Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 22

Chapter 22

Alisa’s POV

October 1. The day I’ve been waiting for. Our first monthsarry.

“Bestfriend!!!” Sabay namin sabi ni bestfriend pagkakita namin sa isa’t isa.

“Happy Birthday!!” Bati ko ulit sa kanya. Sa bahay kasi nila ako nakitulog. Pero, uamlis din ako ng umaga dahil naiwan ko pala yung uniform ko sa bahay. Kaya, umuwi ako. =_=

“Waaa! Thank you bestfriend! Love you!” Sabay halik nya sa pisngi ko.

“Waah! Love you too bestfriend!” Hinalikan ko din sya sa pisngi.

“Sya nga pala, may sasabihin ako.” Sabay na naman naming sabi. Hahahahhaha.

“You first. Sige, ano yun?” Tanong ko dahil mukhang ang saya ng mukha ni bestfriend.

“Waaaah! Ngayon ang uwi ni Austin sa Pinas!!!! Waaah! Sakto sa birthday ko bestfriend, mahihimatay ako! Gosh!! Kaninang 5pm ang flight nya. Mga gabi siguro, andito na sya. Waaah bestfriend!!! Malapit ko na syang makita! Dream come true bestfriend!!!! Waaaah!” Itsura ko -> =______________________________________=

“Oh sige, ikaw anong sasabihin mo?” Mabuti nalang at nag-seryoso na sya. -_-

“1st monthsarry namin ni Ivan ngayon.” Bulong ko kay bestfriend.

“Naman bestfriend eh! Nasabi mo na sa akin yan kagabi eh!” *pouts*

“Nasabi ko na ba? Hahahaha! Di ko tanda.” Lokaret talaga to kahit kailan. =_=

“Pero wait.. binati ka naman ni Ivan? Hulaan ko, HINDI.” Sabi nito.

“Alam mo ang nega. mo! Parang last week botong-boto kay Ivan tas ngayon. Tsss.” Sabi ko naman.

“Pero hindi nga? Hindi ka pa binabati?” Tanong nito.

“Honestly, hindi pa. Saka, okay na din yun! Para hindi nya alam ang surprise ko sa kanya mamaya! ^__^” Sabi ko naman.

“Basta ha! Samahan mo ko bestfriend mamaya!”

“Oo naman bestfriend! Basta ba pagkatapos icecelebrate natin yung birthday ko ha?!”

“Oo naman! Kailan ba tayo hindi nag-celebrate ng birthday mo?! ^^”

Oo, pinaghandaan ko these past few days. Romantic date to. Tas, ipapakita ko sa kanya lahat ng mga gamit na palihim kung nakuha sa kanya. Never ko pa kasing nabanggit yun sa kanya eh. Saka, binili ko yung tiningyan nya sa mall noon. Napansin ko lang na ang tagal nyang tinitigan nung kwintas na yun. Kaya naisipan kung bumalik dito kahapon at bumili. Hindi ko alam kung kanino nya ibibigay. Baka sa kin? :”””) Assuming. =_= Basta ang alam ko. Gusto nya yun. =))

“May practice sya ng basketball mamaya. Eh di tamang-tama, gabi na ang tapos. Eh di mas romantic kasi nagpahanda din ako ng lights. Kinausap ko na si Ate Sarah, sya yung mauuna dun para mag-ayos. Tas tayo naman, yayayain natin si Ivan kunwari sa mall. Basta kahit san. Ikaw ang magdadrive ng kotse nya ha. Alam ko naman na marunong ka. :P Tapos ako na ang bahala para maikabit sa kanya yung blind fold. Okay ba?”

“Woah. Ang galing mo ah! Mahal na mahal mo si Ivan noh? Sana lang mahal ka din nya talaga dahil pag hindi, ibabangga ko yung sasakyan mamaya. Pero, syempre, hindi ko gagawin yun dahil baka mamaya magkapeklat, masugatan o kaya naman magka-amnesia pa ko. Kaya, bubugbugin ko nalang. Ok lang ba?” Sabi naman nito. =_= “Magaling bestfriend! Tama yang desisyon mo! Tayo mismo ang bubugbog. Walang bawian ok? Bwahahahahha.” Teka lang, baliw na ba ang bestfriend ko? >.<

Hindi ko muna guguluhin si Ivan ngayon. Hahahahaha. Magreready muna ako para mamaya. Whahahahaha.

                                                                   ****

“Bestfriend, dalian mo! 6pm na oh! Baka ma-late tayo medyo malayo-layo din yung place na yun! Halika na, excited na ko eh!” Pagmamadali kong sabi kay bestfriend.

“Asan ba si Ivan?” Tanong nito.

“Malamang nasa court! Halika na kasi, dalian mo!” Sabi ko dito.

Tumakbo naman kami ni bestfriend ng sobrang bilis habang magkahawak ang kamay.

“Bestfriend! Birthday ko ngayon tas pinapahirapan mo ko sa pagtakbo.” Halatang pagod na pagod na si bestfriend. Birthday na birthday pinapagod ko. Hahaha.

“Bestfriend, lak….lakad…lakadin na…nalang natin!” Sabi ko. Kasi sobrang pagod na pagod na kami. Sobrang laki pa naman ng campus na to.

At ayun naglakad na nga lang kami.

                                                                   ****

Play the song on the right side -- What Should I Do (BOF OST)

Finally, andito na kami. Tapos na ang practice nila kaya nasa may boys locker room sila for sure. Nakita na din namin na nagsisilabasan na din yung mga ibang ka-teammates ni Ivan.

“Bestfriend, game! :D” Sabi ko dito pero napatigil ako dahil mukhang ang saya nila Ivan at ang mga kaibigan nya. Andito si Josh, Vince, tas may dalawa pang lalaki na hindi ko naman kilala. Pamilyar lang yung mukha, Tas..yung kapatid ni Ianne?

“Hahahahhaha. So, ayun pala ang plano mo? Woah! Ang galing mo talaga Ivan! Idol na kita!” Sabi nung isang lalaki. Napaurong ako at napasandal sa may pader sa labas. Ganun din naman si bestfriend.

Anong plano? Mas mabuti siguro kung pakinggan ko muna sila.

“Bestfriend, ba’t ayaw mo pang pumasok? Kanina nagmamadali ka tas ngayon ayaw mong pumasok. Yung totoo bestfriend, nagbago na isip mo kung itutuloy mo pa noh?” Sabi nito.

“Shhhhhh.” Sambit ko.

“Syempre, ako pa! Napakadaling utuin nun eh! Hahahahah.” This time, si Ivan na ang nagsalita.

Sinong madaling utuin? Ang daming tanong ang naiipon sa utak ko.

“Hahahahhaah. Nagalaw mo na ba?” Kilala ko din kung kaninong boses yun. Kay Kevin. Ang kakambal DAW ni Ianne. Pero, hindi naman silang mukhang kambal. Basta!

“Oo nga, nagalaw mo na ba Ivan? Nako! Gawin mo na! Gustong-gusto ka na naming tulungan kay Ianne eh!”

Tulungan kay Ianne?

“Basta malapit na. Ako na bahala. Bibigay din yung si Alisa.”

Bibigay din yung si Alisa.

Bibigay din yung si Alisa.

A-A-Ako? Ako ba ang pinaguusapan nila?

“Teka lang, baka naman kaya ayaw mo ng gawin kasi na-fall ka na? Pag tama ako, yes! Panalo pusta ko!”

Pusta? Nagpupustahan sila?

“Hahahahaha. Gago. Ako? Ma-fall sa kanya? Eh halos nga lahat ng ayaw ko sa babae na sa kanya eh. Saka, wag ka ng pumusta dahil hindi mangyayari yun Jason. Never na mangyayaring maiinlove ako sa kanya.”

Never? Ibig sabihin…..l-lahat ng sinasabi at pinapakita nya, hindi lahat totoo yun?

“Basta pag nagawa ko, tutulungan nyo ako kay Ianne ha.”

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Basta ang naramdaman ko lang, may tumulo ng luha sa mga mata ko.

“Bestfriend…..”

“Guys! Naiwan ko yung jacket ko! Nakita nyo ---------“ Padating na sigaw ni Julius.  “Oh Alisa, hinahanap mo ba si Ivan? Ivan, hinahanap ka ng girlfriend mo!” Agad kung pinunasan ang mga luha ko at hinila si bestfriend palabas.

“Bestfriend…...” Agad akong napayakap sa kanya. Bakit ganto? Bakit sobrang sakit?

“Pinili ko to. Ako ang nagdedesisyon nito. Bakit… Bakit sobrang sakit?” Diretsong iyak ko pa. Hindi ko na kaya.

“Iiyak mo lang.” Sabay himas sa likod nito.

Bakit kung kailan first monthsarry saka nangyari ang lahat ng to? Bakit ngayon ko pa kailangan malaman na hindi naman talaga nya ako mahal? Bakit ngayon pa? Bakit nya ako pinaasa ng sobra sobra?

Nakayakap pa din ako kay bestfriend at hinahampas-hampas ang likod nito. Galit ako. Sobra. Maiintindihan ko naman kung si Ianne pa din ang mahal nya hanggang ngayon. Hindi nasana sya NAGPANGGAP na mahal nya din ako. Dun ako nasaktan, lahat ng sinabi at ginawa nya, lahat yun PAGPAPAPANGGAP lang.

“Wifey….” Boses ni…ni… Ivan. Agad akong napabitaw kay bestfriend. Nakita ko din sina Josh at Vince.

“Wifey? Ang galing mo Ivan.” Mas lalong may tumulong luha sa mga mata ko. Gusto kong ipa-explain lahat ng mga sinabi nya kanina. Gusto kong malaman kung totoo ba ang lahat ng iyon, “Lahat ba ng sinabi mo kanina? Totoo ang lahat ng yon?” Nagpuputol-putol na din ang boses ko dahil sa kaiiyak at sakit na nararamdaman ng puso ko.

Sabihin mo lang na hindi totoo ang mga sinabi mo kanina, na joke lang lahat ng yun sa’yo.…. Papatawadin kita.

“Oo. Totoo ang lahat ng yun.” Sabi nya dahilan para mas lalong sumikip ang dibdib ko. Ang sakit. Sobra.

“Ni-minsan ba minahal mo ko?” Tanong ko.

Sabihin mo lang na “oo”, kakalimutan ko ang mga narinig ko kanina. Kakalimutan ko na nangyari to.

“Si Ianne lang ang kaya kung mahalin.”  Napapikit nalang ako.

“Si Ianne lang ang kaya kung mahalin.” 

“Si Ianne lang ang kaya kung mahalin.” 

Kasalanan ko to eh. Nag-assume ako ng sobra.

“Pati ba ang pag-sabi mo sa kin na mahal mo ko? Kasinungalingan lang ba?” Tanong ko ulit. Gusto ko lang malinawan.

“Lahat Alisa kasinungalingan. Pati ang pagsabi ko na mahal kita.” Wala na. Durug na durog na ko. Hindi ko na kaya. Nabitawan ko na yung blind fold na hawak ko.

Akala ko pwede pa. Akala ko kaya ko pa. Hindi na pala.

Hindi ko din na nakayanan. Kaya tumakbo na ako. Ayoko na.

“BESTFRIEND!!!!!!”

Yung mapapa-isip ka na lang kung ano ba ang mali mong nagawa para i-deserve ang lahat ng sakit na nararamdaman mo.

Wala akong maisip na dahilan para maideserve ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Diretso pa din ako sa pagtakbo ako. Gusto kong makapag-isa.

*BOOM*

And everything went black.

Kyla’s POV

“BESTFRIEND!!!!!” Tanging likod nalang ni bestfriend ang natatanaw ko.

Binalik ko ang tingin ko kina Ivan pati sa barkada nito, “Tangna lang. Alam nyo yun?! Kung hindi mo sya mahal, sana hindi ka na lang nagbigay ng motibo! Gago ka pala eh! Alam mo yung mga taon na pilit ka nyang sinisilayan sa malayo samantalang ikaw napakasaya mo kasama si Ianne. Oh ngayon, nasan na sya? Di ba na kay Aaron na?”

Lumapit ako sa kanya at sinampal sya, “Dapat ng una palang binalaan ko na si bestfriend eh! Dapat ako mismong bestfriend nya ang nag-layo sayo! Pero kahit ako napaniwala mong mahal mo na sya. Pero, mali ako. Maling-mali.” May tumulo na ding luha sa mga mata ko.

“Kyla….” Hinawakan ako ni Vince.

“BITAWAN MO KO!!! MAY ALAM BA KAYO DITO HA?!!! SABIHIN NYO!!!!!!” Sigaw ko sa kanila ni Josh.

“Sorry. Sinubukan nam----“

“Dapat hindi na nagplano si bestfriend. Sayang lang ang effort nya. Dapat pati sya nakalimutan ng monthsarry nyo.” Nauutal ko na ding sabi dahil patuloy ang pagtulo ng luha ko.

“M-Monthsarry?” Nagtatakang tanong ni Ivan.

“Sa bagay, ba’t pa ko nagtataka. Lahat nga lang ng meron kayo kasinungalingan lang?”

“Principal!! Principal!!! May nabangga po sa may kanto!! Isa po sa estudyante dito!!” Sigaw nung guard.

Nagsilabasan ang mga teachers, pati na din ang principal. At bigla kung naalala si bestfriend. Kinabahan na ako ng sobra sobra.

Kaya, agad akong tumakbo palabas ng school. Medyo kalayuan pa kaya tumakbo ako ng napakabilis. At nakakita ako ng mga kumpol na tao. Tumakbo ako ng napakabilis.

“Tabi!!!” Sigaw ko at tinulak ko ang mga tao patabi para makita kung si bestfriend nga ba.

Sana hindi… Sana hindi… Sana nagkakamali ako….

“Bestfriend!!!!!” Sigaw ko. Si bestfriend nga. Agad ko syang nilapitan.

“BESTFRIEND!!! BESTFRIEND!!! GUMISING KA!!!” Sigaw ko. Duguan sya. Nung nahawakan ko ang ulo nya, dito nanggaling lahat ng dugo.

“TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!!!!” Sigaw ko.

“Alisa!!” Sigaw ni Ivan at agad na lumapit kay bestfriend.

“WAG KANG LUMAPIT DITO!!! UMALIS KA DITO!!!” Sigaw ko sa kanya.

“Padating na ang ambulansya.” Sabi ng isang teacher.

“Alisa…” Sambit ng mga nakikilala kay bestfriend.

Napatingin ako sa sasakyan na nakabangga. Basag yung salamin nung unahan. At may dugo na rin yung basag na salamin.

“Grabeh nga eh. Natakbo po sya. Tas biglang may padating na sasakyan. Nabasag nga po yung salamin eh.” Sabi nung nakakita.

“Bestfriend, saglit nalang malapit na dumating ambulansya.” Sabi ko sa kanya.

“Bestfriend! Gumising ka! Di bas abi mo icecelebrate pa natin ang birthday ko?! Bestfriend naman eh!” Mangiyak-iyak ko ng sabi.

Bakit kung kailan birthday ko pa saka nangyari to?

                                                                   ****

Andito kami sa ospital ngayon. Si Ivan, Vince at Josh.

“Kyla…sorry.” Sabi sa akin ni Ivan.

Wala ako sa sarili. Nakitingin lang ako sa iisang direksyon at may natulong luha pa din sa mga mata ko. Kung hindi sana naririg ni bestfriend ang lahat ng yun hindi mangyayari to.

“Pag may nangyaring masama kay bestfriend, hinding-hindi kita mapapatawad.” Sabi ko pero ganun pa din ako, tila wala sa sarili.

“Kyla iha, asan ang anak ko?!!!!” Tanong sa akin ni Tita Allie pagkadating ng ospital.

“Nasa emergency room pa po.” Sabi ko.

“Ate Sarah…” Agad akong napayakap dito. Sya kasi yung ka-close namin ni Alisa.

“Iha, anong nangyari?” Tanong sa kin ng Dad ni bestfriend.

“Ako po. Ako po ang mya kasalanan.” Sabi ni…. Ivan?

“LAGI NALANG IKAW! LAGING NALANG IKAW ANG DAHILAN NG ANAK KO!!” Naiiyak na sabi ni Tita Allie. Sasampalin nya sana si Ivan pero pinigilan sya ng Dad ni bestfriend.

“Hon., yung anak natin. Baka may mangyaring masama sa kanya.” Naiyak na sabi ni Tita Allie at napa-upo ito sa sahig.

“Mr. and Mrs. Lopez?” Agad kaming napalingon sa nagsalita.

“Doc., kamusta ang anak ko? Ligtas na po sya?” Tanong ni Tita Allie.

“Sorry. But, she’s in a critical condition. She’s in a coma right now. Excuse me.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: