I'm Married ♡: Chapter 65
Chapter 65
Austin’s POV
“Don’t go… Ivan.”
Halos manlumo ako sa narinig kong pangngalan binanggit nya. Halos madurog ang puso ko. Para akong binagsakan ng lupa at langit. Bakit hanggang sa pagtulog si Ivan pa din? Bakit kahit anong gawin ko si Ivan pa din?
Unti unting may tumulong luha sa mata ko.
How long can I bear the pain?
How long can I wait?
Pinunasan ko ang luha ko. Hinawakan ko ang kamay nya at idinampi sa pisngi ko, “Mamahalin mo din naman ako Alisa di ba? Yung kahit bumalik na yung mga alaala mo, ako pa din ang pipiliin mo? Di ba mangyayari yun? Tas magiging masaya tayong dalawa. Yung tayong dalawa lang. At pag dumating yung araw na papipiliin ka kung ako o si Ivan… A-Ako yung pipiliin mo dahil ako na yung mahal mo. Mangyayari yung di ba?” Putol-putol na rin ang mga salita ko dahil sa pag-iyak ko. Hindi ko mapigilan ang hindi mapa-iyak. Ngayon ko lang naramdaman ang gantong sakit. Ngayon lang kasi ako nagmahal ng ganto.
“Kasi ako… If I could be with anyone, I’d still choose you.” Hinalikan ko sya sa noo.
Mamaya magising sya at magtaka naman sya kung bakit ako naiyak. Mamaya sabihin pa nya na bakla ako. Ang drama ko yata. Sorry naman. Kahit naman kasi kaming mga lalaki, nasasaktan din. Lalo na’t hindi ka magawang mahalin ng taong mahal mo.
//
“Good morning!” Bati nya sa akin ng makababa sya ng hagdan, “Anong breakfast? ^o^” Masigla nyang tanong. Bakit ganun? Sya sobrang saya. Ako.. Lihim na nasasaktan.
“Cornbeef, egg, and spam. Tas may bread dyan, peanut butter, ube or strawberry jam o nutella ang mga palaman.” Sabi ko naman sa kanya ng makapaghain ako ng pinggan, baso at mga kutsara at tinidor.
Umupo na ako. Pakiramdam ko, wala pa ding nagbago sa naramdaman ko. Kahit naitulog ko na, ganun pa din kasakit.
“Uy! Okay ka lang? Anong nangyari sayo?” Nag-aalala naman nyang tanong sa akin.
Nginitian ko sya, “Wala ah! Haha. Kulang lang siguro ako sa tulog.” Pagdadahilan ko naman.
“Hayy. Dapat di ka muna maagang gumising ngayon. Pwede namang ma-late eh. Pwede din naman na ako na ang magluto ng umagahan nating dalawa.”
Bakit mas lalong nasakit?
Bakit mas nalala ang sakit ng nararamdaman ko?
**
~Howard Univeristy
“Austin!” Parehas kaming napalingon sa tumawag ng pangngalan ko. Si Hannah na naman. Teka.. Ang cute naman nya yata ngayon? She’s in a ponytail.
I smiled, “Good morning.” Bati ko sa kanya. Ang hirap pala magkunwaring masaya ka kahit hindi naman talaga.
“You okay?” Kahit pala na ngumiti ako, halata pa rin nila.
“I’m fine.” Sagot ko sa kanya.
“Ah. Good. Ah! I forgot! The first scene should be film later. Biglaan naman kasi yung interview mo. Dapat kahapon pa tayo nakapag-start.” *pouts*
“So----“
“Mauna na ko ha. May gagawin pa ko eh. Sorry.” Sabi naman ni Alisa na agad namang naglakad palayo.
Akmang susundan ko na sana sya pero pinigilan ako ni Hannah, “Hey! Don’t be like that. You’re like a dog. Always following his master.” She laughed. Hindi ko nagustuhan ang narinig ko.
I looked directly straight to her eyes, “H-Hey! I’m just kidding!” Sabi naman nya at itinulak naman ako ng mahina at inilagay ang kamay nya sa may braso ko, “Come on! Let’s go!” Masaya naman nyang sabi.
Naglalakad na kami papuntang room. Hinayaan ko nalang sya. Wala naman syang malisa ito sa akin eh. Bahala na ang gustong isipin ng mga estudyante kung ano to. Dahil para naman talaga sa akin, si Alisa lang.
“Wala na sila ni Alisa?!”
“Hala! Bago na agad?!”
“Kaka-transfer lang may boyfriend na agad?!”
“Iba talaga pag laking America eh.”
“Uwaaa. Wag naman ang Austin ko! Tss.”
“Kulang nalang mag-panty sya sa sobrang ikli ng skirt nya eh!”
“She’s not even pretty. Haha. Nadala lang ng make-up.”
“Iba talaga ang nagagawa ng foundation. Hahahaha!”
We stopped, “What?” Tanong ko sa kanya. Nakatingin lang sya sa mga babae na nag-uusap. Mukhang masama yata ang atmosphere.
“Ay! Galit na yata ang Hannah Scott na isa DAW sa pinaka-sikat na teen actress sa buong mundo. Hahaha.” Nagtawanan pa ang mga ito. Mas lalo akong kinabahan. Mukhang may mangyayari ah.
Inalis nya ang kamay nya sa pagkakakabit nito sa kamay ko, “Nadala ng make-up? Are you FUCKING KIDDING ME?! Eto? Tong mukhang to?! Make-up lang ang dahilan?! HAHAHAHAHAHAHA! Nahiya naman ako sa coloring book mong mukha?” She smiled bitterly to those girls as she said those words. May kinuha sya sa bag nya, parang mga tissue wipes at ipinahid ito sa mukha nung babae.
“STOP I----“
*SLAP*
Dahilanan para mapa-upo sa sahig yung babae. Halos lahat kami sobrang na-shock sa ginawa ni Hannah. Halos lahat ng estudyante ay nandito na at yung iba ay may nakuha ng viceo o pictures. Yari! Lumuhod sya ng kaunti, “Nagkamali ka yata ng kinalaban dear. Iba akong magalit. Patikim pa lang yan.” Sabi nito at tumayo na.
O_O
“Come on.” Sabay higit nya sa kamay ko. Eto ba ang talagang Hannah Scott ang kasama ko?
“Sigurado bang okay lang talaga sayo?” Tanong ko kay Alisa dahil sinabi ko sa kanya na si Kyla na lang ang maghahatid sa kanya pauwi. First shooting kasi ng first scene ng movie namin ngayon eh. Balak ko nga na maka-ilang scenes kami ngayong gabi. Ewan ko lang kaya. Pero sa tingin ko, hindi.
“Oo naman.” Medyo malungkot nyang sagot.
Hinawakan ko sya sa dalawang balikat, “Babalik ako ng maaga. Promise.” Promise ko naman sa kanya.
Ngumiti naman sya, “Sabi mo yan ha? Ipagluluto kita.” Sabi naman nya.
Napangiti naman ako, ipagluluto nya ako. :’)
“Talaga? Sige ha. Aagahan ko ang pag-uwi.” Masigla kong sabi. Kailangan kong maagang maka-uwi.
Sumakay na ako ng sasakyan. Magkasunod lang ang sasakyan namin ni Hannah. Baka nga bukas hindi ako makapasok dahil din sa shooting ko. Kaya ayoko ng movies eh, kahit studies ko sobrang maaapektuhan. At kung kailan naman nakita ko na ang babaeng mamahalin ko habang buhay saka naman sumingit ito. Ilang buwan lang naman siguro ang itatagal nito. Konting tiis lang.
****
“Hannah! ARE YOU CRAZY?!” Bungad agad sa amin ng manager ni Hannah.
“What are you saying?” Napa-isip naman si Hannah, “Ah! Did someone upload that video already?! HAHAHA. I don’t give a fuck. Excuse me.” Sabi nito at nilagpasan lang ang Manager nya.
Ako, si manager at lahat ng staffs ay nagulat rin sa sinabi ni Hannah. Hindi naman sya ganto nung una kaming nagkilala eh. Parang may iba sa kanya ngayon. May nangyari ba?
“1…2… ACTION!”
First scene.
I was walking on the hallway and she caught my eye. An also college student in same university as I am.
Accidentally, I bumped into her, “Sorry.” I kneeled down to get her things.
“It’s okay.” She said. I looked down to her I.D. She’s a 4th year college student. Aww. We’re not having the same building. :’(
Y-Yumi… Sounds familiar.
“Andre nga pala.” I smiled and I stretched my right hand.
“Yumi.” She smiled. She’s like really really pretty.
“Hatid na kita sa room mo. Kung okay lang?” Tanong ko sa kanya.
“Sure.” Sabi naman nya.
Nag-YES hand gesture pa ako para kita ng barkada. Sabay kaming naglalakad ngayon. Ewan ko ba pero parang kakaiba yung pakiramdam. Yung ngayon ko lang naramdaman. Nagka-girlfriend naman ako pero syempre, hindi seryoso. Pero bakit yung ngayon? Love na ba to? SHEMAY! Ang gay ko.
“Thanks sa paghatid.” Naka-ngiting sabi nya sa akin.
“You’re always welcome.” Naka-ngiting sabi ko sa kanya, “Pwede ko ba mukha number mo?” Tanong ko sa kanya.
“0927******” Sabi naman nya. Ewan ko kung kinikilig ba ang tulad nya.
“Thanks.” Sabi ko at nagsimula ng maglakad.
I think I already found my girl.
“CUT!!!!!! PERFECT NA PERFECT!!! GOOD JOB!!” Masayang sabi naman ng Director. Aba’y syempre! Mga professional kaya ang mga artists nya. Bibihira lang akong magkamali sa mga shooting shooting na yan. Lalo na’t pagseryoso ako. Pero syempre, dapat ganun din ang ibang casts. Lalo na ngayon at gustong-gusto ko ng umuwi.
“10 minutes break.” Sabi pa nito. Inabutan naman kami ng ibang staffs ng pagkain at inayusan din kami.
“Ms. Hannah, and Mr. Austin. Please smile for the camera! ^_^”
Agad naman kaming ngumiti ni Hannah. Dumikit naman sya ng kaunti sa akin.
*CLICKED*
“Perfect. Like a couple.” Naka-ngiting sabi ng isang staff na nakatingin sa camera nya. Teka… LIKE A COUPLE?! Eh alam naman na nilang lahat na may girlfriend ako ah! Tss. Eh kung sabihin ko na kaya sa buong mundo na may asawa na ko? Hayy. Di pwede. Si Alisa lang din ang maiipit.
**
“Uuwi kana?” Tanong sa akin ni Hannah ng naglalakad na ako palabas.
“Oo. Ikaw?” Tanong ko naman sa kanya.
“Ah. Sayang naman. Yayain pa naman kita. Sige, bukas nalang siguro.” Medyo naging malungkot naman ang mukha nya, “Papasok ka pa bukas? May shooting tayo hindi ba?” Tanong naman nya ng makadating kami sa may parking lot.
“Siguro? Ewan ko lang. Bahala na bukas.” Sabi ko naman. Ilang oras kaming nag-shooting. Pagkatapos naman ay pinucturan lang kaming dalawa ni Hannah, like photoshoot naming dalawa. Pinagsabay-sabay na. Kaya nga halata sa amin ang sobrang pagod. Buti nalang at medyo maaga-aga pa ngayon.
“Ingat sa pagdadrive.” Bilin ko sa kanya.
“I will. You too. Bye Austin.” Sabi naman nya. Sasakay na sana ako ng sasakyan ng bigla syang nagsimulang magsalita ulit.
“Wait…” She run come after me and.. kissed me on the cheeks, “Goodbye and goodnight too.” She smiled.
I was stunned for a seconds.
Si Alisa lang ang pwedeng humalik sa akin. -_-
Habang angdadrive ako, naisip ko na pupunta muna ako sa may cake shop. Ibibili ko lang si Alisa ng cake. Chocolate cake kaya ang gusto nya? O kahit ano nalang? Napangiti ako. Gustong-gusto ko na ulit syang makita.
“Si Austin Salvatorre ba yan?!!
Shet. Nakalimutan ko yung cap ko sa sasakyan. Napatingin ako sa paligid, wala namang halos tao na. kaya okay lang.
“SYA NGA!!!! OH MY!! AKO ANG MAGAASIKASO SA KANYA!!!”
“SI AUSTIN!!!”
“Mama! Papa-picture ako.”
May lumapit naman sa aking bata, “Hi. ^_^” Lumuhod ako ng kaunti. Ang cute naman nya.
“Papicture po. Hehe.” She giggled. Ang cute nya! Sana ganto ang maging anak naming ni Alisa. Haha. Pero syempre, mas cute pa.
“1…2…3!”
*CLICKED*
“Thank you po.” Tas hinalikan ako sa cheeks. Haha. Ang cute na bata.
“Pwedeng ako din po?” Sabi naman nung iba.
I smiled, “Oo naman.”
“Uwaaaa!!”
“Ako muna!!”
“Ako nauna!!”
Natatawa nalang ako sa kanila. Pwede namang magbigay nalang ang isa sa kanila.
“Sige na nga ikaw muna! Pfft!”
*CLICKED*
“Waaa! Thank you thank you po!” Tas yumakap pa ito sa akin.
Ang sakit na ng bibig ko kakangiti. May ilang guards na rin ang nagbantay sa labas ng cake shop dahil baka daw pagkaguluhan ako.
“Sir, ano po sa inyo?” Malambing na boses na sabi sa akin ng babae na niyakap ako kanina.
Tumingin-tingin ako sa mga available dun. Napatingin ako sa may Vanilla Cake. My eyes were stunned. That’s her favorite. Caitlin’s favorite.
Matagal na syang wala Austin. Move on.
*Shake head*
I smiled, “Chocolate cake nalang.”
“Anong problema ng mga yun? Ba’t parang bantay sarado sila? Mukha ba kong magnanakaw? Pfft! Kainis!” Napatingin ako sa babaeng naglalakad papalapit sa may counter.
“Vanilla cake po! ^_^” Sabi nya dun sa isang counter. Vanilla cake..
Tinitigan ko sya.. Pamilyar ang mukha nya..
Aksidenteng napatingin din sya sa akin at mukhang nagulat naman sya. Napatakip sya ng bibig, “OMO! Ikaw si Austin Salvatorre, right? Uwaaaaaa!” Nagtatalon naman sya sa tuwa.
Sa pag-ngiti nya. Sa pagkilos nya. Sa pagorder nya ng vanilla cake.
Hindi ako maaring magkamali.
Si Caitlin ang babaeng nasa harapan ko ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro