I'm Married ♡: Chapter 35
Chapter 35
Austin’s POV
“Hello Tita, si Austin po to.”
(Oh iho, napatawag ka? May nangyari ba sa anak ko?)
“Ah. Wala po Tita. Kakagaling ko lang po sa photo shoot ngayon. Kasama nya po si Kyla.”
(Ah. Ok ba yang mga estudyante sa university ni Mare?)
“Opo Tita. Maayos naman po sila.”
(Ah ganun ba. Basta pag may nanggulo, sabihin mo sa kin at ipapa-kick out namin ng Mama mo. Sya nga pala, yung katulong bukas na ang dating.)
“Hmmm, Tita, ayun po sana ang pakay ko kaya po ako napatawag. Balak ko po sana na wag na kaming magkatulong. Kaya ko naman pong magluto, magtutulungan nalang din po siguro kami ni Alisa sa paglilinis ng bahay para mas makilala pa po namin ang isa’t isa.”
(Ah. Sure iho. Basta, ingatan mo ang anak ko ha? Siguraduhin mo din na hindi pa sila nagkikita ni Ivan. Sige iho, I’ll hang up na. Ingat kayo.)
Tita…kung alam mo lang. Nagtagpo na sila. Nagkita na sila.
Naglalakad ako sa may hallway ngayon.
“Girls! Ang pogi talaga ni Austin!”
“Pa-autograph at pa-picture na kasi tayo!”
“Austin, pwede bang magpa-picture?” Sabi ng isang mga babae.
“Sure.” Nginitian ko lang sila.
Nagtilian naman sila.
*CLICKED*
“Austin kami din!!” Sigaw nung ibang babae.
“Sure.” Sabi ko.
After 874867384764 years, natapos din. Ang dami kasing nakapag-picture. May nagpa-autograph din. Hayyy. Araw-araw na naman din nila akong makikita eh.
“Aus!!” Iisang tao lang ang natawag sa kin nun. At kilalang-kilala ko kung kaninong boses yun kaya hinahanap ko kaagad ang boses na yun. At hindi ako nagkakamali, si Alisa nga. Tumakbo sya papalapit sa kin.
“Oh, bakit ka naman natakbo?” Tanong ko sa kanya.
“Wala lang. Hehe.” Sabi naman nya.
Alisa, wag kang ngumiti ng ganyan. Lalong-lalo ako naiinlove sayo.
Sabay kaming pumunta sa may table.
“Nag-lunch ka na ba?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi pa. Iniintay kita eh. Sabi mo kasi before lunch ka dadating kaya inantay nalang kita.” Sabi naman ito.
“Hehe. Sige, halika na. Bili na tayo ng mga kakain natin.” Sabi ko naman at sinama sya sa pagbili ng pagkain. Mahirap na, baka makapag-usap sila ni Ivan at may bagay na makapagbalik ng mga alaala nya.
Pagkatapos naming bumili ng pagkain. Bumalik din kami kaagad sa table.
“Ivan.. Ivan, right?” Tanong ni Alisa…. kay Ivan?
Napa-angat ang ulo nito saka tumango.
“Pano mo nalamang lychee flavor ang gusto ko sa mogu-mogu?” Tanong ni Alisa.
Ivan, wag.
“Ah. Kasi -----“
“Bestfriend kasi, hmmmm, minsan nauutusan mo syang bumili noong high school tayo. Eh ikaw napakatamad mo nun. Hahahahaha.” Sabi naman ni Kyla.
Thank god.
“Eh? Talaga? Pala-utos pala ako noon. Hehehe. Nakakahiya. Kahit hindi ko ka-close inuutusan ko?” Tanong naman nya.
“Oo nga bestfriend! Hahahahahha. Malakas nga kasi trip mo eh. Hahahaha.” Sabi naman ni Kyla.
“Ah. Hehehe.” Tawa nalang ni Alisa.
Buti nalang at nandito si Kyla.
Madami bang alam si Ivan kay Alisa?
Alisa’s POV
“Hi guys! Hi Alisa!” Bati ng isang babae at tumabi kay… Aaron? Tama ba?
“Hi.” Nginitian ko din sya.
“Guys, anong club ang sasalihan nyo?” Tanong nito.
“Hmm, ako siguro sports.” Sabi ni Vince at Kyla.
“Yieee. Dyan nagsisimula yan ah.” Asar naman nilang lahat.
“Ako din sa sport.” Sabi naman ni Aaron.
“Sa sports naman, mamimili ka daw. Swimming, soccer, badminton, tennis, taekwondo, basketball, gymnastics and etc. San kayo dun?” Tanong nito.
“Ako sa basketball at soccer!” Sabi ni Vince, Josh at Aaron.
“Eh ikaw Ivan?”
“Sa journalism ako. And mag-iisports din ako, basketball at soccer.” Tas tumingin sya sa kin. Wow! Ang dami naman nya yatang sasalihan? Eh di sya na!
“Eh kaw Kyla?” Tanong nito kay Kyla.
“Syempre taekwondo! Para magulpi ko tong si Vince!” Sabi nito.
“Bakit? Ano bang belter mo na ha?!” Sabi ni Vince.
“Duh. FYI, bago ako mag-college nag-taekwondo ako! And, red belter na ko noh.” Sabi naman nito.
“Sya nga pala, ikaw Austin? May sasalihan ka na bang club?” Tanong nito kay Aus.
“Sports din, basketball and soccer.” Sabi naman nito.
“Eh ikaw Alisa?” Sabay na tanong ni… Ivan at Aus. sa kin.
“Ah. Ewan ko lang. Maybe, swimming or gymnastic?Umm, I think I’ll try that two.” Sabi ko naman.
“Woah. Bestfriend! Mag-gymnastics ka nalang ulit! Kasama mo ko non pag nagpa-pratice ka! Ang galing mo nga eh! Dun ka nalang. Di ba nag-try ka din nung bakasyon?” Sabi ni Kyla sa kin.
“Ay, oo nga pala. Sige, dun ako.” Sabi ko naman.
Oo nga pala, nag-try din ako ng bakasyon. Kasi naman sila Mama, dinala ako sa isang gymnasium noon. Tas ayun, nag-try ako. Tas hindi ko akalain na marunong pala ako.
“Eh ikaw Ianne, anong sasalihan mo?” Tanong ni Vince kay Ianne? Tama ba?
“Swimming ako.” Sabi nito.
“Woah! Swimmer ka pala! Hindi halata! Hahahaha.” Sabi naman ni Vince.
“Alam mo Kyla, may sasabihin ako sayo.” Sabi ni Ianne.
“Talaga? Ano yun?” Tanong naman ni Kyla.
“Si Vi-----“ Pero kaagad na tinakpan ni Vince ang bibig ni Ianne.
Lahat sila nagtatawanan pero ako lang yata ang hindi natawa.
Pakiramdam ko kasi, parang nakaharap ko na sila noon eh.
Hindi lang basta nakaharap, parang… kaibigan ko din sila?
Ayshhh! Ewan. Hindi ko alam pero kakaiba ang pakiramdam ko sa kanila.
“Guys, mamaya daw hapon may mga try-out. Lalo na ang basketball. Ang soccer, wala pa daw exact schedule and time. Pero baka daw bukas ang try-out.” Sabi ni Ianne bago kami magkahiwalay-hiwalay.
Ivan’s POV
Naalala ko tuloy na pag nagpapractice sya ng gymnastic noon. Lagi nya akong sinasama para daw may inspirasyon sya. Ngayon kaya… Mangyari pang muli yon?
Gustong gusto kong bumawi sa kanya. Kasi eh.. Ang nasa utak ko lang noon ay ang saktan sya at mabawi si Ianne kay Aaron. Pero, lahat ng yun, pinagsisisihan ko dahil si Alisa, sya yung tunay na nagmamahal sa akin.
Pero….nakalimutan nya ako.
Ako din ang may dahilan kung bakit nangyari yun sa kanya.
Ako din ang may dahilan kung bakit ako nahihirapan ng ganto.
Ako din ang may dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.
Mabawi ko ba sya kay Austin?
Mahal ko na sya… Mahal ko na si Alisa….
Gagawin ko ang lahat para bumalik lahat ng alaala nya at bumalik lahat ng pagmamahal nya sa akin.
Hinding-hindi na kita sasaktan Alisa….
Bumalik ka na sa kin….
“Austin.” Tawag ko kay Austin habang may discussion pa.
“Oh?” Tanong naman nya pero parehas sa board ang tingin naming dalawa.
“Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na makalapit kay Alisa. Dahil sa tuwing lalapit ako, andyan ka. Pwede bang dumistansya ka muna?” Medyo malamig kong sabi, diretso pa din ang tingin namin. Mahirap na, baka mahalata kami ng Prof. namin. Terror pa naman to.
“Ivan, una sa lahat, ako ang boyfriend. Bakit ako didistansya? At ikaw? Ano ka ba nya? Isa ka lang naman nyang pasts, pasts na pinaglaruan at sinaktan mo. Kaya, ikaw ang dumistansya. Dahil hindi ako papayag na bumalik lahat ng alaala nya. Tandaan mo Ivan, hindi ako papayag na mabawi mo sya sa kin.” Sabi nito.
“Akala mo papayag nalang ako ng basta-basta ko nalang syang ibibigay sayo? Hindi Austin. Una syang naging akin.” Sabi ko naman.
“Eh ano naman?!! Wala ka ng --------“
“Mr. Salvatorre?!! Mr. Sy?!! What’s happening?!!! Get out! You’re interrupting my discussion!” At pinalabas kami ng Prof. namin. =____=
“Wag mo sanang isali pa ang magulang ni Alisa dito. Dahil tayo ang magtutuos dito Austin. Kahit may pinagsamahan tayo, buburahin ko yun. Basta mabawi ko lang mula sayo si Alisa. Dahil sigurado ako na kung anong meron kayo, kasinungalingan lang.” Sabi ko sa kanya habang nakasandal ako sa pader.
“Wala din naman ako balak na sabihin kina Tita Allie na nasa isang University tayo. Ako naman mismo ang gagawa ng paraan para mailayo ko sayo si Alisa. I can do it without any help with someone else. Yung sinasabi mong pinagsamahan natin? Matagal ko ng kinalimutan yun. Simula ng malaman kong ikaw ang dahilan kung bakit nangyari yun kay Alisa.” Sabi nito.
“Pag bumalik ang alaala nya Austin, paano ka? Dahil ako….Ako ang mahal nya simula’t sapul pa lang.” Sabi ko naman.
“Kaya gagawa ako ng paraan para nga hindi bumalik ang alaala nya. At kung bumalik man ang alaala nya, sisiguraduhin kong AKO na ang mahal nya.” Sabi naman nito.
“Sige, paano naging kayo ni Alisa? Ano yon? Pag-gising nya nagpakilala kang boyfriend nya? Ganun ba yun ha?!! Sabihin mo!!” Sabi ko sa kanya at hinawakan ang kwelyo nito.
“At bakit ko sasabihin sayo? Hindi na tayo CLOSE tulad ng dati para ipaalam ko sayo kung bakit naging kami ni Alisa.” Sabi nito at binitawan ko naman ang kwelyo nito.
“Eh di hindi ako kukuha ng sagot sayo. It’s either kay Kyla, o kaya kay Alisa. Habang kinukuha ang sagot na yun kay Alisa, eh di, mapapalapit kami sa isa’t isa. Malay natin, baka sakaling bumalik lahat ang alaala nya.” Sabi ko naman.
“Tingin mo papayag ako na mangyari yun? Saka, walang maaalala si Alisa dahil lang sa pakikipag-close at paglapit-lapit mo sa kanya. Dahil iisang paraan lang para bumalik lahat ng alaala nya.” Sabi nito at nag-start ng lumakad palayo sa kin.
“Saka, walang maaalala si Alisa dahil lang sa pakikipag-close at paglapit-lapit mo sa kanya. Dahil iisang paraan lang para bumalik lahat ng alaala nya.”
“Saka, walang maaalala si Alisa dahil lang sa pakikipag-close at paglapit-lapit mo sa kanya. Dahil merong iisang paraan lang para bumalik lahat ng alaala nya.”
Isang paraan? Para bumalik lahat ng alaala nya? Huh????????
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro