I'm Married ♡: Chapter 51
Chapter 51
Ivan’s POV
*BLAG*
Bato ni Kyla sa baso.
“Kyla.. Sorry.. H-Hindi ko sinadya.” Sambit ko, “Please.. Wag mo ng idamay pa dito sina Tita Allie.” Tila nagmamakaawa kong sabi. Ayoko. Ayokong malaman nina Tita Allie na nagtagpo na kami ni Alisa. Ayokong ilayo syang muli sa akin.
“IVAN! NAKITA MO BA YUNG GINAWA MO?!! DAPAT HINDI KO NA SYA PINILIT NA SUMAMA DITO KUNG GAGAWA AT GAGAWA KA NG DAHILAN PARA BUMALIK ANG ALAALA NYA!! IVAN, ALAM MO ANG MAGIGING DULOT NUN SA KANYA!! IVAN NAMAN EH!! MALALA YUNG SAKIT NG ULO NYA NGAYON! BAKA MAPAANO NYAN SI BESTFRIEND!!” Maiiyak-iyak na sabi ni Kyla na hawak hawak na ang cellphone.
“Kyla. Huminahon ka.” Awat dito nila Vince pero hindi talaga mapigilan si Kyla.
“Ivan…”
“Eto lang ang alam kong paraan para humingi ng tawad. Please.. Kyla. Nagmamakaawa ako sayo. Just give me a chance. Yun lang ang hinihingi ko. Napatunayan ko na sa sarili ko na si Alisa ang mahal ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag nawala sya ulit sa kin. Please… Kyla.. nagmamakaawa ako sayo. Wag na nating isali pa dito sina Tita Allie.” Naiiyak ko ng sabi. Ayoko nang mawala pa si Alisa. Alam ko na kapag bumalik ang alaala nya.. Ako pa din.. Ako pa din ang pipiliin nya.. Mahal ako ni Alisa. Mahal na mahal.
“Ivan..” Pilit akong itinayo ni Kyla sa pagkakaluhod ko, “I hate you!!! I really hate you!! Kasalanan mo to eh!!” Sinuntok-suntok ako ni Kyla sa dibdib ko.
“Kyla.. Tama na.” Inaawat sya ni Vince.
“Kyla… Please.. Tama na.” Agad rin itong niyakap ni Vince.
Wala akong magawa kundi ang tumungo nalang at iiyak nalang ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
“IVAN!!! I HATE YOU!!! I REALLY HATE YOUUUU!!! KUNG HINDI DAHIL SAYO HINDI MANGYAYARI YUN KAY BESTFRIEND!! ALAM MO YUNG MASAKIT?!! NA KAHIT AKONG BESTFRIEND NYA NABURA NA RIN SA ISIPAN NYA!! MAS OKAY SANA KUNG IKAW NALANG EH!! SANA IKAW NALANG YUNG NAKALIMUTAN NYA!! HINDI MO ALAM KUNG GAANO KAHIRAP ANG NARANASAN NI BESTFRIEND!! PARA SYANG BUMALIK SA BATA NOON NA WALANG MUWANG SA MUNDO!! LAGI SYANG NAKATULALA! PAILING-ILING LANG SYA! KUNG HINDI LANG DAHIL SA TALINO AT PAGTITIYAGA NAMIN NI AUSTIN SA KANYA, BAKA NGA NAG-KINDER SYANG ULI EH!! IVAN… WALA KANG ALAM.. ANG SAKIT PARA SA KIN NA ‘KYLA’ NALANG ANG TAWAG NYA SA KIN. SOBRA SOBRA KO NG NAMIMISS ANG PAGTAWAG NYA NG BESTFRIEND SA KIN. SANA HINDI KO NA LANG SYA SINAMA DITO. SANA HINDI NALANG KAYO NAGTAGPO ULIT. SANA HINDI NALANG AKO NAAWA SAYO. SANA AKO NALANG NA MISMONG BESTFRIEND NYA ANG NAGLAYO SA KANYA SAYO!!!” Suntok at sampal sa akin ni Kyla.
Napa-upo sya sa sahig, “Kyla.. Sorry.” Iniluhod kong muli ang sarili ko para itayo sya.
Pero agad nya itong tinabig, “BITAWAN MO KO!!! YUNG PAGLUHOD MO?!! KAHIT ILANG BESES KANG LUMUHOD SA HARAPAN KO HINDING-HINDI NA KITA PAPATAWADIN! NAAWA LANG AKO SAYO NOON KAYA PILIT KONG INILIHIM KINA TITA ALLIE NA NATAGPO NA ULIT KAYO! DAPAT KINALIMUTAN KO NA YUNG PINAGSAMAHAN NATIN! DAPAT -------“
“KYLA!!!! Please… Tama na.” Yakap sa kanyang muli ni Vince.
“BITIWAN MO KO!!!” Pero mas lalong humigpit ang yakap ni Vince dito.
“IVAN!! I HATE YOUU!!” Sigaw naman ni Kyla na habang nakayakap pa din sa kanya si Vince.
“Ivan, balik ka na muna sa kwarto mo. Kami na ang bahala kay Kyla. Hayaan mo na lang muna sya ngayong gabi.” Sabi sa akin ni Aaron.
“Pre. Sorry.” Sabi ko sa kanya, “Birthday mo. Pero, nasira ko.” Sabi ko naman.
“Ano ka ba. Wala yun. Minsan na nga lang tayong magkasama-samang lahat eh. May hindi lang pagkakaintindihan ngayong gabi. Maayos rin yan bukas. Saka, wag ka na ding umiyak. Nagmumukha kang bakla.” Sabi nito.
“Joke. Bumalik ka na nga lang sa kwarto mo. Kami na ang bahala para huminahon si Kyla.” Sabay tapik nito sa likod ko.
Nag-start na akong maglakad. Lumabas muna ako para magpahangin. Umupo ako sa bench kung saan kami umupo ni Alisa kagabi. And that kiss.. I would never forget that.
Napatingin ako sa stars, may shooting stars ba na dadating? Sana meron. Kahit kabaliwan lang ang paniniwala sa shooting stars. Ang mga babae kasi, pag may nakikitang shooting stars, nagwi-wish. Ginawa kasi yan ni Ianne nung kami pa. Hindi ko alam kung anong winish nya. Siguro.. ang maging sila ulit ni Aaron. Natupad naman di ba? Eh kung maniwala din kaya ako? Eh! Ayoko nga. Shemayy! Ang gay ko na.
Pero.. Paano pag nagkatotoo? Ayshh! Mai-try nga. Nag-intay ako ng shooting stars pero… wala eh. Tss. Kung kailan naman gusto ko ng i-try eh. =_=
Ipinikit ko ang dalawa kong mata, “Sana… Bumalik na ang alaala nya at sana.. wala pa ring nagbago sa nararamdaman nya para sa akin.” Minulat ko na ang dalawa kong mata. At.. Nakita ko si I-Ianne.
“Wala pang shooting star na nabagsak Ivan. Advance ka yata.” Naka-ngiti nyang sabi sa akin ng maka-upo sya sa tabi ko.
“Hindi ka naniniwala sa shooting stars dati di ba? Pero ngayon.. You start to believe just to wished for her memories to come back.” Sabi pa nito.
“Sana nga totoo eh.” Sabi ko naman.
“Hmm. Ivan.” Tawag nya sa pangngalan ko.
Agad ko syang nilingon at nakita ang nakatungo nyang mukha, “Sorry..” Sambit nito.
Nagtaka ako, “Bakit ka naman nagsosorry?” Tanong ko.
“Kung hindi rin dahil sa kin hindi mo masasaktan ng ganun si Alisa. Hindi sana mangyayari ang aksidenteng yun. Ivan.. Kasalanan ko rin. Kung tutuusin, ako ang dahilan kung bakit mo yun nagawa. Ivan.. I’m really really really sorry.” Unti-unti may tumulong luha sa mga mata nya.
“Wala kang kasalanan.” Niyakap ko sya. Ibinaon naman nya ang ulo nya sa dibdib ko.
“Sorry rin dahil nasaktan kita ng sobra. Minahal naman kita eh. Sinabi ko lang na hindi para layuan mo na kami ni Aaron. Sorry.. kasi na kahit tayo noon si Aaron pa din ang nasa isip ko. Sorry dahil kung hindi dahil sa kin hindi ka magagamit ni Kuya para makapaghiganti lang kay Aaron. Sorry kung naging bitter ako kay Alisa noon. Kasi naman eh… Nasanay ako na nasa akin lang ang atensyon mo. Ni-hindi ka nga natingin pa sa ibang babae eh. Saka, gusto sya ni Aaron non. Sorry sa lahat-lahat Ivan.” Sabi nito.
“Wala ka namang kasalanan eh. Ako yung may mali. Ako tong tanga. Kung tinanggap ko ng mas maaga na hindi talaga tayo para sa isa’t isa eh di sana nabigyan ko ng halaga noon si Alisa. Pero.. Wala eh. Isa talaga akong tanga noon na sobrang desperado na mabawi ka kay Aaron. Pero.. Kahit ano palang gawin ko.. Talong-talo ako.” Sabi ko naman dito.
“Waaah! Ivan! Kinokonsensya mo ko eh!” Sabay layo naman nya sa pagkakayakap sa akin.
“Uy! Hindi ah! Hehe. Pero.. seryoso nga. Kung minahal ko siguro non si Alisa.. Hindi mangyayari ang lahat ng to di ba?” Sabi ko dito.
“Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi.” Napatingin ako sa kanya. Tama naman sya eh. Pero.. Ba’t ganun? Ang ganda pa din nya. Pero hindi.. Mas maganda pa din ang Alisa na minamahal ko.
Wala kaming ibang ginawa ni Ianne kundi ang magkwentuhan tungkol sa nakaraan namin. Sa totoo lang, sobra sobra akong nasasaktan sa nakaraan na meron ako. Lalo na sa kasalanang nagawa ko kay Alisa. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi. Hindi sya naka-graduate ng high school dahil sa akin. Isa pa naman yun sa pangarap nya. Nasasabi nya kasi sa akin kasi noon na sabay daw kaming tatanggap ng diploma. Tas magpipicture kaming dalawa na hawak hawak yung mga medals at diploma namin. Pero.. Lahat ng yun ay hindi natupad. Ng dahil sa aksidente na ako ang dahilan.
Alisa.. Let’ just go back to the way we used to be. I promise I’ll never hurt you. Just give me one chance to prove how much I love you this time.
To be continued…
**
AN: Sorry po kung maunti ang updates! Busy po kasi. Hehe.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro