Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 72

Chapter 72

Alisa’s POV

“Ang ganda!! ^o^” Sabay takbo ko. Uwaaa! Ang ganda naman!

Iniwan naman namin ang mga gamit namin sa loob ng sasakyan nya. Tiningnan ko ang buong paligid. Walang tao ang narito. Tanging kami lang ni Ivan. Sobrang tahimik. Ang sarap sa pakiramdam. Simoy ng hangin at ng mga alon ang iyo lang maririnig at madadama.

Ang galing naman pumili ni Ivan ng place na pwedeng puntahan. Feeling ko talagang makakapag-relax ako. Mga hanging nahampas sa mukha ko, pakiramdam ko nawala na agad yung lungkot ko.

Pinikit ko ang dalawa kong mata.

“Hello?”

“Alisa.. Sorry. Hindi yata kita masusundo. Kung masusundo man kita, baka mag-intay ka pa ng matagal. Sobrang busy lang talaga. Sorry. Sorry.”

“Austin!!”  Isang boses na babae ang narinig ko, “Coffee you want?”

“No, thanks. Umm, Alisa. I really need to go. Bye.”

“Ah. H-Hehe. G-Ganun ba? Sige. Uuwi nalang ako ---“

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang nya itong binaba.

Minulat kong muli ang dalawa kong mata, naluluha na pala ako. Bakit kasi ganto yung nararamdaman ko? Parang may mali. Pakiramdam ko, may iba pa syang pinagkakaabalahan.

“Natahimik ka?” Bumalik nalang ako sa ulirat ko ng tanungin nya ako.

Ngumiti ako, “Ang sarap pala dito.” Pagiiba ko ng topic. Ang hirap ngumiti, lalo na’t alam mong hindi ka naman talaga masaya.

Nagulat nalang ako ng bigla nyang tanggalin ang suot nyang sapatos at hinawakan ng kaliwa nyang kamay ito. Hinawakan naman ng kanang kamay nta ang kamay ko at sinabing, “Sulitin na natin to.” Naka-ngiting sabi nya sa akin.

“Teka.. Saan tayo pupunta?!” Tanong ko sa kanya ng pinigilan ko sya sa paglalakad.

“Maglalakad lang tayo dun.” Sabay turo dun sa may tubig.

“A-Ano? Wag na.” Pero syang pilit pa rin nyang pag-higit sa akin.

“Please?” *puppy eyes*

>O<

KUWAIIII!!! Ang cute nya! *u*

In the end, napapayag nya ako. =_=

“Ang lamiggg!!” Sigaw ko ng mapaurong ako dahil sa sobrang lamig ng tubig. Parehas kaming nakayapak ngayon. Hawak hawak namin sa magkabilang kamay ang mga saplot namin sa paa. Magkahawak rin ang aming mga kamay.  Hindi ko kayang itabig ito dahil tila may napigil sa sarili ko. The truth is… I’m really comfortable having holding hands with him. I’m really comfortable being with him.

Sinusway-sway namin yung kamay namin habang naglalakad kami. Pakiramdam ko nga parang nasa isang teleserye/palabas kami. Dahil lahat talaga ng ginagawa ay perfect kumbaga. At talagang napapangiti kaming parehas kapag nagkakatinginan kami. Sa mga oras na’to, parang nakalimutan ko kahit papaano ang lungkot na nadadama ko kanina.

“Ang sarap sa pakiramdam.” Napatingin ako kay Ivan na nagsalita. Nakatingin lang sya isang diretsong direksyon, “Yung solo lang kita. Yung tayong dalawang lang. Yung pakiramdam ko, akin ka tulad ng dati.” Naka-ngiti nyang sabi habang patuloy pa rin kaming naglalakad sa may tubigan at magkahawak pa rin ang dalawa naming kamay.

“Ano ba tayo dati?” Lumihis ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko, ayokong magtama ang mata naming dalawa. Ewan ko ba pero kada-mapapatitig ako sa mata nya. Parang nasasaktan ako. Minsan naman, nakakaramdam ako ng sobrang saya at pagbilis ng tibok ng puso ko. Kaya kahit ako, hindi ko maintindihan kung ano bang nangyayari sa akin. Lalo na’t pagdating kay Ivan.

Inangat ko ang ulo ko para makita ang ekspresyon ng mukha nya, “Tayo?” Ngumiti sya at hinigpitan nya ang pagkakakapit sa kamay ko at hinarap ako sa kanya, “Masaya tayong dalawa dati. Akin ka, sayo ako.”

Dug dug.

Napabuntong-hininga ako. Ano ba ang pinagsasabi nya? Hindi ko sya maintindihan. Hindi ko maintindihan ang mga bagay na gusto nyang iparating.

Naglakad-lakad ako at umupo sa may semento na kung saan kaharap ang palubog na araw. Naguguluhan ako. Sobra sobra na ang mga katanungan sa isipan ko.

Umupo rin naman sya sa tabi ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya, “Tayo ba dati?” Diretso kong tanong sa kanya. Eto ang nagiisang tanong na dati pang gustong malaman ng utak ko ang sagot.

Nilingon ko sya. Gusto kong makita ang ekspresyon ng mukha nya, “Wifey..” Naka-ngiting sabi nya. Sa iisang direksyon lang sya nakatingin pero bakas pa din sa mukha nya ang isang ngiti.

“Hubby.” Bigla nalang iyon lumabas sa bibig ko.

Humarap sya sa akin. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya, “Oo Alisa. Tayo dati. 4th year high school tayo nun.  Mahal na mahal mo ko non. Natatandaan mo na ba?” Napapikit ako. Bakit parang anytime may tutulong luha sa mata ko? Bakit pakiramdam ko nasasaktan ako?

Ayshh! Baka naman nagloloko lang sya. Oo nga! Magkaibigan kami ngayon hindi ba? Normal lang ang magkabiruan! Saka… Si Austin ang boyfriend ko noon pa. Hindi pwedeng maging si Ivan yun. Tama! Hindi ako magpapaniwala sa mga sinasabi nya. Nagbibiro lang sya.

“Iva----“ Haharap palang ako sa kanya pero hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinalikan nya ako.

And the last thing I knew is… We’re sharing our kiss together.

Austin’s POV

“Sir, malabo pong si Caitlin Ally Perez ang babaeng nakita nyo.” Para akong binaksakan ng langit at lupa ng marinig ko ang sinabi sa akin ni Rylie.

“Let me see all the information you get.” Matigas kong sagot sa kanya at agad-agad na hinablot sa kamay nya ang mga hawak nyang papeles.

“Ang talaga pong magulang nya ay sina Mrs. Maricar Della Cruz at si Mr. Steve Della Cruz. Hindi po ang sinabi nyo na sina Mrs. Janica Perez at Steven Perez.” Patuloy pa itong nagsasalita pero hindi ko masyadong naintindihan ang lahat ng sinabi nya dahil binuklat ko lahat ang papeles na hawak nya.

Birth certificate, kahit form 137 ng school ay meron, sa ibang bansa rin sya gumaraduate ng elementary at high school. Lahat ng mga iyon ay tiningnan ko. Pero… Bakit ganun? Napaka-laki ng pagkakaiba nila ni Caitlin. Birthday, birth place, parents ay ibang-iba.

“Is this all?!! You call this an hard work?!!” Napahampas ang dalawa kong kamay sa lamesa.

“Sir, sorry po. Ayun na po ang lahat ng impormasyon ng Kate Aubrey Della Cruz na sinasabi nyo.” Nakatungong sabi nito.

Hindi talaga ako maaaring magkamali. Si Caitlin yun. Sya yun. Sya ang babaeng nakasama at nakausap sa may cake shop.

“How about siblings?! Siguro ka bang wala syang kapatid?! May kakambal sya! Ashley Ally Perez ang pangngalan! Bakit walang nakalagay dito na may kapatid sya?! Mali ang lahat ng to Rylie!” Inalapag ko ang lahat ng papers na dala nya.

“Sir,patawad po. Pero ayan po talaga ang lahat ng impormasyon na meron si Kate Aubrey Della Cruz. Nakuhanan ko na rin nga po sya ng picture kanina. Madali ko rin pong nahanap sya dahil sikat po ang Della Cruz family. Eto po yung larawan.”

At inabot nya sa akin ang limang develop pictures.

“This is her! This is Caitlin!” Sabay buklat ko pa dun sa ibang picture.

“Who’s this guy?” Tanong ko. Dun sa ibang larawan ay nakatalikod yung lalaki. Pero ngayon, nakaharap na ito. At tila ang saya-saya pa nilang dalawa sa picture, “Is this her boyfriend?” Tanong ko kay Rylie.

“N-No, Sir. Kaibigan lang po nya yan.” Sabi naman nito.

“What’s his name?” Tanong ko sa kanya. Malakas kasi ang pakiramdam ko na kilala ko ang lalaking kasama nya sa picture. Tinitigan ko pa lalo ang lalaking nasa picture.

Si Charles nga ba ang lalaking ito?

“The name is undefined Sir. Mukhang private po ang lahat ng meron ang pamilya nya.”

“Gawan mo ng paraan.” Malakas talaga ang kutob ko na si Charles ang lalaking ito.

Alam kong kaya ni Rylie hanapin ito. Mahirap man at tumagal man ng ilang araw ay wala akong pakielam. Kailangan kong malaman kong sino ang lalaking to.

“HuWAW! Ang ganda ko talaga! Ipapakita ko to kay Hershey! Haha. Iinggitin ko sya! Whahaha! Austin thank you po. Thank you thank you! Dream come true po! ^^ Waaa! Pa-hug nga ulit!!” Tas niyakap nya ako ulit.

“Hey! Anong pabango mo?! Parang parehas kayo ni Hershey ng pabango?!! Ah! Hindi! Mas mabango yung iyo. Hindi kasi bagay kay Hershey yung pabango nya! Sayo, bagay na bagay! Perfectly perfect! HAHAHAHAHA!”

“Wow! Cookies n’ cream na shake?! Wow naman! Hehe! ^^ Favorite naman to ni Hershey ah! Thank you dito ha?!”

“Dun sa bahay namin sa New York. Syempre, sina Mommy and Daddy! Haha. At dito naman sa Pilipinas, kasama naman si Hershey! Hehe.”

“Si Hershey ko? Syempre ang pinakalove na love kong bestfriend ko! Si Ch----“

Is that supposed to be Charles?

“Yes Sir, hahanapan ko po ng paraan.”

Kinuha ko lahat ng information papers about dun sa Kate, “All information about that guy. I want that as soon possible.” Pagkatapos ay tumayo na ako at umalis na.

Habang nagdadrive ako pauwi. Hindi ko maiwasan ang alalahanin ang lahat ng memories namin noon.

“My Mocha!” Nilingon ko sya.

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at umakbay sa kanya, “My Vanilla! Kanina pa kita inaantay.”

“Si My Chocolate kasi eh! Ang bagal.” Sabay turo kay Charles na papatakbo na papalapit sa amin.

Umakbay rin sa amin to. Nasa gitna namin si Vanilla, “Everybody let’s go!! Kwaai!! ^^” At sabay-sabay na kaming naglakad.

Asan ka na ba My Vanilla? Miss na miss na kita.

Asan ka na rin ba My Chocolate? Miss na miss ko na kayong dalawa.

Sa dalawang kaibigan ko lang umikot ang mundo ko noon. Pag wala sila, pakiramdam ko kulang ang pagkatao ko. At nung malaman ko ang nangyari sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas, halos namatay na rin ang kalahating parte ng katawan ko.

Itinigil ko ang sasakyan ko sa harap ng bahay namin.

Pero mas masakit ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.

Magkasama na naman sila.

Nagtatawanan.

Nag-ngingitian.

Bumaba ako ng sasakyan ko at naglakad papalapit sa kanila. Bawat hakbang ko parang may unti-unting nakirot sa puso ko, “Austin.” Tawag sa pangngalan ko ni Alisa.

Lumingon patalikod sa akin si Ivan. Nawala ang mga ngiti nya tulad ng kanina.

“Let’s go inside.” Hawak ko sa kamay ni Alisa at akmang papasok na kami pero huminto sya at humarap muli kay Ivan.

Ngumiti sya, “Salamat nga pala.” Sabi nito. Ngumiti naman sa kanya si Ivan.

“Gutom ka ba? Ipagluluto kita.” Tanong ni Alisa ng makapasok kami sa bahay.

Umupo ako sa may sofa at itinakip ang dalawang kamay sa mukha ko.

Ramdam ko ang pag-upo nya din sa sofa. Hinihimas himas nya ang likod ko, “Mukhang pagod na pagod ka ah. Anong gusto mong kainin?”

Oo, pagod na pagod na ako.

Pagod na pagod ako makita kayo palagi ni Ivan magkasama.

Pagod na pagod na akong makita kayong masayang dalawa.

Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng sumuko.

Pero.. Anong magagawa ko? Mahal na mahal talaga kita.

Hinawakan nya ang hita ko, “Pahinga ka na. Para may lakas ka bukas. Kailangan mong magpahinga. Baka magkasakit ka nyan.”

Tinanggal ko ang pagkakatakip sa mukha ko ng dalawa kong mata at humarap sa kanya, “Kung magkasakit man ako, wala pa ring mas sasakit sa sakit na nararamdaman ko tuwing nakikita kayo ni Ivan na magkasama.”

Nakatitig lang sya sa mata ko. Parang may mga bagay sya na gustong sabihin sa akin.

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya at naglapat ang aming mga labi.

Alisa’s POV

“Kung magkasakit man ako, wala pa ring mas sasakit sa sakit na nararamdaman ko tuwing nakikita kayo ni Ivan na magkasama.” Nakaramdam ako ng guilt sa sarili ko. Parang pinagtataksilan ko sya. Lalo na’t pag naalala ko ang mga ginawa ko kasama si Ivan kanina. We’re holding hands and kissing. Anong meaning nun? Nagte-third party ako? Hindi eh. Mahal ko si Austin.

Magkatitigan lang kaming dalawa. Alam kong may isang bagay syang hindi sinasabi sa akin.

Nakaramdam ako ng kaba ng ilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Pumikit ako at naramdaman ko nalang ang labi nya sa labi ko. I returned all his kisses. I can’t insist. Mahal ko ang lalaking to. His right hand on my waist and his left hands on my neck.Ni-hindi ko magalaw ang buong katawan ko dahil sa sarap na nararamdaman ko. Iba ang mga halik nya ngayon. Mas malalim at pakiramdam ko nalulunod ako.

In between of our kisses iisa lang ang nasa utak ko.

“I love you…

Ivan.” Napamulat ako at kaagad na inilayo ang mukha ko sa mukha nya.

“Why?” Sobrang nagtatakang tanong sa akin ni Austin.

Asawa ko sya pero ibang lalaki ang nasa isip ko. Itinungo ko ang sarili ko, napakasama ko.

I’m cheating on him.

**

[A/N: Gulong-gulo na si Alisa! Pati ang author, gulong-gulo na din! Kung sino ba talaga kay Austin at Ivan ang makakatuluyan nya sa huli! -_-]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: