Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 34

Chapter 34

 

Alisa’s POV

Why did I hug him?

What the hell did I do? --

Maybe, I just appreciate all his care for me.

Napahiga nalang ako sa kama ko. Makatulog muna.

“Alisa….. I love you.”

 

Isang boses dahilanan para magising ulit ako.

“Alisa, eto na yung chicken soup mo.” Sabi ni Aus pagkapasok nito sa kwarto ko dala ang chicken soup na niluto nya.

“Alisa, okay ka lang ba?” Bumalik ako sa ulirat ng tanungin nya ako.

“Ah. Oo. Hehe.” Sabi ko naman.

“Say ahhhh.” Sabi nya habang pinapasubo sa akin yung soup na ginawa nya.

“Kaya ko na. Sige, ako na.” Sabi ko naman.

“Hindi, ako na. Dali na. Say ahhhh.” Sabi naman nito.

Napatawa nalang ako, “Sige na nga.”

*Ahhhhh*

“Waaaah! Ang sarap! Hindi na talaga natin kailangan ng katulong. Hehe.” Sabi naman nito.

*Ahhhhh*

At ang nangyari, sya ang nagpakain sa kin. Hahahahahhaha. XDD

Hindi ko alam pero… sobrang gaan ng loob ko kay Aus.

                                                                   ****

Alisa, may photo shoots ako ng Bench. Sorry kung biglaan. Inaccept pala nila Mommy tong project na to. Hindi muna kita mahahatid ngayon. Andyan si Manong Erick, ihahatid ka nya sa school. Napagluto na din kitang bacon, egg, hotdog and ham. Mamili ka nalang sa baba kung ano gusto mo kainin. Babalik ako sa school ng mga before lunch. Ingat ka.

Text ni Austin.

Hindi ko alam pero.. parang kulang ang umaga ko.

@Howard university

“Sila ba talaga?”

“Maganda naman sya eh.”

“Oo nga. Bagay naman sila. Pero, mas bagay kami ni Austin noh.”

 

Naririnig kong pinag-usapan nila. Boyfriend? We’re not couple. We’re husband and wife. Pero, bawal ipagsabi. Baka makasira ito sa image ni Aus.

“Alisa!!” Sigaw ng isang boses na narinig ko mula sa likuran ko.

“Oh, Ivan kaw pala.” Sabi ko.

“Si Austin? Hindi mo kasama?” Tanong nito.

“Hindi nga eh. Bakit?” Tanong ko.

“Ah. Wala lang. Hatid kita sa classroom mo?” Tanong nya sa akin.

“Ha? A-Ah. Oh sige.” Sabi ko naman.

“Sige, halika na.” Naka-ngiti nyang sabi sa akin. Nginitian ko din naman sya.

Dug dug.

Bakit ganto? Bakit… bakit… Tuwing nakikita ko sya at naririnig ang boses nya. Pakiramdam ko, hindi lang sya basta ka-schoolmate ko noon. Higit pa don.

“Salamat.” Sabi ko sa kanya at pumasok na ng classroom.

“Bestfriend, hinatid ka ni Ivan? Asan si Austin?!” Tanong ni Kyla pagkaupo ko sa upuan ko.

“May photo shoot si Austin eh. Ano, nagkasabay lang kami ni Ivan. Bakit?” Tanong ko naman.

“A-Ah. Wala lang. Hehe. May nabalik na ba sa alaala mo?” Tanong nito.

“Wala nga eh. Bakit? May dapat ba na bumalik sa alaala ko?” Tanong ko.

“Ah. Wala naman bestfriend. Hehe. Naturuan ka ba ni Austin kagabi?” Tanong nito.

“Hindi nga eh.” Sabi ko naman.

“Ay. Hindi ko din masyadong gets eh. May tests daw ngayon. Kopyahan nalang.” Sabi naman nito.

“Kopyahan? Di ba’t masama yun?” Tanong ko.

“Bestfriend! Ano ka ba! Gawain natin yun nung high school tayo! Hahahahahha.” Sabi naman nito.

“Ah. Talaga? Hehe. Makulit ba ko noon?” Tanong ko.

“Sobra bestfriend! Hahahahha.” Sabi naman nya.

“Ah. Eh? Hahahhaha. Sige.” Sabi ko nalang.

                                                                   ****

“Kyla!”

“Alisa!”

Dalawang boses na pamilyar din sa akin.

“Oh, Vince, Josh. Bakit?” Tanong ni Kyla.

“Sabay-sabay na tayong mag-lunch. Susunod daw sina Ivan at Aaron.”

Aaron?

 

“Ok. Halika na bestfriend.” Sabi sa akin ni Kyla.

“Kyla, sigurado ako. Hindi lang natin sila basta-basta schoolmate. Ka-close ba natin sila noon? Sobra kasing napaka-pamilyar ng boses ng at mukha nila eh.” Bulong ko kay Kyla.

“Ah. Syempre naman, nakakausap at lagi mo silang nakikita noon kaya sobrang pamilyar.” Sabi naman nito.

“Ahhh. Ganun ba. Siguro nga. Hehe.” Sabi ko naman.

Kyla’s POV

 

I’m tired of all this bullshit. I’m tired of lying. I’m tired of hiding the truth from her. From my bestfriend.

 

“Alisa!!” Eto na naman sya. Si… Ivan.

Hindi ko alam kung paano ko mailalayo sa kanya si bestfriend. Pagod na din akong itago sa mga magulang ni bestfriend na nasa parehas lang na University si bestfriend at Ivan.

“Kyla, bakit ganun? Parang wala ka pa ding pinagbago?” Sabi naman sa akin ni Vince.

“Pinagbago?” Tanong ko.

“Oo. Mataba ka pa din. Sa totoo nga, mas lalo kang pumangit eh.” Sabi nito. =__=

“Ah.” Yun nalang ang nasabi ko.

“Alisa, ano gusto mo kainin?” Tanong ni Ivan kay Alisa pero hindi namin malaman kung saan nakatingin si Alisa. Parang may hinahanap sya.

“Aus!!” Sigaw nya at biglang tumakbo….papalapit kay Austin.

Ivan’s POV

 

“Aus!!” Sigaw nya at biglang tumakbo… papalapit kay Austin.

So, this is how it feels like? When someone else starts to appreciate the person you took for granted?

 

 

Ganto ba kasakit pag nakita mong may iba na sya?

 

Ganto ba kasakit pag alam mong na sayo na pero pinakawalan mo pa?

 

Ganto ba kasakit pag alam mong mahal na mahal ka nya pero, gumawa ka ng paraan para sya na mismo ang sumuko sayo…

 

“Nag-lunch ka na ba?” Tanong ni Austin kay Alisa.

“Hindi pa. Iniintay kita eh. Sabi mo kasi before lunch ka dadating kaya inantay nalang kita.” Sabi ni Alisa.

“Hehe. Sige, halika na. Bili na tayo ng mga kakain natin.” Sabi naman nito at sinama si Alisa pagbili sa kanya.

*Flashback

“Hubby, may gusto ka bang kainin?” Tanong nya sa akin.

“Hmmm. Oo. Ikaw ba? Ako na ang bibili.” Sabi ko naman.

“Hindi. Ako na. Treat ko. Hehehe.” Sabi naman nya.

“Sigurado ka?” Tanong ko.

“Oo naman. Hehe. Sige, bibili lang ako. ^__^” Sabi naman nya.

*End of flashback

 

Yung mga panahong yun, sobrang akong nakukulitan sa kanya.

Pero, ba’t ngayon….hinahanap-hanap ko na ang kakulitan nyang yun?

Yung mga panahong lahat ng mga ngiti nya, ako ang dahilan.

Pero, ba’t ngayon….parang hindi na ako ang dahilan ng mga ngiti nya.

“Ivan.. Ivan, right?” Tanong ni Alisa…. sa kin?

Napa-angat ang ulo ko. Tumango ako.

“Pano mo nalamang lychee flavor ang gusto ko sa mogu-mogu?” Tanong nya.

“Ah. Kasi -----“

“Bestfriend kasi, hmmmm, minsan nauutusan mo syang bumili noong high school tayo. Eh ikaw napakatamad mo nun. Hahahahaha.” Sabi naman ni Kyla.

“Eh? Talaga? Pala-utos pala ako noon. Hehehe. Nakakahiya. Kahit hindi ko ka-close inuutusan ko?” Tanong naman nya.

“Oo nga bestfriend! Hahahahahha. Malakas nga kasi trip mo eh. Hahahaha.” Sabi naman ni Kyla.

“Ah. Hehehe.” Sabi lang ni Alisa.

Hindi pwede to.

 

Hindi ako papayag na tuluyan lang mawala sa kanya ang memories naming dalawa.

 

Ngayong napapatunayan ko na sa sarili ko na “Mahal ko na sya”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: