Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 6

 Chapter 6

Kyla’s POV

Bwisit na Mrs. Escalante yun ah. Andito tuloy kami sa labas ni bestfriend. Pinagtitinginan na kami dito ng ibang section. -_- Pati na rin si Vince. >/< Teka, care ko?

“Bestfriend, 45 minutes pa tayo dito sa labas.” Sabi ko kay bestfriend.

“Oo nga eh. Uy, may laptop kang dala? Groupings nga pala ngayon sa Research.” Sabi nito. Napatingin kaming dalawa ni bestfriend sa classroom ng IV- Timothy. Oo nga, groupings nga pala. Yung ibang group nagsisilabasan. Kasama na din yung group ni Vince. -___-

“Yare. Wala akong dala. Ikaw meron? For sure, wala ding dala yung group mates natin. Takte naman.” Sabi ko.

“Yare talaga. Tsss. Absent pa din si Ivan.” Tas nag-pout ito.

“Bakit nga pala absent yon?” Tanong ko.

“Ewan ko. Nung pinuntahan ko siya sa bahay nila. Para namang wala siyang sakit eh.” Sabi nito.

WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAATTTTTTTT?

“OH MY GOD!!!! PINUNTAHAN MO SIYA SA BAHAY NILA?!! GOSH! TELL ME WHAT HAPPEN NEXT!!! DALI. KILIG AKO!!!! :D” Sigaw ko na alam kong nakaagaw ng atensyon ng groupings ng IV- Timothy.

“Hoy babaeng nakalunok ng sampung microphone, bibig mo nga! Ipalamon ko sayo tong laptop eh.” Sabi ni Vince.

Lord, okay lang po bang magka-world war III? Ngayon na…mismo!

 

“Hoy lalaking feeling pogi na pakielamero, sabatero, hampaslupa, wag kang sabat. Ipapalamon yung laptop….kaya mo?”

“Oo kaya ko.”

“Gawin mo nga.”

“Oh ano. Talaga gagawin ko. Nga nga!” Tumayo ito hawak yung laptop at pinapa nga-nga ako.

“Asa namang kasya yan sa bibig ko. Pag nagkasya I praised you.” Sabi ko.

“Akin na pagkakasyahin ko.” Sabi nito.

Lahat ng estudyante nakatingin sa amin pati na din ang mga classmates namin at si Mrs. Escalante. Si bestfriend naman tawa lang ng tawa. Good bestfriend.

“Tanga ka ba? Ang laki laki nyan ipapalamon mo yan sa kin?!! Naturingang first section ka, pero ang bobo mo sa common sense.” Sabay irap ko.

“Kaya nga pagkakasyahin di ba. Tanga ka ba? Wag ka ngang umirap. Hindi bagay sayo. Lalo kang napangit. Mabuti pa ang kindat ko nakaka-inlove.” Sabay kindat sa akin.

“Bestfriend, may plastic ka ba dyan?”

“Wala eh. Bakit?” Tanong nito.

“Pakihanap naman ako. Susuka lang ako. Nakakasuka sinabi nitong mokong na to eh. Ayun, may basurahan pala dito. Sige, mamaya nalang ako susuka. Nakakatamad lumakad.” Sabi ko.

“Aaron, paheram naman ng guitar mo.”

“Bakit?” Tanong naman nito.

“Ihahampas ko lang sa pagmumukha ng babaeng to.” Sabi nito at lahat sila nagtawanan.

“Bestfriend, may ----------“

“Ms. Monteriano! Guidance! NOW!” Fvck.

“Sh*t.” Sabay naming sabi ni bestfriend.

“Opsssssyyy. Got a record.” Sabi ni Vince at lumakad na palayo sa akin.

Fvck this day.

Alisa’s POV

Grabeh naman yung sagutan ni bestfriend at ni Vince. Ayan, na-guidance tuloy si bestfriend. Ang daya, dapat si Vince din! -__-

Mag-isa lang tuloy ako sa classroom ngayon. Wala akong kadaldalan. Pano nga kasi si bestfriend na sa guidance. -__-

Wala din namang magawa. Pinagbigyan kami ni Mrs. Miano na bukas na lang namin gagawin yung sa research namin. Sobrang bait talaga ni Ma’am.

Kinuha ko na lang ang sticky note sa bag ko. Malapit na pala ang bday ni Ivan. Sa Thursday na pala. Eh Tuesday na ngayon. Tss. Ano naman kaya ang ireregalo ko? Naregaluhan ko na siya ng damit, sapatos, mugs, watch, cupcakes, cakes, at kung ano-ano pa. >.<

Tss. Makapagsulat na nga lang ng pick-up lines.

“Teleserye ka ba? Ang sarap mo kasing subaybayan.”

“Table of contents ka ba? Ikaw kasi ang laman ng bawat pahina ng buhay ko.”

“Bagyo ka ba? Kasi the moment you leave my area of responsibility, you leave my heart in the state of calamity.”

“Chinese ka ba? Kasi I’ll siomai love to you, snd I hopia love me too.”

“ May mahal ako….nagsisimula sa I nagtatapos sa W.

At ang English niya ay YOU<3.”

“Aanhin mo pa ang bahay nyo……kung nakatira kana sa puso ko.”

“Ang pag-ibig ko sa’yo ay parang kinopyang assignment, na kapag tinanong ng iba, ang hirap i-explain.”

“Hindi mo pa nga ako binabato, tinamaan na ako sayo.”

“Huwag ka ngang umasta na parang ang YAMAN-YAMAN mo, eh isa ka lang namang HAMAK na TAMBAY dito sa PUSO KO.”

“May gamot ka ba sa pampalaglag? Kasi ang lakas ng kapit mo sa puso ko.”

“Ako nga pala si COCO, ang COCOmpleto ng buhay mo.”

“Kanal ka ba? Pwede bang akin KANALang?”

“Alam mo para kang bubuyog, kasi naBEEhug mo ang puso ko.”

At kung ano-ano pang pick-up lines hanggang sa maubos yung sticky note ko. Waaaah. Ang sipag ko pala. Eh ang dami kaya nitong sticky note tas naubos ko. Yung ibang pick-up lines, kinuha ko sa cellphone ko. May dinownload kasi ako noong files na “Tagalog pick-up lines”.

*TINGGGGG*

Eh kung eto na lang kaya ang iregalo ko kay Ivanbabes? ^___^

Tama!! At least eto effort. :DDD

Tas mag-iisip na lang ako mamayang gani kung ano pa pwedeng iregalo sa kanya. =)))

Pinahinga ko muna yung kamay ko dahil sobrang sakit na. Kakasulat ba naman eh. -_-

Naramdaman kung may umupo na sa tabi ko,”Bestfriend, okay ka lang?” Tanong ko kay bestfriend.

“Hinayupak na Vince na yan. Nagka-record tuloy ako sa guidance. First time bestfriend. May araw din sa kin yan.” Nanggagaliiting sabi ni bestfriend.

“Chill ka lang bestfriend. Sayang ganda mo. Teka, dyan nagsisimula yan? Yieee.” Sabi ko.

“Anong dyan nagsisimula?” Tanong nito.

“Sa away. Asaran. Tas, magiging love. Waaaah! Bagay po kayo!” Sabay hampas ko sa kanya.

“So ganun kailangan may hampas pa talaga? Love ka dyan? Duh. Over my dead gorgeous sexy body noh. Magmeet muna ang lupa at langit bago mangyari yang sinasabi mo.” Sabi nito.

“Bestfriend, I swear, dyan talaga nagsisimula ang lahat. HAHAHAHHA.” Sabi ko.

“Bestfriend, pwede pasapak?”

“Eto naman, jinojoke lang.”

“Pwes. Hindi magandang joke.” Sabi nito. Naputol ang usapan namin ni bestfriend ng dumating si Mrs. Calatcat. Ang teacher namin sa TLE. Wala din naman kami halos ginawa. Nagpa-seatwork lang naman.

Uwian na. Pupuntahan ko ba si Ivan sa kanila? Isip isip…..

Oo. Kukuhanin ko nga pala yung article. Kailangan na bukas yun. Nag-commute ako papunta sa bahay nila. Pagkadating ko, wala daw si Ivan. Pinuntahan daw si Ianne. Masundan. Alam ko naman kung saan ang bahay ni Ianne eh. Dun ko kasi siya nakikitang nababa eh.

Ivan’s POV

Magkabalikan lang kami ni Ianne. Ayun na ang pinakamagandang regalo na matatanggap ko sa birthday ko. Andito ako sa labas ng bahay niya. Nagbabakasakaling lumabas siya ng gantong oras. Hindi naman ako nagkamali. Lumabas ito….kasama si Aaron. Lumapit ako sa kanila.

“Ianne, let’s talk.” Sabi ko kay Ianne at hinawakan ang kamay nito.

“Wala na tayong dapat pag-usapan Ivan.” Pilit nabitaw ito sa pagkakahawak ko sa kamay niya pero mas lalo ko itong hinigpitan.

“Pre, kung ayaw niya. Wag mo ng pilitin.” Sabay hawak ni Aaron sa kamay ko.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at hinarap ito, “Wag kang makisali dito. Usapan naming dalawa to.” Sabi ko.

“Eh ayaw nga niya eh! Wag mo na siyang pilitin!” Sabi nito.

“Ivan, get your hands off me.” Sabi ni Ianne. Pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

“Pre, nasasaktan na si Ianne. Bitawan mo na. Please lang.” Sabi nito.

“IVAN!!” Napalingon kaming tatlo sa isang boses. Isang babae na tumakbo na papalapit sa amin.

“Alisa?” Sabay naming sabi ni Aaron.

“You know her?!!” Tanong ni Ianne kay Aaron.

“Yeah.” Sabi naman nito.

“Ivan, get off.” Bumalik naman ang ulirat ni Ianne sa pagkakahawak ko sa kamay niya.

“Pre, bitaw.” This time, lumapit na sa akin si Aaron at tila inaalis yung kamay kong nakahawak kay Ianne.

“Pano kung ayoko?” Sabi ko.

Hindi ito sumagot kundi sinuntok lang ako. Agad naman akong napabitaw kay Ianne. Napaupo ako sa semento, “Ok ka lang?” Tanong sa akin ni..Alisa at hinawakan ang bibig kung nadugo, “Ano ba! Okay lang ako.” Sabay alis ko sa kamay niya.

“Pre, umalis ka na. Please lang.”

“Ayo-------“

“Oo! Sige! Aalis na kami!!! Babye!!! ^___^” Sabi nito sabay hawak sa kamay ko at hinila paalis.

 Ng makalayo-layo kami, “Ano bang problema mo?!” Sigaw ko sa kanya.

“Ha? Ako? Wala ah. Ikaw siguro, meron. Sabihin mo nga, kaya ka hindi napasok dahil ba dun?”

“OO! KAYA AKO HINDI NAPASOK DAHIL AYOKO SILANG MAKITANG MAGKASAMA! DAHIL NASASAKTAN AKO! OH YAN! NARINIG MO NA?! MASAYA KA NA?!!” Naglakad ako palayo sa kanya.

Naramdaman kung may pumatak na ulan. Sumilong muna ako. Ganun din naman siya.

“Sh*t.” Sabi ko. Gabi na kasi. Tas uulan pa ng ganto. Dapat dinala ko nalang pala sasakyan ko.

May kinalikot sa bag naman si Alisa, “Oh eto.” Sabi niya. Binuksan niya yung payong at inabot sa akin, “Gamitin mo muna.” Ngiting sabi niya.

“Pano ka? Sukob nalang tayo.” Sabi ko.

“Hindi. Wag na. Okay lang ako. Maliit lang naman yang payong eh. Hindi rin tayo kasya dyan. Sige, alis ka na. Baka hanap ka na ni Tita Rowena. Babyeee!!! ^___^” Tinulak niya ako sa may ulan. Hindi naman ako nabasa dahil gamit ko na ang payong nya. Naglakad na ako. Sabi niya ok lang naman siya. Tumigil ako. At tiningnan ulit siya.

Sigurado ka bang ok lang sayo?

 

“Go na! Babyeeee!!! ^___^” Nag-wave siya.

Naglakad na ko. Tsss. Ok lang naman daw siya eh. Ibabalik ko nalang tong payong bukas. Pagkadating ko sa bahay, alalang-alala si Mama. Tss. Para namang isang taon ako nawala eh. Dumaretso nalang ako sa kwarto ko. Ibinagsak ang sarili sa kama. Tiningnan ko yung picture namin ni Ianne.

Akala ko ako na yung mahal mo…pero yung bestfriend ko pa din pala.

Bumaba din ako para maghapunan. Pagkatapos, pumanik na ulit ako at natulog na. Papasok na ako bukas.

                                                                   ****

~Morning.

Lahat nagtitinginan sa akin. Lagi naman eh. Sino bang hindi titingin sa gwapong to?

1st, 2nd,3rd subject, nag-lesson lang. Nag-recess. Hindi ako lumabas ng classroom. Nag-ipod lang ako. Natanaw ko kasi na magkasabay mag-recess si Ianne at Aaron. May quiz daw sa Physics mamaya, makapag-review. Habang hinahanap ko yung notebook ko sa Physics…pero yung payong ni Alisa ang nakapa ko. Maibalik na nga sa kanya. Tumayo ako at pumunta sa classroom nya.

Dumungaw pa lang ako sa pintuan at lahat nagtilian na.

“SI IVAN!!”

“VENICE!! Si IVAN!!! GUMISING KA NA!!”

“TALAGA?!! ASAN?!!”

“OH GODDD! SI IVAN NGA!! ANG POGI NYA TALAGA!! *u*”

“WAAA!!! ANG POGI NI IVAN!!”

Nginitian ko lang sila dahilanan para magtilian pa sila, “Hmm, pa-excuse po kay Alisa.” Sabi ko kay Mrs. Calatcat. TLE pala nila ngayon. Ang aga naman nilang nag-recess.

“Ms. Alisa?” Tawag ni Mrs. Calatcat sa buong klase.

“Ohh god. Bakit nya hinahanap si Lopez?”

“Oo nga?! Sila ba? God.”

“Hindi syempre! Ni-hindi nga sila nag-uusap eh!

“Wala Ma’am. May sakit. Nagpaulan po kasi kahapon.” Sabi ni….Kyla? Kyla nga ba?

“Ah. Wala Mr. Sy. May ipaaabot ka ba sa kanya?” Tanong nito.

“Wala po. Sige po. Thank you.” Sabi ko at umalis na.

May sakit siya? Nagpa-ulan?

 

This is all my fault.

 

**

To be continued.. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: