Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 29

Chapter 29

Austin’s POV

Mas pinili naming online exam na lang ang naganap para makakuha ng diploma si Alisa. Kaya kahit papaano, matulungan namin sya.Basta ipapahatid nalang daw nila ang diploma.

Habang nagluluto ako ng pang-gabihan namin ni Alisa. Hindi ko pa din maiwasan ang mag-isip. Paano pag nag-kita sila ni Ivan? Bumalik ba ang lahat ng alaala nya at maisipan nya ang annulment? Wag naman sana.

*Flashback

“Iho, mahal mo na ba ang anak ko?” Tanong ni Tita Allie sa kin.

“Opo, Tita. Sa picture ko pa lang po sya nakita. Na-inlove na ko sa kanya. Bakit nyo po pala natanong?” Tanong ko.

“Pwede bang igawa mo sya ng mga good memories? Yung kayong dalawa? Gusto kong makitang may nagmamahal sa anak ko.” Sabi nito sa akin.

“Gagawin ko po yun Tita. Pero, paano pag bumalik ang mga alaala nya?” Tanong ko.

“Iho, lahat ng bagay na pwede nyang maalala, isasaitapon ko na. Basta wag mong hayaang magtagpo sila ni Ivan.” Sabi nito.

“Opo.Hindi po ako papayag na magtagpo ang landas nila.” Sabi ko.

*End of flashback

Lahat gagawin ko para hindi magtagpo ang landas nila. Gagawa kami ng new memories. Gagawin ko ang lahat para mahalin nya din ako. Gagawin ko ang lahat para mag-work ang marriage na to.

“Aus, matagal pa ba yan?” Tanong nya sa akin habang nanonood naman sya ng tv sa may sala. Hindi ko alam kung saan nya nakuha yang “Aus”, but, I’ll think it’s cute calling me by that nick name.

“Saglit nalang to.” Naka-ngiting sabi ko sa kanya.

“Ah.” Matipid nya lang sagot. Naninibago pa din sya siguro sa akin. Kakakilala nya lang sa akin 2 months ago.

Natapos akong magluto, kinain naman nya ang niluto kong crispy pata na ginawa ko. Nasarapan din naman sya sa ginawa kong desserts.

Sabay na din kaming pumanik sa itaas. Dun nalang kami siguro manonood sa sarili naming kwarto.

Papasok nasana sya ng kwarto pero pinigilan ko sya, “Alisa….”

“Hm?” Lingon naman nya sa akin.

“Ah… Ano… Hmmm. Good night.” Nauutal ko pang sabi.

“Ah. Hehe.Sige, good night.” Sabi nya at ngumiti lang ng saglit at pumasok na ng kwarto nya.

Bakit saglit pa lang tayo nagsasama, sobrang mahal na mahal na kita?

Ivan’s POV

“Sige na nga!Mag-enroll na tayo!” Sigaw ko dahil kahapon pa kami naiinis kasi dapat sabay-sabay kami ni Kyla dapat mag-eenroll dahil ayun ang napag-usapan bago mag-bakasyon.

“Sige sige.Dalian natin at baka madami ang nag-eenroll.” Sabi ni Ianne.

Sumakay na din kami sa sari-sarili naming sasakyan. Kami nila Vince at Josh ay may sari-sariling sasakyan.Syempre, si Ianne ay nakasakay sa kotse ni Aaron. Hindi ko alam pero masaya na ako kung anong meron sa min ni Ianne.

Alisa…. miss na miss na kita. Alam mo ba yun? Gumising kana….

Habang nagmamaneho ako papunta saMiller University para mag-enroll. May nakita akong isang sasakyan. Parang pamilyar…. Tinitigan ko muna ang sasakyang yun. Hindi ako maaring pwedeng magkamali, kay Kyla yun. Tinigil ko ang sasakyan ko sa likod ng sasakyan ni Kyla. Pero, nakita ko syang lumabas ng isang university-Howard university.Mukhang dun sya nag-enroll. May hawak siyang mga papers eh na kung hindi ako nagkakamali ay parang mga applications. May kasama syang lalakina medyo matangkad na naka-cap na parang pamilyar ang mukha sa kin…….at si….

Alisa?

“Guys!! Sa Howard University kayo pumunta! Dali! Nakita ko si Kyla! Kasama si… Alisa! Bilisan nyo!”Nag-group call ako at tinawagan sina Vince. Nakita kong sumakay ng ibang sasakyan si Alisa. Alam kung sa kotse ng lalaking kasama nila ni Kyla sya sumakay.

Kaya ba buong bakasyon hindi nagparamdam si Kyla dahil nagising na si Alisa?

Pinaharurot ko ang kotse ko kung saan papunta ang sasakyan ni Alisa at ni Kyla. Pero, kung mamalasin nga naman, hindi ko na makita ang sasakyan nila. Asan na ba sila? Bakit ba kasi ang trapik! LINTIK! Ba’t ngayon pa?!!!

Austin’s POV

“Austin, I’m fucking saw his car!!! I swear!!” Sigaw ni Kyla sa kabilang linya.

“Nakikita mo pa ba talaga ang sasakyan nya?” Tanong ko.

“Kaninong sasakyan?” Tanong ni Alisa.

“Ah. Wala yun.” Sabi ko naman.

“Kyla, baka naman nagkakamali ka lang. Madami sigurong kaparehas na modelo ang sasakyan nya.” Bulong ko sa kabilang linya.

“Hayyy. Baka nga. Nagkamali lang siguro ako.Kinabahan ako.Sige, mag-drive na muna tayo.” Sabi nito at in-end na ang call.

Dahil kung saan saan kami lumiko ni Kyla dahil kung si Ivan yun, baka masundan nya kami.

Hindi siguro si Ivan yun.Sana nga.

                                                                   ****

“San mo gustong kumain?” Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa mall. As usual, naka-disguise na naman ako. Naka-cap at sunglass sa loob ng mall.

“Bestfriend, kain nalang tayo sa… Greenwich! Favorite mo dun yung pizza dun!” Sabi naman ni Kyla.

“Talaga?”Tanong nya.

“Oo.Tikman mo ulit!” Sabay hila kay Alisa papunta sa may Greenwich.

Nakapag-enroll na kami sa Howard University. Kaya namin naisipan ang mag-mall para makabili ka ng gamit.Hindi kaya’t kotse nga ni Ivan ang nakita ni Kyla?

Nakita ko na sya sa mga pictures na pinakita sa akin ni Tita Allie. Ang laki na ng pinagbago nya. Ang mukhang hinding-hindi ko makakalimutan. Sya ang dahilan kung bakit nangyari ito kay Alisa. Sya ang dahilan kung bakit nasaktan ang taong mahal ko. Sya ang dahilan kung bakit pinili ni Alisa ang maging isang rebound.

Oo, alam na alam ko ang LAHAT na nangyari sa kanila. Dahil kinuwento ito sa akin ni Tita Allie at ni Kyla. Eto din ang dahilan kung bakit pumayag ako na huwag ng ipaalala kay Alisa kung anong meron sila ni Ivan dahil sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman ni Alisa sa lahat ng pasts nya.

“May kamukha sya.”

“Oo nga eh.Para talagang pamilyar yung mukha.”

“Parang si…. Austin? AUSTIN SALVATORRE?!!!”

SH*T. Nahalata nila. Agad silang lumapit sa akin. Malakas pa ang pagkakasabi nila sa pangngalan ko.

“Halika na.” Hawak ko sa kamay ni Alisa. Nakahawak naman si Kyla sa kamay ni Alisa. Tumakbo kami.

“Girlfriend nya ba yun?”

“Aray. Ang sakit naman.”

“Kaya ba sya hindi nabalik ng Europe dahil kay girl?”

“Aw. Ang swerte ni girl.

“AUSTIN!!! Pa-autoragph!!!”

“Austin!!! Pa-picture!!!!”

Sari-saring mga usapan ang maririnig mo. Hindi kasi ako sanay ng ganto dahil pag naman nagmamall ako, kasama ko ang body guards ko. Ngayon lang ako lumabas na nabuking ako sa pang-didisguise ko. Ganto ba ko kasikat sa Pinas?

Ng makalayo-layo na kami.

“Hahahahahahahahhahahahahah!!!!!!” Tumingin ako sa natawa, si…. A-Alisa?

“Oh bestfriend, anong nakakatawa? Alam mo bang malapit na tayong ma-massacre ng mga fans nitong si Austin?” Sabi naman ni Kyla.

“Kasi… Hhahhahahahahahha! Ano… Hahahahhahahhaha! Ewan, natawa ako.Hahahahhahahhahha.”Dire-diretso pa din ang tawa nya. Kaya, napatawa na din kami ni Kyla. Ngayon ko lang kasi sya nakitang tumawa ng ganto. Ang sarap palang pagmasdan ng mga tawa nya.

Ivan’s POV

“Dito ko talaga nakita si Kyla! Kasama na nga nya si Alisa! Nagising na si Alisa!!! Nasisigurado ko na dito sila nag-enroll sa University na to. Dito ako mag-eenroll.” Sabi ko. Dahil nung hindi ko na mahanap ang sasakyan nila, bumalik ako sa University na to.

“Pero Ivan ------“

“Ianne, hindi ako maaaring magkamali. May kasama pa nga sila, isang mukha ng lalaki parang pamilyar sa kin. Kung ayaw nyo kong samahan na dito mag-enroll. Ok lang. Ako nalang. Kailangan kong malaman kung bakit tinago ni Kyla sa akin si Alisa.” Sabi ko at akmang papasok na sa loob pero pinigilan nila ako.

“Teka pre!Sasama kami!” Sabay na sabing tatlo ni Aaron, Vince at Josh.

“No choice. Sasama na din ako. Mukha namang maganda din tong University na to.” Sabi pa ni Ianne.

                                                                   ****

“So, galing pala kayo sa Miller University? Bakit nyo naman naisipan ang lumipat?” Tanong ng isa sa mga teachers na nag-aasikaso sa mga enrollees.

“Hmm, ayaw na po namin sa school namin eh.” Palusot naming lahat.

“Ah. I see. Eto, pirmahan nyo tong form. 87,000php kada- isang sem.” Sabi pa nito. Barya nga lang yun sa aming magbabarkada.

“Hmm, Mrs. Ibanez? Pwede pong magtanong?” Tanong ko.

“Sure. What’s that Mr. Sy?”

“May… nag-enroll po ba dito kanina na ang pangngalan ay Alisa Lopez?” Tanong ko. Oo, hindi ko alam kung anong buong pangngalan ni Alisa. Ang dami ko pang kasalanan sa kanya. Gusto ko ng bumawi sa kanya.

“Wait, I’ll check.” Sabi nya at ang daming papers ang hinalungkat nya.

Ilang minuto bago sya may ilabas na isang papel, “Alisa Jveonica Lopez?” Tanong nito.

“Opo.” Sagot naman ni Aaron. Buti pa si Aaron alam ang buong pangngalan nya.Kahit kahit sa diary nya, wala dun ang buong pangngalan nya. Kahit sa facebook at twitter din. Alisa Lopez lang din ang nakalagay. Hindi ko talaga alam ang buong pangngalan nya. Siguro.. Hindi ko lang talaga binigyan ng pansin ito noon.

“Kaka-enroll nya lang dito kanina. May kasama din syang dalawang nag-enroll dito. As far as I remember, yung kasama nyang babae, galing din saMiller University. At saka….yung sikat na artist, singer at model na si Austin Salvatorre sa Europe.” Si A-Austin? Anong relasyon nya kay Alisa at Kyla?

“Si Austin Salvatorre po?” Sabay na sabay nilang sabing apat.

“Yes. Makakasama natin sya sa University na to. For sure pagkakaguluhan sya.”Sabi pa nito, “Oh. Sige, I’ll go na. Madami pa kong aasikasuhin na papers ng mag new enrollees. Sya nga pala, yung uniform nyo, ilalagay nalang sa locker nyo sa pasukan kaya pasukat kayo dun oh.” Sabay turo dun sa room.

Woah.Sa kanila na pala ang uniform.

Bigla na naman akong naisip, anong meron si Alisa at Kyla sa kababata naming si Austin? Sa pagkakaalam ko, nasa Europe sya at bumalik dito sa Pinas dahil may mall tour at concert sya. Pero, last last year pa yun. Bakit sila magkasamang tatlo?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: