I'm Married ♡: Chapter 41
Chapter 41
Ivan’s POV
“Are you still don’t remember me?” Tanong ko sa kanya dahilanan para mapatigil sya sa paglalakad. Ganun ba kalakas ang natamo ng ulo nya para makalimutan nya ang lahat na meron kami noon? Ganun nga ba kalala ang natamo nya para makalimutan nya ang lahat ng pagmamahal nya sa akin?
Pumunta ako sa harapan nya para makita ang ekspresyon ng mukha nya. Inangat nya ang ulo nya at tinitigan ako sa mata. Sobra sobra kong namiss ang mga mata na yun. Yung mga mata na noon pa lang elementary pa lang kami ay AKO na ang lagi nyang nakikita. Yung mga mata na alam kong sa direksyon ko lagi nalingon. Alam ko yun dahil nakasulat iyon sa diary nya. Mahal na mahal ako ni Alisa pero lahat ng iyon binaliwala ko lang.
As I looked into her eyes, I saw a full of consciousness like something going through her mind. Ilang minuto siguro kami nakatayong magkaharap sa isa’t isa at nagkakatitigan sa mata.
“Bakit ba napakapamilyar ng boses at mukha mo?” Sabi naman nya na bumasag sa katahimikan na meron kanina.
Alisa… Ako to…. Si Ivan… Ang lalaking mahal na mahal mo.
“Alisa… Ako to si Ivan. Hindi mo pa rin ba maalala?” Tanong ko sa kanya.
“Aray!!!” Napahawak na naman sya sa ulo nya.
“Alisa!!” Nagaalalang sabi ko sa kanya.
Eto.. Eto ang dahilan kung bakit ayaw kong ipaalala sa kanya ang mga pasts at memories namin noon at kung anong meron kami dati dahil nasakit ang ulo nya. Ayoko na syang makitang nasasaktan.
“Alisa.. Okay ka lang ba?” Nagaalalang tanong ko na naman sa kanya.
“O-Oo. Itutulog ko nalang to pagka-uwi sa bahay.” Sabi naman nya.
“Sigurado ka? Daan muna tayong ospital.” Sabi ko sa kanya but she insisted.
Naglakad nalang kami ulit. Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilan ang titigan sya. Sobra sobra sobra sobra sobra ang pagkakamiss ko sa kanya. Sana ganung kadali para bawiin sya kay Austin. Pero, hindi eh. Dahil mismong magulang ni Alisa, makakalaban ko. Pero anong magagawa ko? Mahal ko na si Alisa. Oo, mahal ko na sya. Siguro gago nga ako tulad ng sabi nila. Nasa akin na, pinakawalan ko pa.
“Salamat sa paghahatid.” Sabi naman nya ng makatigil kami sa tapat ng bahay nila. Lumingon lingon sya sa tabi tabi. Hindi ko alam kung ano yon pero pakiramdam ko may hinahanap sya.
“Pasok ka na. Pagabi na din eh.” Sabi ko naman sa kanya.
“Oh sige. Ingat ka.” Sabi nya na akmang papasok na pero hinawakan ko ang kamay nya.
Pakiramdam ko kasi gusto ko pa syang makasama ng matagal. Yung walang sagabal. Yung walang Austin na eextra.
“Hmmm? May sasabihin ka pa ba?” Tanong naman nya.
“Alisa…” Sambit ko sa pangngalan nya at agad syang niyakap.
Na-miss ko to. Sobra.
Gagawin ko ang lahat para bumalik ang lahat ng alaala mo ng walang nasakit sayo Alisa. Mahal na mahal kita.
Please… Remembered…
Alisa’s POV
“Alisa…” Nagulat ako ng bigla nya akong yakapinkaya eto na naman… Nakaramdam na naman ako ng sobrang pagkabilis ng tibok ng puso ko.
Dug dug.
When he calls me by my name… I felt butterflies in my stomach and something knocking on my heart.
Ivan…. Who are you? Why are you giving me this butterflies?
“ALISA!!!” Boses na dahilanan para lumayo akong bigla sa pagkakayakap ni Ivan.
Si…. A-Austin.
“Austin…” Sambit ko sa pangngalan nya ng unti unti syang naglalakad papalapit sa aming dalawa ni Ivan. Hindi ko alam pero… Iba ang titigan nilang dalawa. May away ba sila na hindi ko alam?
“Ilang beses na kitang binalaan pero patuloy ka pa din. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?!” Malamig na tono ng boses ni Austin kay Ivan. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong ibig sabihin nung sinabi nya kay Ivan pero pakiramdam ko talaga may gulo sa pagitan nilang dalawa.
“Gusto kong mangyari?!! Bumalik lahat ng alaala nya.” Maangas na sagot naman ni Ivan na unti unting lumapit kay Austin, “Ikaw lang naman ang problema eh. Bakit pilit mong inaangkin ang bagay na hindi naman sayo simula pa lang ng una?! Ha?! Austin! Nag-iba ka na nga talaga. Iba na kasi talaga pag sikat na sa buong mundo eh.” Sabi naman nito kay Austin.
Magsasalita pa lang muling si Ivan pero hiniwakan ko ang kamay nya, “Ivan… Tama na. Wala namang dapat pagtalunan eh. Umuwi ka nalang please.. Salamat sa paghatid.” Sabi ko naman dito.
Lumapit sya kay Austin at tila may binulong. Hindi ko alam kung ano yun basta pagkalayo nya sa taenga nito. Hinalikan nya ako sa noo at naglakad palayo.
Sa halik nya sa akin sa noo, nakaramdam ako ng tila kuryente sa buong katawan ko.
Austin’s POV
“Babawiin ko sya sayo. Tandaan mo yan.” Bulong sa akin ni Ivan.
Bago sya makaalis, hinalikan nya sa noo si Alisa. At ang masasabi ko lang… FVCK.
Nakatingin lang si Alisa kay Ivan habang naglalakad ito palayo sa amin.
Kailan ka kaya titingin sa direksyon ko?
Ilang minuto bago mawala ang tingin nya kay Ivan. Humarap naman sya sa akin, “May problema ba kayo ni Ivan? Bakit parang lagi kayong nagkakainitan?” Tanong naman nya sa akin.
Napatungo ako, “Napaghintay ba kita kanina? Kaya ba sya ang naghatid sayo?” Tanong ko naman sa kanya.
“Oo eh. Hindi ko naman sya matanggihan kasi friend ko din naman sya kahit papaano eh.” Sabi naman nito.
Unti unti akong lumapit sa kanya at….. niyakap sya. Ilang oras ko syang hindi nakita, pakiramdam ko ilang taon na syang nawala. Mahal ko nga talaga sya.
Kailan mo kaya ulit babalikan ng yakap ang yakap ko sayo?
I rested my head on her shoulders.
Why I love you this much Alisa?
By any chance, someday, you’ll love me back?
****
“Oh, aga mo yata.” Bati ko sa kanya pagkababa ko ng hagdan para kumain na umagahan.
“Ah. Oo eh. Hehe. Ah, eto pinagluto kita ng egg.” Sabi naman nya na tila pinagmamalaki yung egg na niluto nya.
“Sorry ha. Yan lang kasi ang nakita kong madali mong lutuin eh. ^__^” Naka-ngiti nyang sabi sa akin.
Bakit ba ang ganda ganda ng mga ngiti mo?
“Aus.” Tawag nya sa pangngalan ko dahilan para bumalik ako sa ulirat ko.
“Ah. Hahahhaa. Okay lang yun. Lika, kain na tayo.” Sabi ko naman sa kanya.
“Hmmm, Aus, mamasyal naman tayo minsan oh. Maybe, bukas? Hehe. Nakakabored na din kasi sa bahay. Lalo na pag weekends. Since sabado naman bukas. Pasyal tayo. Please?” The, she did the puppy eyes.
Dug dug.
Please.. Alisa, stop doing that. It makes me fall harder.
“Aus.” Tawag na naman nya sa pangngalan ko.
“Ah. Oo! Sige ba. Hehe. San mo ba gustong mamasyal?” Tanong ko sa kanya.
“Teka, may iniisip ka ba? Para kasing nawawala ka sa sarili mo eh.” Sabi naman nya sa akin.
“Ah. Wala ah. Hehe.”Sabi ko naman.
Hindi ko alam kung bakit parang napakadaldal ngayon ni Alisa. Nakakapanibago nga eh. Kasi dati, sobrang tahimik nya lang. Lalo na noong nasa ospital kami, mabibilang mo ang mga salitang binibitawan nya. Pero, ngayon… Ang sarap pakinggan ng mga tinig nya.
Mahal na nga talaga kita Alisa.
Hindi ako papayag na bawiin ka sa kin ni Ivan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro