I'm Married ♡: Chapter 5
Chapter 5
Alisa’s POV
1 week. 1 week na ang nakalipas. 1 week ko na din siyang hindi nakikita. Sobra na akong nag-aalala sa kanya. Natanong ko na din kay Mrs. Ching kung bakit wala si Ivan, hindi din daw niya alam. Wala din daw itong balita sa pag hindi pasok ni Ivan ng isang linggo. For the first time kasi. Ni-hindi nga na-absent yun eh. Kahit may sakit, napasok pa din, syempre, para makita si Ianne. Pero, ang weird, lagi ngayong magkasama si Ianne at Aaron. May nangyari kaya?
“Bestfriend, eh kung puntahan ko kaya sa kanila?” Tanong ko kay bestfriend.
“Pwede. Medyo ka-close mo naman yung mama niya ah, si Tita Rowena?”
“Oo eh. Baka kung ano ng nangyari kay Ivan.”
“Nakakapagtaka nga eh. Kahit nga may sakit siya napasok pa din yun eh. Ikaw pa nga nagbigay ng gamot sa kanya di ba? Tas dinikit mo dun sa labas ng locker nya. HAHAHAHA. With sticky note pa, saying “Inumin mo to. Para gumaling ka. xoxo” Kabisado ko pa oh. HAHAHAHA” Sabi naman nito. Oo nga, naalala ko tuloy yung time na dinidikit ko yung gamot na biogesic sa labas ng locker niya pati nilalagyan ko ng sticky note.
“Malala kaya ang sakit niya? Tss. Sana naman hindi.” Sabi ko at tinungo ang sarili sa lamesa. At nag-isip….
Kailangan ko syang puntahan.
Ivan’s POV
“Anak, papasok ka ba bukas? Kung papasok ka, ipapaplantsa ko na yung mga uniforms mo kay Aling Minda.”
“No.” Walang gana kong sagot.
“Anak, 1 week ka ng absent. Pati kanina, absent ka na. Tas nagkukulong ka lang sa loob ng kwarto mo. Ano bang problema?” Umupo ito sa may side ng kama ko.
“Ma. Please. Not now. Iwan nyo muna ako. Ayoko ng kausap.” Napapikit ako.
“Anak…..”
“MA!!”
Ma, sorry.
“M-Ma, sorry po. Hindi ko po sinasadya.” Sabi ko at pilit siyang niyayakap.
“Pag may kailangan ka, sabihin mo na lang. Iiwan muna kita dito. Mag-isip-isip ka muna.” Sabi nito at umalis na.
Pati ba naman si Mama.
Tinaklob ko ang unan sa aking mukha. Takte naman oh! Bakit sobrang sakit ang binigay sa akin ni Ianne.
*TOKTOK*
Takte! Sino ba to? Panira ng buhay ah!
*TOKTOK*
Lalalalala. Wala akong naririnig.
*TOKTOK*
SHET!
“Sino ba yan? Bukas yan!” Sigaw ko.
Bumungad sa harapan ko ang naka-uniform pang si…..A-Alisa?
“Hello. ^___^” Sabay pasok niya sa kwarto ko.
“A-Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya.
“Binibisita ka malamang. Ikaw! 1 week kang di pumasok! Ang dami mo ng lessons na na-missed. Nako! May quiz pa sa calculus, A.P, research, at english bukas!” Sabi nito.
“Anong gagawin ko kung may test? Papasok ako kung kailan ko gusto.” Bumalik akong muli sa pagkakahiga. Sus. Kayang-kaya kong i-perfect ang lahat ng yun kahit stock knowledge lang ako meron.
“Eto oh, bumili ako ng noodles. Gusto mo?” Tanong na naman niya.
“Ayoko.”
“Ah. Heheheh. Sige, lalagyan ko lang na mainit na tubig. ^_^” Sabi niya at lumabas ng kwarto ko dala yung noodles. Di ba ang sabi ko ‘Ayoko’? Bingi ba sya?
Alam kung magkakilala sila ni Mama, close kasi sila nung elementary pa kami. Pero ang alam ko, ni-minsan, hindi ko nadala si Alisa dito.
After minutes, dumating na din siya dala yung noodles.
“Eto na! Yehey! Say Ahhhhhhhh.” Sabi niya.
“Di ba ang sabi ko ‘ayoko’?”
“Awsuuu. Eto na eh. Tatanggihan mo pa ba? Come on! Say AHHH.”
Ang bangooooo. Nakakagutom.
Pilit akong umupo sa kama ko, “Kaya ko na.” Sabi ko naman at kinuha yung noodles sa kanya.
“Sige. Alam mo bang nahirapan akong kunin tong address nyo? Tsss. Kahit ka-close ko Mama mo, hindi ko man lang alam bahay nyo.” Sabi niya.
“Sino bang may sabing pumunta ka dito?”
“Wala. Itatanong ko lang sana kung natapos muna yung article, naghahanap na ng mailalagay si Mrs. Panganiban sa Lagunian.” Sabi nito.
“Ah.” Sabi ko at sumubo na ng noodles.
“Uy! Bakit ka nga pala absent ng 1 week? Para namang wala kang sakit eh!” Sabi niya sabay yugyog sa akin.
“Ano ba?!! Tsss. Ano naman sayo kung absent ako?!”Sigaw ko sa kanya.
“Nagtatanong lang naman eh.” *pouts*
“Wag ka ngang mag-pout. Hindi bagay sayo.” Sabi ko at binigay na sa kanya yung noodles.
“Oh!” Sabi ko ng iabot sa kanya yung noodles.
“Oh? Ba’t mo na binibigay sa akin? Hindi pa ubos oh. Ubusin mo! Sayang naman.”
“Eh di kainin mo kung sayang.” Humiga na kong muli at nagtalakbong ng unan.
“Hey! Gusto mo turuan kita sa bagong lesson? ^__^” Sabi niya habang inaalis ang pagkatalakbong ko sa unan.
“Hey! Hey! Tuturuan kita dali! ^__^” Sabi pa nito.
“Ano ba’t ------------------------“
*BOGSHHH*
“Sorry.” Sabay kuha niya sa frame na nabagsak.
Ang picture namin ni Ianne…..
“I-Ivan s-sorry. Hindi ko sinasadya.” Sabi niya.
Nung tiningnan ko yung picture, tila nagkahiwalay kami ni Ianne, hindi ko na napigilan ang sarili ko, nasigawan ko siya, “BAKIT BA KASI NAPAKA-CLUMSY MO?!!!! KUNG ANO PA YANG MAHALAGA SIYA PA YUNG NASIRA MO?!!! SAKA, BAKIT KA BA ANDITO?!!! ON THE FIRST PLACE, HINDI PA KITA KAIBIGAN, NAGING MALAPIT LANG TAYO NUNG NAG-LAGUNIAN AKO! KUNG UMASTA KA, PARANG G-GIRLFRIEND KITA KUNG MAG-ALALA KA SA KIN AH!! UMALIS KA NA NGA. HINDI KITA KAILANGAN.” Tama na siguro ang sinabi ko, para umalis siya. Pero,,,binigyan niya lang ako ng isang ngiti at sinabing…
“Hmmm, sorry ha kung clumsy ako. Sige. B-Bye. Pagaling ka. ^__^” Sabi niya at umalis na. Yung totoo, nang-aasar ba siya?
Alisa’s POV
“BAKIT BA KASI NAPAKA-CLUMSY MO?!!!! KUNG ANO PA YANG MAHALAGA SIYA PA YUNG NASIRA MO?!!! SAKA, BAKIT KA BA ANDITO?!!! ON THE FIRST PLACE, HINDI PA KITA KAIBIGAN, NAGING MALAPIT LANG TAYO NUNG NAG-LAGUNIAN AKO! KUNG UMASTA KA, PARANG G-GIRLFRIEND KITA KUNG MAG-ALALA KA SA KIN AH!! UMALIS KA NA NGA. HINDI KITA KAILANGAN.”
Okay lang yan Alisa. Mahal mo yang kaharap mo.
Binigyan ko siya ng isang ngiti kahit sa loob-looban ko gusto ko ng umiyak….
“Hmmm, sorry ha kung clumsy ako. Sige. B-Bye. Pagaling ka. ^___^” Sabi ko at lumabas na ng kwarto niya.
Pagkalabas ko ng bahay nila, saka ako umiyak. Hindi na nga din ako nakapag-babye ka Tita Rowena eh. Mukha akong tanga ngayon. Naglalakad habang naiyak. Sino ba namang hindi masasaktan kung sabihan ka ng ganun? Sa bagay, tama naman siya, ni-minsan nga hindi kami naging mag-kaibigan nung grd. 5 at grd. 6 kami eh. Ngayong lang kami naging malapit gawa nung sa Lagunian. Pero ang pinaka-nasaktan ako ay nung sinabi niyang..….
HINDI KITA KAILANGAN.
Pagkadating ko sa bahay, dumaretso agad ako sa kwarto. Ibinagsak ang sarili sa kama. At umiyak.. sorry my pillow. :’(
Ano ba naman Alisa, dahil lang dyan naiyak ka? Tsss. Tahan na. Sayang ang ganda mo. Oo, tama. Kaya tumigil na ko sa kaiiyak. Tumayo ako at pumunta sa may study table at kinuha ko yung pinagkakaingatan kung medyo malaking kahon. Binuksan ko….
October 13, 2010
Kinuha ko yung black ballpen niya. Aba, ang hirap makuha nyan. Pinanakaw ko pa yan kay Isabel (ka-classmate niya).
Jan. 25, 2011
Kinuha ko tong panyo nya. Waaaaaaah! Ang bango bango. :”>
July 22, 2011
Birthday niya. Nagkainan sila ng mga kaibigan niya sa mcdo. Yung ginamit niyang tissues at straw, eto na sa akin. ^___^
August 19, 2011
Varsity jacket naman nya yung kinuha ko.
August 24, 2012
Mahilig matulog si Ivan. Eh kasabwat ko si Mrs. Ching. ;))) Pinakuha ko yung punda nun na hanggang ngayon ay never ko pang pinalabhan. <3333333
February 23, 2012
Eto yung bente pesos na binayad niya sa tindera sa may canteen na hiniling ko pa kay Ate na ayung benteng yun ang isusukli sa akin.
Waaaaaah. July na pala. Kailangan ko pang makakuha ng pwedeng remembrance kay Ivan. :// Ilang months na lang, gagraduate na kami eh.
Kinuha ko din ang diary ko. Andito lahat. Lahat ng masasaya, at malulungkot kong karanasan. Dito ko kasi nilalabas ang lungkot na nadadama ko. Sa bawat sulat ko kasi, parang naillabas ko na rin ang mga bagay na gusto kong gawin at sabihin.
Ivan’s POV
Hinarang ko ang dalawa kung kamay sa sinag ng araw na tumatama sa aking bintana. Tumingin ako sa gawing kaliwa ko. 8am na pala.
Pero, something caught my eye….
“Sorry sa kahapon ^_^
Eto oh binilan kita ng mogu-mogu. My coconut flavor, my strawberry and lychee.
Ayan lang ang nasa ministop eh. Sorry. Hindi ko alam flavor ang gusto mo kaya binili ko nalang lahat. Hehehehe.
Pero alam mo, mas masarap yung lychee. =)))))
Pagaling ka! :DDD
-Alisa :D”
Isang yellow sticky note na naka-dikit dun sa frame na nabagsak niya kahapon.
Napangiti na lang ako. Hindi ko alam kung bakit. Lalo na nung nakita ko yung tatlong mogu-mogu sa may tabi ng alarm clock ko.
Tumayo ako. Bukas na lang siguro ako papasok.
Alisa’s POV
Waaaaah. I’m late!! Pano ba naman late na nga ako ng gising tas pumunta pa kung ministop para bilan ng mogu-mogu si Ivan. Nakakahiya nga kay Tita Rowena eh, lagi na lang ako nasa bahay nila. Actually, dalawang beses lang. -_-
Tas ngayon naman, wala halos masakyan. -_- Takte naman. Ayoko namang magpahatid kina Mommy at Daddy dahil ayoko silang maabala. Saka, okay na rin ang mag-commute. Ang pangit naman kasi kung wala akong sa ganto di ba? Alam nyo na.. Kasi yung mga mayayaman dyan pa-sakay sakay nalang ng mga sasakyan nila.
Tumakbo ako sa may hallway. Sa sobrang taranta ko, may nabangga pala ako. Nahulog lahat ng dala kong gamit. Pinulot ko naman ito. Nakipulot din naman siya. Kung kailan late ako saka pa mangyayari to. Spell M-A-L-A-S? Sino ba tong buwisit na nakabangga ko? Napaangat ako ng ulo. Si Aaron pala.
“Sorry ha.” Sabi niya sa akin.
“Ok lang. Sorry din ha. Nagmamadali kasi ako eh. Late eh. Hehe.” Sabi ko.
“Hahaha. Ako nga din eh, late na.” Tumawa din ito.
Tumayo na ko at binigay naman niya ang mga gamit na dinampot niya kanina, “Sabay na tayo. Parehas naman tayong late eh.” Then, he smiled.
SH*TTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT. Ang pogi pala niya pag nangiti. :””””””””””>
No Alisa. Mas pogi dyan yung Ivanbabes mo. >.<
“Alisa?”
“Ay. Sorry. Hehe.” Natulala pala ako kanina.
“So, how did you know my name?” Tanong ko sa kanya.
“Alam ko lang. Hehe.” Sabi naman niya. Baka stalker ko? BWAHHAHAHA! JOKE! Assuming ako. =_=
“Ah. Haha. Teka, late ka na nga ba’t parang pa-easy easy ka lang?” Tanong ko naman sa kanya.
“Wala na din naman akong magagawa eh. Kung tumakbo man ako, late pa din ako. Sayang lang pawis ko. Eh di maglalakad na lang ako, ganun din naman eh, late pa din ako. Hahaha.” Sabi naman niya.
Oo nga noh. -___-
“Sa bagay.” *pouts*
“Haha. Alam mo ang cute mo.” Sabi naman niya.
Ha? O___O Ohmyyy. Nag-bablush yata ako, sh*t, “A-Ah. Hahahahha. Weh? Ano yan joke? Well, nakakatawa siya ha. HAHAHHAHAHHAAHAH.” Tawa ko.
“No, I’m serious. You’re cute.” Sabi naman niya.
Aaron naman eh! -__-
“Ah. Hehe. Ok. Sabi mo eh.” Sabi ko naman.
Nilabas naman niya ang cellphone niya, “# mo?” Tanong niya.
“Ha? Ah. Uhmmm, 0926*******” Sabi ko naman.
“Sige. Text na lang kita. Ayan na classroom mo.”Ayy. Andito na pala kami. Ba’t di ko napansin? -__-
“Salamat… Ang sarap mong kasama.” Then, he smiled.
“Ms. Lopez, why are you late? Ang aga mo naman yatang makipag-date, at kay Mr. Santiago pa?” Sabi naman ni Mrs. Escalante.
BWISIT! UMAGANG-UMAGA EH. BWISIT NA TEACHER TO EH. -__-
“Na-traffic lang po. Nagkataon lang po na nagkasabay kami. Sorry po.” Dahilan ko naman. Feeling ko talaga may crush si Mrs. Escalante kay Aaron. Bwahahhahaha!
“WHAT A NICE EXCUSE. SADSAD NA YAN. OK, TAKE YOUR SEAT. SINISIRA MO ANG ARAW KO MS. LOPEZ. GO TO YOUR SEAT.” Sabi nito.
Bwisit.
Pumunta na ako sa may upuan ko. Ramdam ko namang natawa si bestfriend. -_-
“Ms. Monteriano, anong nakakatawa? Isa pang tawa, you may go out.” Sabi ni Mrs. Escalante dito. Tumahimik naman kaagad ng kakatawa si bestfriend.
“Napuro yata tayo ah.” Bulong ni bestfriend sa akin.
“Oo nga eh. HAHHAHAAHAHHA.” Tawa naming dalawa.
“MS. LOPEZ AND MS. MONTERIANO, GET OUT!” Tengeneng. Yare. -_-
**
AN: At syempre, may love story din ang bestfriend nya. *u* Kaya abangan ang mga mangyayari. :D Muli kong inuulit, puro kabaliwan ang meron dito. Mga 20s chapter pa ang talagang magiging story nito. Pero kung hindi babasahin. Hindi ka makaka-relate sa mga flashback na mga magaganap. Hahaha!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro