Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 17

Chapter 17

Alisa’s POV

“Bestfriend, waaaah! Pano na yon?! Dapat nandun ka mamaya!” Sabi naman sa akin ni bestfriend pagkatapos kung sabihin sa kanya ang about sa family reunion mamaya. Simula kasi nung nakita nya ang pagiging sweet sa akin ni Ivan, botong-boto na sya kay Ivan.

“Kainis nga eh! Dapat kasi i-move nalang ng date ang family reunion na yan. Tss.” Sabi ko naman.

“Waaa. Bestfriend, families mo pa rin yun. Dapat nandun ka rin.Nako, pano na yan?” Nag-iisip din na sabi ni bestfriend.

Oo nga…pano na? Mamaya na din ang laban ni Ivan.

“Bestfriend, dito na ko ha. May practice pa kami ng Rondalla eh.Ingat ka.” Sabi nito at nag-wave pa sa kin.

Napatingon ako sa relo ko, 9:30am pa lang. Napa-aga yata ako. May 30 minutes pa ko. Mamayang 10am sharp ako pupuntang Lagunian.

                                                                   ****

Hindi ko alam kung bakit ako dito dinala ng mga paa ko. Pero, nakakamiss na din pala ang mag-gymnastic.  Ang last ko kasing practice ay last month pa eh.

Nililibot ko ngayon ang gymnasium na to. Kung itry ko kaya ulit ang mag-gymnatic this month?2nd floor nga pala ito.Sa 1st floor kasi, taekwondo dun. Sa 2nd floor naman, eto mga gymnastics na tinatawag na gymnasium. At sa 3rd floor, mga namang pumasok sa isipan ko, paano na mamaya? Ayshhh.

                                                                   ****

“Alisa, si Ivan?” Tanong sa akin ni Mrs. Panganiban.

“Ah. May practice daw po sila ng basketball. Mamaya na din po kasi ang laban nila eh. ^_^” Sabi ko naman. Eto na naman ako, pinagtatakpan na naman si Ivan. Ang totoo naman kasi, mamayang 2pm pa ang dating ng mga basketball players eh 12pm pa lang.

“Lagi nalang basketball. Pero Alisa, sabihin mo naman sa kanya na umattend pa din dito sa Lagunian dahil kung hindi, wala akong grade na ibibigay sa kanya.” Sabini Mrs. Panganiban.

“Opo. Sasabihin ko po sa kanya. ^__^” Sabi ko naman. Hayy, Ivan…

Sa daming articles nag binabasa ko, lahat nag-halo sa utak ko. Kaming mga trainors sobrang sakitna ng mga ulo. Paano ba naman, may mga students pa palang nagpapasa ng articles. Pag kasi maganda ang article ng mga ibang students, pwede silang mag-Lagunian kaya lang, Tuesday and Thursday sila. Late na kasi sila.

Syempre, may libreng lunch. Jollibee! ^__^ Mayaman kaya ang school.:P

Sayamng wala si bestfriend…wala din naman kasi ako masyadong ka-close dito sa Lagunian eh. Dahil sila mismo, gusto si Ivan. =____=

//

2:45pm na. Papunta na sana kami ni bestfriend sa court ng maalala ko na dapat uuwi na ako dahil nga may family reunion kaming pupuntahan sa Calamba. Pero….si Ivan.

“Bestfriend, nasa may parking lot na ang kotse nyo. Mukhang naiinip na kakaintay sayo ang Mommy at Daddy mo.” Sabi sa akin ni bestfriend.

“What?!Wala naman silang sinasabing susunduin nila ako ah. Hala, bestfriend mauna kana sa court. Susunod ako.” Sabi ko naman at tumakbo na papunta sa may parking lot.

“Ma, Dad…sorry. Kailangan po talaga na nandun ako.” Hinihingal-hingal ko pang sabi.

“We’ve been waiting for you like 30 minutes. Get inside.” Dad said.

“Dad….” Sambit ko. No. No. No.

“Get inside. Aalis na papuntang ibang bansa si Tita Cathy mo. Ikaw ang ineexpect nyang makita dun.” Sabi naman ni Mama.

“Pero Ma….” Sabi ko.

*TING*

“GET INSIDE!” Sigaw ni Dad. =_=

“Dad, Ma….susunod ako. PROMISE.” Sabi ko naman.

“But you don’t know how to c------“

“Dad, uso mag-commute.Promise, susunod ako.” Sabi ko naman. Tss. Bahala na.

“Anak, papahirapan mo pa sarili mo. Just get inside!” Sabi naman ni Mama.

“Lei, text mo nalang ako kung saan kayo ha? May pera naman ako parang-commute eh. Sige Dad, Ma, babye. ^__^” Hinalikan ko din sila sa cheeks at muli ng tumakbo papuntang court.

Sa totoo lang, hindi ako marunong mag-commute pag malayuan. Aalis na pala si Ate Cathy. :”((( Saan kayang resort? Sa pagkakaalam ko kasi, sa resort magaganap ang family reunion.

Ate, sa Monte Vista tayo matutulog. May gamit ka na dito sa car.

Text na galing kay Lei. “Ok.” Lang naman ang reply ko.

Ang tagal naman lumabas nila Ivan. Kalaban pala ng school namin ang Immaculate high school. Sila naman ang unang labas, at lahat kami ay napa-“WHOAAAA”. Dahil lahat sila, POGI! Hahahahhaha.Walang pangit. Wala ding may itsura lang. As in lahat sila POGI. Asan na ba ang Ivan ko? Pag lumabas na yun, siguradong talbog ang mga guys ng Immaculate. :PP

At eto na nga ang pinaka-aantay ko… Ang paglabas nila Ivan.

*WOAHHH*

Hiyawan ng buong tao sa paligid ang maririnig mo! Syempre, nasigaw din ako.

Tulad ng:

“Go, HUBBY!!” Dahilanan para mapatingin sa kin lahat. Hhahahahahahah.Yung ibang babae, syempre inirapan ako.At yung iba naman, nginitian ako.J

“Go, HUBBY!!!!!” Sigaw ko na naman na tila narinig ni Ivan. Tumingin lang sya sa kin na parang walang reaksyon. At ayun, nag-start na ang laro kaya mas naging malakas pa ang sigawan ng mga tao.

                                                                   ****

1st round, mas lamang ang team nila Ivan ng dalawang puntos. Pinagpahinga lang sila ng 2 minutes. Kahi tsa pag-inom at paglakad ni Ivan, naka-sunod ang mga mata ko. Napatigil sya, na…nakatingin sa akin? Hindi ko alam. Pero, mas tinitigan ko sya. At natuklasan na, si Ianne pala ang tinitingnan nya. Kung sa malayo, akalang ako nga ang tinitingnan nya. Pero hindi. Dahilanan para may kumirot na naman dito sa puso ko.

Dalawang tao sa likod ko at makikita mo si Ianne sa likod nung babae. At sya mismo ang tinitingnan ni Ivan. Nakita ko din nagkangitian silang dalawa. Dahilanan na mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko.

*Shake head*

“Go HUBBY!!! Go! Go!” Sigaw ko ulit.

Alisa, dapat hindi ka magpa-apekto.

Move on na si Ivan kay Ianne. Alam mo yan.

Mga salitang itinatak ko sa utak ko para gumaan naman ang pakiramdam ko kahit papaano.

“Go Babe!!!” Sigaw naman ni Ianne. Alam ko namang si Aaron ang sinasabihan nya. Ang hindi ko lang alam. Bakit bawat sigaw ni Ianne, nakukuha nya lagi ang atensyon ni Ivan? Kahit nagsisimula na ang laro nito, natingin pa din ito ng ilang mga segundo kay Ianne. Alam na alam ko. Dahil bawat kilos nya, minamatyagan ko.

Patapos na ang game, ganun pa din naman ang nangyayari. Bago sya mag-laro.Natingin sya kay Ianne. Ako lang tong tanga na naasa na ako na yung titingnan nya. Pero, si Ianne talaga.

At eto, eto ang pinaka-ayoko. Eto na naman ang mga luha. Hindi ko na mapigilan eh.

“Bestfriend, okay ka lang?” Tanong sa akin ni bestfriend na sobrang nagtataka.

“Wala..wala to. hehe.” Sabay punas ng luha ko.

“Sigurado ka? Teka, may nangyari ba?” Tanong ulit nito.

“Ha? Wala no. Okay lang ako. Nood na tayo. Hehe.”Nag-fake laugh ako.

Ayoko….

Ayokong ipakita na mahina ako.

Ayokong ipakita kay Ivan na nasasaktan ako.

 

Natapos ang laro.Syempre, panalo sina Ivan.Kunwari, masaya ako. Kunwari, ang saya saya ko dahil nanalo sila. Kunwari, nag-enjoy ako…Pero ang totoo, hindi naman.

Ivan’s POV

“Hahaha. Talo na naman sa tin ang Immaculate na yan. Wala na ba silang maibubuga? Hahahahha.” Tawa naman ni Jason. Si Jason, ka-team namin sa basketball. Kaibigan ko din pero minsan ko lang nakakasama. Andito kami sa may boys locker room.

Si Ianne lang naman ang naging inspirasyon ko sa naging laro kanina.

“Oo nga eh! Ni-hindi nga yata ako pinagpawisan sa laro kanina eh. Hhahahaha.” Tawa naman ni Kean. Si Kean, ganun din. Ka-team ko sa basketball at kaibigan ko din pero minsan lang kaming nagkakasama. Hindi din kasi sila ka-close masyado ni Vince at Josh.

“Hahahaha.Para ba kay Alisa yung laro mo kanina pre?” Tanong naman sa akin ni Josh, “Sa nakikita ko kasi, nagiging sweet ka na sa kanya eh. Eh di ibig sabihin? Move on ka na kay Ianne?” Sabi naman ni Josh.

Napatigil naman ako sa ginagawa ko, “Pre, ASA.” Sabi ko naman. Malakas naman akong magsabi ng ganun dahil kaming anim nalang ang natitira dito.Ang isa, si Kevin.

“Hahahhahaha.Maganda naman yun ah Ivan.Pustahan tayo, maiinlove ka dyan kay Alisa.” Pusta namang sabi ni Jason.

“Hahhahaha. Sabi ni Vince patay na patay daw yun sayo ah. Hindi lang halata. Hhahahahaha.Sige, ako din…pupusta. Pag nasaktan mo, tutulungan ka namin ni Kevin mabawi si Ianne kay Aaron. Hahahhaha.” Pusta din naman niKean.

Ianne….

 

“Pero, mas masaya pag nagalaw mo pa. Tas break mo agad! At pag nagawa mo, tutulungan kita kay Ianne.”Dagdag pa nito.

Si Kevin Sanchez, ang kapatid ni Ianne. Napatingin naman ako dito.

“Hindi ko din kasi gusto para sa kapatid ko si Aaron. Sinaktan na sya noon. Hindi pa sya nadala. Eh alam ko namang mahal na mahal mo ang kapatid ko. Kaya ikaw ang mas gusto ko sa kanya Ivan.” Sabi naman ni Kevin, “Pero syempre, gusto ko may thrill! Kaya, pustahan nalang. Pag nagalaw mo si Alisa at nasaktan ng sobra-sobra, tutulungan kita sa kapatid ko. Pagkatapos magalaw, break agad!Hhahahahahha.”Sabi naman nito.

“Sang-ayon ako kay Kevin! Ang saya nito pag nagkataon! Ivan, mahal mo pa din naman si Ianne di ba?” Sabi naman ni Kean.

“Ang sasama nyo mga g**o kayo uy!” Sabi naman ni Josh, “Wag kang makinig sa mga yan pre! Puro katarantaduhan nasa utak nyong tatlo.”Sabi nito.

Basta ang alam ko lang, gusto kong mabawi si Ianne kay Aaron.

 

“Anong galawin? Mga tarantado! Inosente yun. Palibhasa nakatikim na kayo eh.” Sabi naman ni Vince.

“Hahhahaha. Ang saya nga nun eh! Saka, ayun nga eh, inosente. Pag hindi nagawa ni Ivan, eh di hindi namin sya tutulungan kay Ianne, di ba Kevin? Hahhahhaa.” Sabi naman ni Kean.

“Hahhahaaha.Pustahan, maiinlove si Ivan kay Alisa.” Sabi naman ni Jason.

“Sige, pag nagawa ko. Masisigurado mo bang babalikan ako ni Ianne?” Tanong ko kay Kevin.

“Oo naman. Kayang-kaya kong sirain ang image ni Aaron sa harap ng parents namin.Kahit botong boto sila dito.”Sabi nito. Hindi ko alam kung bakit sobra ang galit ni Kevin kay Aaron. Basta ang alam ko lang, nung elementary sila, lagi silang magkalaban. Sa loob ng klase, sa basketball, sa company ng parents nila, sa kaibigan at naging magkaribal din. Naikwento na din sa kin yan ni Aaron dati. Kasi nga dati, bestfriends kami di ba?

“Sige. I’ll do it.” Sabi ko naman.

Basta bumalik lang sa kin si Ianne.

//

“Pre, binalaan na kita. Wag mo ng ituloy. Pwede naman na ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para balikan ka ni Ianne. Hindi muna kailangan ng tulong ng mga tarantadong yun.” Sabi ni Vince habang naglalakad kami papuntang parking lot.

“Oo nga.Never play with the feelings of others, you may win the game but the risk is that you’ll surely lose the person forever.” Seryosong sabi naman ni Josh sa akin, “Kaya, pre, habang maaga pa bawiin mo na yung pagpayag mo sa pustahan nyo kanina.” Dagdag pa nito.

“Guys, sigurado ako sa desisyon ko. Saka, wala naman halaga sa kin si Alisa. Wala din akong pakielam kung masaktan sya. Gagalawin ko lang naman eh. Kung ang ikinatatakot nyo na mabuntis ko. Wag kayong mag-alala. Gagamit naman ako.” Sabi ko naman, “Basta ang alam ko lang, gusto kong mabawi si Ianne.”

“Pero Ivan, kaya mo -----“

“Hindi ko kaya Vince. Ilang beses na kung gumawa ng paraan para magkabalikan kami pero walang nangyayari. She’ll end up choosing him! Tanging si Kevin nalang ang makakatulong sa kin. And please lang, wag nyong ipagsasabi ang balak ko. Palibhasa, hindi nyo po nararanasan ang magmahal ng sobra.” Sabi ko at nauna ng maglakad.

Tama naman ako di ba? Hindi nila ako naiintindihan dahil wala sila sa sitwasyon ko.

Hindi nila nararanasan ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi pa nila nararanasan ang magmahal ng sobra sobra.

Ang hinihiling ko lang naman ay bumalik sa kin si Ianne.

At kung ang saktan at gamitin si Alisa ang tanging paraan.

Gagawin ko.

 

 

To be continued..

 

**

[A/N: “Love is where you can do everything eventhough you can hurt the person who loves you.” CHOS! Nakuha lang sa twitter! ^^] 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: