Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 76

Chapter 76

Alisa's POV

3 R D  D A Y

Pinaghahandaan namin ang activity namin para mamayang gabi. Ang pinakaiintay naming lahat. Tinatawag ang game na gaganapin mamayang gabi na "Treasure in the forest". May mga mapa ka na hahanapin sa forest. Tas yung mapa na yun ang gagamitin mo para mahanap yung sinasabing treasure. Ang mananalo ay sure na may dagdag ang grades to all academic subjects. Wow di ba?! Kaya kailangan naming manalo.

Hinati naman kami sa tig-6 members sa isang grupo. Nakakatuwa nga dahil magka-team kami nina Kyla, Aaron, Ianne, at ni Ivan. Hinahanap nga namin ang isa pa naming ka-grupo. Cedrick? Ah oo! Cedrick Lance Duncan is the name. At sa pagkaalam namin, isa ring transferee. Ang sabi, susunod ito. Baka dumating na rin ito mamaya.

"Alisa, magka-group tayo!" Sabay akbay sa akin ni Ivan.

Umakbay rin naman ako sa kanya, "Oo nga eh! Haha! ^^" Kung ano-ano ang napag-usapan namin ni Ivan. Para ngang hindi kami nauubusan ng kwento. Si Kyla naman ay patuloy pa din ang pagtetext. Si Aaron at Ianne naman ay sobrang awkward sa isa't isa. Kami lang yata ni Ivan ang maingay dito sa grupo. At hanggang ngayon inaantay pa din namin ang isa pa naming member.

**

Magsasama-sama na ang magkaka-grupo. 6:15pm na. 6:30 ang simula ng game. Ipapaliwanag muna ng mga teachers ang gagawin.

"Wala pa yung isa nating ka-grupo! Tss!" At sa wakas, itinigil muna ni Kyla ang pagcecellphone nya. Baka napagod na rin siguro ang kamay nya kakatype.

"Oo nga. Hindi tayo makakapag-simula hangga't kulang tayo." Sabi naman ni Ianne. Napatingin naman kaming dalawa ni Ivan kay Aaron. Nakatitig lang sya kay Ianne.

"Aaron! Baka naman matunaw nyan si Ianne!" Sabi sa kanya ni Ivan.

Hindi sumagot si Aaron at lumihis nalang ito ng tingin.

"Okay students. Can I have all your attention?" Nag-usap na yung isang teacher sa mike. Mukhang ipapaliwanag na ang mga dapat gawin.

"May one and only rule dito. Bawal magsama ang dalawang magka-grupo or team para lang mahanap nila ang treasure. Iba't iba ang mapa na makukuha nyo kaya iba't iba rin ang treasure na mahahanap. And ofcourse, walang sinuman ang gagamit ng kamao. In short, bawal ang manakit para lang makuha ang mapa nila." Pagpapaliwanag ng isang teacher.

"Sino ba yang Cedrick na yan! Tss! Mahihigh-blood na ako! 6:24pm na oh!" Galit na sabi ni  Kyla.

Nakinig na kaming muli nina Ivan sa pagpapaliwanag. Kailangan naming manalo dito.

"Miss, eto ba ang A3?" Kuhit sa akin ng isang lalaki.

"Opo." Sagot ko naman sa kanya.

"Ako nga po pala si Cerick Lance Duncan. Sorry po kung na-late ako." Pagkatapos ay tumabi sya sa tabi ko.

"Okay lang." Sagot ko naman sa kanya.

"Hoy! Ano ka? Pa-V.I.P?!! Kaka-transfer lang pabigat na. Tss." Tas inirapan sya ni Kyla.

Napatungo naman si Cedrick, "Wag mong pansinin yan. May sayad yan. Haha!" Pagbibirong sabi naman ni Ivan kay Cedrick.

"Sorry po. Sorry po talaga. Ang dami ko po kasing inayos sa bahay. Tas nagdaan pa po ako ng supermarket." Sabi naman nito.

"Oh anong ginawa mo sa supermarket?! Bumili ng pagkain pang-hapunan at gabihan?! Ano ka?!! Para kang Nanay ko ah." Sabi ni Kyla.

"Bumili pa po kasi ako ng lollipop." Sabi nito. W-Wait... L-Lollipop? Hahaha!

"Lollipop? Nagpapatawa ka ba? Hahaha!" Tumawa naman si Aaron ng napakalakas.

"Peace offering ko sana." Sabay inabutan nya kami ng tig-iisang lollipop.

"Lollipop?! Penge pa kong isa! Kung kanina mo pa sinabing may peace offering kang lollipop eh di sana hindi kung ano-ano ang pinagsasabi ko!" Sabi ni Kyla kay Cedrick.

Tumawa naman si Cedrick, "Mahilig ka din sa lollipop?" Tanong nito kay Kyla.

"Oo eh. Ikaw din ba? ^^"

"Oo din eh. Haha!"

"Waa! Magiging lose tayo nyan! Apir! ^^" Tas nag-apir si Kyla at Cedrick.

Parang kanina lang ang taas ng dugo ni Kyla sa pagiging late ni Cedrick. Tas ngayon, vibes na vibes na sila? Ng dahil lang sa lollipop?

Nakinig naman na kaming muli ni Ivan, "May mga clues kayo na maaaring magturo sa inyo kung nasan ang mapa. May mga ribbons kayong makikita. And, susundan nyo ito. At makikita nyo ang mapa either nasa taas ito ng puno, ilalim ng lupa, sa may damuhan at kung saan saan pa. After na makuha nyo ang sinasabing treasure ng mga mapang makukuha nyo, isang representative ng grupo ang magbibigay ng isang paliwanag para sa nakuha nila. At dapat maiuugnay ito sa buhay. Sikreto kung ano ang treasure na mahahanap nyo. Nakasulat lang ito sa isang parang mapa din."

"Bibigyan rin namin kayo ng flashlights. At saka, ang unang makapagdala ng treasure nila sa dulo ng gubat na kung nasaan kami ang syang panalo. Hindi lang dagdag na grades ang makukuha sa academics. Magkakaron rin ng certificates ang grupo na mananalo. At pag nagka-retreat ang ibang year, makakasama kayo at tutulong sa pago-organized ng mga activities." Ah! Kaya pala may iba ding year na nakasama dito sa aming Retreat.

"At syempre, ang paghahanap sa treasure na ang pinakamahirap na part ng paghahanap. Madaming makakakuha ng treasure pero iisa lang ang pinaka-treasure. CLUE: Ayun ang pinaka-gusto ng lahat. Lalo na't pag malungkot at may naging masaya sa parte ng buhay nya."

"May chocolate na flavor nyan? Talaga? Bigyan mo ko!"

"Oo meron! Favorite ko nga yun eh! Ikaw? Anong gusto mong flavor?"

"Eh di yung strawberry flavor! ^^"

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Para silang bata na nag-uusap. At ang saya-saya pa ng mukha nilang dalawa.

**

"Okay. In just few minutes magsisimula na ang game natin. Pag pinutok ko ang baril it means tatakbo na kayo sa gubat to find the treasures na hahanapin nyo." Sabi nito. Hinahanap ng mata ko si Austin.

Nilibot ko ang mata ko. At sa wakas nakita ko na si Austin. May dala syang dalawang flashlights. At ibinigay nya ito kay...

"Sino sya?" Tanong ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Sinong sya?" Tanong naman ni Ivan na agad ring tumingin kung saan akong direksyon nakatingin.

"Ah! Transferee yan dito." Sabi naman nya sa akin.

"Ah." Yun nalang ang nasabi ko.

"Game. Malapit na mag-start. Ready?" Tanong sa akin ni Ivan.

"Ready!" Sagot ko naman sa kanya. Hindi pa din naaalis ang mga mata ko sa direksyon ni Austin at dun sa babaeng kausap nya. Iba ang mga ngiti ni Austin. Iba rin ang mga tawa nya. Hindi ko kaya syang pangitiin at patawanin ng ganun. Bakit ganto? Ba't parang nasasaktan ako? Hayy. Wala naman sigurong meaning ang mga ngiti ni Austin di ba? Mahal nya ako. I can even see his sincerity when he's saying those words to me.

"Alisa, okay ka lang?" I tried my best to smile. Ilang segundo nalang ay magsisimula na ang laro. Iisan-tabi ko muna ang iniisip ko. I really want to win this. We need to find our treasure.  

"Eto! Eto nalang!" Medyo pasigaw kong sabi. Halos lahat kasi eto ang iniiwasan na sundan. Ang pinipili nilang kulay ng ribbon ay yung mga yellow, pink, red, blue, green, etc.

"Oo! Yan nga yung ribbon na sinasabi!" Sabi naman ni Ivan, "Halika. Sundan natin yung black ribbon." Sabi nito at nauna ng maglakad.

"Ivan. Hindi kaya't ayan yung patibong? Black kasi eh." Tanong naman ni Aaron kay Ivan.

Oo, may patibong. Pag mali ang kulay ng ribbon na iyong sinundan at pagdating mo sa kadulu-duluhan ng nasabing ribbon at nakaabang na sayo ang mga head teachers. Talo ka na. Ang kulay ng ribbon na iyong susundan ay dapat mapa ang makikita mo sa kaduluhan nito. Isa lang naman daw ang patibong. Kaya isang grupo lang ang maaaring matalo kaagad. Lalo na't black ang kulay ng ribbon ang nakita namin. Malaki ang posibilidad na eto nga ang patibong.

"Hindi naman siguro." Sagot naman ni Ivan.

"Baka ang dulo nyan ay yung mga nag-aabang na na mga head teachers. Waa! Wag naman sana! Gusto kong manalo! Achievement din to!" Sabi naman ni Kyla.

"Hindi yan." Napatingin kami kay Cedrick na nagsalita, "Malakas ang pakiramdam ko na yung white na ribbon ang patibong. At paniguradong sila ang matatalo." Sabay turo ni Cedrick sa isang grupo na sinusundan ang white na ribbon.

"Paano mo naman nasabi?" Sabay-sabay naming tanong sa kanya.

"Kasi tayo ang iniisip natin na ang white ang laging tama. Tulad ng grupong yun. Hindi ba nila naisip na mas patibong ang pagpili sa white? At ang black na kung saan ayaw ng lahat magtungo ang sya pa na kung nasaan ang pinaka-treasure?"

Napa-isip naman kami sa sinabi ni Cedrick. He has a point, "I guess, eto na ang sundin nating ribbon." Sabi ni Ianne.

"I really agreed. Let's go na! May time limit din yan!" Sabi naman ni Kyla at nauna ng maglakad. Oo, may time limit din. 1 hour and 30 minutes lang ang oras namin. Kapag lumampas sa 1 hour and 30 minutes, kahit isang minuto lang at kahit na nasayo pa ang pinaka-treasure. Talo ka pa din. So, kailangan pa din naming bilisan ang paghahanap.

Naglakad kami at sinusundan ang black na ribbon na iyon. Ilang sandali lang ay napatigil kami sa isang puno, "Andito kaya ang mapa?" Sabay-sabay pa naming tanong. Inilawan ng flashlight namin ang puno.

"Ivan!!! Ayun!!"Tinuro ko ang papel na nakatali sa isang sanga ng puno.

"Tama ka nga Cedrick! Yes!" Tuwang-tuwa namang sabi ni Kyla kay Cedrick.

"Ako ang aakyat." Sabi ni Ivan ng ibigay nya sa akin ang flashlight nya.

Pinigilan ko sya, "Baka malaglag ka. Delikado. Gabi pa naman. Hindi mo makikita ang tatapakan mo." Nag-aalala kong sabi sa kanya.

Binigyan nya lang ako ng isang ngiti, "Wala ka bang tiwala sa kin? Kaya ko to. Saka... Alam kong may mag-aantay sa pagbaba ko ng puno." Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagkakasabi nya sa mga salitang yun.

"Ehemmm. Di ka pa ba aakyat?" Nag-fake cough pa si Kyla.

Umakyat na si Ivan sa puno. Medyo kataasan ito. Pero ilang sandali lang ay nakuha na nya ang mapa. Dahan-dahan rin na syang bumaba ng puno. Medyo napayakap sya sa akin ng makababa sya sa puno.

"Anong nakalagay?!" Sabay sabay naming sabi.

Sundan ang arrow na kulay red at makikita pa ang isang mapa.

"Sundan na naman?! Eh parang ang layo pa natin sa treasure na sinasabi! Tss! Lamig na lamig na ko dito!" Sabi naman ni Kyla.

"Eh bakit ka kasi nag-short? Naka-sando ka lang tas nilagyan mo lang ng jacket! Dapat nag-t shirt ka nalang!" Sabi naman sa kanya ni Ivan.

"Tss. Buti pa si Ianne doble ang jacket." *pouts* Oo, binigay kasi ni Aaron ang jacket nya dito. Hindi naman nag-dalawang isip na kuhanin ni Ianne yung jacket. They still have same feelings for each other. Halata sa mga kilos at tingin palang ni Ianne ay mahal pa talaga nya si Aaron.

"Eto nalang akin ang gamitin mo." Nilagay naman ni Cedrick ang jacket sa likod ni Kyla.

"Buti pa ang transferee binibigyan ng jacket ang tulad ko. Hindi tulad ng iba dyan! Simula high school magkakilala na kami. Pero ni-hindi man lang naiisip na nilalamig na ang kaibigan nya naka-suot ng short at sando at jacket na manipis." Mapang-asar na sabi ni Kyla. At halatang-halata na si Ivan ang tinutukoy nya.

"Naka-save kasi to para kay Alisa! Baka kung sakaling lamigin sya." Sabi naman ni Ivan dito. Unti-unti nyang tinanggal ang jacket nya at ipinatong sa akin.

"H-Hindi naman ako nilalamig eh." Sabi ko naman sa kanya. Medyo makapal din kasi ang t-shirt ko. Kahit naka-shorts lang ako hindi naman ako masyadong tinatablan ng lamig.

Ngumiti sya, "Hindi ko na kayang hintayin pang lamigin ka bago ko pa ibigay ang jacket ko." Naka-ngiting sabi nya sa akin.

"Ehemmm. Baka pwedeng sundan na natin yung arrow?" Sabay na pag-ubo at sabi ni Kyla at Cedrick.

Sinundan na namin yung arrow. Nawala na ang kaba na meron kami kanina. At least ngayon, alam na namin na hindi kami ang napapunta sa may patibong. At malaki rin ang posibilidad na makuha rin namin ang pinaka-treasure.

"Asan dito?" Tanong namin sa isa't isa. Last na kasi na arrow ang sinusundan namin.

"Pinagloloko yata tayo ah!" Sabi naman ni Kyla.

"Andito lang panigurado yung mapa." Sabi naman ni Aaron.

"Nahapin nalang siguro natin dito sa area na'to." Sabi naman ni Ianne.

"Ako ita-try ko maghukay sa lupa. Di ba ayun ang isang pwedeng paglagyan ng mapa?" Tanong ni Cedrick.

"Oo. Ako naman sa punong yun." Sabay turo naman ni Ivan sa isang puno.

"Oh sige. Ako sa may damuhan." Sabi naman ni Kyla.

Hindi na ako sumagot kundi naghanap nalang sa ground. Limang minuto na siguro kami naghahanap pero ni-isa sa amin ay walang makakita.

"Wala dito sa may puno!"

"Wala rin dito panigurado sa may lupa! Para akong aso na hinukay na laaht ang lupa dito!"

"Wala rin dito sa may damuhan!"

"Wala rin dito eh. Pano yan?"

Isang napakalakas na hangin ang dumampi sa aming lahat dahilanan para mapa-urong ako at mapayakap sa sarili ko. Naka-apak ako ng isang bote. Niluhod ko ang sarili ko, "Hindi kaya't nasa loob nito?"

"Buksan natin bestfriend!" Binuksan ko naman ito. Hindi ako nagkamali. Isang mapa naman ang nasa loob nito.

Ayun talaga ang nakalagay. Hindi namin ma-gets ito. Ilang minuto kaming nag-isip kung ano ang ibig sabihin nito.

"Hindi kaya't nasa ilalim ng lupa ang isa pang mapa?" Dali-dali naming hinukay ang lupa kung saan ko nakuha ang bote na ito. Hindi kami nagkakamali at nakita namin ang isa pang mapa.

The Last Map: Sundan ang bakas ng paa. Kapag nakatungo o natatanaw na ang isang malalim na bangi o isang kweba, may makikitang isang lubid. Gagamitin ito para makuha na ang treasure na nakalagay sa isang parang mapa na nakasabit sa medyo kailalilaliman ng kwebang natukoy. Nakasabit lang ito sa mga halamang damo na nakapalood sa may dingding ng kweba.  BABALA: Mag-ingat sa pagkuha ng treasure na ito. Kung mahuhulog ka man, bukas ka na ng umaga mare-rescue.

Halos mapalunok kaming lahat sa nabasa. Tumingin sa orasan si Aaron, "We have 35 minutes left guys. Mukhang mahihirapan tayo sa last map na yan. Kailangan nating bilisan." Sabi nito.

Maglalakad na sana kami para sundan ang bakas ng mga paa pero pinigilan kami ni Kyla, "Hindi ba't delikado? Habang maaga pa, pwede pa tayong bumalik sa kampo! Ninenerbyos ako sa pwedeng mangyari! Takot ako sa mataas na lugar! Baka ako ang pababain nyo dun sa kwebang yun para kuhanin yung treasure! Hindi pwede! Hinding-hindi!" OA naman na sabi ni Kyla sa amin.

Natawa naman kaming lahat, "Syempre hindi ikaw ang baba. Isa kina Ivan, Cedrick at A-Aaron ang baba. Sila kaya ang mga lalaki!" Sabi naman ni Ianne dito.

Napakamot naman ng batok si Kyla, "Oo nga noh. P-Pero! Ganun din eh. Baka may mangyaring masama ang isa sa atin. Hindi pwede!" Pigil pa rin sa amin ni Kyla.

"Ay nako Kyla! Tumabi ka na nga! Sayang ang oras!" Sabay tabig nina Aaron at Ivan kay Kyla.

"Kyla, nasimulan na natin. Eh di tapusin na natin! Haha!" Sabay tapik ko sa likod ni Kyla at sumunod na kina Ivan at Aaron na nauuna ng maglakad.

**

"Eto na siguro yung kwebang tinutukoy ano?" Sabay-sabay naming tanong sa isa't isa. Hawak na rin namin ang lubid na aming gagamitin para makuha ang treasure.

"Oo. Eto na din ang last na bakas ng paa eh." Sabi naman ni Ianne, "So... Sinong lalaki ang bababa?" Dagdag na tanong nito.

Inilawan naman namin gamit ang flashlight namin ang bangin na malalim na kweba na ang ilalim nito, "Ayun! Ayun yata yung treasure!" Sabay na sabi naming ni Kyla at tinuro ang mapa na nakasabit sa mga halamang damo na nasa may dingding ng ilalim ng kweba.

"Hindi naman pala ganoon kalalim eh! Ako nalang!" Malakas na loob na sabi ni Aaron at kinuha na ang tali at akmang itatali na ito sa bewang nya pero pinigilan sya ni Ianne.

"Do you think na papayag ako na bumaba ka dyan?! Masyadong delikado Aaron! Kung mapigtal yung tali? Paano ka? Buong gabi ka sa ilalim ng kwebang yan! Bukas ka pa marerescue!" Nag-aalalang sabi ni Ianne kay Aaron.

Nagkatinginan naman kaming lahat at nagka-ngitian sa isa't isa. Ganoon din naman si Vince, "Oh paano ba yan? Ayaw ng prinsesa ko. Sino na ang bababa?" Sabay bigay kina Ivan ng tali.

"A-Ak--?" 

"Ako nalang siguro." Napatingin kaming lahat kay Cedrick na nagsalita.

"Mag-ingat ka." Bilin ko kay Cedrick ng maikabit ko sa bewang nya ang lubid.

"Haha! Oo. Ako pa. Basta ilawan nyo ko ha." Sabi naman nito.

"Cedrick. Basta pag may nangyari sayo at nalaglag ka dyan sa ilalim ng kwebang yan. Isipin mo lang ang mukha ko para hindi ka matakot. Isipin mo nalang na may bago kang kaibigan na kailangang babalikan. Kaya dapat walang mangyaring masama sayo ha?" Sabi naman dito ni Kyla.

"Ang drama mo Kyla! Bilisan na natin! 20 minutes nalang!" Sigaw dito ni Aaron.

Unti-unti na naming ibinababa ang lubid. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Kailangang matibay ang lubid nito. At kung hindi, mayayari sa akin ang head teacher na nag-asikaso nito!

"Konti pa!" Sigaw ni Cedrick na unti-unti ng nakakababa.

"Ano?! Okay na ba?!"

"Konti pa." Sabi ko naman. Ako kasi ang natingin kung malapit ng makuha ni Cedrick yung mapa na kung saan nakapaloob ang treasure. Saka ako rin ang nag-iilaw sa kanya. Sana kami nga ang nakakuha ng pinaka-treasure. Ay nako! Napakahirap kaya ng ipinigawa nila sa amin!

"Konti nalang! Maabot ko na!" Sigaw na naman ni Cedrick.

"Ayan! Ayan na!" Medyo natataranta kong sabi. Konti nalang kasi at maabot na ni Cedrick yung treasure. Oh god... Tulungan nyo po si Cedrick.

"Yes! Hawak ko na!" Sigaw naman ni Cedrick dahilanan para ikatuwa naming lahat, "Iakyat nyo na ko!" Sigaw nito.

"Yes! Yes! Yes!" Sabay sabay naming sabi.

Nakitulong na rin ako sa pag-aakyat kay Cedrick, "Kyaaaa! Ang galing mo!" Sa sobrang saya namin nila Kyla at Ianne, napayakap kami sa kanya.

"Ay ganun? Si Cedrick may yakap? Kami wala?" *pouts* Sabi naman ni Aaron.

"Awsuuu! Nagiinarte ka na naman Aaron ha! Itulak kita dyan eh!" Sabi naman ni Kyla dito.

"Wag. Ni-hindi pa nga kami nagkakabati ng prinsesa ko eh." Sabay akbay kay Ianne. Ngumiti naman ng pa-simple si Ianne. Ayieee! Kinikilig ako sa dalawang to!

"Teka! Ano ba ang treasure na nakuha natin?!" Tanong ni Kyla.

"Oo nga. Ano nga ba?" Tanong ko naman.

 Tinanggal naman na ni Cedrick yung pagkakatali, "Time Machine?" Sabay-sabay naming sabi.

"Patingin nga!" Sabay kuha ko dun sa papel.

Time Machine: Going back or going fast forward to the future.

Ang nakalagay sa unahan. Tiningan ko ang likod kung may nakasulat.

CONGRATULATIONS!

Kayo ang nakakuha ng pinaka-treasure! Now, pumunta na sa dulo ng kagubatan na ito. Run as fast you can guys! Lalo na't ilang minuto nalang ang natitira.

Binasa koi to sa kanila na may halong saya at pagkatuwa. Napatingin naman kaming lahat sa orasan namin, "5 minutes left!"

"Kailangan na bating tumakbo!" Tumakbo na kami. Ako ang may hawak ng treasure namin. Nauunang tumakbo sina Cedrick at Kyla. Kailangan naming bilisan. Ng sa di inaasahan natapilok ako.

"Sht." Napa-sht nalang ako. Napatingin ako sa hita ko. Nagka-gasgas at nagkadugo ito. At mukhang may bali na rin ang paa ko.

"Alisa!!" Sa pagsigaw ni Ivan ng pangngalan ko, napatigil ang lahat sa pagtatakbo.

"Bakit kayo tumigil?!!! Bilisan nyo! Ugh! Sambutin nyo!" Sabay bato ko sa kanila nung treasure, "Tumakbo na kayo! Bilisan nyo!" Sigaw ko sa kanila.

"Alisa, okay ka lang? Pasan ka na sa likod ko." Sabi sa akin ni Ivan.

"Okay lang ako." Tatayo na sana ako pero natumba ako.

Nagulat nalang ako ng bigla akong ipasan ni Ivan sa likod nya. Kita ko sa mukha nya ang mga ngiti, "Bakit ka na-ngiti?" Tanong ko sa kanya.

"Masaya lang ako." Sabi naman nya.

Pilit ko namang sinisilip ang mukha nya, "Bakit? Dahil ba tayo ang panalo?" Tanong ko sa kanya.

"IVAN! BILIS!" Sigaw sa amin ni Aaron. Dahilanan para tumakbo na si Ivan kahit pasan-pasan pa nya ako. Sa bilis ng pagtakbo nya, ni-hindi ko man lang naramdaman na nangangalay sya sa pagkakabuhat sa akin.

"CONGRATULATIONS to A3!!!" Tuwang-tuwa kami dahil kami ang nanalo! Yes! Binigyan kami ng tig-iisang certificates. Tas isang card na patunay na pwede kaming sumama sa mga retreats ng ibang year levels. Yey!!! ^o^

Pinagpapahinga muna kami ng 30 minutes. After naming magpahinga, isang representative ng grupo ang magpapaliwanag. Si Ivan naman ay nag-volunteer sa amin.

"Isa-puso mo ang mga linyang bibitawan mo Ivan! Tagalog dapat! Para malalim! JOKE! Kaw bahala kung English ang gusto mo! Hindi ko kasi maintindihan pag-English eh. Hihihi." Sabi naman ni Kyla.

Tumayo ako, "Oh san ka pupunta?" Hawak sa kamay ko ni Ivan.

"Kukuha lang ako ng tubig." Sabi ko naman.

Tumayo naman sya, "Ako na."

Pinitik ko ang noo nya, "Anong akala mo sa kin hindi marunong maglakad? Hindi na naman kaya ganoon ka-sakit! Kaya ko na noh!" Naka-ngiting sabi ko sa kanya, "Saka, pag-aralan mo nalang ang ieexplain mo dun sa unahan mamaya."

"Tss. Basta bumalik ka kaagad ha." Umupo na syang muli. Si Ivan talaga. Malamang babalik ako kaagad. Eh ang lapit-lapit lang kaya ng pagkukuhanan kong tubig.

Medyo dahan-dahan akong humakbang. Medyo masakit pa din kasi. Pero... Napahinto ako sa paghakbang ko ng makita ko si Austin na hawak ang kamay ng isang babae. At nakita ko rin ang isang lalaki na nakatalikod. T-Teka... Si Cedrick to ah!

"Au----" Hindi ko na naituloy ang pagtawag ko sa pangngalan nya.

"You planned all of this Charles huh?!" Sigaw na sabi ni Austin sa lalaking nakatalikod. Kitako ang paghigpit ng hawak ng kamay ni Austin dun sa babae. This time, napahawak na rin sa kamay ni Austin ang kamay ng babae at sabay sabing....

"I won't lose you again, Kate." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: