya ako sa labi ko.

Umupo ako sa may lamesa at pinagmasdan lang ang likod nya habang nagluluto sya ng umagahan namin. Napapangiti tuloy ako ng di-oras. Haha!

**

“Sunduin kita mamaya mahal ko. Wait mo’ko. Love you. :*”

 

Ang text na galing sa mahal ko. :’)))

“Oo, wait kita. I love you too. And… I miss you.”

 

Nahihiya kasi ako ng tawagin ko rin sya ng ‘Mahal ko’. Hahaha! Ewan ko pero kinikilig tlaga ako ng bonggang-bongga!! Para akong High School student sa sobrang pagkakakikilig ko!!! Pero… Ang weird lang… Pakiramdam ko… Naramdaman ko na ang gantong feeling? *Shake head*

*Ting*

“I miss you more my princess. :*”

 

Shete. Kanina ‘Mahal ko’. Tas ngayon, ‘My princess’? Wala na ba syang alam kundi ang pakiligin ako? *u*

“Ano yan ha?!” Nagulat naman ako ng biglang sumilip si Kyla sa cellphone ko.

Bigla ko naman itong inilayo sa kanya, “W-Wala ah!”

“Anong wala?! Eh ngiting-ngiti ka bestfriend eh!” Sabay tusok sa tagiliran ko ni Kyla.

“Mukhang may nangyaring maganda ah?! Share naman! ^o^” Sabi naman nito.

At dahil sa kakulitan nya. Ikinuwento ko sa kanya ang mga nakakakilig na nagyayari sa amin ni Austin! Para ngang mas kilig na kilig pa sya sa akin. T^T

“Sana ganyan din si Vince!” *pouts*

“H-Ha? Si Vince?” Nagtatakang tanong ko naman sa kanya. Napa-isip tuloy ako. Hindi kaya’t…

“Bestfriend… May gusto sana akong sabihin sa’yo.” Seryosong sabi naman nya sa akin.

“Ano yon? ^_^”

Huminga sya ng malalim, “Kami na ni Vince…”

O______________________O

“K-kailan pa?” Nauutal-utal ko pang tanong. P-Paano nangyari yun? Ang bilis naman yata ng mga pangyayari?

“Waaa! Ngayon ko lang nasabi bestfriend!!! Sorry!” Sabay yakap nya sa akin.

Hinimas-himas ko ang likod nya, “Haha! Okay lang yun! Nabigla lang ako. Kailan ba nagsimula?”

“Nung birthday ko!! Waaa! Bestfriend! Mahal namin ang isa’t isa eh!! Mutual feelings kami!!! Tas ayun, kami na!!!” Tinakpan ko naman ang bibig nya.

“Ako palang ba ang nakakaalam?”

Tumango sya, “Ay! Si Luke! Alam na! Kayo lang dalawa ang may alam sa barkada.” Sabi nito.

“Ah! Haha! Bagay naman kayo ni Vince Kyla eh! Saka… Unang kita ko palang sa inyo, ramdam ko na meron syang feelings sayo.” Sabi ko. Halata ko rin naman kasi nung una kong kita sa kanila nung first day of school pa lang. Kita ko sa mga mata ni Vince ang mga titig nya kay Kyla.

“Sya nga pala bestfriend!! Kami din yung napili para sa play ng school natin!! Partner kami ni Vince. Makahalata kaya sila?” Tanong naman nito.

“Ummm. Play? Eto ba yung pupunta dito sa school natin ang mga tiga-ibang University?” Tanong ko. Mukhang eto kasi ang tinutukoy nya. Dadayo kasi ang mga ibang Universities dito. Lalaban ng sports, manonood ng play, at kung ano-ano pa. Pinaghahandaan na nga ito lalo na ng mga players. Sila Kyla nalang yata ang hindi pa nakakapagsimula mag-practice.

“Yep! Mamaya na nga ang simula ng practice eh! At sa tingin ko, baka nga i-excuse kami ng whole day sa class para mag-practice! Tss! Stressed na naman ako nito!”

“Ano nga ba ang ipeplay nyo?” Tanong ko. Nabanggit na din ito sa amin ng isa sa mga Professor namin. Pero dahil sa makakalimutin ako, nakalimutan ko. =_=

“Cupid and Psyche.”

WOW! As in WOW!

“Tas si Vince si Cupid? Hahaha! Excited na kung mapanood kayo!”

“Andun nga din yung dalawang transferee tinatawag nila ‘The Quinn Brothers’! Pftt! Pogi ba ang mga yun?! Hindi naman di ba?!”

The Quinn Brothers? Haha! Oo, pogi nga sila. Pero… Mas pogi pa din ang Austin ko.

“Pero syempre… Wala pa ring tatalo sa karisma ng asawa mo.” Bulong at kindat sa akin nito.

**

Upo. Tayo. Upo. Tayo. Upo. Tayo.

Lakad. Tigil. Lakad. Tigil. Lakad. Tigil.

Pagod na pagod na ako. Asan ka na ba Austin? Palagi nalang bang ganto? Hayyy. Kung hindi lang kita mahal. Napatingin ako sa orasan ko, 3pm pa lang. Nitong mga nakaraang araw, napapabilis na ang pagpapalabas sa amin ng mga Prof. Busy daw sila eh! Saka, okay na’tong maaga kaming napapauwi.

*Ting*

Dali-dali kung kinuha ang cellphone ko sa may bulsa ko dahil sa baka-sakaling si Austin na ang nag-text.

“Bestfriend! Mag-ingat ka pag-uwi ha!

 

Sino paba? Eh di si Kyla. Sya lang naman ang natawag sa akin ng bestfriend. Late silang uuwi ngayon dahil may practice pa sila ng play. Bwahahha! Eh di sila na ang busy! Pagdating ko sa bahay, matutulog na kaagad ako.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Hayy! Tinext na nga ako ni Kyla tas tatawagan pa nya ako ---

“I can’t pick you up. Bukas na ng madaling-araw ako makakauwi. Sorry. Marami kasi kaming scenes na dapat bawiin sa mga days na nawala kami ni Hannah . Sorry sorry. I love you.”

 

Sasagot pa lang sana ako pero binaba na nya kaagad.

I sighed, “He can’t pick you up again?” Napatingin ako sa nagsalita.

Si Ivan.

 

I smiled bitterly, “Sa bagay… Anong bago dun?” He laughed silently.

Hinampas ko naman sya ng mahina, “Pft! Busy lang talaga sya!” *pouts*

“Alam ko na! Pasyal nalang tayo!” Hinawakan nya ang dalawang balikat ko.

“Saan naman?” Tanong ko. Baka kung san-san na naman ako dalhin nito.

“Basta.” Sabay kindat nya sa akin, “Mapapalayo tayo ngayon.” Dagdag pa nito.

Wag nyang sabihing... Dadalin nya ako sa isang malayong lugar?!!!!

//

 

“Asan tayo?” Tanong ko ng itigil nya ang sasakyan nya sa isang school na mukhang pang-High School.

Pinagbuksan nya ako ng pintuan, “Saint Clare’s school.” Sambit ko.

Parang pamilyar.

 

Hinawakan nya ang kamay ko at naglakad papunta sa may gate. Bawat hakbang namin, syang pabilis ng tibok ng puso ko.

“Oh! Ivan? Mr. Ivan Sy? Ikaw nga!!! Aysh! Mas malaki ka na sa akin ah!!” Salubong ng isang guard sa amin.

Napatingin naman ito sa akin, “Oh! Ms. A-Alisa Lopez? Kamusta ka na pala? Di ka na namin nakita pagkatpos ng aksidente. Kamusta na po kayo? Buti naman po at naisipan nyong dumalaw po dito.” Naka-ngiting sabi nito sa akin.

Bakit ganun?

Kahit pati boses ni Kuya parang pamilyar.

 

“Sige po Manong Ronald, mauna na po kami. Lilibutin po kasi namin ito. Haha!” Sabay tapik naman sa likod ni Ivan dito.

Nakatingin pa din ako kay Kuyang guard kahit nakalagpas na kami dito. Ilang sandali lang ay nilibot naman ng mata ko ang school na pinasukan namin ni Ivan. Hindi ko pa din lubos maisip na paano nito nalaman ang pangngalan ko? Weird.

“Ivan… Pinagtitinginan tayo ng mga estudyante dito oh.” Sabay turo ko sa mga nadadaanan naming mga estudyante.

Napatingin rin naman dito si Ivan, “Ba’t parang late naman yata ang uwian nila?” Tanong ni Ivan sa kanyang sarili.

“Halika na, may pupuntahan tayo.” Sabay higit nya sa kamay ko.

 

“Omo! Sino syaaaa?!”

“Tiga-Howard University sya ah!! Kyaa! Ba’t sya andito?!”

“Bakit sya may kasamang girl?!”

“Bakit sila anditoooo?!”

“Teka! Wala ba syang kasamang iba boylet na pwedeng gawing boyfieeee?”

 

O’sge! Usap pa! Bulong pa! Kung makatitig sa akin mula ulo hanggang paa. Pfft!

Napatigil ako sa kinatatayuan ko.

“Oh, bakit?” Tanong sa akin ni Ivan dahil napatigil ako sa paglalakad.

-

“Nagustuhan mo ba yung pack lunch na bigay ko?”

 

“Oo naman. Galing sayo yun eh.”

-

“Bakit?” Bumitaw kasi ako sa pagkakahawak sa kamay naming isa’t isa.

 

“Nakatingin na naman sila eh.”

 

Kinuha nya ang kamay ko. He fit his hand on mine, “Hayaan mo sila. Mahal kita at wala silang ibang magagawa kundi ang tingnan nalang tayo.” Nakangiti nyang sabi sa akin.”

 

 

 

“Alisa? Okay ka lang?” May natulo ng mga luha sa mata ko.

“Bestfriend!”

 

“Bestfriend!!! Waa! I miss you! Hahaha! Nakita ko si Ivan mo!”

 

“Parang hindi tayo nagkita kahapon ah! Eh si Ivan? Asan?”

 

“Kasama si Ianne. Hahaha!”

 

“Aray naman yun! Umagang-umaga ayun kaagad ang isasalubong mo sa akin?!”

 

 

 

“Bitawan mo ko.” My voice is trembling. I remember everything. All. Everything about my high school days.

 

“A-Alisa… Naaala----“

Pinaghahampas ko sya sa dibdib, “Kainis ka!! Galit ako sayo!!!” Sabi ko habang patuloy pa din ako suntok ko sa may dibdib nya, “Ang unfair unfair mo!! Minahal kita!!! Pero bakit si Ianne pa din!! I hate you! I hate you!!” Patuloy pa din ang pag-agos ng mga luha ko sa mata ko.

“Lumayo ka sa kin!!” Sigaw ko sa kanya, “Dyan ka lang!! Wag mo kong susundan!!” Sabi ko at humakbang na papalayo.

“Alisa….”

“IVAN!!! PLEASE. HAYAAN MO MUNA AKO.” Sabi ko at tumalikod na ako sa kanya.

All of the pain.

 

It came back.

 

Tumakbo ako. At paulit-ulit na nanumbalik lahat ng mga binitawan nyang salita sa akin noon.

 

“Wifey….”

 

“Wifey? Ang galing mo Ivan.” Mas lalong may tumulong luha sa mga mata ko. Gusto kong ipa-explain lahat ng mga sinabi nya kanina. Gusto kong malaman kung totoo ba ang lahat ng iyon, “Lahat ba ng sinabi mo kanina? Totoo ang lahat ng yon?” Nagpuputol-putol na din ang boses ko dahil sa kaiiyak at sakit na nararamdaman ng puso ko.

 

Sabihin mo lang na hindi totoo ang mga sinabi mo kanina, na joke lang lahat ng yun sa’yo.…. Papatawadin kita.

 

“Oo. Totoo ang lahat ng yun.”

 

“Ni-minsan ba minahal mo ko?”

 

Sabihin mo lang na “oo”, kakalimutan ko ang mga narinig ko kanina. Kakalimutan ko na nangyari to.

 

“Si Ianne lang ang kaya kung mahalin.” 

 

 

“Pati ba ang pag-sabi mo sa kin na mahal mo ko? Kasinungalingan lang ba?”

 

“Lahat Alisa kasinungalingan. Pati ang pagsabi ko na mahal kita.”

 

 

 *BEEEEP*

“Ayoko ng maulit pa ang nangyari noon. Dapat noon pa ginawa ko na’to. Dapat sinundan kita noon.” Napayakap ako kay Ivan. Na-miss ko sya. Sobra sobra ang pagka-miss ko sa kanya. It feels like years na hindi ko sya nakita at nakasama.

Kung hindi nya ako hinigit, baka naaksidente na naman ako. Patuloy pa din ang pagtulo ng mga luha ko sa mata ko. All memories are coming back. All the good memories and bad memories. All the pain.

 

Napaluhod ako at napa-upo. Lahat ng mga katanungan ko sa isipan ko ay unti-unti na akong naliliwanagan.

Did I just been fool of the marriage I’m in right now?

 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: