I'm Married ♡: Chapter 27
Chapter 27
Kyla’s POV
Lilipat akong school. Kung saan magcocollege si Austin at bestfriend. Kaibigan nila Tita Allie ang may-ari, ang Howard University na dati’y pinapangarap kung pasukan kaya lang hindi kaya ng budget namin. Kukuha rin ng special exam si bestfriend sa dati naming pinapasukan. Hindi ko na ipapaalam to kina Ivan dahil pag nalaman nyang nagising na si bestfriend. Baka magpumilit itong makita ito at pag nagkita sila, bumalik lahat ang alaala ni bestfriend. Ok lang na kahit hindi nya matandaan ang pinagsamahan namin noon, basta wag lang nyang maramdaman ulit ang sakit na binigay sa kanya ni Ivan.
*Flashback
Ipinatawag ako ni Tita Allie sa labas. May pag-uusapan daw kami.
“Kyla iha, wag mo sanang sabihin kay Ivan na gising na sya. Napag-usapan naming mag-asawa na… huwag ng ibalik lahat ng memories nya kay Ivan noon. Gusto ko sana na, na si Austin ang kilalanin nyang mahal nya.” Sabi nito sa akin.
“Pero Tita, paano po si Ivan?” Sabi ko.
“Iha, sya ang may gawa kung bakit nangyari to sa bestfriend mo at anak ko. Sya din ang dahilan kung bakit nawala lahat ang alaala ng anak ko. Please Kyla iha, nagmamakaawa ako sayo.” Lumuhod pa ito sa harapan ko.
“Tita, wag po kayong lumuhod. Opo, hindi ko po sasabihin kay Ivan. Ayoko namang masaktan na naman si bestfriend.” Sabi ko. Oo, ayokong ng makitang masaktan si bestfriend. Gusto kong bumuo ulit sya ng bagong memories.
“Maraming salamat iha.” Yumakap ito sa kin.
*End of flashback
2 months ang tinagal ng therapy ni bestfriend. 2 months din namin syang tinuruan ni Austin ng mga ni-lessons namin noong 1st year college kami. Kaya, naging close ko din si Austin kahit papaano. Sinanay namin ulit syang mag-sulat. Pero, wala pa ding pinagbago ang sulat nya. Maganda pa din. Ilang beses naming pinaulit-ulit ang pangngalan namin para matandaan nya kami.
Tinulungan din namin sya maka-lakad dahil 1 year and 5 months syang nakahiga lang sa stretcher. Kaya hindi na rin sya sanay maglakad.
May nagbago nga lang sa kanya…. tila nanahimik sya. Parang pag hindi mo sya kilala at sa unang kita, aakalain mong napaka-suplada nya.
Pero, natatawa naman sya sa jokes ko. Hahahahahaha. Pinakilala ko din ulit sa kanya ang mga singers na crush namin noon, tulad ng “One Direction”, “Greyson Chance”, “Cody Simpson”, “Conor Maynard”, “Justin Bieber” at iba pa.
Pinarinig ko din sa kanya ang mga dati nyang favorite na mga kanta, tulad ng mga kanta ni “Taylor Swift”, “Adelle”, “Selena Gomez” and “Rihanna”.
Pinanood ko din sa kanya ang mga movies na lagi naming pinapanood noon, tulad ng “17 Again”, “Pitch Perfect”, “Bridge To Terabithia”, “The Hunger Games”, “A Cinderella Story: Once Upon A Song”, at marami pang iba.
Pati ipinakita ko din sa kanya ang mga gamit na nagsisimbolo na bestfriends kami. Yung pictures, at bestfriend bracelet namin.
Wala na din naman akong maipapakita na memories nila ni Ivan dahil tinapon na namin ito. Oo, tinapon na namin para wala na syang maalala. Yung sing-sing na sinabi nya sa akin na couple ring daw nila ni Ivan, yung mickey and minnie mouse na ring? Hindi ko alam kung nasan. Baka, tinapon na din nila Tita Allie.
Nagpalit na din ako ng sim card. Dahil for sure, kokontakin ako nila Ivan.
Binenta ko na rin yung condominium ko at kaagad na lumipat.
//
Nadischarged na sya ngayon sa ospital. Dumiretso muna kami sa bahay nito at inayusan muna si bestfriend, ako, at si Lei. Syempre, sina Tita Allie at si Tita Angel, ang nanay ni Austin.
May damit na kaming isusuot. Nakatingin lang ako kay bestfriend. Mas lalo syang gumanda. Hindi ko din mabasa ang ekspresyon ng mukha nya. Kung hindi sya siguro nagka-amnesia, hindi sya papayag sa arrange married na to.
Pagkatapos naming ayusan, dumiretso na kami sa venue. Pumasok na kami sa building at nag-elevator papuntang 4th floor hanggang sa makarating kami ng registry office.
Austin’s POV
Eto na ang pinaka-aantay kong araw. Ang makasal kami, kahit sa papel lang. Ang gusto ko lang, ay yung maiparamdam ko sa kanya na mahal ko sya.
Umuwi din si Manager ng bansang Pilipinas para lang masaksihan ang civil wedding na to.
“Hi.” Ngiti kong sabi sa kanya.
“Hello.” Matipid nyang sagot at nililibot ang mata nya sa registry office.
“Can we start now?” Tanong nung judge sa min.
Tumango ang parents naming dalawa.
“Family and friends, we welcome you today to witness the marriage of Austin and Alisa. You have shared and contributed to their lives, and by witnessing their marriage ceremony today, Austin and Alisa ask you to share in their future.” Sabi nung judge.
“Who give their blessings to this union?” Tanong nito.
“We do.” Sabi ng lahat.
“If anyone present blah blah blah.” Hindi ko na masyadong napakinggan yung sinasabi nung judge dahil naka-tingin lang ako kay Alisa. Bakit ba ang ganda ganda mo?
Basta ang alam ko lang, kung may tututol ba daw sa kasal. Wala namang nagsalita kaya ipinagpatuloy na ng judge ang pagsasalita.
“Will you, Austin Drew Salvatorre accept Alisa Jveonica Lopez as your wife? For better for worse, for richer for poorer, in sickness in health, till death do you part?”
“I do.”
“Will you, Alisa Jveonica Lopez, accept Austin Drew Salvatorre as your husband? For better for worse, for richer for poorer, in sickness in health, till death do you part?”
“I do.”
Kung wala ka sigurong amnesia, hindi madaling sabihin sayo ang salitang “I do.”
“This ring symbolizes your love and unity to each other.”
Kinuha ko yung singsing at kinuha ang kamay nya.
“Alisa, this ring symbolizes my love and devotion to you. Let it always remember my all vows to you.” Sabi ko habang isunusuot ko sa kanya yung sing-sing sa ring finger nya.
“Austin, this ring symbolizes my love and devotion to you. Let it always remember my all vows to you.” Sabi naman nya habang sinusuot yung sing-sing sa ring finger ko.
Pinili ko talaga tong sing-sing na to. Infinity ring sya.
“And now, I pronounce that you are now husband and wife.”
Pinapirma lang kami dun at yung mga witnesses sa kasal.
//
“Naka-impake na ang mga gamit iho. Magpapadala nalang ako ng katulong. Wala pa kasi ako mahanap ngayon eh.” Sabi sa akin ni Tita Allie.
“Ah. Oh sige po. Marunong naman po akong magluto kaya ok lang po kung ma-late ng kaunti yung katulong. Hmm, si Alisa po?” Tanong ko dahil nawala sya sa tabi ko.
“Ah. Baka nasa kwarto nya.” Sabi nito.
Tinanong ko kung saan ang kwarto nito. Ayoko. Baka may makita sya na bagay na makapag-alala sa kanya.
Alisa’s POV
“Mag-ingat sa pagdadrive anak ha.” Sabi ni Tita Angel kay Austin.
“Opo Ma. Sige po.” Sabi nito.
Nagbabye din sila sa akin. Ganun na din si Kyla, na ang bestfriend ko daw dati noong high school ako. Ganun din ang mga kapatid ko, si Kuya Allen at Lei.
Habang naandar ang sasakyan, nakatingin lang ako sa bintana.
Pakiramdam ko, parang may naiwan ako.
Hindi ko alam. Pero, parang may naiwan akong isang bagay.
//
“Ang kwarto ko nasa kabila. Pag may kailangan ka, pwede mo kong katukin.” Sabi nito habang nilalapag ang mga maleta ko sa kwarto.
Malaki ang bahay. 4 ang rooms. 3 sa 2nd floor at isang kwarto sa baba na magiging kwarto ng katulong. Sa pagkakaalam ko, eto daw ang ginawa nung comatose pa ako. Isang taon at 4 months daw bago ito mabuo. Minadali pa nga daw nila to. May swimming pool din.
“Eto na mga gamit mo.” Sabi nito.
“Sige.” Tipid ko namang sagot.
“Sya nga pala, bukas, mag-enroll na tayo. Late na din kasi tayo eh. Dapat simula na ng first day natin ngayon.” Sabi nito.
“Sige.” Tipid ko na namang sagot.
“Hmm, may gusto ka bang kainin?” Tanong nya sa akin.
“Ano bang meron sa ref.?”
“Hmm, hindi pa din yata sila nakakapamili eh.”
“Ah. Ganun ba.” Sabi ko naman. Gutom na rin kasi ako.
“Lalabas lang ako. Pupunta lang ako sa super market. Ilolock ko nalang ang pintuan pagkalabas ko. Magpahinga ka muna.” Sabi nya sa akin.
“Sige.” Sabi ko. Lalabas na sana sya pero pinigilan ko sya, “Teka lang, sama ako.” Sabi ko. Sabi kasi sa akin na Doctor na may amnesia ako. Kailangan kong maging pamilyar ulit sa mga bagay-bagay.
“Ah. Oh sige.” Sabi nito at bumaba na.
//
“Gusto mong fruit salad ang dessert natin mamayang gabi?” Tanong nya sa akin. Naka-disguise na naman sya. Nung nasa ospital ako, sinabi nya sa akin na sikat syang artista, singer at model sa buong mundo. Kaya, kada lalabas sya, nagdidisguise sya.
“Sige.” Sabi ko tas naglalakad ako.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko may naiwan talaga ako.
Ivan’s POV
“Ano ba naman to! Hindi ko ma-contact si Kyla! Buong bakasyon syang hindi nagpapakita! Asan na ba yun?!! Kitang next week na ang first day of school tas hindi pa din tayo nakakapag-enroll! Tss. Kailan ba tayo mag-eenroll? Wag nyong sabihing iintayin pa natin yung babaeng yun?!!” Naiinis na sabi ni Vince.
“Kunyari ka pa! Sabihin mong miss mo lang!” Sabi naman ni Josh.
“Kamusta na kaya si Alisa?” Singit sa usapan ni Aaron. Oo, kamusta na kaya sya? Mahigit 1 taon at kalahating buwan ko na syang hindi nakikita. Hanggang ngayon, galit pa din ba ang mga magulang nya sa akin? Hanggang ngayon, ako pa din ba ang sinisisi nila?
“Hindi naman tatagal ng isang taon at kalahati ang pagiging comatose nya kung hindi malala eh. Sabi nga ni Kyla, may natagal nga daw ng 7, 10, hanggang 17 years ang comatose dahil lang sa car accident.” Sa sinabi ni Vince, nakaramdam na naman ako ng guilt.
Sana inamin ko na ang tunay kong nararamdaman sa kanya.
Sana nagsinungaling nalang ako na minahal ko sya. Para hindi nangyari ito. Hindi sana ako naghihirap ng ganto.
Sana, mas pinili ko nalang ang masaktan ulit.
*Flashback
“Wifey….” Sabi ko pagkakita ko sa kanya. Ang sabi kasi ni Julius, iniintay daw ako ng girlfriend ko sa labas. Malamang, narinig nya ang pinagusapan namin. Agad itong bumitaw sa pagkakayap nito kay Kyla.
“Wifey? Ang galing mo Ivan.” Mas tumulong luha sa mga mata nya, “Lahat ba ng sinabi mo kanina? Totoo ang lahat ng yon?” Tanong nito. Nagpuputol-putol na din ang boses nya.
Ayoko ng muling mag-sinungaling pa sayo si Alisa.
“Oo. Totoo ang lahat ng yun.” Sabi ko. Dahil lahat ng narinig nya, totoo ang lahat ng yun. Kahit gustong-gusto ko magpaliwanag. Hindi ko na nagawa dahil pumasok na naman sa isipan ko na kailangan kong mabawi si Ianne kay Aaron.
“Ni-minsan ba minahal mo ko?” Tanong nito.
Pag sinabi kong minahal kita, magsisinungaling na naman ako sayo.
“Si Ianne lang ang kaya kung mahalin.” Sabi ko dahilanan para mapapikit sya.Tama na siguro to Alisa, ang saktan ka dahil hanggang ngayon… si Ianne pa din ang mahal ko.
“Pati ba ang pag-sabi mo sa kin na mahal mo ko? Kasinungalingan lang ba?” Tanong nito.
Pag sinabi kong “hindi”, magsisinungaling na naman ako sayo.
“Lahat Alisa kasinungalingan. Pati ang pagsabi ko na mahal kita.” Sabi ko. Nabitawan nya yung blind fold na hawak nya. Hindi ko alam kung para san yun. Pero, kaagad syang tumakbo.
“BESTFRIEND!!!!!!” Sigaw ni Kyla.
Binalik nya ang tingin nya sa akin, sa amin nila Vince, “Tangna lang. Alam nyo yun?! Kung hindi mo sya mahal, sana hindi ka na lang nagbigay ng motibo! Gago ka pala eh! Alam mo yung mga taon na pilit ka nyang sinisilayan sa malayo samantalang ikaw napakasaya mo kasama si Ianne. Oh ngayon, nasan na sya? Di ba na kay Aaron na?”
Lumapit sya sa akin at sinampal ako, “Dapat ng una palang binalaan ko na si bestfriend eh! Dapat ako mismong bestfriend nya ang nag-layo sayo! Pero kahit ako napaniwala mong mahal mo na sya. Pero, mali ako. Maling-mali.” May tumulo na ding luha sa mga mata nya.
“Kyla….” Hinawakan ito ni Vince pero tinabig nya ito.
“BITAWAN MO KO!!! MAY ALAM BA KAYO DITO HA?!!! SABIHIN NYO!!!!!!” Sigaw nito kila Josh.
“Sorry. Sinubukan nam----“
“Dapat hindi na nagplano si bestfriend. Sayang lang ang effort nya. Dapat pati sya nakalimutan ng monthsarry nyo.” Nauutal na ding sabi nito dahil patuloy ang pagtulo ng mga luha nito.
“M-Monthsarry?” Nagtatakang tanong ko. Dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya.
“Sa bagay, ba’t pa ko nagtataka. Lahat nga lang ng meron kayo kasinungalingan lang?”
“Principal!! Principal!!! May nabangga po sa may kanto!! Isa po sa estudyante dito!!” Sigaw nung guard.
Nagsilabasan ang mga teachers, pati na din ang principal.
Agad na tumakbo palabas ng school si Kyla. Tumakbo ito ng napakabilis kaya kaagad namin itong sinundan. At nakakita kami ng mga kumpol na tao. Tumakbo pa ako ng napakabilis.
“Tabi!!!”
“Bestfriend!!!!!”
Hindi pwede.
“BESTFRIEND!!! BESTFRIEND!!! GUMISING KA!!!”
“TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!!!!”
Unti-unti akong nahakbang para makita kung sino ang naaksidente pero… “Alisa!!” Sigaw ko at agad na lumapit kay Alisa.
“WAG KANG LUMAPIT DITO!!! UMALIS KA DITO!!!” Sigaw nito sa akin.
“Padating na ambulansya.” Sabi ng isang teacher.
“Alisa…” Sambit ng mga nakikilala kay Alisa.
Napatingin ako sa sasakyan na nakabangga. Basag yung salamin nung unahan. At may dugo na rin yung basag na salamin.
“Grabeh nga eh. Natakbo po sya. Tas biglang may padating na sasakyan. Nabasag nga po yung salamin eh.” Sabi nung nakakita.
“Bestfriend, saglit nalang malapit na dumating ambulansya.” Sabi ni Kyla kay Alisa.
Alisa, lumaban ka…..
****
Andito kami sa ospital ngayon. Ako, si Kyla, Vince at Josh.
“Kyla…sorry.” Sabi ko sa kanya. Pero, wala sya sa sarili.
“Pag may nangyaring masama kay bestfriend, hinding-hindi kita mapapatawad.” Sabi nito, pero ganun pa din sya, wala pa din sya sa sarili.
“Kyla iha, asan ang anak ko?!!!!” Tanong ni Tita pagkadating ng ospital.
“Nasa emergency room pa po.” Sabi ni Kyla. Kung hindi ako nagkakamali, sya ang mommy ni Alisa.
“Iha, anong nangyari?” Tanong ni Tito, ang ama ni Alisa.
“Ako po. Ako po ang mya kasalanan.” Sabi ko. Oo, ako ang may kasalanan. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari sa kanya to. Sana, nagsinungaling ako. Kung nagsinungaling ako, baka sakaling ligtas sya ngayon.
“LAGI NALANG IKAW! LAGING NALANG IKAW ANG DAHILAN NG ANAK KO!!” Naiiyak na sabi ni Tita sa akin. Sasampalin nya sana ako pero pinigilan sya ni Tito.
“Hon., yung anak natin. Baka may mangyaring masama sa kanya.” Naiyak na sabi ni Tita at napa-upo ito sa sahig.
“Mr. and Mrs. Lopez?” Agad kaming napalingon sa nagsalita.
“Doc., kamusta ang anak ko? Ligtas na po sya?” Tanong ni Tita.
“Sorry. But, she’s in a critical condition. She’s in a coma right now. Excuse me.” Sabi nito.
Napaupo ako at nilagay ang dalawang kamay ko sa mukha ko.
Bakit ngayon pang nangyari ang lahat ng to, sa araw ng monthsarry namin?
Bakit sa dinami-dami ng pwede kong makalimutan, ang araw pa na doble ang halaga kay Alisa?
To be continued….
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro