I'm Married ♡: Chapter 66
Chapter 66
Austin’s POV
Kaagad ko syang nayakap. Alam kong si Caitlin nga sya. Binalikan rin naman nya ang yakap ko sa kanya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sya nga. Sya nga si Caitlin. I know. I can feel it.
“Waaa! Kayakap ko si Austin ngayon!!! Picturan nyo!! Picturan nyo!! Eto cellphone ko!! Game!! Magiismile ako!! Dali!! Ganyan ka lang Austin ha? Once in a lifetime lang to! Uwaaaa. SMILE!!!!^__^”
*CLICKED*
“Eto po Mam. Wow. Ang swerte naman ni Mam. Nakayakap pa si Austin.” Malungkot naman na boses nung isang waitress.
Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Namiss ko sya ng sobra sobra.
“Waaaa! Nakakilig naman! Ang swerte ko yata ngayon! Waaaa! Sige na nga, hug din kita! Hahahaha!” At niyakap nya din ako ng mahigpit na mahigpit. Si Caitin nga sya. Alam ko ang pakiramdam ng yakap nya.
Ilang sandali lang ay humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya, “Alam mo bang ang tagal kitang hinanap? Sabi na nga buhay ka… Caitlin.”
Medyo nagtaka naman sya, “Waaa!! Hindi po ako si Caitlin. Ako po si Kate.” Masaya naman nyang sabi.
“K-Kate? No.. You’re Caitlin.”
“Oo nalang! Tss. Sounds like naman eh! Hehe. Waaa. Pa-picture naman ako! Yung pareho tayo na naka-smile! Ate, pa-picture naman! Yieee! Thanks!”
“1…2….3! SMILE!”
“HuWAW! Ang ganda ko talaga! Ipapakita ko to kay Hershey! Haha. Iinggitin ko sya! Whahaha! Austin thank you po. Thank you thank you! Dream come true po! ^^ Waaa! Pa-hug nga ulit!!” Tas niyakap nya ako ulit.
“Hey! Anong pabango mo?! Parang parehas kayo ni Hershey ng pabango?!! Ah! Hindi! Mas mabango yung iyo. Hindi kasi bagay kay Hershey yung pabango nya! Sayo, bagay na bagay! Perfectly perfect! HAHAHAHAHA!”
“Sir, Mam. Eto na po yung cakes.” Sabi sa amin nung counter.
“Thanks.” Sabi ko naman dito.
“Yey! Thank you po! ^^” Masaya namang sabi ni Caitlin at pumapalakpak pa.
“Waa. Ang bilis naman ng oras. Ate naman! Dapat tinagalan nyo! Hmff.” Pagrereklamo naman nito.
Tumawa nalang yung mga babae sa counter, “Sir, balik po kayo dito ah.” Naka-ngiting sabi nito.
“Sure.” Sagot ko naman sa kanila.
“Are you free this night?” Tanong ko naman sa kanya. Pagkakataon ko na’to. Madami akong bagay na kailangang itanong sa kanya. Bakit sya nawala. Bakit hindi na sya bumalik. Bakit parang hindi na nya ako kilala. Bakit Kate ang sinasabi nyang pangngalan nya. At kung sino si Hershey.
“Waaa! Niyaya mo ba kong mag-date?! JOKE! Haha. Yep, I’m free this night.” Sabi nito.
“Can we talk for a while?” Tanong ko sa kanya.
“SURE!!! Pero, pwede bang dito nalang? Alam mo na.. Baka kasi pag sa iba pa tayong place. Pagkaguluhan ka pa. Tas makikita nila na kasama mo ako. Eh di mababalita sa tv at internet. Tapos dudumugin ako ng fans mo.” Sabi naman nya.
“Dito nalang tayo. Let’s seat there.” Sabi ko sa kanya. Naglakad kami papunta sa may isang table.
“Aww. Thanks.” Sabi naman nya sa akin ng ipag-usod ko sya ng bangkuan.
“May gusto ka ba munang kainin?” Tanong ko sa kanya.
“Isang slice na lang ng vanilla cake. ^^” Sabi naman nya. She’s really Caitlin. Hindi ako nagkakamali.
Pumunta na ako sa may counter. Hindi ko mapigilan ang hindi tumingin sa kanya. Mukhang may nilalaro sya sa cellphone nya. Pakiramdam ko, anytime mawawala syang muli sa akin. Pakriamdam ko, pag naalis ang mata ko sa kanya.. Mawawala na naman sya sa akin. Hindi na pwedeng mangyari yun.
“Sir, icocolose na po namin ang shop para wala na pong pumasok.” Sabi naman nung isang babae.
Tumingin ako sa orasan, “Medyo maaga pa. Sayang naman ang kita. Gabi naman at wala na halos tao.” Sabi ko sa kanila.
“Eh baka po may makaalam na andito kayo. Eh alam nyo na, baka dumugin kayo.” Sabi naman ng mga ito.
“Pasensya na ha.” Ayun nalang ang nasabi ko sa kanila.
“Okay lang po yun Sir! Basta’t babalik po kayo dito. Hehe. ^^” Sabay namang sabi nilang dalawa.
“Oo naman. Pagbalik ko, I’m with someone.” Sabi ko naman.
“Waaa. Talaga Sir? Yiee! Iintayin namin kayo Sir ha.” Sabi naman nito. Bumalik na ako sa table.
“Wow! Treat mo ko?” Masaya naman nyang bungad sa akin. Ipinatong nya ang cellphone nya dahilanan para makita ko ang nilalaro nya. A game where she’s solving a puzzle piece. And that puzzle piece.. is my picture.
Umupo ako, “Can I ask you question?” Tanong ko sa kanya. Baka kasi mabigla sya kung didiretsuhin ko ang pagtatanong sa kanya.
*Subo*
“Shure.” Medyo bulol naman nyang sabi dahil may ngininguya pa sya, “Wow! Cookies n’ cream na shake?! Wow naman! Hehe! ^^ Favorite naman to ni Hershey ah! Thank you dito ha?!” Masaya naman nyang sabi. Ang ganda pa rin ng mga ngiti nya.
“Ano ang tunay mong pangngalan?” Tanong ko sa kanya. Sinimula na akong kabahan. Pakiramdam ko, may nangyari sa kanya.
“Kate Aubrey Della Cruz. At ako ang #1 fan mo! Hehe! ^__^”
Kate Della Cruz? How can that be? She’s Caitlin.
“Sino ang mga magulang mo?” Tanong ko na naman sa kanya.
“Mommy at Daddy ko? Hmm. Si Mommy ko ay si Maricar Della Cruz. At ang Daddy ko naman ay si Steve Della Cruz. Hehe. Ba’t mo naman itanong? Teka.. Interview? Yung mismong idol ang nagiinterview sa fan? Shete! Kinikilig ako! Hahahaha!!” Tas tumawa pa sya
Maricar Della Cruz and Steve Della Cruz? No. No. Her parents is Ms. Janica Perez and Mr. Steven Perez. Sobra sobra na akong naguguluhan. Hindi ba si Caitlin ang kahirap ko ngayon? Pero hindi. She has her identity at sigurado akong si Caitlin talaga sya.
“Saan ka nakatira? Sino kasama mo sa bahay?” Dire-diretso kong tanong sa kanya. Sobra sobra ng naguguluhan ang isipan ko.
*Subo*
“Waa. Ang daming tanong! Pero syempre, idol at crush naman kita kaya sasagutin ko ang lahat ng tanong mo. Hehe! Actually, kakauwi ko lang galing New York USA. Kasama ko sa bahay? Dun sa bahay namin sa New York. Syempre, sina Mommy and Daddy! Haha. At dito naman sa Pilipinas, kasama naman si Hershey! Hehe.”
New York USA? Paano nangyari yun? Eh pauwi sya noon sa Pilipinas hindi ba? Paano sya napabalik sa USA? Kasama nya noon si Charles.. Pero asan ngayon si Charles?
And one more thing.. Sino si Hershey?
“S-Sino si Hershey?” Tanong ko. Nakaramdam ako ng kaba. Sino ba si Hershey?
“Si Hershey ko? Syempre ang pinakalove na love kong bestfriend ko! Si Ch---- OH NOES! Gabi na pala! Hala! Yari ako!” *Subo* *Subo* *Subo* *Subo* *Inom*
“Idol! Salamat dito ha.” Tas tumayo na sya at tumakbo.
“Wait…”
Kaagad syang humarap at tumakbong papalapit sa akin.
Takbo pa lang nya.. Alam kong si Caitlin sya.
At kaagad nya akong niyakap, “I didn’t expected this. Andito lang pala sa Pilipinas ang idol ko. Ang tagal kong hiniling na makita ka in person. Mas higit pa pala dun ang matatanggap ko. Thank you. Thank you.” Dinig na dinig ko ang mga salitang binitawan nya sa taenga ko.
Boses na boses nya si Caitlin.
Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin before she goes, she gave me a smiled.
The smiled I know that is Caitlin’s smile.
Her eyes.. her nose.. her lips.. her cheekbones.. I know she’s Caitlin.
Pinagmasdan ko lang ang likod nyang natakbo papalabas ng cake shop. Nakaramdam ako ng lungkot. Alam kong sya yun. Nakita ko na syang muli. Nakasama ko na sya. Pero ba’t pakiramdam ko.. I lose her again.
Bumalik ako sa may table namin. I’m thinking again our scenes lately.
I should’ve spent more time with her.
I should’ve asked many questions because I’m still in the state of confusion.
Napahawak ako sa pinggan na pinagkainan nya, “I miss you my vanilla.”
Napatingin ako sa cake na binili ko kanina…
Tumingin ako sa orasan ko. Sh*t .
Agad akong napatayo sa kinauupuan ko.
Si Alisa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro