Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 67

Chapter 67

Alisa’s POV

“Asan ka na ba?” Mga salitang kanina ko pa pinapaulit-ulit. Kanina pa ako dito sa may gate. Kanina pa din ako nag-iintay. Pakiramdam ko nag-iintay ako sa wala. Ganto na lang ba palagi? Pangalawang beses ng nangyayari to.

Mangiyak-iyak akong nagtungo papasok ng bahay. Nasasanay na yata akong mag-intay palagi.

Pumunta ako sa table kung saan andun ang mga pagkaing iniluto ko. Nagpatulong pa ko kay Kyla mamili ng ingredients. Nag-search pa ko kung paano lutuin ang mga ito. Pero, lahat ng pagkain na niluto ko. Lumamig na lahat. Nakaramdam ako ng sobrang pagkalungkot. He should’ve texted me na male-late sya ng gantong katagal.

Malungkot akong nakahbang papanik ng kwarto ko. Iniwan ko na rin ang mga pagkain sa may lamesa. Baka gutom sya pagdating.

Inihiga ko ang sarili ko sa kama at niyakap ang isa sa unan ko. Unti-unting may tumulong luha sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit. Basta nakaramdam nalang ako ng sakit. Pakiramdam ko may inuna syang bagay na mas mahalaga kesa sa akin. Pero pakiramdam lang naman yun di ba? Hindi yun totoo. Busy lang talaga sya sa new filming new movie nya. Mas mahalaga yun di ba? Tama! Mas kailangan nya ngang unahin yun kesa sa akin.

*KRING*

Napamulat ang mata ko at tiningnan ang cellphone ko na nakapatong sa may table ko.

*KRING*

Baka si Austin yun. Agad kung kinuha yung cellphone ko sa may table.

*KRING*

Laking lungkot ko ng makita sa screen na hindi si Austin ang natawag.

“Ikaw pala Ivan.” Medyo malumanay kong sagot, “Bakit ka napatawag?” Tanong ko sa kanya.

(Okay ka lang ba?) Nag-aalala nyang tanong sa akin sa kabilang linya. Bakit parang iba ang boses nya? Mukhang boses pagod na pagod sya ah.

“Oo naman.” Pero sa totoo lang naiiyak na ko. Bakit ganto? Naiiyak ako? Narinig ko lang naman ang boses nya.

(You sure? Gusto mo puntahan kita dyan?)

Oo. Puntahan mo ko. Kailangan kita.

Mga salitang gusto kong sabihin pero hindi kayang banggitin ng bibig ko. Pakiramdam ko kasi si Ivan lang ang makapagpapagaan ng nararamdaman ko. Ewan ko ba pero nung marinig ko ang boses ni Ivan mas lalo akong nakaramdam ng lungkot at pakiramdam ko kailangan ko syang makita.

“Wag na. Okay lang ako ano ka ba. Haha.” Effective kaya ang fake laughed ko?

(That’s a fake laughed. Malungkot ka ngayon. Anong nangyari?) Tanong naman nya sa kabilang linya. Paano nya nalaman na fake laughed? Bakit parang ang dami nyang alam tungkol sa akin?

Napatingin ako sa bag ko. The movie… 50 first dates.

“Fake laughed? Hindi ah! Eto nga at magmomovie marathon ako eh.” Sabi ko sa kanya. Kinuha ko yung dvd sa bag ko at isinalang sa desktop ko. Mas type kong dito manood ng movie. Para pwede ding makapag-facebook, at makapag-twitter. Gusto ko rin sanang bisitahin ang sinasabi nilang website na wattpad ba yun? Mga stories daw ang nandun. Pero wala naman akong time para magbasa.

(That’s a fake laughed I know. Movie marathon? Ano namang movie?) Tanong nya sa akin. Pakiramdam ko ay mukhang nag-open din sya ng desktop nya dahil narinig ko ang sound na pag-open ng windows ng computer.

Hindi ko alam pero parang nangyari na’to. Yung magka-usap kaming dalawa at nagbukas parehas kami ng desktop naming dalawa. May nabubuo kasing isang senaryo sa utak ko. As in gantong-ganto. Ang pinagkaiba lang ay hindi ako masyadong malinawan sa salitang pinaguusapan namin sa nabubuong senaryo sa utak ko pero sigurado akong boses ni Ivan yun. Pero kitang kita ko ang sarili ko sa senaryong iyon ang maliliwanag kong mga ngiti. 

“50 first dates.” Sagot ko naman sa tanong nya.

Ang tagal naman nya bago muling magsalita. Pakiramdam ko ang tagal na naming magkausap ni Ivan pero wala pa din si Austin. Wala pa kong naririnig na pagbukas ng pintuan. Balak ko sana syang salubungin kaya lang baka pagdating nya tulog na ko. Hayy. Hindi naman siguro ano? Kaya nga eto oh, magmomovie marathon ako mag-isa. Para din makapag-libang ako kahit papaano habang iniintay sya.

Ayan na, nagpe-play na yung movie. Nakapamilyar ng mukha at pangngalan nung bidang babae. Teka.. Asan na ba si Ivan? Hindi na sya sumagot ah.

“He-----“

(Meron din sa youtube. Game, sabay tayong nood.) Napangiti ako sa sinabi nya. Hindi man nya ako pinuntahan, sinasabayan naman nya ako sa panonood.

“Napanood mo na ba tong 50 First Dates?” Tanong ko sa kanya. Gumaan na kahit papaano ang nararamdaman ko. Hindi tulad kanina na parang binagsakan ako ng langit at lupa.

(Hindi pa. Pero pakiramdam ko maganda. Ikaw ba?) Tanong naman nya.

“Hindi rin. Kaya nga pinapanood ko eh. Haha!” Sabi ko naman sa kanya.

(Haha! Oo nga naman. Hmm, pwede favor?) Medyo naging seryoso ang tono ng boses nya. Favor? Ano naman kayang favor?

“Sure.” Sagot ko nalang sa kanya. Nagiisip naman ako kung ano ba ang favor nya.

(Pwedeng.. Magkausap pa din tayo habang nanonood din tayo ng sabay?)

“Ah! Haha. Oo naman. Teka, unli call ka noh? Ang yaman! Hehe. Hanggang regular load lang ako.” Pabiro ko namang sabi sa kanya.

(Na-miss kasi kita.)

Dug dug.

(Hindi kita nakita at nakausap ngayong araw.) Sabi naman nya. Hindi ko din sya nakita ngayong araw. Sa pagkakaalam ko kasi, busy lahat ng civil engineering ang course ngayon. Tas sumabay pa ang practice nila ng basketball at soccer. At sa pagkakaalam ko, lalaban din sila. Si Austin naman ay nakaligtas ngayon dahil inexcuse sya. Kung tutuusin nga dapat nagpapahinga na si Ivan ngayon. Pero eto sya, pilit pa din akong kinakausap at sinasabayan pa akong manood. Buti pa si Ivan.

(Sayang hindi na kita naabutan kanina. Balak ko pa sanang makita ka saglit bago ako umuwi. Pero, wala ka na.) Naging malungkot ang boses nya.

“Sorry. Okay ka lang ba? Mukhang pagod na pagod ka. Pahinga ka na muna kaya?” Sabi ko sa kanya. Mukha talaga kasing pagod na pagod sya. I can feel that through his voice. Pinipilit lang nya ang sarili nya na kayanin kahit unti-unti na syang nanghihina.

(Kanina oo. Eh narinig ko na ang boses. Kaya, okay na ko. Fully charged na nga ako. Haha!) Pakiramdam ko, nakaramdam ako ng kilig. Ewan ko ba. Waa. Bakit nya ba sinasabi ang gantong bagay? Kinikilig ako. :’3

Sa totoo lang, hindi rin kami nakakanood ng ayos. Pero, ayos lang sa kin. Ngayon ko lang kasi nakausap sa cellphone si Ivan. Namiss ko rin kasi ang boses nya.

(Kwento ka naman oh.) Sabi naman nya sa akin. Ang naisipan ko namang ikwento sa kanya ay yung nung ininterview kami ni Austin ng live. Sinabi ko din sa kanya na kung gaano kalakas ang mga sigawan. Yung tipong halos mabingi na ako. Saka ang sunod-sunod na pag-flash ng camera. Yung tipong hindi ko alam kung saan ako titinging camera. Saka ang pagkakaba ko ng sobra sobra. Yung tipong napapihi na ako sa sobrang kaba.

(Haha! Napanood ko nga eh. Ang ingay! Saka.. Ang ganda mo. Mas lalo kang gumanda pagdating sa camera.)

Uwaaa. KINIKILIG AKO!!! Ivan naman eh. =_=

“Talaga? Hehe. Wait.. Asan ka ng part sa pinapanood natin?” Tanong ko sa kanya.

(Yung naaksidente na sya.) Sabi naman nya. May iba akong pakiramdam sa pinapanood ko. Pakiramdam ko, nangyayari ang ganto sa totoong buhay.

“Ako din eh.” Sabi ko naman.

(Alisa…) Tawag nya sa pangngalan ko. Mukhang naging malungkot yung boses nya.

“Hmm?” Sagot ko sa kanya.

(Paano kong bumalik yung alaala mo? Babalikan mo pa din ba yung taong mahal mo noon?) Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Alam kong may pinanghugutan sya sa mga salitang yun. At mukhang para sa akin talaga ang tanong na yun. Bago pa man ako makalabas ng ospital, alam kong may naiwan ako. Isang tao na inaantay ako. Pero hindi ko alam kung sino yun. Hindi kaya’t si Ivan?

*Shake head*

Ipinikit ko ang dalawa kong mata. I want to remembered my past.

Pero kahit anong gawin kong pilit maalala, wala akong ibang makita kundi burred na mukha, “Hindi ko alam.” Naging sagot ko kay Ivan. Malakas ang pakiramdam ko na si Ivan nga ang lalaking nasa mga panaginip ko. Kung dati ay matandaan ako na gusto ko sya noon. Mukhang hindi. Mukhang sya ang lalaking mahal ko. Ewan ko. Naguguluhan ako. Sobra akong naguguluhan. Ang dami kong gustong malaman.

“Ano ko si Austin dati?” Basta nalang lumabas ang mga salitang yun sa bibig ko. Sobra sobra din akong naguguluhan dahil hanggang ngayon isa pa din yan sa katanungan sa isipan ko. Paano kami dumating sa puntong maikasal ni Austin?

(Alisa.. Hindi a-ako dapat ang tinatanong mo nyan. Si Austin. Sya ang nakakaalam ng lahat.)

*BLAG*

“Alisa!!” Agad akong napalingon kay Austin na agad na binuksan ang pintuan ng kwarto ko.

Ipinause ko din yung movie, “Bye.” Sabi ko nalang kay Ivan at ibinaba na ito.

Mukhang pagod na pagod si Austin na nagtungo dito sa kwarto ko. Kaya kaagad ko syang nilapitan, “Okay lang?” Tanong ko sa kanya.

“Alisa.. Hindi a-ako dapat ang tinatanong mo nyan. Si Austin. Sya ang nakakaalam ng lahat.”

“Alisa.. Hindi a-ako dapat ang tinatanong mo nyan. Si Austin. Sya ang nakakaalam ng lahat.”

Kailangan ko syang kausapin tungkol. Dahil habang natagal, mas lalo kong gustong malaman ang lahat. Kung paano o anong dahilan ng pagkaka-aksidente ko. Kung paano o bakit kami naikasal. Ni-hindi nga ako sigurado kung Alisa nga ba talaga ang talagang tunay kong pangngalan. Nagkanda-ipon ipon na ang mga katanungan sa utak ko.

Agad nya akong niyakap, “Sorry.” Ibinaon nya ang ulo nya sa may leeg ko.

Lahat ng katanungan ko sa isipan ko. Tila nawala ng parang bula.

Agad ko rin syang niyakap, “Okay lang.” Alam ko na naman kung bakit sya nagsosorry. Kasi napag-antay nya ako.

Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin, “Galit ka?” Kitang-kita ko sa mata nya ang pagkapagod.

“Hindi. Ba’t ako magagalit?” Sabi ko naman. Hinawakan ko ang magkadalawa nyang pisngi, “Nagugutom ka ba?” Tanong ko sa kanya.

“Hindi.” Nakaramdam ako ng lungkot. Hindi nya siguro napansin ang mga pagkaing niluto ko sa kanya sa baba.

“Ah. Ganun ba.” Napatungo ako. Ewan ko ba pero eto na naman yung pakiramdam na nararamdaman ko kanina. Nawala ito nung makausap ko si Ivan.

Hinawakan nya ang kamay ko, “Sa kwarto ko ikaw matulog.”

O_________O

“A-Ano?!!”

“Sa kwarto ko tayo matulog.” Hindi ako nagkamali ng pandinig.

“Please?” Malungkot naman na tono ng boses nya, “Kahit ngayong gabi lang.” Paki-usap naman nya.

“Sige.” Hindi ko alam pero basta nalang yung lumabas sa bibig ko. Ba’t ako pumayag ng biglaan?

Nagtungo kami sa kwarto nya. Ibinaba nya ang dalang bag nya sa may table. Umupo naman ako sa side ng kama nya. Nakatingin lang ako sa kanya. Kung ganto ang mangyayari sa kanya kagabi hindi ko na alam kung anong gagawin ko para lang maka-relax sya kahit papaano. Hindi ko kayang makita sya ng sobrang napapagod.

“Magshoshower lang ako saglit ha?” Naka-ngiting sabi nya sa akin pero kitang-kita ko pa din ang pagkapagod nya, “Higa ka na.” Pagkatapos nyang sabihin yun, pumasok na sya ng banyo.

Pero imbis na humiga ako. Naglakad ako patungo sa may table nya. Ang daming mga gamit na nakakalat. Mga papers na kung ano-ano ang nakalagay. May mga notebook din at mga books. Andito rin ang laptop nya na hindi ko alam kung pinapatay ba nya o hindi.

Umupo ako sa upuan na kaharap ng table nya, “Ano to?” Tiningnan ko yung isang box dun na maliit. May nakalagay sa ibabaw nito na ‘CP’. Binuksan ko ito. Isang puzzle piece and nasa loob nito.

Kinuha at tiningnan ko sya, “Hindi mabubuo ang isang puzzle kung wala ito.” Sabi ko ng ibalik yung nag-iisang puzzle piece na yun sa box. Heart lang ang nakalagay dun. Tas dun sa dalawang panabihan, parang may kamay ng bata. Baka bigay ng isa sa fans nya?

Tiningan ko naman yung iba pang mga box dun. Hayy. Ako na ang pakielamerang asawa. =_=

Yung isang box naman ay malaki na. Binuksan ko rin ito. Mukhang ito ang mga bagay na binibigay sa kanya ng mga fans nya. May panyo, may bracelet, may ballpen, may notebook na maliliit at kung ano-ano pa. Basta ang lahat ng ito ay makukulay.

Napatingin naman ako sa gawing kaliwa ko. Medyo malaking cabinet pero naka-lock. Nakita ko naman ang isang susi na nakapatong sa may box na tiningnan ko kanina.

Ewan ko kung ano ang naghudyat sa sarili ko para buksan iyon. Bumulagta sa harap ko ang ilang scrapbook sa loob. Balak ko sanang kunin ito. Pero mas nakuha ng mata ko ang isa pang box sa loob. As in sobrang liit nito. Parang lalagyan ng sing-sing lang.

Kinuha ko ito. Hindi naman ito siguro yung wedding ring namin di ba? Ang alam ko kasi lagi nyang suot yun. Lagi ko pa ngang nakikitang suot nya yun eh.

Binuksan ko ito, “Minnie mouse ring?” Nagtataka ako habang pinagmamasdan yung ring na yun.

Dalawang salita lang ang sinasabi ng utak ko…

Pamilyar..

At..

Akin to.

Pumikit ako. At isang senaryo sa utak ko ang nakita ko.

“Ayan, bagay na bagay yung couple ring. Hangga’t hindi nagbebreak si Mickey at Minnie mouse, hindi rin tayo magbebreak? Ok? Hahahahhahah.”

Iisang tao lang ang nakitaan ko na may mickey mouse na ring. At si Ivan yun. Ilang beses ko syang nakikitaan na may suot suot na sing-sing na mickey mouse na ring. Gusto ko nga sanang isipin na ang childish nya. Minsan naman, hindi ko nakikitang suot nya.

Basta ang alam ko lang… May mickey mouse sya na ring. At kung pagdidikitin mo ang dalawnag sing-sing, para isa itong couple ring.

Pinagmasdan kong paulit ulit yung sing-sing. Hindi talaga ako nagkakamali. Halos katulad ito ng kay Ivan. Sino bang kapartner ni Mickey mouse? Di ba si Minnie mouse?

Pero.. P-Paano napapunta ang kapareho nito kay Austin?

Ng maramdaman kong pinatay na ni Austin ang shower. Inilagay ko sa bulsa ko yung Minnie mouse ring. Dali-dali ko ding binalik yung box na yun sa cabinet at ni-lock itong muli. Dali-dali rin akong bumalik sa kama at humiga.

“Mickey… Minnie mouse…” Sambit ko sa sarili ko.

Titingnan ko bukas kung suot ni Ivan yung sing-sing nya at kailangan kong itanong sa kanya ito. Kailangan ko na ding itanong ang mga bagay na sobrang naguguluhan ako. Alam kong si Ivan lang ang makakatulong sa akin.

Si Ivan lang ang susi ko..

Si Ivan lang ang alam kong paraan para malaman ang katotohanan..

Si Ivan lang ang alam kong makakatulong sa akin para bumalik lahat ng alaala ko..

Ramdam ko sa sarili ko na hindi ako nararapat dito..

Nararapat sa mismong bahay na’to..

Nararapat sa piling ni Austin..

Matagal ko ng nararamdaman ang mga bagay na’to..

Pero.. Unti-unti na akong nalilinawan sa mga bagay at katanungan ko sa sarili ko..

Bumukas na ang pintuan ng banyo. Sinubukan kong pumikit pero pilit ko pa ding naiisip ang mga katanungan sa utak ko. I’m barely sure this would give me headache. Pero kailangan ko to. Gulong-gulo na ko.

Ramdam ko ang kanyang paghiga sa kama. Amoy na amoy ko rin ang mabangong pabango nya. Kinumutan naman nya ako. Nagulat naman ako ng bigla nya akong…

Dug dug.

yakapin patalikod. Wala syang suot na pang-itaas. He’s topless. O_O

Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nya. Parang anytime mapapaharap ako sa kanya ng di-oras. Waaa. =_=

Play the song on the right side -- Angel by Cody Simpson

My angel,

How'd you get to be so fly,

How'd you get to shine so bright, girl.

How'd you get to look like that,

Heaven don't you call her back, yeah”

Halos kilabutan ako ng kumanta sya sa taenga ko. Ramdam ko ang init ng hininga nya ng pabulong syang kumanta sa may taenga ko. Ang bango ng hininga ng asawa ko. Gusto ko sana syang harapin pero, pilit ko pa ding ipinikit ang mata ko. 

"Doo doo doo doo do.”

“Halo Halo, I'm not sayin' hi,

Baby there's a ring above your head,

And it shines so bright in the sunlight,

in the sunlight

Ayo Ayo, this is like a dream

Every bit of you it makes me weak,

How did I get here, in the sunlight, in the sun.”

Mas kong naramdaman ang pagdikit ng labi nya sa taenga ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga at init ng katawan nya. Mas humigpit rin ang pagkakayakap nya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaharap na sa kanya. Kung kanina’y pagod ang nakita ko sa mata nya. Ngayon ay tila napalitan ng sigla. Magkaharapan na kaming dalawa ngayon. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sobra sobra akong napapangiti.

He’s playing with my hair as he sings the song. My hands are on his face. I’m looking straightly to his eyes. Parang may bagay sya hindi sinasabi sa akin. Hindi ko na ito pinansin at pinakinggan nalang ang kanyang pagkanta.

“I must be in Heaven

Cause I'm looking at an Angel

Whose staring back at me

Her eyes so heavenly

I must be in Heaven

Cause I'm looking at an Angel

There's no one on this Earth

that's made this beautiful

I must be in Heaven.”

“I love you.” He kissed me on the forehead.

Then, the tip of my nose.

And the next thing I knew is he is on top of me. I can see his half naked body. O__O

He’s looking directly through my eyes, “Wag ka ng babalik sa kanya. Ako nalang.”

I was just staring on his face the whole night. I can’t sleep. I really can’t sleep. Samantalang sya, tulog na tulog. Pagkatapos kasi nyang sabihin ang mga salitang yun, kaagad syang bumagsak sa akin. Nung tiningnan ko sya, tulog na tulog na sya. Kahit anong pikit ang gawin ko hindi talaga ako makatulog. Dahil hanggang ngayon, binubulabog pa din ng mga katanungan ang isipan ko.

Hinawi ko ang buhok na naharang sa mukha nya, “Ano ba ako dati? Ano tayo dati? Masyado pa tayong bata para sa kasal... Pero bakit naikasal tayo?” Hinawakan ko ang kaliwa nyang pisngi gamit ang kaliwang kamay ko.

“Pero… Austin…”

I love you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: