Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 42

Chapter 42

Alisa’s POV

“Ano ba kasing nangyari sayo kahapon? Ang sabi mo sabay tayong uuwi. Pero, nawala ka.” Sabi ko sa kanya habang nagdadrive sya.

“Ah. Yun ba? Sorry ha. Nagka-photoshoots ako eh. Sorry talaga. Hindi ko lang matinggihan. Promise, hindi na kita pag-aantayin.” Sabi naman nya.

“Hehe. Okay lang yun. ^_^” Sabi ko naman. Nakita ko naman syang ngumiti. He’s so cute. *u*

Tumingin ako sa bintana. Napangiti naman ako. Pinikit ko ang dalawa kong mata.

*“What should I do to make you love me like the way I love you?”*

Napamulat ako. Sinabi ko ang mga salitang iyon sa lalaking natutulog. Muli kong pinikit ang mga mata ko para makita ko ang mukha ng lalaking iyon pero….blurred ito.

“Aray..” Napahawak na naman ako sa ulo ko.

“Alisa. Okay ka lang?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Austin ng ihinto nya ang sasakyan sa kanto.

“O-Oo.”

“Tss. May inaalala ka ba? Please. Wag mo ng alalahanin yon. Mas lalo kang masasaktan. Yan ang magiging sanhi pag pilit mong inaalala ang bagay na nakalimutan mo Alisa.” Sabi naman sa akin ni Austin.

“S-Sorry. Basta nalang kasi ako may naalala eh.” Sabi ko naman dito.

“Ano ba yung naalala mo?” Tanong nya sa akin.

Pumikit akong muli, “Naka-upo ako sa side ng kama at nakatitig sa isang lalaki na mukhang natutulog. What… s-should ..I d-do to m-make… you l-love me l-like…. the way I l-love you?” Salitang sinabi ng utak ko na utal utal kong sinabi. Muli kong minulat ang mga mata ko, Pero, ba’t ganun? Blurred ang mukha nya.” Sabi ko naman dito.

“Ah. Wag mong alalahanin yun. Baka sumakit pa lalo ulo mo.” Sabi naman nya na muling pinaandar ang sasakyan.

Pagpasok sa school, as usual, pinagtitinginan na naman kami. Ganun naman lagi eh. Paulit-ulit din ang sinasabi nila na ang pogi-pogi ni Austin at bagay daw kami. Kami nga ang couple of the year dito sa University eh. We’re not couple. We’re married. Hindi ko alam, matandaan at maalala kung bakit o paano kami napunta ni Austin sa kasalanan naganap non. Napa-isip ako….. Ah! Siguro kami dati at mahal ko sya dahilanan para magpakasal kami. At dahil sa sikat nga sya, nililihim pa din namin ang meron kami ngayon.

“Alisa…” Tawag nya sa pangngalan ko para bumalik ako sa ulirat ako.

“May iniisip ka ba?” Tanong nya sa akin.

“Ah. Wala naman. Hehe.” Sabi ko naman.

“Lampas ka na kasi sa room mo eh.” Sabi naman nya.

Napatingin naman ako sa likod, (-_-) Oo nga. Lumampas na ko.

“Ah. Hehe. Sige, pasok na ko.” Sabi ko naman sa kanya at tumakbo na papunta sa classroom.

Pagka-upo ko, nakaramdam na naman ako ng pananakit ng ulo. Wala pa naman ang prof. namin kaya itinungo ko sa lamesa ang ulo ko.

“Bestfriend!” Sigaw ni Kyla dahilanan para iangat kong muli ang ulo ko. Na-late yata sya ngayon.

“Bakit?” Tanong ko sa kanya ng umupo sya sa tabi ko.

“Birthday ni Aaron. Tanda mo?” Tanong sa akin ni Kyla.

Napa-isip ako. Mas sumakit ang ulo ko pero hindi ako dumaing. Alam kong tatawagan ni Kyla si Austin. Ayokong mag-alala pa sa akin si Austin.

“Ah. Yung kabarkada nila Ivan?” Tanong ko. Hindi ko alam pero ng sambitin ko ang pangngalang “Ivan”, nakaramdam na naman ako weird na pakiramdam.

“Bestfriend!” Tawag ulit sa kin ni Kyla.

“Ah. Oh bakit? Ano nga pala ulit sinabi mo kanina?” Tanong ko dahil nawala na naman ako sa sarili ko.

“Sabi ko kung sasama ka. Iniimbita kasi tayo after class. Magcucutting pa nga daw sina Josh para lang makapunta sa bahay nina Aaron. Sama tayo?” Sabi naman nya sa akin. Sa totoo lang, hindi pa din ko masyadong masaulo ang mga pangngalan ng mga nakakasama ko araw-araw. Tulad ng mga kaibigan ni Ivan na nakakasabay namin lagi sa pagkain ng lunch. Pero… Syang hindi ko tanda ng mga pangngalan nila. Sya namang napaka-pamilyar ng mga mukha nila.

“Tanungin ko muna si Austin.” Sabi ko naman.

“Ah. Sige sige. Masaya pag kumpleto tayo! ^_^” Sabi naman nito.

Ilang sandali lang ay dumating na yung prof. namin. Hindi ako masyadong nakinig sa kanya. Ni-wala nga yata akong napakinggan eh. May malalim kasi akong iniisip. Sa pagi-isip ko, nasakit ang ulo ko. Pero, tinitiis ko dahil pakiramdam ko may kailangan akong malaman at may kailangan akong isang tao na dapat balikan. Pilit ko din inaalala yung mukha ng lalaki na nasa isip ko kanina, yung lalaking natutulog. Pero kahit anong gawin ko, blurred pa rin ang mukha nito.

Nabuo naman ulit sa isipan ko ang katanungan na…

Paano kami umabot sa punto na maikasal ni Austin?

Hindi ko alam pero, basta kong naisip yun. Masyado pa kaming bata para ikasal. Ganun ba namin kamahal ang isa’t isa noon kaya naisipan namin ang magpakasal? Napatungo akong muli dahil mas sumakit ang ulo ko. Pakiramdam ko, binibiak ang utak ko.

                                                                   ****

“Birthday daw nung Aaron. Kasama si Kyla. Sama tayo?” Tanong ko kay Austin.

“May gagawin pa ko mamaya eh. Ikaw, wala ka bang gagawin? Wag na tayong sumama.” Sabi naman sa akin ni Austin.

“Ah. Sayang naman.” Sabi ko naman. Di ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot ng ayaw sumama ni Austin. Pakiramdam ko kasi na magiging masaya dun eh. Saka, mas makikilala ko pa sila ng mabuti pag nagkataon.

“Gusto mo ba sumama?” Tanong sa akin ni Austin.

“Alisa!!!” Napalingon kaming dalawa ni Austin sa boses na tinawag ang pangngalan ko.

*Dug dug* Si… Ivan. Natakbo sya papalapit sa amin.

“Alisa, sama ka sa bday ni Aaron ha? Sa beach resort yun. Masaya dun promise!” Sabi naman nya na medyo hinihingal-hingal pa.

Napalingon ako kay Austin, hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nya pero iisa lang alam ko.. Ayaw nyang sumama kami sa bday ni Aaron. Bumalik ang tingin ko kay Ivan, “Hindi pwede eh. May gagawin si Austin mamaya eh.” Sabi ko naman.

“Si Austin yun. Ikaw, meron ka bang gagawin? Dun mo nalang gagawin. Tutulungan pa kita. Sama ka na ha?” Sabi naman nya sa akin.

“Narinig mo naman ang sinabi nya di ba? Kung hindi, ‘hindi’ ang sagot nya. Alisa, halika na alis na tayo.” Hinigit ni Austin ang kamay ko pero hinawakan din ni Ivan ang kamay ko.

“Bitawan mo sya.” Malamig na sabi ni Austin kay Ivan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko talaga na meron silang hindi pagkakaintindihan.

“Bakit ba ayaw mo syang pasamahin? Natatakot ka ba na baka may bumalik sa alaala nya?” Sagot naman ni Ivan dito.

May dapat ba akong maalala? Napa-isip na naman ako…

“AUSTIN!!”

“IVAN!!” Sigaw na padating ng mga kaibigan nito.

Nakita na din siguro nila ang pagkakainitan ng dalawang to.

“Ano na naman ba? Mag-aaway na naman ba kayo?!!” Sabi naman ni……... Vince siguro ang pangngalan.

Hinawakan ko ang kamay ni Austin. Eto lang ang alam kong paraan para maging mahinahon sya.

“Alisa, bday ko nga pala. Sama ka?” Sabi ni Aaron.

“Austin, sumama na kayo.” Sabi ni Kyla.

“Gusto mo ba talaga?” Tinitigan ako ni Austin.

Habang nakatitig sya sa mga mata ko, nakita ko ang lungkot na meron sya. Nakita ko ang lungkot na ni-minsan hindi nya nasabi sa akin. Lungkot na wala man akong kaalam-alam. Lungkot na tinatago nya.

Hindi ko alam pero… napatango ako.

“Yes! O’yan! Pano ba yan?! Diretso na tayo sa beach resort!” Sabay sabay nilang sabi.

“Kukuha lang kami ng mga gamit na gagamitin.” Sabi sa akin ni Kyla.

“Oh sige. Kami din.” Sabi ko naman. 

“Austin…” Sambit ko sa pangngalan nya habang nagdadrive sya.

“Oh?” Sabi nya in a cold tone ng hindi man lang ako nililingon.

Pakiramdam ko, ayaw nya talagang sumama. Di kaya’t galit sya sa akin dahil gusto kong sumama?

Austin’s POV

Bakit ganun!!? Pakiramdam ko, si Kyla na rin mismo ang nagtutulak kay Alisa na bumalik ang alaala nya eh! Ayaw na nyang masaktan si Alisa pero bakit… Bakit kailangan pang sumama sa bday ni Aaron! Hindi ba nya naisip na maaaring bumalik ang alaala nya pag nagkataon?!!

Wala naman akong magawa dahil kagustuhan na din ni Alisa ang sumama. Pag bumalik ang alaala nya, mauuwi kami sa divorced. Ayokong mangyari yun. Ayoko. Ayokong-ayoko. Mawala na ang lahat sa kin wag lang si Alisa at ang marriage na’to.

“Austin…” Sambit nya sa pangngalan ko. 

“Oh?” Tanong ko ng hindi sya nililingon. Pakiramdam ko kasi, pag nakikita ko sya, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Mas lalo ko syang minamahal. At higit sa lahat, mas lalo akong nasasaktan dahil kahit nawala nga ang alaala nya… Hindi pa din nya ako magawang magustuhan. Hindi pa din nya ako magawang mahalin.

“Galit ka ba sa kin? Kung ayaw mong sumama, sige, wag na tayong sumama. Please oh, humarap ka naman sa kin at kausapin mo ko ng maayos.” Sabi naman nya pero hindi ko pa din sya nililingon. Bigyan mo lang ako ng time mag-isip Alisa. Bigyan mo lang ako ng time ihanda ang sarili ko para sa mga maaaring mangyayari mamaya.

“Austin!” Tawag nya sa pangngalan ko. Nauna kasi akong maglakad. Pero mas dinalian ko ang paglakad ng alam ko na natakbo na sya para maabutan ako.

Agad akong pumasok sa kwarto at hiniga ang sarili ko sa kama.

Hindi ko alam pero naasa ako na susuyuin nya ako. Ayun lang naman ang gusto ko eh. Ang suyuin nya ako. Ang sarap siguro sa pakiramdam. Hindi naman ako galit eh. Ang hindi ko lang alam.. Bakit nya gustong sumama.. Ayoko mapalapit sya kay Ivan ng tuluyan. Baka hindi ko kayanin….

Iniintay ko na magbukas ang pintuan at bumulaga si Alisa at suyuin ako. Pero.. Hindi. Ilang oras na ang nakalipas… Pero… Wala. Walang nakatok o napasok na Alisa. Mas lalo akong nakaramdam ng sakit dito sa puso ko. Hindi ako mahalaga sa kanya. Mahalin pa kaya?

                                                                   ****

Nagulat ako ng biglang may nagbukas ng pintuan. Si… A-Alisa na may dala-dalang candy na iba’t iba ang kulay at ang design na’to ay parang pa-ikot ikot. Napa-upo ako sa kama ko.

“Sorry na.” Nakasimangot na sabi sa akin ni Alisa, “Kung ayaw mo, dapat sinabi muna ng hindi na ako naka-oo.” Sabi naman nya.

Napatayo naman ako. Gusto ko kasing makita yung candy na dala nya, “San mo nakuha to?” Tanong ko sa kanya.

“Binili sa candyshop. Hehe. Ayos ba? 450 yan lahat! Ang mahal nyan! Hehe. Yan, para sa’yo. Peace offering. Wag ka ng magalit ha? ^^” Sabi naman nya.

Pakiramdam ko maluluha ako sa ginawa nya. Bading na kung bading pero ang sarap sa pakiramdam na hindi nya kayang magalit ako sa kanya. Hindi naman talaga ako galit eh. Hehe. Ang gusto ko lang suyuin nya ako… Pero, hindi man nya ako sinuyo may ginawa naman sya na para mas lalo akong mahulog at mahalin sya.

Agad akong napayakap sa kanya, “Hindi naman ako galit eh. Nagi-isip lang ako ng dahilan kung bakit mo gusto mong sumama.” Sabi ko dito.

“Mukhang mage-enjoy naman tayo dun eh. Saka, bakit mo naman iniisip yun?” Sabi naman nya.

“Wala lang.” Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Kahit hindi nya binabalikan ang yakap ko, okay lang. Basta nahahagkan ko ang isa sa dahilan kung bakit ako nabubuhay.

“Sige, sama na tayo.” Sabi ko sa kanya ng makabitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

“Talaga?!! Yey!! ^^ Sige, magpapalit na ko ng damit at mag-aayos na ng damit na dadalhin! Yeheyy! Thank you!!” Masaya naman nyang sabi dahilanan para halikan nya ako sa pisngi.

Dug dug.

Mukhang nagulat naman sya sa ginawa nya, “A-Ah. Sorry. Sige, alis na ko.” Sabi naman nya na agad namang lumabas ng kwarto ko.

Napahawak naman ako sa pisngi ko.

Alisa… You’re making me crazy again.

Hindi ko alam pero agad kong kinuha ang cellphone ko at pinicturan ang sarili ko kasama ang candy na ibinigay ni Alisa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: