Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 43

Chapter 43

Alisa’s POV

Ano ba yung ginawa ko? Waaaaa. Basta-basta nalang ako nanghahalik! -__- Ayshhhh! Makapag-ayos na nga! Hindi ko alam kung anong resort yun. Dinala ko lang ang damit na alam kung sapat lang na magagamit ko.

“Bakit parang ang dami mo yatang dala?” Tanong sa akin ni Austin.

“Madami na ba to?” Sabay turo ko sa bag na medyo malaki na pack bag, “Malaki lang talaga yung bag. Saka, dala dala ko din kasi yung laptop ko. Malay mo, ma-bored ako. Hehe.” Sabi ko naman. Palibhasa, maliit na bag lang yung dala nya.

“Ah. Ganun ba. Halika na. Iniintay na nila tayo.” Sabi naman sa akin ni Austin.

Sa sasakyan, as usual, kapag pinipikit ko ang mata ko. Nakikita ko ang isang lalaki na blurred naman ang mukha. Tinitiis ko ang sakit na nararamdaman ng pagkirot ng ulo ko. Dahil malakas ang pakiramdam ko na ang lalaking iyon ay may puwang dito sa puso ko. Kung hindi naman, isa syang mahalagang tao para sa akin.

 “Yeyyyy!! Andito na tayo!! ^^” Masayang sabi nung babae na kung hindi ako nagkakamali ay girlfriend ni Aaron.

Nakakaramdam din ako ng weird na pakiramdam sa babaeng to. Hindi ko alam kung bakit pero… sobra sobra akong nagagandahan sa kanya. Or else at the same time, parang naiinsecure ako. Hindi ko talaga alam kung bakit. Basta ayun ang pakiramdam ko sa kanya.

Kay Aaron naman, ganun din. Yung boses nya, parang dati rati ko ng naririnig yon. Ganun din kina Kyla, Vince, at Josh.

At lalong-lalo na kay Ivan… Sa kanya ko naramdaman ang sobrang weird na pakiramdam at ang pagbilis din ng tibok ng puso ko. Ang boses at mukha nya ay sobrang pamilyar.

Kyla’s POV

*CLICKED*

Nag-picture kami ni bestfriend. Hindi na tulad ng dati ang mga ngiti nya. Yung tipong lahat ng ngiti nya may mga dahilan. At ang dahilan ng mga iyon ay si Ivan. Ngayon? Mabibilang mo ang mga ngiting pinipinta ng mukha nya.

“Hey guys!!” Boses na narinig namin dahilanan para mapalingon kaming lahat.

Si… LUKE?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

“You came.” Sabay sabay na sabi nina Josh at Aaron.

“Of course I’ll came! I guess this is the second time I’ll be on Aaron’s birthday. So, what’re gonna do here? Are there any sexy hot girls that are checking in here too on this beach resort?”  Sabi naman nito na nililingon-lingon ang buong paligid.

“I don’t think so. Maybe. I just rented this building for us. And I guess on that building, others are checking in.” Sabi naman ni Aaron.

Beach resort kasi ito. Naging ka-business partner yata ng magulang ni Aaron ang magulang ng may-ari nito. Ang alam ko lang, it is De La Vega property.

“Oh really? Good. This would be fun! Wait… Why are you here?” Sabi naman nya na bumaling ang tingin sa akin.

“Of course I’m invited too. Stupid.” I said.

“Stupid? Nah. Look who’s talking. Well, I’m not stupid as you. ” Sabi naman nya. At eto na naman, nangiinit na naman ang ulo ko.

Magsasalita palang sana ulit si Luke pero nagsalita si ….., “Excuse me Luke. A little piece of reminder, you’re a guy, she’s a girl. Would you give her some respect?” Sabi ni… Teka…. V-V-Vince? Napanganga ako. Bakit? Eto ang kauna-unahang pinagtanggol ako ni Vince at sinabi na bigyan ako ng respeto bilang babae. Wala naman kasi kaming ginawa noon kundi ang mag-asaran, mag-bangayan at mag-barahan. Ayun na kasi ang nakasanayan naming dalawa na gawin.

“Is she your girlfriend? Hahahhahahahahhahahha!!! Respect?!! A girl like her?!! Nah, I don’t think so. Vince, find another girl. You two don’t look perfect for each other.” Sabi nito at umalis na.

I HATE YOUUUUUUUUUUUUUUUU LUKEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!! URGHHHH!!

“Sorry ha. Ganun talaga si Luke. Mabait lang yan sa babaeng alam nya na makukuha nya agad ng isang gabi. Pagpasensyahan mo na.” Sabay tapik sa likod ko ni Austin.

Oo, aaminin ko. Nasasaktan din ako sa sinabi nya. Hindi naman porket binabatuhan ko din ng mga salita ang sinasabi nya hindi ibig sabihin nun hindi na ako apektado. May damdamin din ako. Babae rin ako at madaling masaktan.

“Alam mo parang hindi na ikaw ang Kyla na kilala ko!” Sabi naman sa akin ni Vince, “Gawin mo din sa kanya ang mga ginagawa mo sa akin noon! Yung tipong talo na ako sa mga salitang binibitawan mo!” Dagdag pa nito.

Napakamot ako ng ulo…. Dude, englishero yun! Mahirap magbitaw ng mga salitang english! Baka magnosebleed ako ng di-oras. Pag english ang salitang binitaw nya sa akin tas tagalog ang binitaw ko sa kanyang salita. Ay! Panibagong term ang itatawag sa akin noon! Kaya, dapat… Tagalog to tagalog.

“Basta. Pag kailangan mo ng tulong, andito lang ako.” Sabi naman ni Vince na nauna ng maglakad.

Itsura ko-> :O

Teka…. Si V-Vince ba talaga to?

Ivan’s POV

“Madami namang rooms ah! Ba’t magsasama kayo ni Alisa sa iisang kwarto ha?!!!” Pagrereklamo ko sa kagustuhan ni Austin.

Aba! Hindi pwede yon!

“Gusto namin eh.” Sabi naman ni Austin na halatang napipilitan lang si Alisa na magsama sila sa iisang kwarto.

“Wala naman akong gagawin kay Alisa eh. Saka, kami naman eh.” Dagdag pa nito.

“Kahit na ba! Lalaki ka, babae sya! Iba pa rin pag magsasama kayo sa iisang kwarto!!” Sigaw ko rito.

“Ivan. Relax ka lang.” Pigil sa akin ni Ianne.

“Pre, suggestion lang yun. Wag kang masyadong apektado.” Bulong naman sa akin ni Aaron. Kahit na ba. Ang suggestion, maaaring magkatotoo.

“Magtabi nalang siguro tayo ng kwarto.” Sabi naman ni Alisa.

“Sige, sabi mo eh.” Sabi naman ni Austin. Pag kay Alisa, payag agad.

                                                                   ****

Bumalik ako sa kwarto at inimis ang mga gamit. Baka daw bukas o sa isang araw pa kami umalis dito sa beach resort na’to. Ee-enjoyin lang muna namin ang weekends.

Habang inaayos ko yung gamit ko…. Nakapa ko sa bag ko ang maliit na notebook. Ang diary ni Alisa.

*Flashback

Nag-search ako kung paano manunumbalik ang alaala ng isang taong may amnesia na naaksidente.

Sa totoo lang… Madami ang lumabas na suggestions.

Pero…. Eto ang pinakatinandaan ko.

“Show her the old things or the important things she had/ owned after the incident.”

*End of flashback

Alam kong etong diary ang meron sya at isang bagay na importante sa kanya. Hindi ko alam kung eto nga pero kailangan kong i-try dahil gusto ko ng manumbalik lahat ng alaala nya. Gusto kong maaalala nya kung gaano nya ako kamahal noon. At pag nangyari yun, aaminin ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman.

Binuklat ko yung diary.

1st page (Right-Down):

This is property of Alisa Sy este Alisa Lopez. Chenesss!! XDD

Binuklat ko ulit ang diary nya. Mga 5th page siguro.

July 21, 2011

Pssst! Diary! Bday bukas ng pinakamamahal kong si Ivan. Ano naman kaya ang ireregalo ko?  Waaaa. Wala na kung maisip eh. Tss.

Uy! May good news ako! hehe. Alam mo ba na tiningnan nya ako kanina? Hahahahha! Kahit ilang segundo lang yun, ang lakas ng impact sa kin! Kakilig nga eh! Hihihihi. ^^ His eyesssss. *u* Grabeh, nakakainlove. Tapos yung labi nya? Waaa. Red lips. Sarap pagmasdan, titigan… sarap nakawan ng halik. Hehe. Uy! Secret lang natin yun ha? Quiet ka lang.

Tas kanina naglaro sya ng basketball. Grabeh! Pawis-pawisan sya! Wet look! At ang masasabi ko lang, ang HOT nya. Yieeee. Kilig ako. :””””)

IKAW DIARY! Oo ikaw nga! Wag mong iwawala sarili mo ha?! Baka mamaya mawala ka eh! At pag may nakabasa nito, waaaaa. Wag naman sana! Andito lahat ng kabaliwan ko sa Ivanbabes ko. Hahaha. Kaya, iingatan kita ha? At syempre! Ingatan mo din sarili mo noh!

Osgeee. Love you Diary. And of course, I love you more Ivan Anthony Nathan Sy. <3 :********

-Alisa

Napangiti ako sa sinulat nya. Ilang beses ko na tong nababasa pero hindi ko pa din maiwasan ang hindi mapangiti pag nababasa ko ito. Binuklat ko pa ito ng binuklat. Kung ano-ano pang nabasa ko. At lahat ng iyon, lahat tungkol sa akin. Kahit paglalakad, pag-aayos ko ng buhok, bawat hakbang, lahat ng gawin ko, lahat yun nakasulat dun.

Binuklat ko ulit… Eto… Sa pahinang ito, na may mga bakas ng tila tubig na ang tinta ng ballpen ay humawa na din na kung hindi ako magkakamali, luha ang mga iyon. Dito ko naramdaman ang sakit na naramdaman ni Alisa ng maging kami ni Ianne. Wala akong kaalam-alam na may nasasaktan na pala ako. Pero, sa kabila ng sakit na naramdaman nya noon, pinili nya pa rin ng maging masaya para sa akin dahil alam nyang sasaya ako sa piling ni Ianne. Naramdaman ko din ang pagkaka-insecure nya kay Ianne dahil sa eto ang mahal ko.

Diary… Sorry… Hindi ko talaga mapigilan ang hindi maluha eh. Nabasa ka tuloy. Sorry talaga ha. Kasi eh… May iba na ang Ivanbabes ko eh. Matagal na din nyang mahal si Ianne. Diary…. Huhuhuhu. Ang sakit eh. Ang sakit sakit.

Kahit ilang beses akong icheer-up ni bestfriend, andito pa din yung sakit eh. Sa itsura pa lang, talbog na agad ako. Sa talino, sa katawan, talbog na talbog na ako. Pakiramdam ko gusto ko ng mag-suicide sa sobrang sakit. Ni-hindi ko man lang masabi sa kanya na matagal ko na rin syang minamahal ng palihim. Matagal na rin pala nyang minamahal si Ianne ng palihim.

Pero… Na-realize ko na… Kung masaya si Ivan sa kanya. Magiging masaya na din ako. Bakit? Kasi… Ang gusto ko lagi ko syang makitang masaya. Gusto ko lagi ko syang makikitang naka-ngiti.

Psst! Uy! Ivan! Pag sinaktan ka nya, takbo ka lang sa kin ha? Kung hindi, ako na yung tatakbo papalapit sayo. At handang maging rebound mo. Mahal na mahal talaga kasi kita. Sana dumating yung araw na ako naman yung makapagpangiti sayo. Ang sarap siguro sa pakiramdam ng makasama, at mayakap ka. Kahit hindi ko na maranasan ang mahalin mo… maranasan ko lang na makasama at mayakap ka… Okay na sa kin yun. Para naman kahit sa isang araw lang, makasama at mahagkan ko ang mundo ko.

Basta kahit anong mangyari… I’ll be waiting for that day to come.

Ivan… Ivan Sy… I love you! ^__^ I hope that she’ll not hurt you.

-Alisa

May tumulong luha sa mga mata ko. Bading na kung bading pero biglang nag-flashback lahat sa utak ko ang lahat ng high school memories namin noon. Yung panahong nakikita ko sya pero parang baliwala lang ang presence nya sa akin. Yung pag nakakasalubong ko sya sa hallway, parang wala lang. Yung pag nakikita ko syang tawa ng tawa, lagi kong iniisip na baliw na yata sya. Yung ingay, at boses nya noon… Lahat ng iyon, sobra sobra kong namimiss. Kung pwede lang… Kung pwede lang na ibalik ang nakaraan. Nagawa ko na.

To be continued…..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: