Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 44

Chapter 44

 

Ivan’s POV

Kung pwede lang… Kung pwede lang na ibalik ang nakaraan. Nagawa ko na.

 

Binuklat ko ulit ito.

Ivanbabes… Sorry kanina ha? Di ko talaga sinasadya na mabasag yung picture frame nyo ni Ianne. Alam kong sobrang napaka-importante nun sayo. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry talaga. Nagalit tuloy kita. Promise, next time, mag-iingat na talaga ako.

Sana nga may next time pa eh. Yung pag nagkasama tayo. Hindi mo na ako masisigawan. Hindi mo na ako sisimangutan. Yung ngingiti ka nalang at tatawa ng tatawa. Wahh. Ang sarap isip-isipin eh. Ako na siguro ang pinakamasayang tao pag nalaman kong isa ako sa dahilan ng pag-ngiti mo.

Ivan… Ivan… Ivanbabes.. Sorry talaga ha? Wag ka ng magalit pleaseeee. I love you.

-Alisa

 

Buklat lang ako ng bulat. Napapapangiti nalang ako. Kahit sa sulat lang, nararamdaman ko kung gaano sya kasaya nung naging kami. Sobra sobrang halaga para sa kanya ang relationship naming yun. Pero, para sa’kin… Laro, isang pustahan lang ang nagkaroon kami ngayon.

Nasa diary nya din yung first date namin. Hayyy. Naalala ko na naman. Isa yun sa pinakamasayang araw para sa kin. Nakakalungkot lang isipin na… hindi ko na kayang ibalik ang meron kami tulad ng dati.

Ang last na sulat nya sa diary nya ay September 30, 2013.

Waaaa! Diary!!! Wait…. Isisigaw ko lang yung excitement at kilig ko! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!! Hehehehehheehehehe! Diary!! Alam mo ba na bukas na ang FIRST Monthsarry namin ni Ivan ko? Ayieeee. :”””)

Unti-unti ng natutupad ang mga wishes ko. Hehe. Alam ko din na unti-unti na nyang nakakalimutan si Ianne dahil unti-unti na nya akong minamahal. <333 At ang pinakamasarap? Yung marinig sa kanya ang salitang “I love you.” J

Ayos na ayos na ayos na ayos na ang lahat ng plano ko para bukas. Baliktad ba? Hehe. Ako pa yung magsusurprise eh. Dun ko na aaminin ang lahat lahat. Ang mga kabaliwan ko sa kanya. Baka nga mabigla sya eh. Hehe.

Basta diary ha? Kasama kita bukas. Baka, ipahiram muna kita ng saglit sa kanya. Okay lang ba yun sayo? Don’t worry. Babawiin din kita kaagad. I love you Diary…

Ivan! Ivan Sy! Ivanbabes! Ivan Anthony Nathan Sy! Hubby! Hubby ko! Sana maging memorable ang first mothsarry natin. :D I love youuuuuu. :*** J))

-Alisa

Tas sa ibaba nun.. May nakasulat na, I love you Ivan Sy.

 

 

*TOKTOK*

“Ivan, kakain na daw!” Katok at sigaw ni Kyla sa pintuan.

Pinunasan ko ang luha ko, “Susunod ako.” Sabi ko naman. Itinabi kong muli yung diary. Baka eto na ang maging susi para bumalik ang mga alaala nya. Sabik na sabi na kong muli na bumalik kami sa tulad ng dati. Yung sobra sobra ang pagmamahal nya sa kin noon. Ngayon naman, ibabalik ko ang lahat ng pagmamahal nyang mga yon. Higit pa sa pagmamahal na naranasan ko sa kanya.

Saglit na lang… Hahanap lang ako ng magandang tyempo para sa ating dalawa.

Alisa’s POV

“WTH.” Sambit ko nalang habang nagfefacebook ako.

“Oh bakit?” Tanong naman ni Austin. Andito kasi sya sa kwarto ko ngayon. Mamaya na daw sya babalik sa sarili nyang kwarto dahil mabobored lang naman daw sya dun.

Lumapit naman sya kaagad sa akin, “Masanay ka na.” Sambit naman nito.

Pagkabukas ko kasi ng facebook, pictures ko at ni Austin ang nagsisilabasan. At ang nainis ako, grabeh ang mga comments nila. At ang masaklap…

“GRABEH! Ang gwapo ni AUSTIN!!! *u* Ang panget naman nung kasama nyang girl. -_-”

“Eh mas maganda pa ko dun sa girl eh. Tss. >.<”

“Ate, make-up make-up din pag may time hane?”

 

Hindi naman kasi talaga ako nagmemake up. Aba! Anong magagawa nila kun mukhang patay na bata ako dun sa pic.? Eto kasi yung sumakit ang ulo ko kaya ang pangit ko talaga dun sa picture.

Kung syang dami ng haters, sya din namang dami ng fans. Kaya… okay lang naman. ^^ May boto pa din sa love team namin ni Austin.

*TOKTOK*

“Bestfriend! Kakain na!” Katok at sigaw ni Kyla sa labas ng pintuan.

“Oh sige.” Sabi ko naman. Pinatay ko na yung laptop ko at tumayo na. Si Austin naman, nakatayo lang. “Kain na tayo.” Aya ko sa kanya.

Pero.. Nabigla ako ng bigla nya akong yakapin, “Sorry ha.” Sabi naman nya na humigpit ang yakap sa kin. Ganto naman sya palagi sa kin eh. Nasanay na ko. Pero lahat ng mga yakap nyang yun…. Hindi ko mabalik-balikan. Minsan.. Ako ang unang nangyayakap sa kanya. Pero, pag sya na mismo yung nayakap… Hindi ko ito magawang mabalikan ng yakap. Hindi ko alam kung bakit. Pero… Sobrang sarap pala talaga sa pakiramdam. 

Dug dug.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan nya ang dalawang balikat ko at tiningnan akong diretso sa mata. Ang mata na alam kong may tinatago na gustong sabihin sa akin….“Bakit ganto yung nararamdaman ko sa tuwing mayayakap kita? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ikaw… Ganun rin ba ang nararamdaman mo?” Seryosong tanong nya sa akin.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam pero hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. Bakit nga ba ganto Austin? Bakit nga ba sa tuwing niyayakap mo ko nakakaramdam ako ng sobrang pagbilis ng tibok ng puso ko?

“Hahaha. Halika na nga!” Masaya na biglaan naman nyang sabi at inakbayan ako.

Ng makalabas kami ng kwarto, nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad kami. Nakatingala ako para makita ko ang mukha nya. Nakangiti sya. Hindi ko alam kung bakit pero… Ang sarap pagmasdan ng mga ngiti nya.

Wait… Aus… Austin… What am I feeling?

 

Austin’s POV

“Alisa..” Tawag ko sa pangngalan nya habang naglalakad kami papunta sa may dining room.

“Hmm?” Sabi naman nya na inangat ang ulo nya.

“Wala lang. Hehe.” Sabi ko naman.

“Nyee. Ang corny mo po. Hahaha.” Sabay hampas naman nya ng mahina sa akin.

Pakiramdam ko kasi…. Kinikilig ako sa mga oras na’to. Eto ang kauna-unahang naakbayan ko sya. Sobrang sarap sa pakiramdam. Gustong-gusto ko na nga ulit syang yakapin eh. Kung pwede lang na mayakap ko sya ng ilang oras nagawa ko na. Kasi, ang sakit isipin na hindi nya ako kayang magustuhan o mahalin. Kaya, kaya mayayakap ko sya…. Nagiging okey ako kahit papaano.

Kung pwede ko lang syang angkinin… Nagawa ko na.. Pero, hindi ganun kadali eh.

“Hmm, Alisa.” Tawag ko ulit sa pangngalan nya.

Hindi sya sumagot kundi inangat nyang muli ang ulo nya, “Aalis ako ngayon. May photo shoots akong gagawin eh.” Paalam ko sa kanya.

“Bakit gabi naman yata?” Napatigil kaming dalawa dahilanan para maalis yung kamay ko sa pagkakaakbay sa kanya. Hayyy.

Napakamot ako ng ulo, “Oo nga eh. Si Manager kasi eh. Tanggap lang ng tanggap. Kung hindi naman ako papayag, baka mapilitan akong bumalik sa Europe at ipagpatuloy ang career ko dun.” Sabi ko naman dito.

Napaisip tuloy ako… Paano kaya kung bumalik ako ng Europe? Sasama ba sya sa akin?

“Ah. Hehe. Ganun ba. Ingat ka ha! ^^ Wag masyadong papagabi. Delakado na ang daan pag gabi.” Sabi naman nito. Teka… Parang alam ko kung kaninong line yun ah. Tama! Kay ‘Tita Allie’. “Wag masyadong papagabi. Delakado na ang daan pag gabi.”  Eto kasi ang lagi nyang inahabilin sa akin pag aalis ako ng ospital noon para pumasok, o kaya naman pag may photo shoots o commercial akong gagawin.

                                                                   ****

“Ingat ka ha.” Sabi naman nya ng ihatid nya ako sa may sasakyan ko. Ihahatid daw muna nya ako sa labas bago sya kumain.

“Pasok ka na. Baka lamigin ka.” Sabi ko sa kanya.

“Sige. Ah. Onga pala. Anong oras ka babalik?” Tanong nya naman.

“Baka mga madaling araw o sa umaga na. Pero, pipilitin ko na maaga akong maka-uwi.” Sabi ko naman. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako… Pakiramdam ko, gusto nya akong bumalik agad.

“Ah. Text mo nalang ako ha? Sge. Pasok na ko.” Sabi nya na papasok na sana pero nagsalita ako…

“Wait.” Sabi ko. Agad naman syang humarap, “Hmm?” Sabi nya. Naglakad ako papalapit sa kanya at agad syang niyakap.

Sana dumating yung araw na balikan mo ng yakap ang mga yakap ko sa’yo.

Yung tipong… Parehas nating binabalikan ng yakap ang isa’t isa.

 

I rested my head on her shoulders. Ang sarap sa pakiramdam. Kung pwede lang na buong gabi akong nakayakap sa kanya. Wala akong pakielam kung mangalay ako basta ang gusto ko lang, mayakap ko sya.

Ilang sandali lang ay humiwalay na ko ng pagkakayakap ko sa kanya.

“Pasok ka na.” Sabi ko sa kanya at hinalikan sya sa noo. Nginitian nya ako at sinabing, “Iintayin kita.”  At pumasok na sa loob.

Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi nya. Pero….

Kailan mo kaya ako maiisipang mahalin?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: