I'm Married ♡: Chapter 58
Chapter 58
Alisa’s POV
May shooting ako ngayon ng new movie ko. Sunduin kita mamaya. Wait mo ko sa parking lot. Sabay tayong uuwi.
Ng matanggap ko ang text na yun na galing sa kanya. Ewan ko ba pero napapangiti ako. Waaa! Austin ano bang ginawa mo sa kin! =_=
Pagkatapos ng klase, nagpaalam ako kay Kyla na mauuna na ko sa kanya dahil iintayin ko pa si Austin sa may parking lot. Umupo muna ako sa may semento dun.Waa. Ang tagal.
Tumingin ako sa kalangitan, medyo madilim ito. Di kaya’t uulan? Tumingin na rin ako sa orasan ko, maaga pa naman... 30 minutes pa.
Waaaaa! Naitungo ko nalang ang sarili ko. Asan na ba si Austin? Baka maabutan pa ko ng ulan dito.
Wshhhhh.
Napayakap ako sa sarili ko. Ugh! Ang lamig.
Tik. Tik. (Patak po ng ulan yan. Bwahahahha!)
Tatayo sana ako para sumilong kaya lang mas dumami ang patak ng ulan dahilanan para mabasa na ko. Anong saysay ba kung sisilong ako? Eh basa na rin naman ako. Mas pinili kong mag-istay nalang dun sa inuupuan kong semento at muling itinungo ang sarili.
Austin naman eh.
Di na ba naulan? YES! Di na ko nababasa eh. Inangat ko ang ulo ko, eh malakas pa ulan ah. Mas inangat ko ang ulo ko.. s-si I-Ivan. Pinapayungan nya ako.
Lumuhod sya ng kaunti at hinawakan ang kamay ko para itayo ako, “Halika na. Wag mo na syang intayin.” Sabi naman nya at hinilang papalapit sa kanya, “Mababasa ka.” Sabi naman nya.
Dug dug.
Eto na naman, ang weird na hearbeat pag nakakasama ko si Ivan. Waaa! PUSO ANG GULO MO! =_=
Dinala nya ako sa sasakyan nya. Pinagbuksan nya ako ng pintuan. Nakaramdam naman ako ng lamig. Niyakap ko ang sarili ko. Ugh! Kahit hindi nya binuksan ang aircon ng sasakyan nya, ang lamig pa din.
“Hatid kita sa bahay nyo?” Tanong naman nya sa akin.
“Ah. Oo.” Sabi ko naman.
Tumingin ako sa bintana. Kaya ko namang hintayin si Austin eh. Pakiramdam ko kasi sanay akong mag-intay sa isang tao. Kung hindi lang siguro umulan at kung hindi dumating si Ivan, baka ngayon andun pa ko.
Uwaaaa. Ang lamig talaga!!! Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa sarili ko.
“Gamitin mo muna.” Pinatungan ako ni Ivan ng jacket.
“S-Salamat.” Sabi ko naman.
“Andun ba sina Tita Allie sa bahay?” Tanong naman nya sa akin.
“Wala. Ba’t mo natanong?” Tanong ko sa kanya.
“Ah. Dad mo?” Tanong naman nya ulit.
“Wala din.” Sabi ko naman. Ha?? Ba’t naman nya tinatanong??
“W-Wala? Eh sino kasama mo sa bahay nyo?” Tanong nito.
“Si Aus----“ Napatakip ako ng bibig.
Oh myyy. Baka malaman nila!!
“Ha? Ano? Sino?” Pang-uulit nyang tanong.
“W-Wala wala! Ako lang mag-isa!” Sabi ko naman. Waaa. Bahala na nga. Pero paano kung malaman nya? Di pwede. Baka mayari ako nito.
“Hmm. Ivan, wag mo muna akong iuwi sa min.” Eto na lang ang alam kong pwedeng gawin.
Ivan’s POV
“Hmm. Ivan, wag mo muna akong iuwi sa min.” Sa totoo lang, nagulat ako sa sinabi nya.
“H-Ha? Eh s-san kita dadalhin?” Tanong ko sa kanya.
“Kahit san. Umm. Ibaba mo na lang ako sa mall! ^^” Sabi naman nya.
Tama. Makakasama ko pa sya ng matagal, “Eh di mall nalang muna tayong dalawa?” Tanong ko sa kanya.
“Sige sige! ^^” Sabi naman nya.
//
Naalala ko tuloy nung first date namin noon. Nakakamiss.
“Hubby! Bilin natin to oh! Ang cute di ba? Hehe. ^__^” Sabi nito.
“Oo nga. Sige, bilin natin.” Sabi ko at binayaran na sa cashier.
Sinuot naman nya sa daliri ko yung mickey mouse na ring at sinuot naman sya sarili nya yung minnie mouse na ring.
“Ayan, bagay na bagay yung couple ring. Hangga’t hindi nagbebreak si Mickey at Minnie mouse, hindi rin tayo magbebreak? Ok? Hahahahhahah.” Hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi nya.
“Ivan! Ivan!” Bumalik ako sa ulirat ko ng tawagin nya ang pangngalan ko, “Kain muna tayo! ^^ Gutom na ko eh.” Sabi naman nya.
“Sige. San mo ba gustong kumain?” Tanong ko sa kanya.
“Kahit san. ^^” Sabi naman nya na yakap yakap ang sarili.
Hinigit ko ang kamay nya na ikinagulat naman nya, “Bili muna tayo ng damit mob ago tayo kumain.” Sabi ko sa kanya.
Mas inuna naming puntahan ang department store. Halatang naiilang pa sya sa akin. Kaya ako rin ang pumili ng damit sa kanya. Dress sya na medyo lampas sa tuhod na kulay dark blue saka ibinili ko na rin sya ng doll shoes. Hindi ko kasi nagawa ang gantong bagay sa kanya noon.
“S-Salamat nga pala dito.” Sabi naman nya habang naglalakad-lakad kami.
“Wala yun. Akin na yang paper bag.” Sabi ko naman at kinuha yung paper bag na dala-dala nya. Andun kasi yung mga damit nyang nabasa kanina. Ipinatong ko rin sa kanya ulit yung jacket ko.
“Salamat ulit.” Naka-ngiti nyang sabi sa akin.
Sana ako pa rin ang dahilan ng mga ngiti nya.
“Umm. KFC tayo?” Tanong ko sa kanya.
“Sige ba.” Sabi naman nya.
//
Pinagmamasdan ko lang sya habang nakain kami. Ganun pa din syang kumain, walang pinagbago. Matakaw pa rin sya. Hindi pa yata halos nababawasan ang pagkain ko patapos na sya.
“Ayaw mo na ng brownies? Tss. Akin na lang. Sayang.” Sabi naman nya at kinuha at kinain ang brownies ko. Feeling ko nabalik kami sa panahon noon. Gantong-ganto ang scene naming dalawa. Favorite ko ang brownies ng KFC kaya tinitira ko ito. Balak ko kasing kainin ito pakatapos kong kumain. Kahit wag na akong kumain ng brownies, basta makasama ko lang sya. Okay na ko.
“Ivan, hindi ka ba gutom?” Tanong naman nya sa akin habang kinakain pa din yung brownies ko.
“Gutom.” Sabi ko naman.
“Para kasing hindi nababawasan pagkain mo eh.” Sabi naman nito.
“Ah! Hehe. Di ah.” Sabay subo ko. Mas napapatagal kasi ang pagtitig ko sa kanya.
Tumawa naman sya, “Yung gravy.” Kumuha sya ng tissue, unti-unti syang lumapit sa akin at pinunasan ang labi ko.
“Wala na. Hehe.” Sabi naman nya.
Kung walang aksidenteng nangyari ,tayo pa rin siguro hanggang ngayon ano?
Kasi alam ko.. Na kahit alam mo na na ginamit lang kita.. Papatawadin mo pa din ako.
Ganun mo ko kamahal Alisa di ba?
Kaya lang.. Malupit yata ang tadhana para sa ating dalawa.
Kung kailan mahal na kita saka ka pa nawala sa akin…
Saka ka pa napapunta sa kanya..
“Alam mo Ivan.. Pakiramdam ko nangyari na’to.” Napa-angat ang ulo ko. Unti unti na bang nanunumbalik ang alaala nya?
“Ah! Hehe. Ano ba naman tong pinagiisip ko. Sige, kain ka na. ^_^” Sabi naman nya sa akin.
Konti nalang…
Maiibalik ko na ang alaala nya…
“Alisa, may diary ka ba?” Tanong ko sa kanya.
Napa-isip naman sya, “Oo.” Sabi naman nya. Nagulat naman ako. Di kaya’t ---
“A-Anong mga s-sinusulat mo dun?” Medyo utal utal ko pang tanong sa kanya.
“Secret! Hehe. Diary nga di ba?” Binilatan naman nya ako. Ayyy. -_-
“Ah! Oo nga naman. Hehe. Hmm, example lang ng mga sinusulat mo. Promise, di ko ipagsasabi. Secret lang nating dalawa. Hehe.” Sabi ko naman.
“Sige na nga. Hehe. Umm, yung mga ginagawa namin ni Austin.” Natigilan ako sa narinig ko, “Ang dami ko na ngang naisusulat eh. Ewan ko nga kay Mommy kung bakit ako binigyan ng diary noon. Hobby ko daw kasi ang magsulat noon sa diary. Saka, ang sabi ni Mommy.. ang isusulat ko lang daw ay yung mga magagandang nangyayari sa akin. Eh lahat naman ng nagyayari sa kin ay maganda. Buti na lang talaga at nandyan si Austin. Pakiramdam ko nga, pag nawala sya sa tabi ko, wala na rin ako.”
</3
</3
</3
</3
“Mahal mo ba sya?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro