I'm Married ♡: Chapter 68
Chapter 68
Kyla’s POV
“New transferee? Talaga?”
“Oo! Puro transferee tayo ngayong mga araw ah!”
“Boy or girl? Sana boy!”
“2 boys! Tas 1 girl! Mukhang boyfriend ni girl yung isa sa kanila!”
“Pogi ba naman ba yung dalawa?”
“Oo naman! Halika tingnan natin!”
“Wait!! Sama ako!!”
“Aray naman!!” Galit na sabi ko dahil nadanggi nila ako. Aba’y hindi ako pinansin at talagang nanakbo na. =_= Madaming mga babae ang dumaan at nadanggi ako. Sh*t lang. Pero hindi lang ako ang nagiisang babae ang nadanggi nila. Isang babae na kung hindi ako nagkakamali ay engineering ang course nya.
“Miss, nahulog mo.” Sabi ko sabay dampot nung maliit na notebook na makulay.
“A-Ah. T-Thank y-you.” Medyo utal-utal pa nyang sabi at naglakad na papalayo. Ganun nalang yun? Walang smile man lang?
Hayy nako. Asan na ba ang bestfriend ko? Naglalakad ako ngayon pabalik ng room ko ng biglang mag-vibrate ang cp ko. From: Luke,
Where are you?
Ba’t naman ako hinahanap nito? =_=
I’m somewhere down the rainbow.
-Sent-
Bwahahaha. Wala eh. Malakas trip ko ngayon. Naglakad na kong muli. Syempre, taas ulo akong naglalakad. Tong gandang to? Ha-Ha-Ha!
“Kyla! Happy birthday!” Bati sa akin ng isang kumpol ng mga lalaki.
Nginitian ko sila, “Thank you.” Sabi ko at muling naglakad.
“Ms. Kyla, happy birthday.” Bati naman sa akin ng mga ordinaryong mga estudyante lang na walang alam sa buhay kundi ang mag-aral lang.
Shemayy! Sikat ako! Hahahaha! Cheness. Kinakabahan akong mag-facebook. Baka umabot ng 1000= ang notifications ko! Bwahahhahaha!
Napatigil akong muli ng biglang nag-vibrate ulit ang cellphone ko.
No. For real? I’m serious.
Eh hindi ako seryoso eh! Bahala ka nga. Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bulsa ko.
Pagkadating ko sa classroom, “Waaa! Wala pa din si bestfriend?!” Itinungo ko ang sarili ko sa table.
*Flashback
*Kring*
*Kring*
Shete. Madaling araw may natawag pa ng gantong oras? Kung kailan nagbebeauty rest ako para bukas! Alam nyo na.. kailangan blooming ako bukas. Syempre, birthday ko kaya! Hmf.
“Hello?” Walang gana kong sagot.
“Waaa! Bestfriend! Nilalamig na ko dito!”
Wshhh.
Agad akong napa-upo sa kama ko, “Bestfriend? Teka.. Bestfriend!! Ba’t ka naman napatawag?!! 12:15am palang oh! Teka.. Asan ka ba at bakit ka nilalamig?”
“Sa labas ng bahay nyo.”
Agad agad akong napa-tayo sa kinauupuan ko at sumilip sa terrace. Laking gulat ko ng makita ang bestfriend ko na may dala-dalang malaking lobo, at isang box na kung hindi ako nagkakamali ay cake ang laman nito. May iba pa syang dala pero hindi ko na alam kung anong laman nun. Pati may nakasabit din na bag sa likod nya.
“Waaaa! Bestfriend!” Sabi ko sa kabilang linya. Dali-dali akong tumakbo pababa.
“Bestfriend!! Asar to! Kanina pa ko dito!” Sabi naman ni bestfriend na nakatayo sa may gate namen na halos mangisay-ngisay na sobrang lamig ngayong gabi.
Ng mabuksan ko ang gate…
Dinambahan nya ako ng yakap, “HAPPY BIRTHDAY BESTFRIEND!!!! LOVE YOU!!!”
At ilang beses akong hinalikan.
Pakiramdam ko maiiyak ako sa sobrang effort ng bestfriend ko, “Di ba ang sabi ko sayo wag kang matutulog? Kung matutulog ka, mga 1am or 2am na!” Kitang-kita ko sa mukha nya ang eyebags nya.
Agad ko syang nayakap, “Waaa. Bestfriend!! Pinapaiyak mo naman ako eh!!” Sabay hampas ko sa likod nya.
“Bestfriend! Ba’t di ka pa nasanay sa kin?” Sabi naman nya at niyakap din ako pabalik.
Oo nga, ba’t hindi pa ko nasanay sa kanya? Kada-birthday ko lagi syang may surprise sa akin. Ganun din naman ako pag birthday nya pero hindi naabot sa punto na pati pagtulog ko gagambalain ko.
“Ikaw lang mag-isa?” Tanong ko sa kanya.
“Nagpahatid lang ako sa driver namin.” Sabi naman nya.
“Eh asan na si Manong?” Tanong ko sa kanya na tinatanaw-tanaw ang labas.
“Wala na. Dito na kasi ako matutulog! ^^” masaya nyang sabi.
“Waaa! Talaga? Yehey!! ^^” Masaya kaming nagyakapang dalawa.
Pumasok na kami ng bahay at agad na pumanik sa kwarto ko, “Ang laki naman ng lobo na to!” Sabi ko habang binitawan yung lobo na as in sobrang colorful at may nakalagay na…
“HAPPY BIRTHDAY BESTFRIEND! xoxo- Bestfriend”
Parehas kaming humiga ni bestfriend.
“Alam mo.. Ang swerte ko at biniyayaan ako ng bestfriend na tulad mo.” Tiningnan ko sya. Nakatingin lang sya sa may kisame.
Naka-ngiti sya. Alam kong masaya sya dahil natupad na ang isa sa kahilingan nya.
Ang maging sila ni Ivan..
//
Ang mahalin sya ni Ivan…
“Swerte rin naman ako sayo ah.” Naka-ngiting sabi nya sa akin.
“Mas ma-swerte ako sayo.” Sabi ko naman sa kanya.
“Then we both lucky to have each other.” Sabi naman nya.
“Sya nga pala bestfriend! 1st monthsarry namin ni Ivan bukas.” Mas lumapad ang mga ngiti nya.
“Bestfriend.. Hindi sa ano.. Pero.. Wala ka bang napapansin kay Ivan?”
“Napapansin na ano?”
“Na mahal pa nya si Ianne.”
“Bestfriend naman eh! Move on na sya kay Ianne! Alam ko yun! Ako laging kasama eh! Ako na nga kasi yung mahal nya.” Naka-ngiting sabi nya ng naka-tingin sya sa kisame.
Sana nga.. Sana nga ikaw na at hindi na si Ianne ang mahal ni Ivan.
Ayokong makitang masaktan ang bestfriend ko.
“Haaaa.” Humikab sya, “Antok na ko bestfriend. Tulog na tayo.” Humarap sya sa akin at pumikit na.
Tinitigan ko lang ang bestfriend ko.
“Don’t expect too much bestfriend.” Sabi ko sa kanya at pumikit na rin.
*End of flashback
Inangat ko ang ulo ko. Hindi nya siguro alam na birthday ko ngayon. Dahil kung alam nya eh di sana sinurprise nya ako. Pero hindi eh… Wala na ang mga alaala nya.
Gustuhin ko mang magalit kay Ivan. Pero hindi ko magalit. Dahil ayokong isisi sa isang tao ang alam kong pinagsisihan na rin naman nya.
Alam kong mahal na ni Ivan ngayon si bestfriend. Pero mukhang huli na sya. Alam kong hindi rin papaya si Austin na bumalik lahat ang alaala ni bestfriend.
Tinungo ko muli ang sarili ko. Aalalahanin ko nalang ang good and happy memories naming noon ni bestfriend. Babalik-balikan ko ang lahat ng mga katangahan, kabaliwan, katarantaduhan at kasiyahan na mga pinaggagawa namin nung high school kami.
Muli kong ipinikit ang dalawa kong mata.
“Bestfriend!” Sigaw ni bestfriend sa may pintuan pagdating ng classroom.
“Bestfriend!” Sigaw ko rin naman sa kanya.
Tumakbo sya papunta sa upuan namin, “May kwento ako sayo. Haha!”
Nakaka-miss yung panahon na palagi syang may ikinukwentong bagay sa akin. Yung kahit mga walang kwenta o non-sense kinukwento nya.
Mas nakaka-miss naman yung panahon na….
“MS. LOPEZ AND MS. MONTERIANO, GET OUT!”
Napalabas kami ni Mrs. Escalante dahil sa ingay naming dalawa sa loob ng klase. Yung imbis na malungkot/matakot kami, masaya at nagtatawanan pa rin kaming dalawa.
Hiniga ko ang ulo ko sa table. Wala pa din ang Prof. namin hanggang ngayon. Ang mga ka-classmate ko na nagkakakandagulo-gulo na. Binabati rin nila ako ng ‘Happy Birthday’, pero hindi ko sila pinapansin. Nawala ako sa mood. Samantalang ako, nakatungo ang ulo sa table at binabalik-balikan ang high school days namin noon.
“Sana pwedeng ibalik ang nakaraan para ako na mismo ang nakapaglayo sayo kay Ivan.”
“Kyla!!!” Bumalik ako sa ulirat ko ng may tumawag sa pangngalan ko.
“Pinabibigay ni Prof. Bermudz. Ikaw na daw magbigay kay Vince. Wala daw kasi si Vince sa room nila. Eh ka-barkada mo naman daw kaya ikaw na ang magbigay.” Sabi sa akin ng isa kong ka-classmate.
Ano to? Tiningnan ko naman. Actuall, hindi ko sya alam. Pero, kailangan ng signature ni Vince dito.
Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinext si Aaron.
Si Vince?
Hindi na din pala nag-text si Luke.
Ilang sandal lang ay nag-reply na si Aaron.
Hindi ako sure. Pero mukhang nagbabasketball na naman. Sya nga pala, happy birthday Kyla. =)
Nireplyan ko naman ito.
Thank you Aaron. =))
Alam na din ng buong barkada ang nangyaring break-up sa kanilang dalawa ni Ianne. Hindi na rin naman napagkikita ngayong mga araw si Ianne. Tila iniiwasan nya din kami.
Binasa kong muli yung text ni Aaron.
Basketball? Eh pwedeng-pwedeng ibigay nalang nung ka-classmate ko yung form kay Vince sa may basketball eh! Bakit ba kasi ang tatamad ng mga tao dito?! Hmfff.
“Dadating ba daw si Prof.?” Tanong ko sa isa sa ka-classmate ko.
“Hindi daw. Wala tayong klase hanggang last period.”
WOW! O_________________O
“Talaga? Saan nyo nasagap yang balita?”
“Hindi pa sure yun. Hehe. Busy daw kasi ang mga Prof. saka, nagkaroon sila ng urgent meeting.” Sabi nito, “Pero sure na 1st subject hanggang mag-lunch tayo walang Prof. ^^” Dagdag pa nito.
“Ah! Osgeee. Aalis lang ako ha.” Paalam ko naman. Isa din kasi sya sa officer. Kailangan magpaalam muna ako bago umalis.
“Kyla, happy birthday nga pala.” Pahabol pa nitong sabi.
“Thank you.” Nginitian ko sya.
Naglalakad ako ngayon papunta sa may basketball court. Ewan ko ba pero parang ang bilis ng mga lakad ko. Pakiramdam ko, sabik na sabik ko ng iabot kay Vince itong form. Para bang gusto ko syang makita? Uwaaa. Wala akong sinabi ha?!!!
Sa di-kalayuan.. Nakita ko sya.. Andito nga lang sya.. At nagbabasket-ball lang.
Naglalakad ako papalapit sa kanya. Bakit unti-unting nabilis ang tibok ng puso ko? Hayy. Nvm. Wala to. Walang-wala.
Ng biglang….
“KYLA!!!!”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro