Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 78

Chapter 78

 

Author’s note: Kina Kyla, Vince at Luke muna ang chapter na’to. Isa rin naman sila sa main characters kaya sa kanila munang love story ang bigyan ng pansin. Haha! 

**

Kyla’s POV

 

 

-2 days na ang nakakaraan ng magka-Retreat-

 

 

“Date tayo maya?”

 

“Ayoko nga! Mamaya malaman pa nila. -_-“

 

“Eh di mas mabuti. Ano, wait mo ko?”

 

“Ako? Iintayin ka? Almonte, hindi mo ba ko kilala? Ayoko ng pinag-aantay ako! Tss.”

 

“Eh di hindi nalang ako magpa-practice. Para makapag-date tayo! ^o^”

 

“Vin-------“

 

“Yes? Yes!!! 4pm sa may parking lot. Wait kita!!! Love you Beb!!”

 

Pagkatapos ay binabaan na nya ako. Yes? Wala akong natatandaang umo o ako sa kanya. Saka... DATE?!!! Hindi pwede! Hindi talaga pwedeeee!!! >/< Ano nalang ang sasabihin ng barkada? Na ang bilis ng mga pangyayari? Oo, ang bilis talaga! Kahit nga ko hindi ko alam kung paano naging kami eh! Basta nung nanggaling kaming Enchanted nung birthday ko, pagkahatid nya sa bahay namin, mag-girlfriend at mag-boyfriend na daw kami. Magsasalita pa lang ako para kumontra pero sunod-sunod ang halik nya sa akin para hindi talaga ako makapagsalita. Nakakainis pero… Kinikilig ako. Haha! XD

Naglalakad ako ngayon sa may hallway. Kakatapos ko lang mag-pasa ng project. Lagi naman kasi akong late mag-pasa. Actually, kahapon pa sya dapat ipapasa. Eh tamad ako. Ano pang aasahan nyo sa akin? Syempre, a day after the submission ako magpapasa! Kahit naman nung High School kami ni bestfriend, lagi kaming ganun. Eh iba na ngayon, napa-aga naman ang submission nya. Eh di sya na ang masipag! Tss.

Pst! Secret lang kay Almonte ha! Nakakahiya kasi. T_T

“Kyla!!” Tawag sa pangngalan ko ni Luke. Natakbo sya papalapit sa akin. Oh akala ko ba galit ang lalaking to sa akin? Kasi naman! Noong Retreat din hindi rin nya ako kinakausap. Tss!

 

 

-Flashback-

 

Noong sa Retreat..

 

“Uy, may ipapakita ako sayo! Haha!!” Sabay kuha ko dun sa cellphone ko kung saan may na-videohan ako na couple na naghahalikan sa may likod ng activity building.

 

Pero kaagad itong tumayo. Sinundan ko naman sya, “Uy! Luke! Galit ka?!” Tanong ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot. Ni-tingnan ako hindi nya magawa.

 

 

 

 

“Will you please get out of my way?” Sabi naman nya ng hindi sa akin naka-tingin. Bakit parang hindi nya ako matingnan?

 

I followed him. I get out of his way. Nagsimula na syang maglakad.

 

I sighed, “Moody person.”

 

-End of flashback-

 

 

At eto pa ang isa!!!

-Flashback-

 

-KAHAPON-

 

“Luke!” Tawag ko sa pangngalan ni Luke na nagtetext. Andito kasi kami nina bestfriend, Austin, Josh at Luke sa may cafeteria. Nabili naman ng pagkain sina Vince, Ivan at Aaron. Hayy. Wala kasi akong magawa. Balak kong pag-tripan sya at kulitin ng bonggang-bongga! Haha!

 

Hindi nya ako pinansin. Tinusok ko naman ang tagiliran nya, “Ba’t di ka na namamansin ha? Ganyan ka na ha! Pagkatapos ng pinagsamahan natin! Tas bigla-bigla ka nalang hindi mamamansin?”

 

“Please shut up, will you?” Tas bumalik ang tingin nya sa pagtetext. Ayy, suplado? Tss. 

 

Kinuha ko naman ang cellphone nya, “S*x----?? Yuck!! Kadiri ka Luke!!” Kinuha naman nya bigla ang cellphone nya sa akin. Waaaa!!! Kadiri yung nabasa ko!!! RATED SPG!!!

 

Nakita ko naman sina bestfriend, Austin at Josh na nagtatawanan, “Anong nakakatawa dun?!” Galit kung tanong sa kanila.

 

“Para kang girlfriend kung umasta! Para kang nagagalit dahil may ibang katext ang boyfriend mo.” Tss. Mga pinagsasabi ni Austin! -_-

 

“Haha! Luke, nagtatampo ka pa rin ba kay Kyla?” Tanong ni bestfriend kay Luke. Nagtatampo? At bakit naman sya magtatampo? Tong bait kong to may ikatatampo pa sya?

 

“I hate her.” Sabi naman ni Luke.

 

“A-Ako? Hate mo k-ko?” Tinuro ko pa ang sarili ko.

 

“Who else? Of course it’s you!” Tas inirapan nya ako. Takte! Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nang-iirap ng babae. Pero.. Ang cute nya. Para syang boyfriend na nagagalit/nagtatampo sa girlfriend nya. *u* Kyaaa! Ano ba tong pinagsasabi ko?!

 

“What the hell I do?!” Tanong ko naman. Aba! Wala akong alam kung bakit sya nagagalit slash nagtatampo. Sa pagkakaalam ko, napakabait ko nitong mga nakaraang mga araw.

 

Hindi nya ako sinagot at umalis nalang. Tsss.

 

-End of flashback-

 

 

“Di ka na galit?” Tanong ko sa kanya.

“Huh? I’m not mad.” Sabi naman nito.

Binatukan ko naman sya, “Hindi daw galit?!! Eh kung sabihin mo na hate mo ko?! Tss.”

“Nagtatampo lang.” Bulong nya pero rinig ko naman.

“Alam mo… Napapansin ko na nitong mga nakaraang araw ang hilig mo na magsalita ng tagalog? Hahaha! Hindi tulad dati na para kang trying-hard! Hahaha!”

“Bakit parang palagi kang masaya? Lalo na nitong mga nakaraang araw?” Nagtatakang tanong naman nya sa akin.

Bumalik naman ang mukha ko sa tulad ng dati. Yung may pagka-serious type. Oh noes. Nahalata nya ang pagiging happy ko? Kyaaa!! Sino ba naman kasi ang hindi magiging happy kung nagka-boyfriend ka sa wakas!! Waaaa. Bad mouth!!! Secret ko lang yun eh!! >//< Alam na tuloy ng readers!!!! Ugh.

“A-Ako? B-Bakit? M-Masama bang maging masaya?” Tanong ko sa kanya.

“Para kasing hindi ikaw.” Sabi naman nya. Hindi daw ako?! Eh masayahin na naman kaya ako dati!

“Maybe hindi lang ako sanay. Lagi ka kasing galit pagdating sa kin.”

“Eh lagi mo naman kasi akong sinasagot! Hindi kita inaano pero lagi mo kong iniinis! Tss.” Napalakas na ang boses ko. Paano ba naman ako hindi magagalit sa kanya? Eh kung noon lang grabe nya akong laitin! Tss. Asan na ba ang prince charming ko? Ng ilayo na ko sa bwisit na’to.

Hindi sya sumagot kundi tinitigan nya lang ako. B-Bakit naman ganto ang titig nyaaaa? Parang may ibang meaning. Napalunok ako, “A-Ano namang titig y-yan?” Tanong ko sa kanya ng hindi sya matingnan sa mata.

“Alam mo bang naghintay ako?” Napatingin naman ako sa kanya.

“Naghintay san?!”

“Sayo!!”

“Ha?! Kailan?!!”

“Nung birthday mo!!”

“Oh anong meron sa birthday ko?!”

“Alam mo bang naghintay ako?!! Ilang oras akong nag-intay sayo!!! Pero hindi ka dumating!!!”

Napa-isip naman ako sa mga sinabi nya, “May usapan ba tayo na magkikita tayo nung birthday ko?” Napakamot naman ako ng ulo ko, “Wala akong maalala na nagka-schedule ako sayo.” Sabi ko habang iniisip pa din ang mga nangyari bago maganap ang birthday ko.

“May surp------“

“Andito ka lang pala!” Sabay akbay sa akin ni –

“V-Vince?” Shet. Ang pogi talaga ng pinakamamahal kong boyfriend. *u*

“So Beb? Halika na?” Sabay kindat pa sa akin ni Vince! Kinurot ko naman sya sa tagiliran at pinagdilitan ng mata. Alam na naman nya ang meaning ko. Na andito si Luke. Baka malaman pa na… na…. k-kami na.

Pero imbis na tanggalin nya ang kamay nya na naka-akbay sa akin ay hinawakan naman ng isa nyang kamay ang kamay ko.

O___________________O

“Sya nga pala, kami na! ^_^”

VINCEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!

Napapikit nalang ako ng marahan. At napatakip nalang ang kamay ko sa batok ko. Ang sabi ko s akanya sasabihin namin sa takdang panahon sa barkada!!! Pero ano?!! Sobrang advance!!! Hindi ako handa! Hindi ako prepared sa magiging reaskyon ng barkada. T^T

(-.O)

Pinikit kong muli ang isang mata kong minulat ko kanina. Paano ba naman! Grabeh ang titig at pagkabigla ni Luke!!! Waaa! Vince naman eh! Huhuhu!!!

Naramdaman ko naman na biglang inalis ni Vince ang pagkaka-akbay nya sa akin.

(O.-)

(O.O)

Hinigit nya kasi sa kwelyo si Vince ko. Agad ko naman itong pinigilan, “Hey Luke! Bitawan mo nga sya!” Galit kung sabi sa kanya. Bakit parang galit na galit sya?!

“Kyla… W-When the r-relationship s-started?” Tanong sa akin ni Luke ng hindi ako nililingon. Naka-kapit pa rin kasi ito sa kwelyo ni Vince. At kitang-kita ko sa mata nya ang tila pagka-galit. Ano ba tong nangyayari kay Luke! Hindi ko sya maintindihan. =_=

Sasagot na sana ako pero tumawa ng mahina si Vince, “Kung ako mismo ang sumagot? At kung sabihin ko na ilang weeks na ang nakakalipas ng maging kami? Anong gagawin mo?” He also smirked.

Mas nanggigil ang pagkakakapit ni Luke sa kwelyo ni Vince ko, “LUKE!! GET OFF YOUR HANDS ON HIM!!!” This time, sumigaw na ako at ginamit ang lahat ng lakas ko para matanggal ang pagkakakapit nito sa kwelyo ni Vince. Hindi ko alam pero iba ng nararamdaman ko. Mukhang may mangyayaring hindi maganda.

Inayos naman ni Vince ang sarili nya, “You’re not together right? He’s just joking around right?” Tanong naman ni Luke sa akin. Napatitig ako sa mga mata nya. Why I’m seeing through his eyes that his being hurting?

*Shake head*

H-Hurting? How can be a playboy can be hurt?

*Inhale*

*Exhale*

I hold Vince’s hand, “Yes, we’re together. We’re officially on.” 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: