I'm Married ♡: Chapter 75
Chapter 75
Alisa’s POV
“Ivan!” Sigaw ko kay Ivan. Itatanong ko lang sana kung baka nakita nya si Austin. Nasa maleta kasi ni Austin yung laptop ko. Balak ko kasing manood ng movie. Yung ’50 First Dates’, ipagpapatuloy ko sanang panoodin. ^^
Unti-unti akong nahakbang papalapit sa kanya. Ba’t parang nakakita sya ng multo?, “Si Austin nakita mo ba?” Tanong ko sa kanya pero parang tila nagulat pa din sya sa akin.
“A-Alisa.” Magkaharapan na kami ngayon.
“Okay ka lang?” Tanong ko sa kanya. Para syang nilalagnat na hindi mo maintindihan. O kaya naman para syang nakakita ng multo sa sobrang pagkakagulat.
Tumingin sya sa gawing kaliwa. What is he looking at? Akmang titingin na sana ako pero bigla nya akong niyakap. Umikot naman sya. Bali parang nagpalit kami ng pwesto. Ano ba tong nangyayari kay Ivan? Hinawakan naman ng isa nyang kamay ang ulo ko. Ibinaon nya ang sarili nya sa leeg ko.
“I don’t want to see you in tears.” Bulong nya sa taenga ko. Halos makiliti ako sa mainit na hininga nya sa pagbulong sa taenga ko. Unti-unti ko ring binalikan ang yakap nya sa akin.
Ipinikit ko ang dalawa kong mata habang yakap-yakap ko sya.
“Oo Alisa. Tayo dati. 4th year high school tayo nun. Mahal na mahal mo ko non. Natatandaan mo na ba?”
Mga salitang sinabi sa akin ni Ivan. I wanted to believe him. But, I’m still in the state of confusion. Kung kami ni Ivan, how can I be engaged to Austin? The teen age pop star?
Hindi. Hindi. Nagkakamali lang siguro si Ivan? Si Austin yun. Si Austin ang boyfriend ko dati. Kaya nga kami kinasal di ba? Dahil mahal namin ang isa’t isa?
Lahat ng mga katanungan ko sa isip ko ay hindi ko pa din naitatanong kay Austin hanggang ngayon. I can’t have a chance to ask him. Lagi nga kaming magkasama pero parang may iba syang iniisip. May time sya na malambing at may time din sya na parang bigla syang nanlalamig. Sobra na akong naguguluhan sa kanya in these past few days.
****
2 N D D A Y
“Kyla, pakitulungan naman ako dito.” Sabi ko kay Kyla. Ang hirap kasing buhatin nitong flower pot. As in sobrang bigat nya. Wala naman si Austin para tulungan ako. Kanina ko pa sya hinahanap pero hindi ko sya makita.
“Ahihihihi!!!” Tila kinikilig na si Kyla.
“Kyla!!!” Sigaw ko sa kanya.
“Ayy! Beshfwend naman eh!! Ahihihi! Wait lang!! ^^” Actually, pang-lima nan yang sabi yan sa akin. Kanina pa sya nakaharap sa cellphone nya at nakikipagtext. Kahapon pa yan sa bus. =_= Ayaw rin naman nyang ipakita sa akin kung sino yung ka-text nya.
“Alisa, tulungan na kita.” So here’s my savior.
“Thank you! ^^” Sabi ko sa kanya.
“Sino yung katext ni Kyla?” Tanong naman sa akin ni Ivan ng ibaba nya yung flower pot.
“Ewan ko nga eh.” Sabi ko habang nakatingin pa din kay Kyla na sobrang lapad ng mga ngiti habang nagtetext.
“Alam mo… Ganyan din si Vince.” Nagkatinginan naman kaming dalawa.
His eyes.
His nose.
His lips.
Shemsss! Pinagpapantasyan ko si Ivan!!! -_- Ang pogi nya kasi talaga. *u*
“Alisa?” Bumalik nalang ako sa ulirat ko ng tawagin nya ang pangngalan ko. Napatigil tuloy ako pagdeday-dream. Tss.
“H-Ha? May tinatanong ka?” Tanong ko sa kanya. Medyo kasi may narinig akong tinatanong nya sa akin kanina.
“Oo. Kung nasan si Austin?” Tanong nya at tumitig sya sa mata ko.
How that looked supposed to be mean?
Bakit parang kakaiba yung tingin nya sa mata ko? May gusto ba syang sabihin?
“You know what… Parang may gusto kang sabihin sa akin.” Sabi ko sa kanya ng hindi sya nililingon. Halatang-halata kasi. Kung meron nga syang gustong sabihin, I know sasabihin nya sa akin yun. At kung mangsinungaling man sya, fine.
“W-Wala ah.” Ramdam ko ang pagkakailang nya. See? May tinatago sya sa akin.
Hinarap ko sya, “Weh? Meron eh.” Tinusok ko sya sa tagiliran.
“Alisa! Hahaha! Gusto mo nyan ha! Game!” Tapos tinutusok-tusok nya rin ako sa tagiliran ko. Ako naman ay todo-iwas. Tumakbo naman ako para hindi nya ako makiliti sa tagiliran ko.
Pero ilang sandali lang ay naabutan nya ako dahilanan para mapakapit sya sa bewang ko. Humarap ako sa kanya at pinisil ang ilong nya, “Ang cute cute mo! Hihi. Crush na tuloy kita! ^^”
O____O
Hala!! Ano ba tong pinagsasabi ko?!!!
Austin’s POV
“Hindi ka ba nagugutom? Baka may gusto kang kainin?” Tanong ko kay Cait--- Kate. Naglalakad-lakad kasi kami ngayon. Di naming alam kung saan kami tutungo. Bahala na ang mga paa namin kung saan kami madadala. Habang ang lahat ay busy sa pag-aayos, eto kami at namamasyal.
“Meron.” *pouts*
Napatigil ako sa paglalakad, “Talaga? Ano yon? Kanina pa tayo magkasama hindi mo man lang sinasabi.” Sabi ko sa kanya. Ni-hindi man lang kasi sya nagsabi na nagugutom pala sya. Kasi ako busog na. Busog na dahil kasama ko naman sya. Parang kompleto pa din ako kahit hindi ako kumain.
“Anong gusto mo? Bibili kita.” Sabi ko sa kanya.
“Wag na. Nahihiya ako.”
“Don’t be. Ano nga yun? Ibibili kita. Ayan lang yung bilihan oh.” Sabay turo ko dun sa medyo malaking bilihan ng mga pagkain dito sa loob ng Retreat house.
“Wala naman dyan ang gusto ko eh.” Tas naging malungkot ang mukha nya. At hindi magkaka-ilang si Caitlin nga sya.
Eto ang ayoko sa lahat. Ang maging malungkot ang mukha nya. Simula pagkabata pa lang namin, gusto ko lagi ko syang makikitang nakaka-ngiti. Mas lalo ko kasi syang nagiging crush noon pag lagi syang naka-ngiti.
“Eh ano ba gusto mo?” Tanong ko sa kanya. Kung kailangan ko pa kumuha o humingi ng permit para lang makalabas ng Retreat house gagawin ko para lang makabili ng kung ano mang gusto nyang pagkain.
“Ibibili mo ko?” *u*
“Oo naman.”
“Talaga?” *u*
“Oo nga. Haha!”
“Promise?” *u*
“Promise. Close my heart. Hope to die. Haha!”
“Talaga ha? Haha!” Tas bigla naman syang nag-isip.
“Ummm. Vanilla cake!!!” Biglang naging masigla ang boses nya. Inilagay nya ang dalawa nyang kamay at nilagay ito sa dalawa nyang pisngi, “Talaga bang ibibili mo ko?” Ang ganda ng mga mata nya. Bumaba ang tingin ko sa ilong at labi nya. She’s really Caitlin. And that lips is my first kiss.
“Uy!” Sabay hampas nya sa akin dahilanan para bumalik ako sa ulirat ko.
Napahawak naman ako sa braso kong hinampas nya. Halos nanumbalik lahat ng masasayang alaala namin noong bata pa kami. Pero paano ko masasabi sa kanya ang lahat ng mga yon kung kahit pati ako naguguluhan sa pagbabago ng katauhan nya?
“Oo naman! Ibibili kita. Wait lang.” Sabay kuha ng cellphone ko at di-nial ang contact number ng cake shop na kung saan kami nagkitang muli. Binigyan kasi nila ako ng contact number nila para daw baka sakaling gusto ko daw magpa-deliver sa kanila. Kasi nga di ba busy ako ng tao at minsanan lang ang paglabas-labas ko sa talagang ganung mga lugar.
“1 Vanilla cake. And 1 mocha.”
“1 whole.”
“Deliver it to *blah blah*”
“Kate, is if okay if it takes an hours to deliver it?” Lumingon ako sa kanya.
“Waaa! Oo naman! Kahit ilang oras pa! Basta’t may cake pa rin ako na makakain!! ^^” Masayang sabi naman nya.
“Yes. Okay. Thank you.”
Tas in-end ko na yung call at bumalik na sa upuan namin.
Umubo sya, “Umm. Austin… Pwede bang magtanong?” Naging seryoso naman ang boses nya.
“Sure. Ano yun?” Tanong ko naman.
Napakamot naman sya sa ulo nya, “Nakakahiya eh. Hayyy. Gusto ko lang kasi talagang sayo magmula.” Hindi ko gets ang sinabi nya.
“What do you mean sa akin magmula?” Tanong ko sa kanya.
“May girlfriend ka na talaga? At yung babaeng ba yun ang kasama mo dun sa praying? Pati same ba kayo ng building?” Dire-diretsong tanong nya. Buong mundo alam na na may girlfriend na ako. Himala nalang kung hindi nya alam yun. Medyo nagulat lang ako sa tanong nya ngayon dahil hindi ko inakalang bubuksan nya ang usapang tungkol dito.
“O-Oo. Sya yung kasama ko sa praying. At oo, same kami ng building.” Mas lalong naging malungkot ang mukha nya.
“Akala ko hindi totoo. Akala ko fake couple lang kayo. Waaa! Ba’t ako nag-assume ng ganun!!!” Sabay hampas nya sa table. Nagulat naman ako sa ginawa nya.
“Akala ko talaga!!! Waaa!!! Hindi kasi ako naniniwala sa mga news sa internet!!! Aba’y malay ko ba na totoo na pala yun!! Huhuhu.” Sabi pa nito.
Pinisil ko ang dalawa nyang pisngi, “Ang cute cute mo talaga.” Naka-ngiti kong sabi sa kanya.
Nag-blush naman sya sa ginawa ko at tila nanahimik. Pero ilang sandali lang ay nagsalita na syang uli at nagkwento ng kung ano-ano. At dahil dun mas nakilala ko sya ng mabuti. At halos lahat ay katulad ng mga gusto at ayaw na mga bagay ni Caitlin.
Halos ilang oras kaming nagkwentuhan. Nagkuhanan na din kami ng mga litrato. Ganun pa din ang mga ngiti nya sa camera. Walang pinagbago. Kung ano-ano lang ang napagkwentuhan namin. Pero, ni-isang beses hindi ko naitanong sa kanya kung sino ang Hershey nya. Kinakabahan ako sa maaaring maging sagot nya. Natatakot ako na baka si Cedrick yun.
Ilang oras lang ay may naghatid na sa aming isang guard ng dalawang cake. Pinaabot ko na rin sa kanya yung bayad ko. Syempre, nagbigay na rin ako ng tip para sa guard. Ganun din naman sa pagbili ng cake. Sinobrahan ko na ang bayad ko. Aba, ang layo kaya nito.
“Dun natin kainin!! ^^” Sabay turo dun sa building kung saan dun nakain ang lahat ng estudyante.
“May free water kasi dun! ^^ Hihi.” Sabi pa nya at hinigit na nya ang kamay ko.
Habang naglalakad kami papunta doon. Medyo nakakahiya lang. Kasi halos lahat ng estudyante may ginagawa. Samantalang kami, eto… Kakain ng cake! Haha. Wala rin namang ibang ginagawa yung iba eh. Naglalandian lang.
“Uy! Okay ka lang?” Tanong sa akin ni Kate. Napatigil kasi ako. Nakatitig kasi ako kay Alisa at Ivan na sobrang sweet na naghahabulan. Ganun ba sila dati? Pakiramdam ko, may tutulong luha sa mata ko dahil sa nakikita ko ngayon.
“Awwwch!” Sabay himas ko sa braso ko na sinuntok muli ni Kate.
“Ano ba yung tinitingnan mo?!”
“Wala wala! Halika na! ^^” Umakbay ako sa kanya. I tried my best to smile. Kahit sa loob-looban ko, nasasaktan ako.
****
“Bakit parang nanahimik ka yata?” Tanong nya sa akin habang nakain na kami. Kami lang dalawa ang nakaupo sa malaking table dahilanan para pag-tinginan at pag-usapan kami ng mga head teachers and cooks dito.
Nginitian ko sya, “Masarap kasi tong pagkain.” Sabi ko naman.
“Masarap? Eh hindi mo pa nga nababawasan!” Agad akong napatingin sa cake ko. Hindi pa pala ako nakakasubo. Pero nagkahiwa-hiwalay ang mga pieces ng cake. Napaglaruan ko yata. Ang lalim kasi ng iniisip ko.
“E-Eh? Haha!” Sabay sunod sunod na subo ko dun sa cake. Pakiramdam ko nga hindi ko masikmura yung cake na kinakain ko. Lalo na’t wala ako sa mood kumain. Parang gusto kong humiga nalang sa kama at mag-isip isip.
“Buti nalang at hindi ka naiinis sa akin noh?” Tanong naman nya.
“Bakit naman ako maiinis?” Tanong ko naman sa kanya.
“Kasi ang kulit kulit ko.” *pouts*
Tumawa naman ako, “I like you better that way.” Naka-ngiti kong sabi sa kanya.
At sa tingin ko, I made her blush again.
“New transferee lang sya pero close na agad sila ni Papa Austin ko?!”
“Tss! Bakit puro transferee ang mga napapalapit kay Austin! Kainis!”
“Kaya nga! Pero.. Teka… Bat hindi si Alisa ang kasama nya?”
“Oo nga! Eh di ba girlfriend nya yun?”
“Baka LQ.”
Usap-usapan ng makadaan kami sa tatlong babae na nag-uusap.
“Thank you talaga ha! ^^ Nag-enjoy talaga ako!” Masayang sabi nya sa akin.
“Nag-enjoy din ako. Thank you din.” Naka-ngiting sabi ko sa kanya. Buong araw kasi kaming nagkasama. Pagkatapos ng makita ko sina Alisa at Ivan na sweet na naghahabulan, hindi ko na ulit silang nakita. Kung napagod man ako. Panga ko yun. Sa sobrang dami namin pinagkwentuhan ni Cait--- Kate! Hayyy! Kailangan ko na talagang maliwanagan kung sino ba talaga sya. Pero sigurado talaga ako na sya si Caitlin.
“Sige pasok na ko! Maliligo muna ako.” Sabi naman nya at inamoy ang sarili, “Ang baho ko na kasi eh.” Tas bigla syang lumapit sa akin at inamoy ang leeg ko.
O_________O
“Bakit ikaw pinagpawisan ka na’t lahat pero ang bago bango mo pa din at dikit-dikit pa din ang cologne mo?” Tanong naman nya.
Napatawa nalang ako sa sinabi nya, “Pero bakit si Hershey ko wala pang isang oras wala na yung bisa ng pabango nya? Hahaha! Local kasi! Bwahahhaha! Yari ako!! Susunod nga pala yon dito!!” Tas tumawa sya.
At naaalala ko na naman. Oras na siguro para tanungin ko sa kanya kung sino si Hershey nya.
“Sino si Her-----“
*Grrrrr*
Napahawak sya sa tiyan nya, “Aray… Waaa! Tinatawag na ko ng kalikasan!!! Uwaaa! Bye!” Sabay takbo nya papatakbo sa room ng mga girls.
Shete naman oh. Pagkakataon na eh. Tss. Makabalik na nga lang ng building namin. Akmang aalis na ako pero may tumawag sa pangngalan ko na mga babae. At kung bakit nila ako tinawag? Papa-picture lang naman sila. At sa pagkakatanda ko, pang-limang beses ng pa-picture sa akin nito ng barkadang to.
Papasok na sana ako ng pintuan ng building pero agad napaurong ang mga paa ko na makita sina Alisa at Ivan na papalabas din. I guess, they will walk together. Hayyy. Magkasama na naman sila.
Tumalikod ako sa kanila. Ramdam ko ang hangin na pagdaan nila. Rinig na rinig rin ang malakas na tawa ni Alisa. Bilang na bilang kung paano sya tumawa ng ganyan pag kasama nya ako. Tiningnan ko lang sila na naglalakad papalayo. Parang unti-unti ring tinutusok ng karayong ang puso ko. Kitang-kita sa mukha ni Alisa ang mga ngiti at saya nya pag kasama si Ivan.
Kasal kami… Pero hanggang papel lang.
Asawa ko sya… Pero hindi ko masabing ‘akin’ sya.
Mahal ko sya… Pero masyadong komplikado ang lahat.
Masaya na siguro kami ngayon… Kung hindi lang nagtagpong muli ang landas nila ni Ivan.
Nag-desisyon akong maglakad-lakad nalang ulit. Para naman medyo gumaan-gaan ang loob ko. Kailangan ko ng tahimik na lugar para makapag-isip isip.
Umupo ako sa isa sa semento na inuupuan rin ng mga estudyante pag tambayan.
“Kailan nya kaya ako sasabihan ng I love you?”
Bawat salitang binanggit ko. Syang dobleng sakit na nararamdaman ko. Ayun kasi ang mga salitang hindi ko pa naririnig sa kanya. Mga salitang gustong-gusto ko ng marinig. Para siguro akong nasa langit pag narinig kong magmula sa sarili nyang bibig yun.
Hindi ko namalayang may tumulong luha na pala sa mata ko. Nakakainis. Lagi nalang ako napapaluha. Nagiging luhain na yata ako ngayon. Tingin ko kailangan kong ilabas ang lahat ng nararamdaman ko.
“Alisa… Kung bumalik man ang alaala mo… At si Ivan pa din ang pipillin mo hanggang sa huli… Baka hindi ko kayanin. Sana wag mangyari. Sana ako pa rin ang piliin mo kahit na isang kahilingan lang ang meron tayo. Sana ako na yung mahal mo.” Mukha akong tanga na kinakausap ang sarili. Pero anong magagawa ko? I want to expressed all my thoughts. Hindi ko kasi kayang sabihin ang lahat ng iyan kay Alisa.
“Alam mo ba Alisa… Kung papipiliin ko kung si Caitlin ba o ikaw… Ikaw pa din ang pipiliin ko.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro