I'm Married ♡: Chapter 50
Chapter 50
Alisa’s POV
“Bestfriend! Halika na! Wag ng KJ! Ang saya oh!” Sabi ni Kyla sa akin na halatang sobrang nage-enjoy sa pagsu-swimming. Nakaupo kasi ako sa may small hut dito. Umalis lang si Austin saglit dahil may tumawag sa kanya.
“Ayokong mag-swimming. Dito nalang ako.” Sabi ko sa kanya.
“Daya mo naman bestfriend eh. Huhuhu! Pleaseee. Talon ka n---- ARAYYYY!!!” Sabay himas nito sa ulo. Paano ba naman binato sya ng bola ni Luke.
“Opsss.” Sabi nalang ni Luke na ngumiti ng nakakaloko. Kung tutuusin, aakalain mo talagang may gusto si Luke kay Kyla.
Lumapit at umupo sa tabi ko si Ivan, “Ba’t ayaw mong magswimming?” Tanong nya sa akin.
“Nakakatamad eh. Hahaha.” Sabi ko naman and bumaba yung tingin ko sa tiyan nya.
And ohmmmyyy…
Agad kong iniwas ang tingin ko dito. Hindi kasi ako sanay makakita ng abs—I meant, sick pack abs! Grabeeeeeh. O.O
“Alisa, okay ka lang?” Tanong sa akin ni Ivan.
“A-Ah! O-Oo. Hehe.” Sabi ko rito na iniiwas pa rin ang tingin. Di ko alam pero… I finding him more attractive habang natagal.
*Shake head*
“Hubby… I love you.”
“Mahal din kita Alisa.”
“Arayy!!! Ar--” Napakapit ako sa ulo ko. I saw a girl hugging a guy. And that girl is… m-me. Hindi na masyadong blurred ang mukha ng lalaki sa utak ko. Konti nalang at makikita ko na ang mukha nya. Dahilanan mas lalong sumakit ang ulo ko.
“A-ARAYY!!” Napapikit ako sa sobrang sakit.
“A-Alisa, nasakit na naman ba?!!!!” Tila nag-aalalang tanong sa akin ni Ivan.
Agad din namang nagsiahunan sa pool sina Kyla, “Bestfriend, okay ka lang?! Waaa. Nasakit na naman ba?! Teka, kukuha lang ako ng tubig.” Sabi ni Kyla na agad na umalis para kumuha ng tubig.
Ngayon ko lang naalala na may kailangan nga pala akong inumin na gamot para hindi dumalas ang pagkirot ng ulo ko. Pero.. Hindi ko matandaan kong dala ko ba o naiwan ko.
Austin..
Austin’s POV
“What?!”
(Austin, it’s the continuation of your photoshoots. Remember?”)
“I know! Pupunta ako dyan ng maya maya ng kaunti. Busy pa ko ngayon. Ok, I’ll hung up.”
(Wait!)
“What now?!!”
(I’ll accepted new movie for you.)
“WHAT?!! No. No. No.”
(You’ve been resting for like years. It’s time to go back to your career.)
“But---“
(It’s your dream, right? Austin, ayan na eh. Naabot mo na. Nalagpasan mo na nga eh. It would be great kung ipagpapatuloy mo di ba?)
Hindi ako nakapagsalita. Yes, it’s my dream. I already reach it.
But right now… My one and only dream is to be loved by her.
(Austin, last na to. Last na talaga. If you accepted this new project too, papayag na ako sa lahat ng gusto mong gawin. Hindi lang ako makatanggi dahil high school friend ko ang magiging director mo. I sear, this is the last. After it, you can quit being a celebrity a live a happy life with her.)
“Just let me think about it.” Sabi ko dito at binabaan na.
Kung magkaka-new movie ako. Magiging sobrang busy ako. Paano ko pa mababantayan si Alisa? Hindi ko sya pwedeng iwan. Hindi ko kayang pumunta sa isang lugar na wala sya. Gusto ko lagi ko lang syang kasama. Ayokong mapapahiwalay sa kanya.
Naglalakad na ako pabalik sa may pool ng makita ko si Kyla na natakbo, “Oh, bakit ka natakbo? Teka, baka madulas ka.” Sabi ko sa kanya.
“A-Austin!!! S-Si b-bestfriend!!!” Sabi nito na hinihingal pa.
“Ano nangyari kay Alisa?!!”
“Nasakit na naman ang ulo nya!! Normal lang naman daw talaga yun di ba sabi ng doctor?!! Pero Austin, mukhang grabe yung ngayon! Mukhang may memories na nanunumbalik sa utak nya!! Saglit lang! Ikukuha ko sya ng tubig!” Sabi nito at tumakbo mong muli.
“Alisa…” Sambit ko sa pangngalan nya at agad na ring tumakbo papunta kung saan ko sya iniwan kanina.
“Alisa!” Sigaw ko ng makarating ako doon. Halos naitulak ko na sina Vince.
“Alisa, sobrang sakit ba? Halika, ibabalik kita sa kwarto.” Sabay buhat ko rito. Pero, pinigilan ako ni Ivan.
“ANO NA NAMAN BA?!! KOKONTRA KA NA NAMAN?!! BAKIT HINDI MO TANGGAPIN SA SARILI MO NA NA DAHIL SAYO KUNG BAKIT NANGYAYARI KAY ALISA TO!!” Sigaw ko rito at umalis na. Nadala lang ako ng galit. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na huwag na syang gagawa ng mga bagay na pwedeng ikabalik ng alaala ni Alisa dahil ang pananakit ng ulo ang dulot nito. Isa rin ito sa dahilan knug bakit ayaw ko ng bumalik ang alaala nya. Ayoko syang makitang nasasaktan. Ayokong dumating yung araw na pag bumalik lahat ng alaala nya at sa kabila ng lahat, si Ivan pa din ang mahal at pipiliin nya.
Ibinaba ko sya sa kama. Pawis-pawisan sya. Sobra nga siguro ang sakit ng ulo nya ngayon. Tatayo sana ako para kumuha ng maligamgam na tubig para ipunas sa kanya pero hinawakan nya ang kamay ko.
“A-Austin…” Tila nanghihinang tawag nya sa pangngalan ko, “W-wag m-mo k-kung i-iiwan.”
Muli akong bumalik sa pagkaka-upo, “Hinding-hindi kita iiwan Alisa.”
Kahit anong mangyari… Hinding-hindi kita iiwan.
Binigyan nya ako ng isang pilit na ngiti. Nanghihina pa rin sya. Kung pwede lang na ibigay ko ang mga lakas na meron ako sayo.. Binigay ko na. Hindi ko kayang makita kang nasasaktan.
“Humiga ka..” Mahinang sabi nya.
“Ha?” Tanong ko. Baka nagkakamali lang ako ng rinig.
“Humiga ka..” Ulit nyang sabi. Tama ang narinig ko. Unti-unti akong humiga. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon… Ninenerbyos ako ng hindi ko alam. First time ko kasi na may makakatabing babae sa kama. Kung tutuusin, dapat madami na akong nai-kama na mga ibang babae dahil artista ako pero hindi… Good boy ako. Sa babaeng mahal ko lang pinapangarap ang gantong bagay.
Ginamit nya ang dibdib ko as unan. I put my arms around her shoulders and slowingly combing her hair with the use of my fingers. Sana ganto nalang tayo palagi Alisa.
Ramdam ko na naman na tulog na sya. Hindi ko masyadong kita ang mukha nya. Pero, tandang-tanda ko ang mukha nyang natutulog. Gabi gabi rin kasi akong napasok ng kwarto nya and watching her asleep.
Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa taenga nya at bumulong, “I love you, Alisa.”
I have the strength to tell her about my true feelings coz’ I know she’s sleeping.
“By any chance.. Someday, will you be mine?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro