Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 40

Chapter 40

Austin’s POV

“Aus., okay ka lang ba talaga?” Tanong ulit sa akin ni Alisa ng makadating kami sa bahay.

Nasaktan ako ng makita silang magkayakap ni Ivan….

 

“Oo. Panik na ko. Mag-luto ka nalang na kung ano meron dyan sa ref..” Sabi ko sa kanya habang naglalakad na ako papa-akyat.

Hindi ko alam kung bakit pero… mas nasaktan ako ng itulak nya ako dahil lang kay Ivan. Pagkapanik ko sa kwarto, hindi na ko naglinis ng katawan kundi ibinagsak ko nalang ang sarili ko sa kama. Magi-isang buwan na kaming kasal pero, bakit parang wala namang nangyayari sa amin? Nagkamali nga siguro ako ng hiniling.

*TOKTOK*

“Aus, hindi ka ba kakain?” Katok sa pintuan ni Alisa.

“Hindi na.” Tipid kong sagot.

“Tutulog ka na ba?”Tanong naman nya.

“Oo.” Tipid kong sabi.

“Ah. Oh sige. Good night.” Sabi naman nya.

Naramdaman ko din ang pag-alis nya.

Kailan mo kaya ako susuyuin?

Napatakip nalang ang kaliwang kamay ko sa mukha ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

                                                                   ****

“Waaaaaaaah!!!!” Bigla akong nagising sa sigaw na yun.

Ba’t patay ang ilaw? Kinuha ko ang cellphone ko pang-ilaw. Tiningan ko din ang oras, 11:53pm na. Ilang beses kong pinindot ang switch ng ilaw, brown-out pala.

Lumabas ako ng kwarto ko.

“Alisa?” Katok at tawag ko sa kanya sa kanyang pintuan.

“A-Aus? Waaaah!! AUSTIN!!!! Ang dilim!!!!” Sigaw nya sa loob.

Kaya, dali-dali na kong binuksan ang pintuan nya.

*BOGSH*

Parehas kaming natumba.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ilang sandali lang ay nagka-ilaw na.

Minulat ko ang dalawa kong mata. Mata ni Alisa agad ang nakita ko. Ngayon ko lang napansin na nakadagan pala ako sa kanya at aksidenteng nagkadikit ang labi namin.

Dug dug dug dug.

Mabilis akong tumayo, “S-Sorry.H-Hindi k-ko sinasadya.” Sabi ko sa kanya.

Tumingin ako sa kanya, “Alisa…..” Sabi ko sa kanya.

“Sorry din.” Sabi naman nya at tumayo na.

“Aalis na ko. Katukin mo nalang ako pag may kailangan ka.” Sabi ko sa kanya at lumabas na.

Pagkabalik ko sa kwarto ko, humiga ako. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng heartbeat ng puso ko. Ganto siguro ang pakiramdam pag nahalikan mo ang babaeng mahal mo. Madami na din kasi akong nahahalikan, mga celebrity din. Sa mga palabas, music videos at commercials pero… kaiiba to. Sobrang lakas ng impact sa kin.

Alisa…you’re making me crazy.

Alisa’s POV

Napahawak ako sa labi ko….

Dug dug.

“Austin….” Sambit ko sa sarili ko.

Hindi ko namalayang nakangiti ako habang hawak-hawak ang labi ko. Napahawak naman ako sa dibdib ko….

Austin...you’re making me crazy.

 

                                                                   ****

Maaga akong nagising ngayon. Hindi din naman ako masyadong nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Takot ako sa dilim. Pero, sa kabila ng takot ko… May nangyari na hindi inaasahan na parang nagbigay sa akin ng… KILIG? Waaa! Ayshh!!! Ewan! (-_-)

Nakaharap ako sa salamin ngayon. Napahawak ako sa labi ko.

Dug dug.

At eto na naman, nakaramdam na naman ako ng sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.

Bumaba na ako. God..bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

“Alisa, kain na.” Sabi ni Aus. dahilanan para mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

Nagmadali akong bumaba at pumuntang lamesa at binilisan ang pagkain.

“A-Alisa… Okay ka lang?” Tanong sa akin ni Aus.

“Ah. O-Oo.Hehe.Ang sarap ng luto mo eh. ^^” Sabi ko naman. Syempre, dahilan ko lang yun dahil pakiramdam ko pag nagtagal pa ko dito. Baka ma-heart attack ako nito. =_= Kaya, mas lalo kong binilisan ang pagsubo kaya nung matapos na ako agad na akong tumayo.

“Sya nga pala! Mauna na ko sa school ha! Hehe.” Sabi ko at akmang aalis na pero nagsalita sya…

“Ano.. Hmm. Yung kagabi nga pala...” Sabi naman nya dahilanan para mapatigil ako sa paglakad.

Austin… Bakit ipapaalala mo ulit ang nangyari kagabi?Waaaa. Feeling ko, nagba-blush ako nito. -_-

Humarap ako sa kanya, “Ah. Yung kagabi? Nako! Wag na nating pag-usapan yan! Hehe.” Sabi ko naman.

“Yung kagabi.. Kalimutan mo na ha? Aksidente lang yun. Walang ibang meaning sa akin. Kaya, wag sanang maging dahilan yun para iwasan mo ko.” Sabi naman nya.

Napakamot naman ako ng ulo.Halata ba? Na… Iniiwasan ko sya? o.o

“Ah. Hahaha. Sino bang may sabing iniiwasan kita? Wala ding meaning sa kin yun. Kailangan ko lang na maaaga ako ngayon. Kasi… Hmm. Ano.. Hmm, ang dami ko pang kailangan gawin! Hehe.” Sabi ko naman.

Imbis na sagutin nya ako, tumayo sya sa may table.

“Hindi ka pa tapos kumain ah.” Tanong ko sa kanya.

“Sabi mo ang dami mo pang kailangang gawin. Dapat matapos mo ang mga iyon.Hindi din pwedeng hindi kita ihahatid.” Sabi naman nito ng makasakay kami sa sasakyan nya.

“Eh paano ka?Hindi ka pa nga tapos kumain ah. Ni-wala nga halos nabawasan sa kinain mo kanina eh.” Sabi ko naman.

“Gusto ko kasi sabay tayo pagpasok eh.” Sabi naman nya ng hindi ako nililingon.

Dug dug.

Hindi ko alam pero eto na naman. Nakaramdam na naman ako ng weird na pakiramdam.

Napapikit ako… Austin, bakit ganto?

“Teleserye ka ba?Ang sarap mo kasing subaybayan.”

 

“Table of contents ka ba? Ikaw kasi ang laman ng bawat pahina ng buhay ko.”

 

Hindi ko alam pero nakita ko sa isipan ko ang babaeng nagsusulat sa parang sticky note.

*Shake head*

“Aray!!” Napa-aray ako dahil nakaramdam na naman ako ng pananakit ng ulo.

“Alisa, okay ka lang?” Tanong sa akin ni Austin.

“Oo.” Sabi ko naman. Pero, sa totoo lang… masakit pa.

Kada- may naaalala ako… Laging nasakit ang ulo ko… Hindi ko alam kung anong meron sa pasts ko dahil wala namang ibang nababanggit sa akin si Kyla kung ano ang meron ako sa pasts ko noon. Ayoko na din naming alalahanin dahil mas lalong nasakit ang ulo ko.

“Sabay tayong umuwi maya ha?” Sabi nya sa akin ng itigil ang sasakyan.

“Sige.” Sagot ko naman sa kanya.

Nagiging comfortable na naman ako sa kanya dahil kahit papaano, mag-asawa na kami. Hindi ko alam kung paano….bakit kami nauwi sa marriage na’to. Basta ang alam ko lang… Pagkagising ko sa stretcher ng ospital, si Austin agad ang nakita ko ng imulat ko ang aking mata. Hindi ko alam kung kami ba noon o mahal ko ba sya… Dahil wala akong naramdaman nung makita ko sya. Nakaramdam lang ako ng sobrang pagbilis ng tibok ng puso ko..ng makita ko sya… si Ivan.

“Alisa…” Tawag nya sa pangngalan ko ng tumigil kami sa harap ng room ko.

“Bakit?” Sinubukan kong tingnan ang mukha nyang nakatungo.

Pero, imbis na iangat nya ang ulo nya, unti unti syang lumapit sa akin at niyakap ako.

Dug dug.

Sinubukan kong kumawala sa pagkakayap nya pero nagsalita sya, “Ganto lang muna tayo. Saglit lang.” Sabi naman nya. Hinayaan ko nalang sya.

“Gosh! Sila na nga?!”

“Duh! Kalat na nga sa internet eh!”

“Lalo na sa facebook at twitter!!”

“Ang dami na nga ding haters ng loveteam nila eh!”

“Mas madami naman ang lovers! At isa na ako dun! Bagay kaya sila! *u*”

 

Usap-usapan ng mga babae at ng mga estudyanteng nadadaanan kami ni Austin. Internet?Seriously?Tss. Matingnan nga maya.

Unti unti na ding humiwalay ng pagkakayakap sa kin si Austin, “Sige, pasok ka na.” Naka-ngiti nyang sabi sa akin.

Pumasok naman ako. Hindi ko sya maintindihan. Bakit parang ang lungkot lungkot nya? Kitang kita ko ang mga iyon sa mga mata nya.

Tahimik lang kami ni Kyla sa room. Nakapag-usap naman kami kanina pero walang napagkwentuhan.Ayoko kasi ng maingay.Naiirita ako. At nasakit din ang ulo ko.

Dumaan ang break at lunch, kasabay namin sina Ivan pati na rin ang mga kaibigan nya. At eto… Hindi ko maiwasan titigan ang mukha nya dahil he’s so really familiar. Pakiramdam ko, napakatagal ko na syang kilala.

Si Austin naman, unti-unting nanumbalik ang mga ngiti. Hayyy.So cute. ^__^ Wait… What did I say? -_-

“Ay. Bestfriend! Mauna na ko ha? May pupuntahan kaming gabi ngayon eh.” Sabi naman sa akin ni Kyla.

“Ah. Ganun ba?Sige, ingat kayo.” Sabi ko dito.

“Sige, ikaw din! ^^” Nag-wave pa sya sa akin. I wave her back.

“Asan na ba si Austin?” Sabi ko sa sarili ko. Kasi naman, kanina pa ko nag-iintay dito eh. Nanggaling na din kasi ako sa room nya pero kanina pa daw umalis. Tss. Sabi nya sabay daw kaming uuwi eh parang mas nauna pa sya sa akin? Kaya ko naisipan na dito sa labas maghintay dahil baka kako lumabas lang sya saglit.

Today was a fairytale, you were the prince…” Napatakip ako ng bibig. Basta nalang kasi lumabas sa bibig ko ang mga salitang yon. Kung hindi ako nagkakamali, napakinggan ko na yang lyrics na yan sa isang kanta.

“Alisa!!” Napalingon ako sa likod ko. Kilala ko kung kaninong boses ang mga iyon. Kay Ivan.

“Si Austin? Asan?Wala ba?Halika, hatid na kita.”Sabi naman nito.

“Ah. Hindi.Hehe.Sabi nya kasi sabay kami eh.” Sabi ko naman.

Tumingin naman sya sa relo nya, “Late na. Pa-gabi na oh. Hindi na yun dadating. Baka kung mapaano ka pa. Hatid na kita.”Sabi naman nito.

Napatingin din ako sa relo ko. Tss. O’nga. Late na. Ayshhh.

“Sige na nga.Halika na.” Sabi ko naman at nauna ng maglakad.

Nagkaroon ng moment of silence sa aming dalawa. Pero, ilang sandali lang ay nagsalita na sya, “Are you still don’t remember me?” Sabi niya habang napatigil naman ako sa paglalakad.

Kada maririnig ko ang boses nya… Sobrang lakas ng impact nito sa akin.

Parang sobrang napaka-pamilyar talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: