I'm Married ♡: Chapter 70
Chapter 70
Austin's POV
"Kate Aubrey Della Cruz. Find where she lives, where she from, who is her parents and anything about her. ALL INFORMATION."
(Yes, Sir.)
"I want everything as soon as possible."
(Makakaasa po kayo.)
Then, I ended the call.
"Sino yun?" Tanong ni Alisa pagkababa ng hagdan.
Agad ko naman syang nilingon, "A-Ah.. K-Kailangan na daw kasi ako sa shoot."
"Ah. Ganun ba? Hmm. Punta ka na kaya? Taxi nalang ako papuntang school." Sabi nito.
"No. Ihahatid na kita." Sabi ko sa kanya.
Eto nalang kasi ang oras na makakasama ko sya. Dahil mas lalo ng magiging busy kami sa shooting. Pero, susubukan naman namin na maka-attend ng ilang klase. Syempre, priority din naman kasi namin ang pag-aaral.
//
"Anong oras ka uuwi mamayang gabi?" Tanong nya sa akin ng mai-park ko ang sasakyan ko sa may parking lot.
"Hindi ko alam. Itetext nalang kita." Sabi ko sa kanya.
Naging malungkot naman ang mga ngiti nya, "Ah. Haha. Ganun ba. Sige, bababa na ko. Ingat." Tapos bumaba na sya ng sasakyan ko.
Kahit na masigla at naka-ngiti sya.. Alam kong may problema.
At ramdam ko na may bumubulabog sa isip nya.
Agad akong bumaba ng sasakyan ko, "Alisa!" Sigaw ko sa kanya.
Nilingon nya ako, "Bakit?"
Tumakbo ako papalapit sa kanya at agad syang hinalikan.
"Waaa!!! Look!"
"Nakaka-inggit!!!"
"Ang swerte nya!!!"
"Huhuhu!!!"
"PDA!!"
"Take care. Bye, I love you." Then, I kissed the tip of her nose.
"Aww. Di sya papasok?!"
"Malamang! Di nga sya nakapang-uniform eh."
"Gawa siguro sa shooting ng new movie nya?"
"Huhu. Mamimiss ko sya!"
"Bye Austin!"
Nag-wave naman ako pabalik sa mga estudyanteng nagbabye sa akin. Si Alisa naman ay nakatayo pa din sa kinatatayuan nya. Tila nabigla pa rin sa ginawa ko.
Kumaway akong muli sa kanya bago ako makasakay ng sasakyan. Pagkasakay ko ng sasakyan ko agad ko na rin itong pinaandar.
Hanggang ngayon hindi ko pa din nababanggit kay Alisa ang tungkol kay Caitlin. Baka eto pa ang maging dahilan ng hindi namin pagkakaintindihan. At isa pa, hindi nya kilala si Caitlin. Baka magulo ko lang ang utak nya.
"Where is Hannah?" Bungad na tanong sa akin ni Manager na makadating ako.
"Hindi ko alam. Bakit? Wala pa ba sya dito?" Tanong ko. Sya yung nagpa-alaala sa akin ng shooting na'to tas sya pa ang malelate?
"Let's just wait for her. Ms. Monique! Paki-ayusan na si Austin." Sigaw nito.
Nagtungo kaming dressing room. Umupo ako sa may upuan ko. Inayos nila ang buhok ko at nilagyan ng kaunting foundation ang mukha ko. Ng biglang mag-vibrate ang cp ko.
Sir, lahat po ng impormasyon ni Ms. Della Cruz ay nasa akin na.
Agad ko naman itong ni-replayan.
Good job, Rylie. Maaasahan talaga kita.
Si Rylie ang kanang kamay ng pamilya. Sya ang aming nilalapitan pag may isang tao kaming gustong ipahanap. Napakadali kasi nyang maghanap ng isang tao. Hindi ko alam kung paano nya nagagawa yun. Pero kahit ilang oras ang ibigay mo sa kanya. Kayang-kaya nyang hanapin ang lahat ng impormasyon ng taong pinapahanap mo. Connections nga na rin siguro. Kaya napaka-easy lang ng trabahong to para sa kanya. Sa kanya ko rin ipinahanap noon si Caitlin pero ni kahit isang impormasyon/balita wala syang naibalita sa amin.
Pinakausapan ko si Rylie na isikreto ito mula sa pamilya ko. Dahil kapag nalaman nito eto, magtataka sila kung sinong babae ang pinapaimbestigahan ko. Mas mabuti ng ilihim ito at isaakin nalang ito.
I'm not gonna lose you again, Caitlin.
Ivan's POV
"Waaa! Nakita mo yun?! Kainggit noh!"
"Kainis! Masyadong PDA!"
"PDA?! Sabihin mo inggit ka lang! Hmff."
"Boto na ko sa loveteam nila!"
"Pfft! Mas maganda ako dun!"
"Hi Ivan!"
"Uwaa. Am'pogi nya talaga!"
"Teka.. Akala ko ba kay Austin ka?"
"Mas type ko sya! Saka, single sya! Haha!"
Nilagpasan ko lang ang mga babae na kung ano ang pinaguusapan. May narinig ako na PDA something? Hay. Para namang hindi sila nasanay. Ang dami kayang couples na masyadong PDA dito! Minsan nga sa canteen, banyo, locker room, garden at kung saan pang sulok ng University na'to.
Hinahanap ng mga mata ko si Alisa. Hindi pa rin kasi sapat ang pag-uusap namin kagabi. Bigla rin naman kasi syang nagbabye non. Ni-hindi ko na nga rin napanood yung 50 First Dates eh. Dahil na din siguro sa pagod ko. May nalalapit kasi kaming laban. Ang makakalaban pa nga namin ay ang mga taga Miller University.
Si Vince nga ay todo practice sa pagbabasketball. Dun kasi sya napalaban. Kami naman ni Aaron ay sa soccer. Si Josh naman ay hindi nakakapag-decide kung saan sya lalaban. Pero parang mas gusto nya ang lumaban ng basketball.
"Ivan!!" Sigaw sa akin ni Aaron.
"Oh?"
"Nakita mo ba si Ianne?" Tanong nya sa akin.
"Hindi eh. Bakit? May problema ba?"
"Hindi ko kaya."
"Anong hindi mo kaya?"
"Na ganto kami. Kailangan naming pag-usapan to." Sabi nito. Bilib talaga ako kay Aaron. Sobrang mahal nya talaga si Ianne. Noon pa man kasi sila na talaga ang para sa isa't isa. Ako lang naman itong gustong maki-singit sa love story nila.
"Sige, mauuna na ko. Hahanapin ko sya sa classroom nila." Sabay takbo naman nito. Dapat lang na pag-usapan nila yun. Sobrang tagal na ng relasyon nila para masira lang ng dahil sa hindi pagkakaintindihan.
//
Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita si Alisa. Ganun din naman si Kyla. Birthday na birthday eh! At ganun din si Vince. Magkakasama ba sila? Free time talaga kasi kami ngayon. Wala kaming ginawa ng morning class. Natulog nga lang kami nina Josh sa loob ng klase. Pagkamulat nga ng dalawa kong mata, puro mga camera ang nakita ko sa pagmulat ko.
Wala eh. Pogi ako. ;)
"Soccer players! Santiago, Sy and Roxas! Pinapatawag kayo sa may soccer field!" Sigaw ng President ng class room namin.
Tumayo naman kaming tatlo sa kinauupuan namin. Tropa din naman kaming tatlo dahil kami minsan halos ang magkakasabay umuwi lalo na't pag may practice kami.
"Alisa!!" Sa wakas, nakita ko na sya.
"Sige, mauna na kayo. Susunod ako." Sabi ko kina Aaron at Peter.
"Uy, kamusta?" Pangangamusta ko sa kanya.
"Okay lang naman. Hehe." Ngumiti naman sya sa akin.
"Asan si Kyla?" Tanong ko. Ang alam ko kasi hindi nya iniiwan si Alisa mag-isa. Lagi syang kasama nito.
"Ewan nga eh. Kanina daw nasa room tas nung may ibibigay lang daw kay Vince, nawala na daw bigla. Naiwan pa nga yung bag eh." Sabi naman nito.
"Birthday na birthday pa naman nya." Sabi ko. May ginawa rin naman kaming surprise kahit papaano kay Kyla. Kung saan si Luke pa talaga ang nag-plano. Mamayang gabi naming balak gawin. Di ko nga alam kung anong gagawin ko eh. Basta, madali na yun! Haha! Makiki-kanta nalang ako ng Happy Birthday! Haha!
"B-Birthday?" Nagtatakang tanong sa akin ni Alisa.
"Oo. Hindi mo alam?" Tanong ko sa kanya.
Napa-isip naman sya. Nakalimutan ko, may amnesia pala ang Alisa na kaharap ko ngayon.
"Hindi eh." Sagot nya sa akin, "Wala rin syang nabanggit sa akin." Naging malungkot naman ang mukha nya.
"Ah. Baka nahihiya lang ipaalam. Basta mamayang gabi, may surprise kami sa kanya. Sama ka ha?" Sabi ko naman sa kanya. Wala kasi sya nung pinagplanuhan namin nina Aaron, Josh, Vince at Luke. All boys nga kami eh. Galing noh? Aba, mahal kaya namin si Kyla. Ewan ko lang kung anong meaning ng pagmamahal ni Vince at Luke. Haha!
"Baka nga. Sige, babalik na ko ng room." Sabi naman nya.
"Sige." Yun nalang ang sinabi ko. Nginitian nya mun ako bago sya tumalikod at naglakad palayo.
"Alisa." Tawag ko muli sa pangngalan nya.
"Hm?" Lumingon syang pabalik sa akin.
"Let's have a phone call again." Naka-ngiti kong sabi sa akin.
Humarap syang muli sa akin, "Ikaw ang unang tatawag. Unli call ka naman eh. Haha!" Naka-ngiti at naglalakad sya ng patalikod, "Sige bye!" Kumaway pa sya sa akin at muli ng tumalikod at naglakad ng palayo.
Nakatingin lang ako sa may likod nya.
She's married.
Wala na akong kaideya-idedya kung paano ko sya mababawi.
Napatingin ako sa couple ring naming na Mickey and Minnie mouse. May pag-asa pa kaya kaming dalawa?
Nagsimula na akong maglakad papunta sa may soccer field. Agad ko rin naman silang nakita. Sinenyasan din kasi ako ni Aaron. Imemeeting yata kami ni Coach. Teka.. Mukhang may dagdag sa amin ah. May dalawa kasing mukha na pamilyar sa amin.
"So, kompleto na ba tayo?" Tanong ni Coach.
"Yes Coach." Sagot naman namin.
"Good. Gusto ko lang ipaalala na kailangan nating mag-practice ng mag-pratice. Hindi lang basta basta ang makakalaban natin. Taga-Miller University ang makakalaban natin." Napatingin naman sa amin ni Aaron si Coach. Sila rin kasi ang nakalaban namin noong nasa Miller University kami. Kami rin kasi kami ang nakatalo sa kanila, "Pero alam ko naman na kayang-kaya natin dahil nasa atin na si Mr. Sy and Mr. Santiago." Wow! Nakaka-flattered naman. Haha!
"Pero, kailangan pa din nating paghandaan." Sabi nito, "Dahil nasa kanila pa din talaga ang magagaling na soccer players." Dagdag pa nito. Pagdating sa soccer, talagang master na master ng mga taga-Miller University yan. Malupit ang Coach namin. Hindi tulad ng Coach namin dito sa Howard. Para sa akin, mas magaling ang new Coach namin. Dahil labis kami kung pahirapan sa training sa Miller University. Dito, sapat lang pero masasabi mong kayang-kaya mo sila. Saka, aminado talaga ako na hindi lang kami ni Aaron ang magaling sa soccer dun. Dahil sa Miller University, lahat kaming team dun ay magagaling. At parang sisiw lang sa amin ang paglaban noon sa mga taga-Howard noon.
"Mamaya, may practice tayo. Wag kakalimutan. After class diretso na agad kayo dito." Naka-ngiting sabi ni Coach sa amin. Sobrang bait talaga ng mga Coach dito sa Howard. Sana pala dito na ko ng una palang. Kahit si Coah Greg din naming sa basketball, sobrang bait din sa amin. Parang mga anak nila kami kong ituring.
"Sya nga pala, nakalimutan ko. May panibago tayong teammate." Dagdag naman nito. Sabi na nga ba eh. May dalawang mukha dito na hindi pamilyar sa akin.
Tumayo naman ang dalawang lalaki sa kinauupuan nila at pumunta sa harapan namin. Tinitigan ko sila, mukhang pamilyar ang mga mukha nila.
"Alexander Zeus Quinn nga pala. Class A: Engineering.From Kingston University."
"Alexander Zedrick Quinn din nga pala. Class A: Engineering. From Kingston University."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro