Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 38

Chapter 38

Kyla’s POV

Grabeh! Hindi pa din ako maka-move on sa nangyari kagabi!!! Si Luke Drew Salvatorre nga yun! Ilang beses ko noon sinearch ang pangngalan nya! Kaya medyo natandaan ko ang mukha nya! Aba, sino ba naman mag-aakalang uuwi pala sya ng Pilipinas at susundan ang kapatid nya.Sa sobrang inis ko kagabi, hindi ko na masyadong inalala ang mukha nya. Pero, GOSH! Nakakahiya!! Modelo yun sa Europe. -_-

“Oh ano, umagang-umaga nakasimangot ka?Tas, tingnan mo yang mata mo oh. Para kang sinuntok.” Bungad kaagad sa akin ni Vince. Hindi nga kasi ako masyadong nakatulog. Kung may tulog man ako, 3 hours lang. =_________=

“Umagang-umaga ikaw kaagad ang nakikita ko, mas lalo tuloy pumangit ang umaga ko.” Sabi ko naman.

“Sabihin mo lang. GUMANDA na ang umaga mo. Eh kung ganto ba naman ka-pogi ang makikita mo pag umaga eh!” Sabi naman nito.

“Gaano ba kataas ang tingin mo sa sarili mo? Kasi ang totoo lang, lahat ng sinasabi mo, lahat kabaligtaran na kung anong meron ka. Palibhasa, feeling pogi.” Sabay irap ko sa kanya.

“Vince Almonte nga ba sya?”

“Oo.Ang cute nya di ba?”

“Bakit ba ang daming nag-transfer na pogi dito?”

“Si Austin, Ivan, Josh, Aaron, ay may girlfriend na yun eh.”

“Pero, ang cute nya.Waaaaa. Crush ko na sya.”

“Ang pogi nya!! Waaah!! Inlove na yata ako.”

“Hmm, Kyla, may sinasabi ka ba kanina? Hindi ko kasi marinig, mas malakas kasi yung pagkaksabi NILA na pogi at cute ako eh.” Sabi nito. =___=

Napatingin ako sa mga babaeng nag-uusap. Ang masasabi ko lang “WALA SILANG TASTES!” Tsss.

“Wala.Wala akong sinasabi. Alam naman natin sa isa’t isa kung ano yung pinaparating ko sayo kanina eh. Tss. Dyan ka na nga!” Sabay lakad ko papalayo sa kanya.

Pogi daw si Vince?Ewwwwww.

                                                                   ****

“Kyla, mamaya maga-audition ako sa gymnastics.” Sabi sa akin ni bestfriend.                                                      

“Wow! Yeyy!!! Ang alam ko, pag pumasa ka sa audition kasali ka na sa club at pwedeng kang ilaban sa ibang University.” Sabi ko naman.

“Talaga?Gusto ko yun.Kasi nung nakita ko na may nag-audition kahapon. Para ngang gusto na ng mga paa ko na mag-audition na eh.” Sabi naman nito.

“Hayaan mo bestfriend! Sasamahan kita mamaya! Moral support! Ichicheer kita! Hahahahahha.” Sabi ko naman.

“Hahahahahah.Sige. Salamat Kyla. Sinama ko din si Austin.” Sabi naman nya.

“Oo nga. Ng may kasama naman ako. :’3” Sabi ko naman.

Ako na lang pala ang natawag ng bestfriend sa aming dalawa. :’(

Bakit pa kasi nagka-amnesia si bestfriend eh!!!

Pero, okay na din to siguro… At least, hindi nya na kilala si Ivan.

Kahit namang anong gawing pakikipag-close ni Ivan kay bestfriend.

Hindi pa din ito makakabalik ng alaala. May magfa-flashback lang sa isipan ni bestfriend pero blurred ang mga mukha.

Tanging isang paraan lang ang makakapagpabalik ng alaala nya.

Austin’s POV

“Let’s go.” Akay ko sa kanya pagkalabas nya ng classroom nya kasama si Kyla.

“Sigurado ka bang wala kang gagawin?” Tanong naman nya.

“Wala tala-----“

“Alisa!!”

“Kyla!!”

Sigaw ng pangngalan nung dalawa. Kilala ko kung kaninong mga boses yun. Kina Ivan, Vince, Josh, at Aaron. Kasama din ni Aaron yung girlfriend nya.

“Guys, san ang punta nyo?” Tanong ni Ivan.

“Wala ka na ----“

“Maga-audition kasi ako sa gymnastics eh.” Sabi ni Alisa.

“Ah. Talaga?Pwede ba manood?Hehe.” Tanong ni Ivan.

Hindi pwede….

“Oo naman.Hehe.” Sabi ni Alisa. -_-

“Kami din! Nonood din kami!!” Sabi din nila Vince.

                                                                   ****

“Maga-audition pala talaga dun noh? Sana makapasok ka. ^^” Sabi nung girlfriend ni Aaron habang naglalakad kami, “Oh, eto na pala tayo.” Sabi na nito.

“Madami din palang nanonood eh.” Sabi ni Kyla habang sinisilip ito.

Sumilip din kami.Napaka-laki ng loob.Gymnasium ang tawag dito.

“Pasok na tayo?”

“Game.”

“Hmm, sino yung maga-audition?” Isang teacher ang nagtanong sa amin.

“Sya po.”Sabay turo namin kay Alisa.

“Ah. Ang ganda naman nya.Hehe. May dala ka bang damit na pampalit?” Tanong dito.

“Damit po na pampalit?”Tanong namin.

“Oo. Hindi ka naman makakapag-audition na naka-uniform di ba? Hahaha.”Sabi nito.

“Hala. Wala po ako----“

“Nako, pano yan.Ngayon na ang last auditioning.”Sabi nito.

“Pano na yan…” Sabay na sabi ni Alisa at Kyla.

“Ako nala-------“ Sabi ni Ivan pero hindi na nya naituloy yung sasabihin nya dahil ako na ang nagsalita.

“Ako!!Ako nalang kukuha ng damit. Ano po bang klaseng damit?” Tanong ko.

“Leggings.Tas kahit anong pang-itaas.”Sabi nito.

“Sige. Wait mo ko.” Sabi ko sabay tumakbo na palabas.

Alisa’s POV

“Paki-lista nalang ng name mo dito.” Sabi nito.

Nilista ko naman yung pangngalan ko.

“Upo muna kayo dun.” Sabay turo ng babae dun sa may floor kung saan naka-upo yung ibang students na nonood, “Pag magpapalit ka na, dun lang yung changing room. Madmai pa namang maga-audition bago ka.”Sabi nito.

Pumunta na kami dun at umupo na.

“Gusto mo?” Sabay bigay sa akin ni Ivan ng mogu mogu.

“Thanks.” Sabi ko naman at tiningnan ang naga-audition. 

Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob ko mag-audition, isang beses ko pa lang na-try. Nung bakasyon lang. Pero, feeling ko talaga, gustong-gusto ng mga paa at katawan ko ang mag-gymnastics.

“Alisa, pwede magtanong?” Tanong ni Ivan sa akin habang patuloy pa din ako sa panonood. Biglang naaalala ko yung napaginipan ko.

“Sya nga pala, hindi pa kita nagogood luck para sa laban mo sa Thursday. Good luck ha? Kayang-kaya mong talunin si Ianne.Sana manalo ka.”

“Wala naman akong laban sa kanya eh. Una sa lahat mahal mo siya ako hindi.”

“Dahil ba yun sa picture?”

“Ah. Oo.Hehehe.”

“Nandyan lang yan para may remembrance naman ako ng first girlfriend ko.”

 “Alisa….. I love you.” At unti-unti nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

Nagkadikit ang aming labi.

“Mahal na mahal kita Ivan.”

“Aray!!!!” Sabay hipo ko sa ulo ko.

“Alisa, okay ka lang?”

“Bestfriend, anong nangyari sayo?”

“Alisa, nasakit na naman ba?”Tanong nya. Napatingin ako sa kanya. Sobra talagang pamilyar ng mukha at boses nya. Sigurado akong hindi ko lang basta kakilala, o kaibigan. More than that….

Natapos ang 15 na nag-audition pero wala pa din si Austin… Asan na ba sya…..

“Alisa!!!” Si.. Austin?!!!

Tumakbo sya papalapit sa amin… Hingal na hingal sya.

“Okay ka lang?” Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang pawis nya.

“E-Eto na ang damit mo. Palit ka na.” Sabi naman nito.

“Eto, mogu mogu.Inumin mo muna.” Inabot ko sa kanya yung bigay ni Ivan. Kinuha ko na din yung paper bag na dala nya. Nagpasama din ako kay Kyla dun sa sinasabing changing room.

                                                                   ****

“Game?Kaya mo yan bestfriend!” Sabi ni bestfriend.

Bumalik kami sa kinauupuan namin. Huling-huling gagawin yung parang may ribbon. Nasabi din sa akin ni Lei yan sa ospital, ayun daw ang kadalasang ginagawa ko noon. Rhythmic gymnastics ang tawag dun.

Bago gawin yun, magwowork-out muna. May tinatawag na The Vault, The Uneven Bars, The Vault, The Balance Beam, The Floor, The pommel horse, The still rings, The parallel bars, and the high (horizontal) bar.

Binabanggit kasi yun ng mga judges na sa pagkakaalam ko ay teachers din.

“Ok, our last is Ms. Alisa Jveonica Lopez.” Sabi nito. Tumayo na ko.

“Go bestfriend!!!!” Sigaw ni Kyla.

Huminga ako ng malalim.Kaya ko to. Una kong tinary yung The Floor, tas sunod sunod na, The Vault, hanggang The High Bar. Tanging hiyawan lang sa gymnasium ang maririnig mo.

Tinary ko din with the using the ball. Sobrang dali lang. Talaga sigurong nag-gymnastics ako noon.

Pagkatapos nun, may inabot sa aking ribbon. Eto ang tinary ko noong bakasyon kaya alam ko na mapeperfect ko to. ;)

Pero, bago ko gawin yun. Tumingin muna ako kay Austin. Hindi ko alam pero, napangiti ako. Sya nga siguro ang inspirasyon ko ngayon.

Fighting! Then, I did it.

After minutes, tapos na ko. Wala talaga kong kaalam-alam sa ginawa ko. Sadyang katawan ko talaga ang sadyang nakilos. Pero, natuwa naman ako dahil lahat sila nakangiti sa akin at pinapalakpakan ako. Ganun na din ang ibang teachers.

Ako ang last na nag-audition kaya pagkatapos ko nagsitayuan na yung ibang students. Yung iba, kinamayan ako.Pagkatapos, tumakbo ako papalapit kina Austin at agad syang niyakap. Hindi ko alam pero, pakiramdam ko sya ang dahilan kung bakit masaya ako. Naramdaman ko din naman ang yakap nyang pabalik sa akin.

Ivan’s POV

Ganto nga ba kasakit? O mas higit pa ang sakit na mararamdaman ko pag lumipas ang panahon na makikita kong masaya na silang dalawa?

Ganto pala pag nakikita mong pinapahalagahan ng ibang tao ang taong ginamit at pinaglaruan mo lang noon.

The girl I took for granted fell in love on my childhood friend.

Bakit kung kailan mahal ko na sya saka pa nangyayari ang lahat ng to?

Sana noon pa lang, pinahalagahan ko na sya. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: