Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 19

Chapter 19

Ivan’s POV

Research subject ngayon. Wala si Ma’am Miano kaya akong naiassigned na magturo ng Methodology sa section nila Alisa. No choice naman ako dahil ako lang ang may 99 na grade sa buong 4th year sa Research. Bakit 99? Halos lahat ng quizzes, seatworks, assignments, recitations, and tests. Lahat perfect ko.

Papasok na sana ako pero napatigil ako, “O yan, mga basurang tulad mo.” Sabi nito kay Alisa? Nakita ko kasi na nakatalikod si Alisa.

“ANO BASURA?!!ABA’Y MATATAMAA------“ Sigaw ni Kyla pero hindi na nito naituloy dahil pumasok na ako.

“ANO?!!BASURA?!!” Sigaw ko. Dahilanan para magulat lahat ang buong klase. Lalong nanlaki ang mga mata ni Venice, pati na din sina Alisa.

“Ivan…..” Sabi nito.

Pero, kaagad akong lumapit sa kanila.

“Ang ayoko sa lahat ginaganyan ang girlfriend ko. At una sa lahat, hindi sya basura. Sa susunod na gaganyanin nyo ang girlfriend ko, ako na ang makakalaban nyo.” Sabi ko.

Binato ko sa kanila yung papers na dapat mapag-aaralan nila.

“Kayo magturo. Nawalan na ako ng gana magturo sa klase nyo.” Sabi ko at hinila na palabas ng classroom si Alisa. Hindi ko alam pero ayoko ng ginaganun sya.

“IVAN!!” Sigaw ni Venice pero hindi ko sya pinansin.

Hawak-hawak ko pa din ang isa nyang kamay, hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Basta ang alam ko, gusto kong makalayo kami.

“Ivan…teka lang.” Napatigil sya dahilanan para mapatigil din ako.

“Ang sakit ng pagkakahawak mo sa kin.”Sabi nya.

“Bakit ka napayag na ginaganun ka nila?!” Sabi ko sa kanya.

“Mas lalo nila akong gaganunin kung lalaban ako. Mas mabuti ng wag ng gumati dahil kahit naman ako walang ideya kung bakit naging ganto ang trato nila sa kin.” Sabi naman nito.

Pero, kaagad ko syang niyakap. Hindi ko alam pero, nayakap ko nalang sya ng basta-basta.

Konti nalang Alisa….mababawi ko na si Ianne.

Alisa’s POV

Hindi ko alam kung bakit nya ako niyakap. Pero yung yakap na yun, sobrang lakas ng impact sa kin.

Mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa akin. Niyakap kodin sya pabalik.

Mahal na mahal kita Ivan. Mahal na mahal. Sana nga limot mo na sya.

Hindi na ako pina-attend ni Ivan ng ilang klase. Nagi-stay lang kami sa may court. Nag-kwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Pinakuha ko naman kay bestfriend ang mga gamit ko. Si Ivan naman pinapakuha da wnya ang mga gamit nya kila Vince. Pinakausapan din namin sila na dalhin nalang sa may court.

Pag nadala na nila bestfriend ang mga gamit namin, sasamahan daw ako ni Ivan sa practice ng Mr. and Mrs. Intrams.

Saka, natutuwa lang ako. This is the first time na nag-cutting class ako. Hehe. Okay lang. Masaya naman. Saka, kasama ko si Ivan. :””””””””””””)

                                                                   ****

After 6376574367 years…. Natapos na din ang practice. Wala naman kaming ginawa kundi ang rumampa ng rumampa. Positioning lang naman ang ginawa namin. Tas kung paano papasok at lalabas. Saka, inaalalayan naman ako ng partner kong si Brett.

Nag-cr muna ako. Pero, paglabas ko. Natunaw ko sa di-kalayuan si Ivan at… Ianne na nag-uusap. At eto, nakaramdam na naman ako ng selos.

“Bakit ang tahimik mo?” Tanong sa akin ni Ivan habang nasa sasakyan kami.

“Ah. Wala.Hehe.San ba tayo pupunta?Hindi naman to daan pauwi sa bahay namin eh.” Sabi ko. Kanina ko pa kasi napapansin na hindi kami sa bahay ko pupunta.

“Sa bahay namin.”Sabi nya.Nagulat naman ako.Dahil eto ang kauna-unahang sya mismo ang magdadala sa akin sa bahay nya. At lahat ng nararamdaman kong selos kanina, napalitan ng sobrang kilig. Hindi ko alam pero mabilis talaga akong kiligin. Hahahhahahahahahahah. XDD

Ilang minutes pa lang ay huminto na ang kotse nya sa tapat ng bahay nya. Mas maganda pala pag umaga mo makikita ang bahay nila. Dati kasi, gabi ako noong makapunta ako dito eh.

“Halika na.” Naka-ngiting sabi sa akin ni Ivan. Fvck. Wag kang ngumiti ng ganyan.Naiinlove ako. ^___^

“Oh sige.” Sabi ko naman ng naka-ngiti. Bakit ba hindi kasi mapigilan ang kilig? :””””>

Pagkapasok ko ng bahay nila, walang tao. Bakit kaya? Ay..meron pala. Si Manang. :D

Nauunang maglakad si Ivan. Pumanik kami sa itaas at dumiretso sa kwarto nya. Hanggang ngayon pala hindi pa din nya tinatanggal yung picture ni Ianne. At eto na naman, nakaramdam na naman ako ng selos.

Umupo ako sa side ng kama nya.

“Sya nga pala, hindi pa kita nagogood luck para sa laban mo sa Thursday. Good luck ha? Kayang-kaya mong talunin si Ianne.Sana manalo ka.” Nakangiting sabi sa akin ni Ivan habang may inaayos sya sa cabinet.

“Wala naman akong laban sa kanya eh. Una sa lahat mahal mo siya ako hindi.” Hindi ko alam kung bakit…. Pero, bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun.

Napatingin sa kin si Ivan, hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nya. Kaya napatungo ako at napapikit.Hayyy. Ano ba yung sinabi ko? Tsss. Pakiramdam ko lang kasi talaga na parang mahal pa din nya si Ianne eh. Naramdaman ko ang pag-upo nya sa kama katabi ko kaya kaagad akong nagmulat.

“Dahil ba yun sa picture?” Tanong nito sa akin at tinuro yung picture.

“Ah. Oo.Hehehe.” Sabi ko naman. =_=

“Nandyan lang yan para may remembrance naman ako ng first girlfriend ko.” Sabi nya. Syempre, pinaniwalaan ko sya.

Tumango lang ako. Nabigla ako ng bigla nyang hawakan ang isa kung kamay. At mas nabigla ako ng sunod nyang hawakan ang chin ko.

“Alisa….. I love you.” At unti-unti nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

Nagkadikit ang aming labi.Sa loob-looban. Ang saya ko. The word “I love you” he said lately.

Nag-respond naman ako sa halik nya. Kahit hindi ako marunong. First kiss kasi. But, I’m glad. My first kiss is for him. :”””””””)

“Mahal na mahal kita Ivan.”Nasa utak ko habang we’re sharing our kiss together.

And because of this kiss, I can say he’s over with Ianne already.

Ivan’s POV

Bakit ko sya sinabihan ng “I love you”? Bakit ko sya hinalikan? Syempre, parte yun ng plano. Paano ko sya masasaktan kung hindi ko pa sya papahulugin ng maigi sa kin? Pag hindi ko to nagawa. Hindi ko mababawing muli si Ianne. Pero, bakit ganto? Bakit parang may naramdaman akong kaiiba? Erase. Erase. Erase. Erase.

Pagkatapos naming magbitaw, napangiti kaming parehas. Pero mas napangiti ako dahil alam kong kayang-kaya kong saktan ang tulad nya.

Mababawi kita Ianne

Dito sya nag-dinner sa amin. Alam kung alam ni Mama na si Ianne pa din ang mahal ko. Mabuti at maayos ang pakikitungo ni Mama sa kanya. Para ngang close na close na sila eh. Pagkatapos din naming mag-dinner, hinatid ko na sya pauwe. Hinalikan ko din sya sa labi, smack lang bago ako umalis. You’re doing great Ivan.

Alisa’s POV

I N T R A M S

Andito kami sa may backstage ngayon. Nasilip palang ako sa labas ng may stage, kinakabahan na ako. First time ko kasing nakasali sa ganto. Saka, andito si Ianne.Medyo awkward.

First: Yung naka-white na damit. Rarampa ka sa stage with your partner. Ang tugtog ay Diamond by Rihanna.

Kung wala siguro si Brett, baka nahimatay na ko sa sobrang kaba. Buti nalang nandito sya para alalayan ako. At sa sigaw pa lang ng mga tao, si Ianne na talaga ang panalo at ang ka-partner nyang si Michael. Eh di kayo na ang Mr. and Ms. Senior ng Saint Clare. Pero ,syempre. Ginalingan ko din ang pag-rampa. Nanonood kaya si Ivan. :”””) Ang mga magulang ko naman ay todo-suporta sa kin sa may backstage.

Pagkatapos ng pag-rampa namin. Dumaretso na agad kami sa may backstage para magpalit ng sports wear. Badminton ang naisip kong sports. Pag kasi swimming, magbebathing suit dapat ako. Eh nawawala yung bathing suit ko. =_______=

At ayun, rumampa na naman kami. Hindi ko na tiningnan ang suot ni Ianne dahil maiinsecure na naman ako sa sarili ko dahil kahit anong isuot sa kanya sobrang ganda pa din nya. Si Brett, parehas kaming badminton ang napiling sports. Ang galing nga eh, hindi namin pinag-usapan yan ha.

Pagkatapos ulit naming irampa ang sports wear, bumalik na ulit kami sa back stage para mag-talent portion. Kakanta with guitar ako. Pinaghandaan ko to. Tinulungan pa ko ni Aaron dito. Ang kantahin ko daw ay yung nararamdaman ko.

Panglima akong tatawagin. Kumanta din yung pang-apat. At ayun, tapos na sya. Waaaaaaah!!!!! O.O

“Good luck.” Tinapik naman ako sa likod ni Brett.

Huminga naman ako ng malalim bago ako pumuntang stage. Sh*t.

*WOAAH*

Hiyawan lang ng mga tao ang maririnig mo. Umupo na ako sa may upuan malamang. Pati background, pinaghandaan ko.

I start to strum my guitar. Na dahilanan para mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao.

Today was a fairytale, you were the prince

I used to be a damsel in distress

You took me by the hand, and you picked me up at six

Today was a fairytale, today was a fairytale.

Nakatingin lang ako sa lahat ng mga tao. Lahat sila naka-ngiti sa akin. Hindi ko alam pero aprang ang sarap sa pakiramdam.

Today was a fairytale, I wore a dress

You wore a dark gray t-shirt

You told me I was pretty when I looked like a mess

Today was a fairytale.

Hindi ko talaga inakalang naka-dark gray t-shirt si Ivan ngayon. Tamang-tama talaga ang pinili kong kanta.

Time slows down whenever you're around

But can you feel this magic in the air?

It must have been the way you kissed me

Fell in love when I saw you standing there

It must have been the way

Today was a fairytale

It must have been the way

Today was a fairytale.

Habang kinakanta ko to, nakatingin lang ako kay Ivan. Mahal na mahal ko talaga sya.

Today was a fairytale

You've got a smile that takes me to another planet

Every move you make, everything you say is right

Today was a fairytale

Today was a fairytale

All that I can say is now it's getting so much clearer

Nothing made sense until the time I saw your face

Today was a fairytale

Time slows down whenever you're around

Yeah yeah

But can you feel this magic in the air?

It must have been the way you kissed me

Fell in love when I saw you standing there.

It must have been the way

Today was a fairytale

It must have been the way

Today was a fairytale

Time slows down whenever you're around

I can feel my heart, it's beating in my chest

Did you feel it?

I can't put this down

But can you feel this magic in the air?

It must have been the way you kissed me

Fell in love when I saw you standing there

It must have been the way

But can you feel this magic in the air?

It must have been the way you kissed me

Fell in love when I saw you standing there

It must have been the way

Today was a fairytale

It must have been the way

Today was a fairytale

Today was a fairytale.

Natapos ang kanta. Palakpakan at hiyawan ng mga tao ang tanging mariririnig mo. Napatingin naman ako sa may judges, nakangiti sila sa akin.

Bumalik na din ako ng back stage, si Ate Sarah ang nakita ko. Binigyan ako nito ng cappuccino na binili pa sa starbucks. May tindahan kasi ng starbucks sa may labas ng school. Umalis na sila Mama at Dad, nagka-surprise business meeting daw eh.

Magpapalit na sana ako dahil magmomodel kami ulit. Dahil dun na mismo magdedesiyon ang judges.

*BOOM*

May bumangga sa kin. Dahilan para matapos ang cappuccino ko….sa damit nya. Gahhhhd.

Inangat ko ang ulo ko, si Ianne.

“WHAT THE HELL!!!” Sigaw nya.Fvck. White pa naman yung suot nyang damit. At natapunan pa ng coffee ko.

Agad akong napatayo, “Nako Ianne, sorry sorry.” Sabi ko habang pinupunasan ng tissue yung damit nya pero, wala. Walang nangyari.Mas kumalat. Ang masama,  kitang-kita kasi white yung damit nya.

“Sorry?! Mapapalitan ba ng sorry mo yang damit ko?!” Sigaw nya sa akin.

“Sorry talaga.” Sabi ko. Pinagtitinginan na kami dito sa may backstage.

“Sorry?! Fine, give me that dress. Wala na akong isusuot.”Sabi nito.

“Hindi pwede. Isusuot ko yun mam-----“

“Duh. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkamantsa ang damit ko!!!” Sigaw na naman nito.

“Ianne, kitang-kita naman na ikaw mismo ang bumangga.” Pagtatanggol sa kin ni Brett.

“Oo nga po. Saka, mahal ang pagpapagawa nitong damit na to. Mas doble nga yata ng pinambayad mo dyan sa damit mo eh.” Sabat naman ni Ate Sarah.

“Ate Sa----“

“Alisa, ibigay mo na.” Kilala ko kung kaninong boses yun. Kay Ivan.

“Ivan, look what she did to my dress!!!” Sabi ni Ianne.

“Alisa, ibigay mo na. Kasalanan mo din kung bakit namantsahan mo ang damit nya.” Sabi nito.

Hindi na ako nagsalita kundi kinuha kay Ate Sarah ang damit ko at ibinigay kay Ianne. Nakita ko naman ang lapad ng mga ngiti nya.

Pinilit ko ang ngumiti. “Pero, Mam ----“ Sabi ni Ate Sarah.

“Okay lang yun Ate Sarah.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

“Eh pano yung ----“

“Okay na yun Brett. Kaya mo namang ipanalo ang section natin di ba?” Sabi ko sa kanya.

“I mean, pano ka?” Sabi nito.

“Okay lang ako.” Pinilit ko na naman ang ngumiti.

Hindi ko kasi kayang humindi pagdating kay Ivan.

“Asan na na si Mam Allie? Baka pwede tayong magpadala.” Sabi ni Ate Sarah.

“Wag na Ate Sarah. Busy sila ngayon.” Sabi ko naman.

“Alis na tayo?” Sabi ko sa kanya.

“Sigurado ka? Hindi mo man lang babawiin yung damit mo?” Tanong nito.

“Wag kang umalis.” Kilala ko din kung kaninong boses yun. Kay Aaron.

“Aaron….”

“Bakit mo binigay?Sya yung mali.” Sabi nito sa akin.

Tinawag na ulit ng mga judges ang mga contestant. Kaya nagsilabasan na din. Kasama na din si Ianne suot ang damit ko. Pumunta na ding stage si Brett.

Hindi ako umimik, kasi eto na naman ang mga luha ko. Hindi ko alam pero iyakin lang talaga ako.

“Mam….”

“Alisa…” Niyakap ako ni Aaron.

“Halika na.Alis na tayo.” Sabi nya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ako naiyak.

Dahil ba hindi ako nakasama sa pagpili ng mga judges kung sino ang magiging Mr. and Ms. Senior?

Or just because, In the end, Ivan is still on the side of Ianne?

To be continued..

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: