I'm Married ♡: Chapter 7
Chapter 7
Alisa’s POV
*COUGH COUGH*
“Anak, eto oh, inumin mo.” May inabot na gamot sa akin si Mama.
“S-Salamat p-po.” Sabi ko.
“Kasi naman anak, bakit ka ba nagpaulan? May payong ka ah. Wag mung sabihing nawala mo na naman. Naku, 450php ang bili ko dun.” Sabi nito.
“Ma. Hindi ko po nawala. Napaheram ko lang.” Sabi ko.
“Ano? Pinahiram mo? Ikaw yung may ari ng payong tas ikaw tong nagpaulan. Ibang klase ka din anak noh? Sge, baba na ko at igagawa kita ng soup.” Sabi nito at lumabas na ng kwarto ko. Si Mama talaga, overreacting.
Tumayo ako at pumunta sa closet ko at kinuha ang varsity jacket ni Ivan. Aba, ang hirap kayang kunin nito. -_- As usual, niyakap ko na naman. Dito lang ako nakuha ng lakas, lalo na’t pag may sakit ako. Pag may problema, titingnan o kaya hahawakan ko lang yung mga bagay na kinuha ko mula sa kanya, magiging ayos na ako dun.
“Hayyyy.” Napa-hawak ako sa ulo ko. Nakirot na naman kasi. Kulang din kasi ako sa tulog. Pano ba naman, 11pm na din ako halos naka-uwi kagabi. Gabing-gabi na. Wala pa ding tila yung ilan. Eh di naglakas na din ako ng loob na sumugod sa ulan.
Bumalik na ako sa kama ko at natulog na. Kailangan kong magpahinga para makapasok na ko bukas. Saka, bday ni Ivan eh. Kailangan niya ko ngayon.
Ivan’s POV
Nagkasakit ba siya dahil sa akin? Tsss. Sino ba naman kasi ang taong hahayang mag-ka-sakit ang sarili para lang ang isang taong tulad ko? Di kaya’t may gusto sa akin si Alisa? Tss. Wala naman siguro.
Uwian na. Balak ko sanang sunduin si Ianne sa classroom niya….pero, sumagi sa isipan ko na hindi na nga pala kami. Sila na ni Aaron. At si Aaron na ang naghahatid sa kanya pauwi.
Habang naglalakad ako sa hallway… naalala ko na naman bigla si Ianne. Pag ganto kasing oras, magkasabay kaming umuwi, magkasabay maglakad, at hawak ang kamay ng isa’t isa.
Mangyari pa kaya yon?
Kahit makasama ko lang bukas si Ianne sa bday ko. Masaya na ko.
Kyla’s POV
Takte naman. Ang tagal naman kasi magpauwi ni Sir Zubieto eh. Tss. At sa kasamaang palad, kasabay ko pa sa paglalakad tong mokong na si Vince.
-___________________________-
Umupo muna ako saglit sa may bench. At tinabihan naman ako ni Vince. -___- >.<
“Ano ka ba?!! Umalis ka nga sa tabi ko! Tss. Alam mo, nakakawala ka po ng ganda! Lagi mo nalang akong binubwisit!!! Urghhh!” Sabi ko sa kanya.
“Alam mo Kyla, siguro nung nag-paulan ng kagandahan ang langit, wala ka siguro.” Sabi nito.
GODDDDDDDDD. HE’S GETTING ON MY NERVES. -_________-
“Ice ka ba?” Ok. Basag pick-up line started.
“Bakit? Kasi I-crush you noh? HAHAHAHHAHA.” Tawa pa nito.
“Anong connect? Tanga! Hindi. Kasi gusto kitang ihampas sa pader.” Sabi ko.
Tiningnan niya lang ako ng masama, “Unggoy ka ba?” Tanong naman niya.
“Hindi. Bakit?” Tiningnan ko din siya ng masama.
“Halata kasi eh! HAHAHAHAHHAHA.” Tawa na naman niya.
“Alak ka ba?”
“Ba------“
“Kasi habang tumatagal nasusuka ako sayo.” Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya.
“Kung magka-zombie man, siguradong matitira ka!!!!!!” Sigaw naman niya.
“At bakit? Ahh. Siguro nagandahan sila sa akin. Karapat-dapat daw kasi akong matira dito sa earth!!! HAHHAHAHAA.”
“Hindi. Tanga! Kasi wala kang UTAK!”
Tangna you.
“Kung kasalanan ang pagiging maganda,, don’t worry, wala kang kasalanan.”
Fvck u.
“Whatever! Di ko akalain na first section ka. Matalino ka ba talaga? I know, HINDI. Alam mo, ngayon ko lang talaga napagtanto na ang bobo mo pala. ” Wala na akong maisip na pang-basag pick-up lines eh. Hmmf.
“Ang yabang mo, kung iniisip mo na bobo ako---- wala wala!” Tumayo ito at nagmadaling maglakad. Problema non ? Baka talo asar na sa akin. HAHAHHA
Vince’s POV
“Whatever! Di ko akalain na first section ka. Matalino ka ba talaga? I know, HINDI. Alam mo, ngayon ko lang talaga napagtanto na ang bobo mo pala. ”
“Ang yabang mo, kung iniisip mo na bobo ako---- wala wala!” Tumayo na ako nagmadali ng maglakad.
Ang yabang mo, kung iniisip mo na bobo ako, sige nga, masasabi mo bang bobo ako kung ikaw lang naman ang laman ng puso at isip ko?
Grabeh. Sobrang sarap niyang asarin. Noon pa lang, inaasar na kaming dalawa ng mga teachers coz we both have Alex in our names. Nung una ko siyang makita, nagandahan ako sa kanya. Nung time na inaasar na kami sa isa’t isa. Mas lalo akong naging interested sa kanya.
Sa pang-aasar lang ako nakaka-points sa kanya. Saka, ang cute niya pag nagagalit.
Habang natagal, mas lalo ko siyang nagugustuhan.
Ivan’s POV
“Happy Birthday anak!!!!!” Sabay yakap sa akin ni Mama ay inabot ang regalo niya.
“Thank you Ma. Si Dad?” Tanong ko.
“Na sa office nya. Don’t worry anak. Uuwi daw siya mamayang gabi para i-celebrate ang bday mo.” Sabi naman nito.
“Ah.” Yun na lang ang nasabi ko. Ni-hindi na nga halos nauwi si Dad dito eh. Busy palagi sa business niya.
Pagkatapos kung mag-umagahan, lumabas na din ako ng bahay. At ng papasakay na ko sa kotse ko. Bigla akong tinawag ni Mama. “Anak! Sya nga pala! May nag-iwan ng box na to dyan sa labas ng bahay! May nakasulat na ‘Happy Birthday’, for sure para sayo to. Sige, ingat ka anak ha.” Humalik pa ito sa pisngi ko.
Pumasok na ko ng sasakyan ko. Bumisina na din senyas na buksan na ng maid ang pintuan para makalabas na ang sasakyan ko.
Sa blue box, may card na ang nakasulat ay HAPPY BIRTHDAY ^___^. Binuksan ko na yung medyo malaking box na yun. Isang sticky note ang unang-unang nakita ko. Binuklat ko isa-isa ito. At alam nyo kung ano ang nabasa ko?
“Teleserye ka ba? Ang sarap mo kasing subaybayan.”
“Table of contents ka ba? Ikaw kasi ang laman ng bawat pahina ng buhay ko.”
“Bagyo ka ba? Kasi the moment you leave my area of responsibility, you leave my heart in the state of calamity.”
“Chinese ka ba? Kasi I’ll siomai love to you, snd I hopia love me too.”
“ May mahal ako….nagsisimula sa I nagtatapos sa W.
At ang English niya ay YOU<3.”
“Aanhin mo pa ang bahay nyo……kung nakatira kana --------“
Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa ng iba pang pick-up lines na nakasulat dito. Grabeh. Isa ba stalkers ko ang nagpadala nito sa akin? Ang ayoko sa lahat….ay yung mga babaeng naghahabol sa akin.
Binato ko yung sticky note. Ibang-iba si Ianne. Kaya nga mahal na mahal ko yun eh. Hindi siya yung tipo na babae na naghahabol. Saka, sa kagandahan pa lang, pasadong-pasado na siya. Inside? Pwede na. Basta, mahal na mahal ko siya.
Napabalin ang tingin ko ulit sa box. May isang white t-shirt dun. Kinuha ko naman ito. At nakita ko ang t-shirt na may naka-drawing na isang babae na palihim na nakatingin sa isang lalaki. Tinitigan ko ito. Hindi ko labis na maintindihan ang pinaparating nito. Para bang….secret admire? Ewan. Tsss.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko. Habang nagdadrive ako, vibrate lang ng vibrate ang cp ko. Alam ko kung ano yung mga texts na yun, puro happy birthday lang yun. Kaya pinagpatuloy ko lang ang pagdadrive.
Alisa’s POV
“Bestfriend, birthday daw ng Ivan mo ah?” Bulong sa akin ni bestfriend.
“Ano ka ba bestfriend, di ba sabi ko sayo ‘Ian’ na ang itatawag natin sa kanya? Iniwanan ko na yung gift ko sa tapat ng bahay nila.” Sabi ko.
“Ah. Oo nga pala. Hihihi. Waaaaah! Eh ano ba yung gift mo sa kanya?” Tanong nito.
“Sticky note lang na kung ano-anong pick-up lines ang nakalagay. Tas t-shirt na pina-rush ko pa ang patatak. Basta. HAHAHAHA.” Sabi ko naman.
“Ah. HAHAHAHA. Hindi pa din nya alam na ikaw yung nagbibigay sa kanya noh? Dapat pala, manhid ang bansag sa kanya eh. Sobrang manhid. HAHHAHA. Halata naman kasi na may gusto ka sa kanya. Titig mo pa lang sa kanya eh.” Sabi nito.
“Hayaan na. Kesa naman malaman niya, ma-dissapoint pa siya na ako pala yun.”
“Ba’t naman madidissapoint? Bestfriend, sa ganda mong yan?! Eto bestfriend, hindi sa bestfriend kita kaya sinasabi ko sayo to, pero, mas maganda ka kesa kay Ianne. Pala-ayos lang yung si Ianne. Yeah, matalino. Pero, hinding-hindi niya mapapantayan ang pagmamahal mo kay Iv--, este Ian.” Sabi nito.
“You’re right. Pero, ayoko pa ding umamin noh. Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob. Saka, si Ianne talaga yung gusto niya. Mahirap ng pumapel sa taong masaya na.”
“Hayyy. Buti na lang ako wala pang lovelife. I’m just enjoying the senior’s life.”
Sinamangutan ko lang siya. Hanggang ngayon kasi pinag-iisipan ko pa din na kung umamin na kaya ako? Huhuhuhuhu.
Isip isip. Ayoko, mamaya i-reject niya lang ako.
Think positive.
Hmmm, aamin ako…pero, hindi ngayon.
Ang goal ko lang ngayon ay pasayahin siya para hindi na siya malungkot sa ginawang pag-iwan sa kanya ni Ianne.
Wait ka lang Ivan. Papasayahin kita. ^^
Dumaan ang recess at lunch, as usual nasilay ako! Waaaaaaaaaah! Ang pogi talaga ni Ivan! <33333
Uwian na! Yes! Takte, cleaner ako. -____-
As usual, nag-wawalis na naman ako at ako lang naman ang taga-tapon na basura sa basurahan. Ganun din si bestfriend. Nung itatapon ko na yung basura ng room sa basurahan, bigla kong naalala na kailangan ko na nga palang kuhanin kay Ivan yung article. Pumunta ako sa classroom niya nagbabakasakaling andun siya.
“Elaine, andyan pa ba si Ivan?” Tanong ko kay Elaine ang dati kong classmate.
“Wala na eh. Naku, bad trip yun. Birthday na birthday eh.” Sabi nito.
“Ah sige.” Napa-isip ako. Bakit siya bad trip? Hindi pwede yun. Birthday niya kailangan masaya siya.
Tinapon ko na yung basura sa basurahan. Nung aalis na ko. Agad akong napabalik ng tingin. Dahil may napansin ako. Isang blue box na natatakpan ng mga basura. Eto yung….sh*t.
Agad kong tinanggal ang ibang basura sa basurahan para makita ko nga kung ayun nga yung blue box na binigay ko kay Ivan para sa birthday niya.
At hindi nga ako nagkamali, eto yun. Tinapon niya?
Kinuha ko ito. Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi umiyak.
Sobrang sakit. Ang sakit sakit. </333
“Bestfriend, yung kalat sa loob paki------------ Bakit ka naiyak?”
Niyakap ko lang si bestfriend, “Tinapon *hik* niya *hik* bestfriend.” Hagulgol ko.
“Ivan talaga. Tahan na bestfriend. Nako, buti na lang at wala na halos tao dito. Kundi malalaman nila na ikaw yung laging nagbibigay kay Ivan. Tahan na bestfriend. Okay lang yan.” Sabay himas niya sa likod ko.
Kyla’s POV
Hinatid ko si bestfriend pa-uwi. Konti na lang at baka mag-suicide na si bestfriend. Hayyy nako. Habang naglalakad ako, nakaramdam ako ng gutom. Maka-punta nga munang ministop.
Sa kasamaang palad, andito si Vince. -___-
Nilagpasan ko siya, akala niya ha. Pero habang napili ako ng bibilhin kong pagkain. Nasunod siya sa akin. Tsss.
“Bakit mo ba ko sinusundan?!!!” Sigaw ko sa kanya.
“Excuse me, hindi kita sinusundan. Ako ang mas nauna dito sa ministop. Kung makapag-salita ka dyan ah.” Sabi nito.
Nilagpasan ko siya ulit. Nagbayad na ako sa cashier. Isang cup noodles at mineral water lang ang binili ko. Dito na lang ako kakain. Nilagyan ko na ng mainit na tubig yung cup noodles ko.
Umupo ako sa upuan dun. Wala halos tao. Tumabi naman sa akin si Vince. Siya naman nakain ng vanilla ice cream. Tsss. Panira talaga ng gabi eh.
Habang iniintay kong ma-cooked yung noodles ko, nagsalita siya.
“Kyla, nakakita ka na ng halimaw?” Seryosong tanong niya.
Wow. First time seryoso/ matino niya akong kinausap. Kaya kakausapin ko din siya ng matino.
“Hindi pa eh. Bakit? Ikaw, nakakita ka na?” Tanong ko naman.
“Hindi pa din. Gusto mong makakita? Tingin ka sa salamin! HAHAHHAHAHA!” Tawa naman niyang malakas. Tae. Akala ko pa naman seryoso siya ngayon. -_____-
“Ikaw, shades ka ba?” Tanong ko.
“Sige nga. Bakit?”
“Kasi tuwing nakikita kita, nagdidilim ang paningin ko eh!” Sabi ko.
“Bukas, sa Filipino.” Sabi niya.
“Bakit, anong meron?” Tanong ko. Natulog kasi ako kanina eh.
“Di mo alam? Sa bagay, kailan ba nakinig ang bobong tulad mo? Magkalaban ang section natin. Tayo daw ang paglalabanin. Basag pick-up lines or kaya asaran.” Sabi nito.
“Oh, para san naman yun? Anong connect sa lesson?” Tanong ko.
“Katuwaan lang daw sabi ni Ma’am. Kung sino daw ang manalong section, ieexcempt sa long test. Kaya kung ako sayo, maghanda ka na. Dahil tatalunin kita. Ipapahiya pa kita.” Sabi nito.
“Same. Maghanda ka din. Asa namang papatalo ako sayo. And one more thing, ikaw ang ipapahiya ko.” Tumayo na ako, “Ayoko ng kumain. Nakakawala ng gana.” Sabi ko at umalis na.
Gusto mo nyan. Ok fine, I’ll give you what you want.
**
To be continued…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro