Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 25

Chapter 25

 

Play the song on the right side –I’ll Be Waiting For You (BOF OST)

 

Ivan’s POV

 

-Dumaan ang birthday nya. Pero, hindi ako nakagawa ng paraan para mapuntahan sya. Dahil kahit anong pilit kung pagpunta dun. Papasok palang ako ng elevator, pilit hinaharang na ako ng driver nila at ni Ate Sarah. At may mga guards din. Hindi ko alam kung bakit may body guards pa.

Ganto na ba kalupit sa kin ang mundo? Gustong-gusto ko na syang makita.

-Dumaan ang christmas. Pero, hindi pa din ako makagawang makapunta sa kanya. Pero, hanggang ngayon comatose pa din sya. Hindi ko alam pero, bakit parang sobrang pinagkakaitan sya ng mundo na mabuhay?

-Dumaan ang new year at Valentines Day. Hindi pa din sya nagigising. Isang buwan na lang. Isang buwan na lang, gaga-graduate na tayo Alisa. Isa yun sa pangarap mo di ba? Ang sabay tayong gumaraduate at makakatatanggap ng diploma. Di ba? Kaya please.. Gumising kana.

Kung hindi nyo naitatanong, ako na mismo ang nagsabi kay Kevin na wag na nya akong tulungan kay Ianne dahil ayoko na. Dahil pag pinagpilitan ko pa ang bagay na hindi naman talaga sa akin, baka hindi lang si Alisa ang mapahamak.

-Dumaan ang mga normal na araw. Wala akong ibang gawin kundi ang basahin ang diary nya. Hindi ko nga alam kung sya nga ba ang may-ari ng diary na’to. Dahil lahat ng nakalagay dito… about sa kin. Kilalang-kilala nya ako. Lahat ng gawin ko. Napapansin nya. Diary nya to simula noong 1st year high school kami. Kahit nga mapatingin lang ako sa kanya ng isang segundo, sinusulat nya iyon. Sobra na nyang saya doon. Wala syang naisulat about sa sarili nya. Basta ang lahat ng nandun tungkol sa kin.

//

Eto, eto na ang pinakaiintay naming lahat. Ang GRADUATION. Kung lahat masaya, kami lang siguro ni Kyla ang tila hindi masaya na makaka-graduate na kami. Kasi, hanggang ngayon hindi pa din sya nagigising. Ilang months na syang comatose. At eto nakakaramdam na naman ako ng guilt sa sarili ko, kung hindi sya naaksidente ng dahil sa kin, baka ngayon siguro sabay-sabay kaming makaka-graduate. Kami pa siguro ngayon, masaya kaming gagraduate dalawa.

Ka-tie ko si Ianne ngayon sa honor soc. Katabi ko din sya sa upuan, pero wala na yung sobrang pagmamahal ko sa kanya. Isang buwan bago maaksidente si Alisa, saka lang ako nalinawan na move-on na nga ako sa kanya. Nag-uusap na din kami ng parang mag-kaibigan. Kung meron man akong nararamdaman sa kanya, siguro pag-hanga na lang ang lahat ng iyon.

Pumanik na ako sa stage, binigay na ang diploma ko. Mas masaya ako siguro kung makita ko din sya na tinatanggap ang diploma nya.

Nitong mga nakaraang buwan, mas naging ka-close na naming magbabarkada si Kyla. At syempre, ganun pa din sila ni Vince. Away, asaran at pikunan. Sa gitna ng mga tawanan at kwentuhan namin, nasagi pa din sa isipan namin ang nangyari kay Alisa. Ganun din si Aaron. Ka-barkada na namin sya ulit. Akalain mo yun? Na-miss ko ang gagong to.

Sa galaan, nakakasama din namin si Ianne. Pero, para sa kin. Isa na lang sya kaibigan. Hindi ko alam kung bakit parang nawala lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Parang dati lang, gustong-gusto ko syang bawiin kay Aaron. Pero ngayon, botong-boto ako sa kanila. Tama nga sila, “When time goes by, it can also change your mind.”

Pag naiisip ko ang sandaling nagmamakaawa ako kay Ianne para balikan nya ako. Yung mga araw na iniisip ko sya. Yung araw na pumayag ako sa pustahan dahil sabi ni Kevin pag nasaktan at nagalaw ko daw si Alisa, tutulungan nya ako kay Ianne. Natatawa nalang ako ng sobra pag naiisip ko ang mga araw na yun.

Yung galawin si Alisa? Wala naman talaga yun sa isip ko. Ang balak ko lang talaga ay ang saktan sya.  Don’t get me wrong, dahil sobra sobra ang pagmamahal ko kay Ianne noon kaya wala akong pakielam kung makasakit man ako basta ang gusto ko, mabawi ko sya.

At eto, natatawa na naman ako. Haha! Pero bakit sa kabila ng kahit anong tawa ko? Hindi ko pa din maiwasan ang makaramdam ng lungkot.

//

Napag-usapan din namin kung saan kami magco-college. Ako, Vince, Josh, Kyla, Aaron at Ianne ay naisipang mag-enroll sa Miller University sa Manila. Mas masaya siguro kami kung kasama sa pag-enroll si Alisa. Hanggang ngayon, comatose pa din sya. Hindi namin alam pero, sobrang tagal na nyang natutulog. Pagkagising nya nga, balak ko syang asarin na sleeping beauty eh. Pero sana, dumating yung time na pumayag na ang magulang nya na makabisita ako sa kanya. Dahil ilang buwan ko na siyang hindi nakikita. Nakakakuha lang ako ng balita kay Kyla, pero, ganun pa din ang binabalita nya. Walang pinagbago.

Kami rin nila Vince ay nawiwili sa paglalaro ng soccer. Di namin alam kung bakit parang nahilig kami kaagad dito. Tinuruan rin kasi kami ni Josh dahil kahit papaano naman ay marunong sya. At ayun, nagka-interest kami kaya pinag-aralan din namin.

Dumaan ang mga normal days, suot-suot ko pa din yung sing-sing na mickey mouse na couple ring namin ni Alisa. Napapangiti ako pag tinitingnan ko ito. Kahit hindi ko sya makita, basta makita ko lang tong sing-sing na to, nararamdaman ko ang presence nya. Parang ang sing-sing na to ang nagpapahiwatig kung gaano ako kamahal ni Alisa.

Austin’s POV

 

“Bata palang ako, dinala ako ng parents ko sa New York USA para mag-bakasyon. Pero, ilang buwan lang ako dun. Tas umuwi kami sa Europe. Tas alam mo ba grabeh lang, yung mga pagkain. Feeling ko, anytime isusuka ko yung mga pagkain. Pero, buti nalang at nasanay na ako. Tas, alam mo ba nung nag-mall kami. May lumapit sa kin na manager daw ng isang… ano nga ba yun? Limot ko na. Basta manager. Hehe. Kaya bata pa lang ako, naging modelo na ko. Pagtungtong ko ng 14, tumanggap na ng movies ang manager ko. Pero, nagkaroon din ako ng interest sa pag-kanta. Kaya, pinagsabay-sabay ko yung tatlong yun. Grabeh, ni-hindi na nga yata ako natutulog eh.” Kwento ko sa kanya. Nasanay na din naman ulit akong mag-tagalog dahil araw-araw ko syang kinukwentuhan. Kahit hindi nya nakikita yung nagkukwento sa kanya, basta ang alam ko lang, naririnig nya ako. Para pag-gising nya, kilala nya ang boses ko.

Wala sina Mama at Tita Allie, may inaasikaso sila about sa arrange marriage namin. Ang Dad ko at si Tito Andy naman ay magka-syoso na sa company. Ang mga body guards naman ay naka-bantay sa labas. Mahirap na, baka malaman ito ng media.

Dito na rin ako napasok. Pagkagaling ko ng school, sa ospital ang diretso ko. Para ngang dito na ako nakatira eh.

Tinitigan ko sya, sobrang ganda nya. Napaka-amo ng mukha. Mas nakita ko ang ganda nya dahil gumaling na ang mga sugat, at pasa sa mukha nya. Minsan, hindi ko alam kung bakit may natulong luha sa mga mata nya habang natutulog sya. Dala-dala pa din ba nya yung sakit? Hayaan mo Alisa, pagkagising mo. Hinding-hindi ka na luluha. Kung luluha ka man ng dahil sa kin, sisiguraduhin kong tears of joy yun.

 

“Tas alam mo ba na may babaeng nakapagpatibok ng puso ko? Bata pa lang ako nun. Eto yung nagbakasyon ako sa New York. Alam kong bata pa ako nun pero, minahal ko na talaga yung batang babaeng yun. Kaya lang, babalik na sya ng Pinas, kasama yung naging kaibigan ko din sa America na si Cedrick. Sabay silang uuwi ng Pinas. Ako naman, uuwi sa Europe. Pero, alam mo ba na yung sinasakyan nilang eroplano pabalik ng Pilipinas, nag-crush. Kaya ngayon, hindi ko alam kung nasan sila. Lihim ko syang hinahanap. Pero, nawalan na din ako ng pag-asa dahil ilang taon na ang lumipas. Naisipan ko na din ang mag move on.” Dagdag ko pa sa kwento ko. 

Ang dami ko pang kinuwento sa kanya. Naisipan ko na wag munang bumalik ng Europe. Pahinga muna ako sa trabaho ko ngayon. Pumayag naman ang manager dahil ilang taon kong pinagtuunan ng maigi ang pagiging teen-age international pop star. Basta ang gusto ko, sa pag-gising nya. Ako ang una nyang makikita.

Napag-usapan na din namin ang pagpapagawa ng bahay naming dalawa ni Alisa. Kahit alam ko na wala pa syang alam dito sa arrange marriage na to. Pero ayon sa kwento ni Tita Allie, may boyfriend pa daw si Alisa, pero may mahal na iba. Mas piniling rebound daw nito, pero nasaktan daw kaya nangyari itong aksidenteng to. At ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Ivan Sy. Ang kababata ko bago ako umalis ng bansang Pilipinas.

Natatakot lang ako na baka sa pag-gising nya, ang pangngalang “Ivan” ang hanapin nya. Natatakot din ako kung anong magiging reaksyon nya sa arrange married na to. Natatakot ako na baka hindi nya ko magustuhan. Natatakot ako na baka ang mahal pa din nya ay si Ivan sa kabila ng lahat.

 

Napatingin ako sa kamay nya. Hinawakan ko ito. Sobrang sarap sa pakiramdam. Napatingin naman ako sa sing-sing nyang minnie mouse. Ilang beses ko ng napapansin ito dahil araw-araw ko ding hinahawakan ang kamay nya. Araw-araw din kasi akong andito.

Pero, biglang may pumasok sa isipan ko.

“Hindi kaya’t couple ring nila to ni Ivan? Kung minnie mouse yung sa kanya. Ibig sabihin, si mickey mouse….kay Ivan?” Hindi ko alam pero bigla ko nalang tinanggal yung sing-sing na yun sa daliri nya at isinilid sa bulsa ko.

Napatitig ulit ako sa mukha nyang natutulog. Sa pictures na nakita ko, sa isang iglap,  nainlove agad ako sa kanya. Ngayon, nasa harapan ko na sya, mas lalo akong nainlove sa kanya. Paano na kaya pag nagising na sya.

Kyla’s POV

 

College na kami. Pare-parehas kami nila Vince ng pinag-enrollan. Si Ivan, Vince, Aaron, at Josh ay engineering ang course. Kami naman ni Ianne ay HRM (Hotel and Restaurant Management). Hindi mo talaga aakalain na marunong mag-luto pala tong si Ianne. At kung hindi nyo po alam, medyo close na kami. Pero syempre may bad side pa din sya na sobrang ayoko. Bilib nga ako kay Aaron dahil napagtitiisan nya ang mga bad sides ni Ianne.

Inilipat din ng ospital si bestfriend sa Manila kaya ayun nga, sa Miller University namin naisipang pumasok para kahit papaano mapuntahan ko ang bestfriend ko. Kung dun kami sa Laguna magco-college eh di talagang napalayo na sa akin si bestfriend. Di pwede yun. Kaya, kahit kaming barkada napilitang dito nalang sa Manila tumira kasama ang mga pamilya namin. At syempre, hindi to pwedeng malaman ni Tita Allie. Hindi alam ni Tita na kasama ko sina Ivan dito. Anong magagawa ko? Kailangan kong mag-lihim kundi mapipilitan sila na dalin si bestfriend sa America. 

Hanggang ngayon, comatose pa din sya. Ilang buwan na kung sabik-sabik na makausap sya. Ganun din naman si Ivan, ang hindi nya alam naka-arrange married na si bestfriend. Hayyy. At ngayon nya lang na-realize na mahal na yata nya si bestfriend.

Pagkagaling ni Austin sa school, sa ospital agad ang diretso nya. Sya lagi ang naka-bantay kay bestfriend. Sa ospital na nga din sya nagawa ng assignments, projects, at dun na din sya nagrereview. Ni-hindi din nya naiisipan ang umuwi sa tinitirahan ng magulang nya.

                                                                   ****

Isang taon na syang comatose. Ang bilis ng mga araw. Isang taon na pala akong walang bestfriend na kasama. Sa isang buwan na ang birthday nya, hanggang ngayon hindi pa din pinapayagang pumunta ni Tita Allie dito si Ivan.

Si Austin naman, araw- araw talaga syang naka-bantay kay bestfriend. Habang nakatitig palang ako sa kanilang dalawa, alam kung aalagaan, mamahalin at hindi sasaktan ni Austin. Gusto kong makitang sumaya si bestfriend. Ayoko na ding masaktan sya ulit, at si Ivan na naman ang dahilan.

Yahoo, Skype, Facebook, twitter, wattpad & other social networks… Iginawa namin sya ng bago.

//

Birthday nya. As usual, hindi talaga makapunta dito si Ivan dahil ang body guards din ni Austin ay nakabantay sa labas ng pintuan at labas ng ospital. Mahirap na baka ma-media kung bakit andito si Austin.

Dumaan rin ang birthday ko.. Nakaka-miss yung biglang may tatawag sayo ng…

“BESTFRIEND!! HAPPY BIRTHDAY!! LOVE YOU!!”

At hinding-hindi sya nawawalan ng ideas para lang suprisahin ako.

Pero dahil lang sa iglap, naaksidente sya comatose pa din sya hanggang ngayon.

Isang taon at isang buwan na syang nandito sa Pilipinas. Mas pinili nyang alagaan ang bestfriend ko kesa sa career nya. Pag nagising si bestfriend, ewan ko nalang pag tinanggihan nya ang arrange married na yan!

-

Christmas…. Naisipan naming mag-sleep over kami kila Ianne. Ganun pa din. Buo ang barkada. Mas masasayahan siguro kami kung andito si bestfriend. Pero, hanggang ngayon hindi pa din sya nagigising.

-

New year, Valentines… hanggang ngayon comatose pa din sya.

-

March na…. Mag2-2nd year college na kami. Bestfriend, wala ka bang balak mag-college? :’’(

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: