Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 54.1

Chapter 54.1

 

Alisa’s POV

 

Hayy. Ang sarap matulog. Waaa. Antok pa ko. Ang lambot lambot pa ng unan ko. Hmm. Pero.. Bakit parang may matigas na parte?

O_-

-_O

O_O

-_-

O___________O

“WAAAAAA!!” Sigaw ko. Aba! Sino bang hindi magugulat kung may katabi ka sa kama mo?

“A-Alisa!! Ano… Hmm. Sorry.” Sabi naman ni Austin na halatang nabigla din.

“Di ba kagabi lang nasa sasakyan tayo pauwi?! P-Paano ak-----“

“Ah. Binuhat kita dito. Sorry ha. Di ko namalayang nakatulog na din pala ako.” Sabi naman nito.

Napatingin naman ako sa alarm clock. Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaa. I’M LATE!! VERY VERY LATE!! KAHIT MAG-HELICOPTER AKO PAPUNTANG SCHOOL, LATE PA DIN AKO DAHIL 1PM NA!! =_=

Nagmadali akong tumayo sa kama, pumunta sa cabinet para kumuha ng uniform, kinuha ang towel at akmang papasok na sa banyo pero nagsalita sya… “Wag na tayong pumasok ngayon.” Sabi naman nya.

“H-Ha?”

“Wag na tayong pumasok. Bukas nalang tayo pasok. Please? *puppy eyes*” Hahahahahahhahahahah!! First time ko syang makitang mag-puppy eyes. XDD

“Bakit naman?” Hindi ko pa din maiwasan ang matawa. Hahahahhaha!

“Date nalang tayo.”

“Ah! Date? Dat--- Ha? Teka, ano kamo?” Ulit kong tanong. Baka nagkamali lang ako ng rinig.

“Date nalang tayo.” Ulit nya.

Biglaan naman yata…

“Date tayo ha? Yiee! ^o^” Masaya naman nyang sabi na akmang lalabas na ng pintuan at nagsalita, “Di ba ita-try natin mag-work ang marriage natin? Simulan na natin ngayon. Hmm. Maya maya tayo alis… Mga… 5pm pa. Pahinga ka muna.” Sabi naman nya at binigyan ako ng isang ngiti. Nahalata nya siguro na medyo nagulat ako sa agad nyang pag-aaya ng date.

Saka.. Ba’t parang late naman yata ang gising ko? I mean, namin pala. Medyo maaga pa naman yung pag-alis namin kahapon sa beach resort ah. Ah! O nga pala! Nag-mall pa din pala kami kahapon! Ka-bored nga eh. Nakakatamad maglibot. Tas, gabi na rin kami nakauwi. Ang bagal kasing mamili ni Ianne. Saka, pagod na pagod talaga ako dahil ang pakiramdam ko ang bigat ng ulo ko. Saka pag pagod ako, inaabot ng 14 hours ang tulog ko. Hihihihi. :’33

And one thing.. Ba’t ayaw nyang pumasok kami? Eh mamaya pa naman yung date na sinasabi nya?

                                                                   ****

“San ba tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya habang nagdadrive sya.

“Ummm. Kahit san? Hehe.” Sabi naman nya. Di ko alam pero parang ang saya saya nya ngayong araw.

“Di kaya’t gabihin tayo? May pasok pa bukas.” Sabi ko. Tinetext na rin kasi ako ni Ivan kung bakit hindi daw ako pumasok. Gusto ko sanang replayan kaya lang anong sasabihin ko? Na may date kami ni Austin? Eh ayoko naman sabihin kaya hindi ko nalang nireplayan.

“Makakapasok na tayo bukas promise.” Sabi naman nya.

Hindi na ako sumagot at napatingin nalang sa bintana ng sasakyan.

Ba’t parang namimiss ko si Ivan?

 

Yung boses nya…

 

Yung mukha nya…

 

Yung mga ngiti nya…

 

In short, yung presence nya…

 

“Di ako marunong nyan.” Sabi ko sa kanya ng makadating kami sa park na kakaunti nalang ang tao.

“Iaangkas na nga lang kita. Dito ka sa unahan ko. Pleaseee.” Tila nagmamakaawa naman nyang sabi.

“Sige na nga.” Sabi ko naman at umupo dun sa may harapan ng bike.

“Waaa! Aus! Pag ako nalaglag dito!”

I’ll never make you fall. If I ever did, expect that I will catch you.”

 

“Huh? Ano? May sinasabi ka?” Tanong ko naman. Para kasing may binubulong sya.

“Ah! Wala wala! Hehe.” Sabi naman nya.

“HALA!! Wag mong bilisan!!” Sigaw ko. Naririnig ko naman ang mga tawa nya. =_= buti nalang at wala na masyadong tao at medyo pa-gabi na rin. Dhail kung madaming tao, for sure pagkakaguluhan tong si Austin. Naka-cap din naman sya para hindi rin masyadong makilala.

Ewan ko ba. Pero habang natagal, napapangiti ako. Bakit ganto? Pakiramdam ko eto ang date na kakaiba. We’re just biking pero ang sarap sa pakiramdam. Lalo na ang hangin na humahampas sa akin. Pakiramdam ko.. Unti-unti ng nanunumbalik ang nakaraang meron ako. Hindi ko alam pero gustong-gusto kong bumalik lahat ng alaala ko. Para kasing may naiwan akong tao. And I feel that ayokong nag-iintay ang taong yun. Sino sya? Hindi ko alam. Gusto kong malaman. Pero… Mahirap. Matinding sakit ng ulo ang kalaban ko.

“Ayos ba ang date natin? Haha.” Tanong naman ni Austin.

“Oo. Kahit simple lang, nag-eenjoy ako.” Sabi ko naman.

Hindi sya nagsalita noon. Teka… Nasan na ba kami? Parang hindi na to park ah. Ang layo na yata ng narating namin.

“Hmm. Austin. Parang wala na tayo sa park. Napapalayo na tayo.” Sabi ko naman.

Pero hindi pa din sya nagsasalita. Teka.. Ano ba ang nangyayari? Nakaramdam na ako ng kaba.

Hinayaan ko lang sya na mag-pedal at ako naman ay nag-iisip pa din kung san kami pupunta. Ilang sandali lang ay may tinigilan kami na parang isang.. teka.. ano to?

Inilalayan nya ako sa pagbaba. Pinagmamasdan ko pa din ang paligid. Parang isang beach na may mga cute na medyo malaking hut na kung hindi ako nagkakamali ay parang rooms na rin.

“Anong ginagawa mo?!” Natatakot kong tanong sa kanya dahil binalind fold nya ako.

“W-Wala a-akong makita…” Natatakot kong sabi. Malamang wala akong makita! Naka-blind fold nga eh! Pero kinakabahan ako…. Huhuhuhu.

Hinawakan nya ang kamay ko. Dug dug. At naglakad. Ramdam ko ang mga buhangin na nalalakaran namin. Saan naman kaya ako nito dadalhin?

Naramdaman kong tumigil na sya sa paglalakad. Binitiwan na rin nya ang kamay ko at unti-unting tinanggal ang blind fold sa mata ko.

O.O

Pakiramdam ko maiiyak ako nito. Isang romantic date sa harap ng may dagat at parang mga kandila pa na nakatirik sa buhangin.Ang kaba na meron ako kanina ay napalitan lahat ng saya. Bakit pakiramdam ko sobrang napaka-special kong tao pagdating kay Austin? Ano bang ginawa kong bagay para sa kanya para gawin nya ang lahat ng to sa kin?

Agad ko syang nayakap.

I can’t explain how happy I am.

 

Happiness that he’s making you feel special.

 

Dug dug.

 

Weird heartbeats!

 

 

 

 

 

But I think this time.. I knew what that heartbeats means..

 

 

I’m already falling.

 

 

Would he just let me fall or catch me?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: